Share

3: The Contract

Penulis: Mir
last update Tanggal publikasi: 2026-02-09 19:15:26

Samara's POV

“Kaya mo ba ang tatlong kambal?”

“Hehe, hindi naman po ako aso Lola– aah!” Napahawak ako sa kaliwang braso ko matapos niya itong hampasin ng malakas.

“Palabiro ka talaga, ija! Sige na pumasok na kayo, gawan niyo na ako ng apo.” Tinulak niya ako papasok at sunod ay si Rowan.

“Grabe manghampas si Lola parang hindi naman malapit mamatay eh.”

“Shut up!” Salubong na naman ang kilay ng bading. Sumunod sa kwarto namin si Tita Yassy saka isinara ang pintuan.

“Kayong dalawa, tigilan niyo ang pag-aaway. Oh ayan, basahin niyo at pirmahan.” May inihagis siya sa aming envelope pero walang nakasalo non kaya nagtuturuan kami kung sino ang pupulot, “Utang na loob umayos kayong dalawa, okay? Aalis na ako Hindi ako pwedeng magtagal.”

Masama ang tingin naming sa isa't isa. Dadamputin ko na sana ang documents nang bigla niya akong unahan.

“Bastos ka talaga!”

“Wow, said by the girl who kept asking my Lola when she'll be dead.” Napaka arte ng pagkakasabi niya non, parang yung mga bata sa kalsada kapag may kaaway at nagpapagalingan mag maldita.

“Syempre para updated ako kung kailan matatapos ‘to no!” Lumapit ako sa kanya para sumilip sa binabasa niyang document pero inilayo niya ito.

“Insensitive bitch.” Sinipa ko ang likuran ng tuhod niya dahilan para matumba siya.

“Insensitive bitch pala ha?” Inagaw ko ang envelope at binasa iyon habang nakaupo sa kama.

“Nakakarami ka na ah!” Pipilay-pilay siyang lumapit sa akin at bago pa niya again sa akin ang papel ay ibinigay ko na sa kanya ang isa pang kopya.

“Two copies naman pala ito eh, wala ka pa rin talagang common sense!”

“Tsk!” Inagaw niya sa kamay ko ang mga papel at inirapan ako.

“One hundred fifty thousand a month in a span of one year? Bakit one year?” Kunot noo kong tanong sa kanya.

“I don't know.” Paulit-ulit niya ring binasa ang kontrata, “Don't worry nakasulat naman na pwede nating i-cancel ang contract as long as we both agree. But wait, ano ‘to? Additional ten thousand everytime this cause you emotional stress? Napaka arte mo naman!”

“Nagpakasal ako sa demonyo kaya deserve ko ‘yon.” Sa hindi inaasahan ay bumuntong hininga lang siya at hindi na pumatol. Himala!

Maaga pa ‘yon kaya naman nagbihis lang kami at muling lumabas. Mabuti na lang at handang-handa si Tita Yassy, pati mga damit na para sa akin ay meron sa kwarto.

“Ay kabayo ka!” Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong kaagad ang Lola niya.

“Hahaha! Saan kayo pupunta?”

“Magiikot-ikot lang po sana.” Nasa likod niya ang Mama ni Rowan na masama na naman ang tingin.

“I'll just give her a tour, Lola. Bukas busy na naman ako sa office.” Umakyat ang kilabot sa katawan ko nang ipatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Napatingin dito ang Lola niya at ngumiti.

“Don't worry Apo, hindi ka mabibusy bukas. Pupunta tayo ng Ontario for your honeymoon.”

“Honeymoon?!” sabay naming sabi at nagkatinginan.

“Bakit? Ayaw niyo ba? For sure first time mo ron,” bwelta ng Mama niya.

“Ah, hehe opo.” Kamot ulo kong sagot. Paano ko ba paaamuhin ang isang ‘’to? Mukhang kailangan ko i-rewatch ang how to train your Dragon.

“But I have a lot of works to do. May launching kami ng bagong product.”

Biglang umubo ng malakas ang Lola niya. Yung ubong halos masuka na? Ang OA ha? Bakit parang pilit?

Mabilis na pumunta si Rowan sa tabi ng Lola niya at hinimas ang likod nito, “Ang s-sakit na ng lalamunan ko.” Nakahawak ang kamay nitong may panyo sa lalamunan. Bakit ganon? Timing yung ubo kapag may gusto siyang makuha? Hmm… weird!

“Tara Lola, ihatid ko na po kayo sa kwarto niyo.” Ganon na nga ang ginawa namin. Nasa harap namin si Rowan at Lola habang nakasunod naman kami sa likod ng Mama niyang halos saksakin ako sa titig.

Patay malisya lang akong nakasunod sa mag-Lola hanggang sa maihiga na siya sa Kama, “Gumayak na kayo ha? Alas kwatro ang flight niyo bukas.” Kinumutan pa siya ni Rowan at umupo sa gilid habang nakatayo naman kami ng Mama niya sa harap nila.

