LOGINBagsak ang mga balikat na tinahak ni Marco ang daan pabalik sa loob ng mansyon. Bawat hakbang niya ay parang may nakataling mabigat na kadena sa kanyang mga paa.Gusto niyang tumakbo diretso sa silid ni Chantal, lumuhod, at ipagtapat na nagkamali siya—na pinalaki lang ng tanga at walang kwenta niyang selos ang lahat. Ngunit nang makarating siya sa ikalawang palapag at matitigan ang nakasarang pinto ng kanyang kwarto, kung saan kasalukuyang nagpapahinga ang babae, ay napatigil siya.Anong sasabihin niya kapag binuksan nito ang pinto? Should he apologize? Of course he should. But the question is, how is he going to start?‘Pasensya na, nagalit ako kasi akala ko naglalandian kayo ng kapatid ko noong nahulog ka sa bench’? Ganun ba dapat?Mabilis na napapikit si Marco sa matinding hiya at inis sa sarili. Damn it. Tunog pa lang sa utak niya, mukha na siyang gago. At mas lalong masakit para sa kanya dahil alam niyang nasaktan niya nang sobra ang babaeng pilit lang namang nagpapakatotoo sa mg
Nanatiling nakatayo si Marco sa gitna ng garahe, tila napako ang mga paa sa semento. Bahagyang nakabukas ang kanyang panga, habang ang matalas at galit na titig sa kanyang mga mata kanina ay unti-unting napalitan ng kawalan ng paniniwala at matinding pagkahiya.Nahulog? Nasalo lang?Fuck!What the heck!Did he just get mad for the wrong reasons?Ang eksenang paulit-ulit na nagpapasakit sa dibdib niya sa nakalipas na mga araw—ang eksenang naging dahilan para saktan niya si Chantal gamit ang malalamig at malulupit niyang mga salita—ay isang simpleng aksidente lang pala."Y-You're lying..." pabulong at halos walang boses na wika ni Marco, pilit na humahawak sa huling natitirang hibla ng kanyang pride."Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?"Bumuntong-hininga si Knoxx at marahang tinapik ang balikat ng kapatid, sa pagkakataong ito ay wala nang halong pang-aasar. "Natapilok ang asawa mo noong nakaraan. I just caught her. Alangan naman hayaan ko siyang mapasubsob sa lupa? That's very unge
Pinagmasdan ni Knoxx ang kapatid habang dahan-dahan nitong isinisuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang aura ni Marco ay parang bagyong nagbabadya, nangingibabaw ang matinding panlalamig at galit.Hindi natagpuan ni Knoxx ang dating pambubwisit sa kanyang mukha. Sa halip, pinalitan iyon ng isang seryosong ekspresyon habang nakasandal sa pinto ng kanyang sasakyan."Anong pag-uusapan natin, Marco?" kaswal ngunit seryosong tanong ni Knoxx. "Kung tungkol 'to sa buko pie, huwag ka nang mag-alala, hindi ko inubos. Nag-iwan ako sa kusina para sa'yo," biro pa niya para kahit papaano ay maibsan ang tensyon sa pagitan nila.Marco, on the other hand, didn't buy it as his reaction remained cold. "I told you to stop messing around with my wife, Knoxx," pabalang at malamig na putol ni Marco, dahan-dahan niyang itinataas ang tingin sa kapatid.Huminga nang malalim si Knoxx bago matapang na sinalubong ang malamig na titig ni Marco. "I am not messing around with her. And I don't se
Habang papunta sa kusina, nakasunod pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi ni Knoxx. Nang marating nila ang malawak na dining area at kitchen, agad na kumuha si Chantal ng dalawang plato at tinidor. Naupo si Knoxx sa tapat ng island counter habang pinagmamasdan ang dalaga na tahimik na inihahanda ang buko pie."Chantal," tawag ni Knoxx sa kalmadong boses habang pinaglaruan ang baso ng tubig. "Anong ginawa ni Marco sa'yo?"Napatigil ang kamay ni Chantal sa pagputol ng pie. Humarap siya kay Knoxx nang may blangkong mukha at tipid na ngumiti. "Wala naman, Knoxx. Bakit mo natanong?""Come on. Aside from being your brother-in-law, I am also your friend now. You can tell me what happened," kaswal na wika ng lalaki at isinandal ang likuran sa silya. "Pagpasok ko pa lang dito kanina, parang gusto na akong kainin nang buhay ni Marco eh. At ikaw naman, mukha kang nakikipag-deal sa hindi mo kakilala. May nangyari ba na hindi maganda?" curious niyang tanong.Huminga si Chantal nang malalim at dahan
Naiwang nakatayo si Marco sa gitna ng dining area, nakatitig sa blangkong daanan kung saan katatapos lang lumabas ni Chantal.Napaatras siya at muling napaupo sa kanyang silya. Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay habang marahas na sumisinghap ng hangin. Damn it. Gusto niyang magmura sa matinding inis sa sarili.Siya ang nagtulak kay Chantal palayo, pero ngayong ibinigay ng dalaga ang eksaktong distansyang hiningi niya, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nauubusan ng hangin sa loob ng sarili niyang bahay.Hindi na pumunta si Marco sa planta nang umagang iyon. Hindi siya makapag-isip nang maayos at wala rin siyang magagawang tama sa kanyang trabaho. Sa halip, nagkulong siya sa kanyang study room, pabalik-balik sa paglalakad habang nakatitig sa pintuan, umaasang baka kumatok si Chantal kahit para lang magtanong o dumaan.Ngunit lumipas ang buong hapon nang walang kahit anong paramdam mula sa dalaga.Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon, narinig ni Marco ang ugong
Huminga siya nang malalim at marahang inihilot ang kanyang batok. Tinalikuran niya ang lounge at dahan-dahang tinahak ang daan paakyat sa ikalawang palapag. Nang marating niya ang tapat ng silid ni Chantal, natigilan siya. Mula sa ilalim ng pinto, nakikita niyang patay na ang ilaw sa loob.Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay para kumatok. Nais niyang itanong kung maayos lang ba ito, kung masakit pa ba ang kanyang bukung-bukong, o kung kailangan nito ng iba pa... ngunit bago pa man dumampi ang kanyang balat sa kahoy ng pinto, napatigil siya.“Mula ngayon, sisiguraduhin kong puro kontrata na lang ang mamagitan sa ating dalawa.”Naalala niya ang nanginginig na boses ni Chantal kagabi.Ibinaba ni Marco ang kanyang kamay at dahan-dahang iniyukom ang kanyang mga daliri. Isang pait at matinding kabiguan ang muling lumukob sa kanyang dibdib. Pumasok siya sa kabilang guest room kung saan siya pansamantalang natutulog.Kinaumagahan, maagang bumaba si Marco para sa almusal, umaasang mai







