Mag-log inHindi agad nakasagot si Erick. Nananatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa screen ng laptop habang mabilis na binubuksan ang search browser para simulan ang pag-imbestiga sa background ni Marco Barcelona."Mabuti na ring hindi natin naipakilala ang sarili natin," mahinahong sagot ni Erick nang hindi itinataas ang tingin. "The less he knows about us, the better. Kung nalaman niyang manager ka ni Chantal at kaibigan niya ako, mas lalo niyang hihigpitan ang seguridad sa paligid ng babae.""Sabagay..." buntong-hininga ni Lyka habang nakatitig sa kisame. "Pero Erick, sigurado ka bang gusto mong ituloy 'to? Pakiramdam ko talaga, napakakilalang tao ng Marco na 'yan dito sa Santa Catalina. Natatakot ako na baka kung anong gawin nila sa'yo—"Bago pa man matapos ni Lyka ang kanyang sasabihin, biglang yumanig ang telepono ni Erick sa ibabaw ng mesa.Sinulyapan niya ang screen ng kanyang cellphone at nakitang ang Deputy Director Santiago mula sa NBI Main Headquarters sa Manila ang tumatawag sa
Isang beses pa na tinitigan ni Erick ang malaking gate na siyang daan patungo sa Barcelona estate bago siya tumalikod."Halika na, Lyka," mahinahong sabi ni Erick habang inaakay ang kaibigan pabalik sa passenger seat. "Bumalik muna tayo sa lungsod. Magche-check in tayo sa hotel at doon natin pagplanuhan ang mga susunod nating hakbang."Tumango si Lyka. "Mabuti pa nga. Kailangan nating magpahinga para makapag-isip kang mabuti. Isa pa ay hapon na at hindi tayo pamilyar sa lugar," Pagsang-ayon ni Lyka bago sumama sa loob ng passenger's seat.Nang makapasok si Erick sa driver's seat, pinatunog niya ang makina at marahang iniliko ang kotse pabalik sa kalsada patungong polder ng lungsod.Habang nagmamaneho, tahimik si Erick ngunit mabilis na gumagana ang kanyang isip. 'Marco Barcelona... kung ayaw mong magsalita, ako ang hahanap ng paraan para magsalita ang nakaraan mo.'Huminto ang sasakyan ni Marco sa harap ng sarili niyang bahay. Magkasunod ding huminto ang dalawang SUV at maging ang kot
Isang mabigat at nakakabinging katahimikan ang naghari sa pagitan nila matapos magsalita si Knoxx. Mas lalo pang bumigat ang tensyon sa buong paligid habang nagsusukatan ng titig sina Marco at Erick.Inilagay ni Marco ang pareho niyang kamay sa mga bulsa ng suot niyang pantalon bago huminga ng malalim. Isang beses pa niyang sinulyapan ang lalaki bago niya ito tinalikuran at hinarap ang Head Security ng Barcelona Estate. "We're done here," malamig at pinal na sabi ni Marco sa kanyang Head of Security habang naglalakad pabalik sa kanyang Wrangler. "Clear the road.""Yes, Boss Marco," mabilis na sagot ng guwardiya."Barcelona! Hindi pa tayo tapos!" bulyaw ni Erick habang akmang hahakbang muli palapit, ngunit agad na pumagitna ang tatlong armadong security guards para harangan ang kanyang daan."Step back, Agent," matigas na banta ng Head Security. "Inirespeto namin ang ID mo, pero kapag ginulo mo pa ang Boss namin, ituturing ka na naming direktang banta sa seguridad."Agad namang lumapi
Bumaba si Marco mula sa Wrangler at marahang isinara ang pinto ng kanyang sasakyan. Naglakad siya nang may pambihirang kalma at awtoridad patungo sa pwesto ni Erick, habang si Knoxx naman ay nakasandig sa sarili nitong sasakyan sa likuran—may bitbit na bahagyang ngisi habang inaaral ang sitwasyon.He's curious about this man's sudden appearance around him and at the same time, it pisses him off. This is the first time that such a man who's unknown to him aggressively follows him in his own territory.Sinenyasan ni Marco ang kanyang mga tauhan na na bigyan siya ng daan. Agad namang tumalima sa utos niya. Nang makalapit na siya sa mga ito ay sinuyod niya ng tingin ang estranghero mula ulo hanggang paa bago siya nagsalita."Agent Erick Narciso, right?" Malamig at mababa ang boses ni Marco kasabay ng pagsalubong niya sa mga mata nitong tila nag-aapoy sa galit."Yes, I am," taas noo naman nitong sagot.Huminga siya ng malalim bago inilibot ang tingin sa tahimik subalit puno ng kakahuyang p
Ilang segundo pa ang lumipas, pumailanlang ang matinding ingay ng gulong na kumakapit sa aspalto habang mabilis na pumasok si Erick sa kurbada ng kalsada.Subalit pagdating niya sa unahan ay bigla siyang napatapak sa preno nang makitang humambalang sa kanyang harapan ang tatlong itim na sasakyan—ang dalawang SUV ng mga security guard sa magkabilang gilid, at ang Wrangler kung saan nakita niyang sumakay si Marco kani-kanina lang."Erick!" sigaw ni Lyka habang napakapit nang mahigpit sa dashboard dahil sa biglang paghinto ng sasakyan nila.Lumikha ng makapal na usok mula sa gulong ang biglang pagtigil ng kotse ni Erick, ilang metro lamang ang layo mula sa bumper ng sasakyan ni Marco.Bago pa man makagalaw si Erick, mabilis na bumukas ang mga pinto ng dalawang backup SUV. Bumaba mula roon ang walong matatangkad at armadong security personnel na naka-suit. Bagamat hindi nila agad itinutok ang mga hawak na baril, kitang-kita ang kahandaan ng mga ito sa anumang banta.Akmang bubuksan ni Eri
Nagkatitigan nang matagal sina Erick at Chief Mendez—isang tagisan ng pride at awtoridad. Sa huli, marahas na tumalikod si Erick at pabalagbag na binuksan ang pinto ng opisina.Pagdating niya sa labas ay walang pag-aalinlangan niyang pinagsisipa ang gulong ng kotse na dala niya. "Damn it!" Puno ng gigil niyang asik.Bakit ba takot na takot ang chief dito sa pamilyang iyon! Kung tutuusin ay dapat nga ang mga ito ang matatakot sa alagad ng batas but it became the other way around!Mataman namang napasuklay ng buhok si Lyka habang pinagmamasdan ang frustrated niyang kaibigan. Hinintay niya muna na bahagyang kumalma ang lalaki bago niya ito nilapitan."Ano ng gagawin natin ngayon, Erick. Hindi tayo nabigyan ng authority para pumasok sa estate ni Marco Barcelona. Mahihirapan tayong hanapin si Chantal."Malakas na nagpakawala ng hangin si Erick bago nagsalita. "No. There has to be a way."Napatingin siya sa paligid bago bumuntong hininga. "What if bumalik nalang kaya tayo ng Maynila at hin