“No, I'd rather stay here and take care of you.” Nanlaki ang mga mata ko nang umubo ulit siya. Grabe, timing talaga!

“Sige na apo, ehem! Ack!” Parang may nabaklas pang plema, “Lalong sasama ang pakiramdam ko kapag hindi mo tinupad ang wish ko.” Ngayon lang ako nakakita ng spoiled brat na Lola.

Napabuntong hininga siya bago sumagot sa Lola niya. Grabe ang tagal naman, ngawit na ngawit na ‘ko rito oh! “Magh-honeymoon kami. But only if you promise to get better, okay?”

Mahabaging langit, maawa ka sa akin. Iligtas mo ako sa rumaragasang tit–!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Mir
dati yata siyang artista hahaha
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Hahaha galing magdrama ni lola...🩷...🩷...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Marrying the Gay Billionaire   86: IN LOVE???

    Samarah's POV “Be careful what you wish for, dahil hindi lang halik ang gusto ko.” Hindi pa ako tuluyang nakakasagot nang muli niyang akong siniil ng halik. Pero hindi gaya ng nauna na dampi lang, ngayon ay gumagalaw ang mga labi niya na para bang hinihikayat na sumabay sa kanya ang mga labi ko! Humawak ako sa magkabilang balikat niya para sana itulak siya pero lalo niya lang akong hinila palapit, mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at parang ayaw akong pakawalan. Magsisinungaling ako kung sasabihin mong hindi ko nagugustuhan ‘yon, dahil sa totoo lang. Ang sarap. Ang sarap niyang humalik! Ibinuka ko ng kaunti ang mga kabi ko at doon niya na ako tuluyang sinakop, at ang gagang si Samarah, nagpapasakop naman kay Rowan! Ano bang ginagawa ko? Bakit ako nag-eenjoy?! At… kelan pa ako natutong humalik?! Hindi ko na namalayang sumasabay na pala ako sa galaw ng mga labi niya. Pareho kaming nakapikit, ang mga braso ko nakayakap sa leeg niya habang nakahawak naman siya sa bewang k

  • Marrying the Gay Billionaire   85: FIRST

    Samarah’s POV Lambing sa kama? Paano ko kaya gagawin ‘yon? Hmmm… kanina pa ako nakatayo sa gilid ng kama at nakatitig dito pero wala pa rin akong maisip. Paano? Breakfast in bed? Yayakapin ko kaya siya? Kaso baka laitin na naman ng baklang ‘yon ang balat ko at sermonan na naman ako para gumamit ng kung ano anong pang haplas na nilagay niya sa banyo. Teka… alam ko na! Masahiin ko kaya siya? Hmmm okay siguro kung mamasahiin ko siya para naman marelax siya after ng matagal niyang work. Hihi! Ang talino ko talaga. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch ng mga bagay na nakakapagpa relax. Scented candle, dim lights, at rose petals. At… ano ‘to? Bakit manipis na lingerie? Hmmm wala naman akong ganito eh. Isa lang ang meron ako pero ayas naman ni Rowan sasabihin na naman niyang pangit ako ron. Siguro, okay na yung white sando ko na dress. Medyo manipis naman ‘yon. Tama! Ang talino mo talaga Sam! Inayos ko na lahat ng gagamitin ko. Nag-ready pa ako ng matcha milk tea saka bluebe

  • Marrying the Gay Billionaire   84: FEED ME

    DISCLAIMER: This is a work of fiction. The character's views and opinion does not reflect the writer's values and perspective.Samarah's POV “So ang ibig mong sabihin friend, nakitq ka ni Rowan na hinalikan sa pisngi ng best friend mo kaya nagalit siya. Tapos ngayon sobrang higpit niya sa ‘yo pagkatapos lahat ng lakad mo gusto niya alam niya at nababantayan ka niya. Gano’n ba?” Tumango ako sa lahat ng sinabi niya. “Ay bongga madam! Parang sa mga telenobela lang, yung tipong magpapakasal ka sa isang bilyonaryo, magagalit siya sa ‘yo, pagkatapos bubugbugin ka niya, tapos malalaman mong buntis ka, pero dahil sa lahat ng ginagawa niya hindi mo sasabihin sa kanya na buntis ka at tatakas ka habang buntis pagkatapos sasama ka sa best friend mo! Emeee! Hahahaha!” Napailing ako sa mga sinabi ni Lebron. Ang sarap ibuhos sa mukha niya ng hinihigop niyang kape. “Ang dami mong sinabi wala namang nakatulong sa problema ko,” maktol ko. “Pagkatapos friend after five years magkikita sila ul

