Share

Marrying the Devilish CEO
Marrying the Devilish CEO
Author: Misherukiyo

Prologue

Mariin akong pumikit nang ibato niya sa ‘kin ang hawak niyang picture frame. Laking pasasalamat ko na sa balikat ko lang ‘yun tumama at hindi sa mukha. Nang ibinaba ko ang tingin sa frame, agad gumapang ang kirot sa puso ko.

Iyon ang family picture namin… na ngayon ay basag na.

“Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na ayokong lumalabas ka ng bahay?! Hindi ka ba makaintindi? Tanga ka ba talaga, Symphony?”

Yumuko ako at  hindi na sumagot. It's not that I'm guilty, but because I'm already tired. I'm tired of proving myself to him. I’m tired of living…

He always thought that every time I go out, I’m always seeing his cousin– which is not true. Pero pagod na akong magpaliwanag sa kaniya. Nakakapagod nang makipagsabayan sa galit niya.

Ilang beses ko na bang sinubukang ayusin ang pamilyang ito? I know I made mistakes, but I tried to fix everything after realizing the things that I've done. I apologized… maybe more than a hundred times. But this man in front of me doesn’t know how to listen. He loathes me to death and there’s nothing I can do to change that.

“Tigil-tigilan mo ako sa paiyak-iyak na ‘yan! Hinding-hindi ako maaawa sa malanding katulad mo!”

My body is terribly shaking. Natatakot ako sa kaniya. The way he spits those hurtful words, and the way he looks at me, it’s like he is ready to strangle me to death. 

I want to beg him to stop. Natatakot ako na baka marinig ni Melody ang mga sigaw ng Daddy niya. Ayokong mabahiran ng lungkot at sakit ang larawan ng kumpleto at masayang pamilya sa isip ng anak ko. She's too young for this kind of heartache... I would die first, before I’ll let her suffer from this pain.

“Kung hindi lang dahil kay Autumn, baka matagal na kitang hiniwalayan, Symphony! Diring-diri na akong makasama ka sa iisang bahay! Nakakasuka!”

Binigyan niya ako ng nandidiring tingin bago siya lumabas ng kwarto. Nanghihina akong umupo sa kama. Letting out all my emotions, I silently sobbed, careful not to make any sound, afraid that my daughter might hear me.

If only not because of Melody, I won’t marry her devilish father. If only not for my precious daughter, I won’t risk my life living with the man who swore to make my life a freaking hell. If only I could just run away and hide from him, I will… but I know I couldn’t, because Melody adored him so much.

I stared at the broken picture frame on the floor. Our family seemed to be a perfect one. A happy family that my daughter thought she had.

Oh, God! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nalaman ng anak ko kung anong klase ng pamilya ang mayroon kami. Kaya hangga't maaari, hangga’t kaya ko pa, titiisin ko ang lahat ng sakit. Handa kong isakripisyo ang kalayaan at kaligayahan ko para kay Melody. Kahit pa ikamatay ko, mananatili ako sa pamilyang ‘to para sa ikasasaya ng anak ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status