Mabilis na napalitan ng saya ang kabang nararamdaman niya. "Totoo po ba Ma'am? Ibig sabihin hindi na ako magiging isang office clerk ngayong araw?" Paninigurado pa niya.Sunod-sunod ang naging pagtango ni Ma'am Andrea. "Of course. Congratulations once again, Miss Santiago," magiliw nitong sambit.Halos mapatalon siya sa tuwa pero maya-maya lang ay natigilan siya. Bakit ganun kabilis siyang inilipat sa sales position? Sa kaisipang iyon ay sumagi sa isipan niya ang mga katagang sinabi ni Drake kagabi. Posible nga kaya talaga na ang asawa niya ang may kagagawan ng lahat? Pero paano? Ganun ba talaga kamakapangyarihan ang boses ng isang driver sa Dynamic Group of Companies?Gayunpaman ay wala na siyang panahon pa para magtanong sa kanyang supervisor tungkol sa iba pang detalye ng pagkakalipat niya dahil agad rin naman siyan nitong idinismiss.Lumabas siya ng opisina ni Ma'am Andrea at nakasalubong ang dalawang empleyado na narinig niyang nag-uusap sa locker room kahapon. Naalala niyang mas
Hindi nagtagal ay dumating na sila sa apartment complex na tinutuluyan nila. Si Drake parin ang may karga kay Gavin kahit na nagpresinta na si Graciella. Habang paakyat sila sa kanilang unit, napasulyap si Drake na nakapikit na si Gavin.Noon akala niya istorbo lang ang mga bata sa buhay. Una ay wala namang bata ang may gusto sa kanya dahil natatakot sa itsura niya kahit na hindi naman siya pangit. Pangalawa, hindi niya rin masasabi na gusto niya ang presensya ng mga bata.Pero simula nang mapalapit si Gavin sa kanya, nagbago ang pananaw niya. Hindi naman pala masama ang presensya ng isang bata sa buhay niya. Katunayan ay nakakatuwa pa nga at magaan sa loob. Sa hindi sinasadya ay napasulyap siya kay Graciella. Ano kaya ang pakiramdam na bumuo ng ganitong klaseng pamilya kasama ang babae?Nasa ganun siyang kaisipan nang magvibrate ang kanyang cellphone habang nagtytype ng password sa pinto si Graciella. Akala niya ay tungkol lang sa kumpanya ang tawag pero nang makita niya ang laman ng
Sandali pa silang namasyal subalit makalipas ang ilang minuto ay napagod na si Gavin kaya naman napagpasyahan ni Drake na buhatin na ang bata hanggang sa makatulog na ito sa mga bisig ng lalaki."Uwi na ba tayo?" Tanong ni Drake habang naglalakad sila palabas ng park.Napasulyap naman si Graciella kay Gavin. "Mukhang kailangan na talaga nating umuwi," natatawa niyang sambit.May katabaan pa naman si Gavin kaya sigurado siyang mabigat ito. Pero sabagay, malakas naman si Drake. Kaya nga siyang buhatin ng lalaki eh! Isa pa ay pagod narin ang mga paa niya."Ano kaya kung ako ang magmaneho pauwi?" Suhestyon niya.Sinulyapan siya ni Drake bago umiling. "Marami kang iniisip kaya hindi mainam na ikaw ang magmaneho."Bahagya naman siyang natigilan. Hindi niya inaasahan na mahahalata ni iyon ni Drake kahit na wala naman siyang sinasabi. Pero totoo naman talaga na maraming laman ang utak niya kanina pa.Kahit na mukhang maayos na si Gavin, hindi niya parin maiwasang mag-alala. Bukas na ang sched
"Ito ba ang unang beses mong kumain sa isang self service grilled barbeque restaurant?" Curious na tanong ni Graciella nang makita ang reaksyon ni Drake.Uso ang ganito sa panahon nila ngayon at halos lahat ng tao ay kumakain sa ganitong klaseng restaurant lalong-lalo na ang nga katrabaho niya noon sa Dynamic Wheels. Ilang sandali pang nakatitig si Drake sa mga karneng nakahain sa harapan nila bago mabilis na umiling. "Of course not! K—kumakain din ako sa ganitong restaurant.""Talaga?""Yeah," anito bago nagpunas ng pawis."Kung ganun ay simulan na nating nag-ihaw," masigla niyang ani.Napapalakpak sa tuwa si Gavin lalo na nang magsimula na siyang magluto ng pork barbeque. Nang sulyapan niya si Drake ay curious itong tumitingin sa paligid at may halo pang ngiwi na tila ba nandidiri. Nagdududa tuloy siya kung totoo ba talaga ang sinabi nito sa kanya kanina."Pwede po ba akin ang unang naluto?" Excited na tanong ni Gavin.Nakangiting tumango si Graciella. "Oo naman!" Aniya at inilagay
"Ayos kalang ba?" Tanong ni Graciella nang makitang natigilan si Drake.Napakurap-kurap naman ang lalaki bago tumango. "Yeah. I'm fine."Sandali pa itong tiningnan ni Graciella bago napatango-tango. "Oh, okay. Back to the topic. Narinig ko sa mga kasamahan ko na kaya daw hindi ako natanggal sa trabaho ay dahil kamag-anak ako ni Mr.Ortega. Hindi ba nakakatawa yun?"Nakahinga ng maluwag si Drake sa idinugtong ni Graciella. Akala niya ay nabuking na siya. Well, kung sakaling mangyayari ang bagay na iyon, wala na siyang choice kundi ang umamin nalang.Lihim namang pinagmasdan ni Graciella ang reaksyon ni Drake para tingnan kung may sinabi ba ito kay Mr.Ortega at tinulungan siya ng lalaki para hindi siya matanggal sa trabaho. "Dapat siguro sabihin mo kay Mr.Ortega ang tungkol sa bagay na ito. Baka kasi makarating sa tenga niya ang tungkol sa tsismis. Nakakahiya naman sa kanya," nag-aalalang ani Graciella. Baka mamaya maapektuhan ang trabaho ng asawa niya."Dapat sinulit na nila ang tsismi
Lampas alas singko na ng hapon ng makalabas sa trabaho si Graciella. Halos kalahating oras na naghintay si Gavin sa kanyang tiyahin."Tita, ano po ang ulam natin ngayong gabi? Ang saya-saya ko po na sinundo niyo ako," masiglang ani Gavin habang naglalakad sila palabas ng school gate.Hindi naman nagpapanggap lang si Gavin sa sinabi niya. Hindi siya sinusundo ng Mommy niya noon dahil malapit lang naman daw ang apartment nila sa paaralan niya. Minsan naman ay sinasabay nalang siya pauwi ng kapitbahay nila.Kahit na naramdaman niya na may tiwala ang kanyang ina sa kanya dahil hindi na siya sinusundo ng mga ito, naiinggit parin siya sa ibang bata na araw-araw sinusundo ng mga magulang nila at binibilhan pa ng meryenda.Nakangiti namang hinaplos ni Graciella ang buhok ni Gavin. "Hmm, how about sweet and sour pork ribs? Gusto mo ba?"Sandaling nag-isip si Gavin. Ramdam niya ang panunubig ng kanyang bagang. "Gusto ko po yan!"Malapit na sila sa may gate nang tumunog ang kanyang cellphone at