  • Marrying the Gay Billionaire   83: SPECIAL CHAPTER #2

    DISCLAIMER: This is a work of fiction. The character's views and opinion does not reflect the writer's values and perspective.Kim's POV “Problema niyo? Kailan pa ako nagkaroon ng spokesperson?” tanong ko. Pero ang totoo kinikilig ako, nagseselos ba si Jixxer? Hihihi! Ay ang landi! “May mga reports ka pang kailangan tapusin. Unahin mo ‘yan bago ang pakikipag blind date.” Tumayo si Dylan at nilapag ang napaka kapal na files ng papel sa desk ko. Siya ang crush ng lahat dito sa office. Well, liban sa akin. Si Jixxer lang naman ang gusto ko. Gwapo siya, mysterious type. Kamukha niya si Cha Eun Woo. Kaso kaugali rin nita na halos hindi mo makausap. “Edi makikipag blind date ako kapag tapos ko na ‘to, tsk!” Pasalampak akong umupo sa swivel chair. “Ano Kim? Gusto mo ba? Anytime you want ako na bahala sa kaibigan ko,” pangungulit ni Brent. “Hindi nga siya pwede.” Nanlaki ang mga mata ko nung iikot ni Jixxer ang upuan ko at iharap ako sa kanya, at patalikod naman kay Dylan, “Kun

  • Marrying the Gay Billionaire   82: SPECIAL CHAPTER

    This Chapter is dedicated to Ms. Yette Marcos. Thank you po sa pagbabasa at laging pagcocomment. Aliw na aliw ako sa mga coments niyo ’s POV “Ano ba ‘tong mga binigay ni Rowan para akong sasali sa circus neto ang daming kulay.” Napapakamot na lang ako sa ulo habang nakatingin sa drawer ko na puno ng mga makukulay na damit at kung ano-anong pang haplas sa mukha. “Gamitin mo na kasi anak. Ngayon ka nga lang nagmukhang tao eh, kung bakit naman kasi ang tagal niyo nang magkaibigan ni Rowan pero ngayon lang niya naisipang mag medical mission dyan sa mukha mo?” Sinara ko ang cabinet at hinarap si Mama na prenteng nakaupo sa kama ko habang ngumangatngat ng nilagang mais. “Ah talaga ba ‘Ma? Medical missiom? Parang hindi mo ‘ko anak ah?” Pumunta ako sa may vanity mirror at tinignan ang mga nakadisplay doon na wig. “Totoo naman, aba parang hindi k

  • Marrying the Gay Billionaire   81: SAVING HIM

    DISCLAIMER: This is a work of fiction. The character's views and opinion does not reflect the writer's values and perspective. Samarah’s POV “Tell me, how long have you been cheating?” Kaagad nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang tanong na ‘yon ni Rowan. Paano niya nalaman? “Anak please calm down,” pakiusap ni Mama. “I won’t calm down!” halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya. Naestatwa na ako sa harap ng pintuan at ni hindi ko magawang maglakad palapit sa kanila, “Okay lang sa ‘yo ‘to, Ma? Ayos lang sa ‘yo na ginag*go ka ni Papa?” Mahinahon ang pagkakasabi niya no’n pero puno ng diin at kitang-kita sa mga mata niya ang sakit. “Watch your words, Rowan,” banta ni Papa. “You watch your d*mn d*ck, *sshole!!!” Halos lumabas ang litid niya sa lakas ng pagkakasigaw niya. Pulang-pula siya at halos hindi ko na siya makilala. Malayong malayo sa Rowan na palaging kalmado at tahimik. “Rowan…” Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Papa at ang pag-amba nito sa kanya. Mabi

  • Marrying the Gay Billionaire   7: GENTLEMAN

    Samarah's POV “Bastos ka talaga!” Inirapan ko siya. “Patuyuin mo muna ang yang moisturizer.” Isinara niya ang mga ginamit niyang skin care saka nag-cross arms habang nakatingin sa akin sa salamin

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
  • Marrying the Gay Billionaire   12: REUNION

    “Happy?” Nakabusangot ang mukha niya habang suot-suot ang cat costume na pinarisan pa ng cat paws at cat ears. Kulay pula at hapit na hapit ang damit, at may choker na may kasamang bell. “Hahaha! Isa pa! Mag meow ka dali, pakita mo yung

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-18
  • Marrying the Gay Billionaire   9: MISUNDERSTANDING

    “Hoy! Buksan mo ‘to!” Bigla niyang sinara ang pintuan at Ikinulong ako ron. Paulit-ulit kong kinakalampag ‘yon, “Hoy! Peppa pig buksan mo ‘to!” Tumakbo ako papunta sa gilid ng rooftop para sana humingi ng tulong sa mga taong nasa baba pero kaagad akong nal

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
  • Marrying the Gay Billionaire   45: I'LL WAIT FOR YOU

    ANNOUNCEMENT: Leave kayo ng favorite scenes niyo sa REVIEWS (Click niyo yung 3 dots sa taas nitong chapter, click yung pic ng book, then scroll down nandoon ang reviews) . ANG MAY PINAKAMAGANDANG SAGOT GAGAWIN KONG CHARACTER! Ano ang favorite niyong Scene/Character at bakit? Samarah's POV “Wher

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status