“IVAN gising ka na pala, nagugutom ka ba? Naghanda nga pala ako ng mga pagkain," wika ni Celine. Habang inihahain na ang kanin na sinaing nito. Sunod na niyang inayos ang apron na suot niya at lumapit sa kalan kung saan kasalukuyan nakalagay ang nilulutong niyang hotdog at bacon. “Masusunog na ’yang niluluto mo. So can you stop staring ate me?” wika ni Ivan habang seryosong pababa ng hagdan. Napaiwas siya ng tingin at muling itinuon sa niluluto niya ang kaniyang paningin. Bakit kasi ang pogi niya sa suot niya? Nakanguso niyang tanong sa sarili. Nakasuot lang naman siya ng puting polo at itim na short pero napakalakas ng dating no'n para kay Celine. “I need to go,” maya-maya niyang saad na ikinanganga niya. “Hindi ka ba kakain? Inihanda ko para sa 'yo 'to. “Wala ka ba’ng balak tikman man lang?” “Hotdog, egg, chicken, and bacon?” seryoso niyang usal habang isa-isang binabanggit at tinitigan pa ang mga inahain niya sa lamesa. “Do you have something special put in those dishes?” "
MAG-ISA na naman siyang naiwan sa mansion. ’Yon ay dahil maaga pa lamang ay umalis na si Ivan. Hindi niya alam kung ano ba'ng balak nito. Kung balak na lang ba nito na ganito na lang ba sila palagi. Walang interaction kahit ni isa. Katulad ng dating gawi, idinadaan niya na naman sa paglilinis ng mansion ang pagkabagot sa pagiging mag-isa sa loob nito. Magkaiba sila ng kuwarto ni Ivan ngunit tapat lamang nito ang kuwarto ni Celine. Mula nang mangyari ang araw na ’yon kung saan aksidente niyang napasok ang kuwarto nito ay mahigpit ng ipinagbawal ni Ivan sa mga kasambahay, at lalong lalo na sa kay Celine ang pumasok sa loob ng kuwarto nito. Lalo na kung wala raw naman siyang pahintulot dito. Dahil kahit ilang beses pa raw siya sabihin ng Ama niya na tabi silang matulog sa iisang kuwarto. Bagay na hindi sang-ayon si Ivan. Kaya pilit at pagpapanggap lang ang nagagawa nila. Dahil ang totoo hindi nito maatim na patuluyin at papasukin si Celine na alam naman niya ang rason. Iyon ay dahil
Tahimik na naglakad si Celine. Maliwanag pa naman ang labas ng kanilang mansion. Gano’n din ang mga bantay roon sa labas ay nanatili pa rin gising ang ilan. Mag-te-ten pa lang naman ng gabi kung hindi siya magkakamali. “Where have you been, Celine?” “Ay anak ka ng tatay mo!” gulat na wika niya. Nabitawan tuloy niya ang main door dahilan para malakas ’yon kumalampag pasara. “Papatayin mo ba ’ko sa gulat ’ha?” “What about you? Dahil ba sa kaniya kaya hindi mo nagawang mamalayan ang oras?” tuluyan na nitong naagaw ang atensiyon ni Celine. Si Ivan na papalapit sa kaniya, ito ang unang beses na nakita niya ulit ito at naabutan. Nakasuot pa ito ng gray na t-shirt at black short habang nakasuksok naman ang kamay nito sa kaniyang bulsa. “Ano’ng oras na, Celine. Gawain ba ’yan ng matinong babae? Kung makikipaglandian ka rin naman, lubusin mo na. Huwag ka na umuwi at umalis ka na sa buhay ko.” Napalunok si Celine sa isinambit nito sa kaniya. “Pasensiya na, may nangyari lang. Nalowbat d
Hinayaan na niya si Ivan na mag-asikaso ng mga ipinamili niya dahil tutal wala itong ginawa kundi sirain ang araw niya. Kahit alam naman niya na may kasalanan din siya. Dahil mukha naman wala itong masamang intensyon sadyang dahil hindi lang siguro siya sanay sa kinikilos nito maging ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Ivan. Katulad na lang ng nag-aalala, naghihintay at nagseselos? ’Yon lang naman ’yong mga sinabi niya kay Celine na hanggang ngayon ay nanatili pa rin palaisipan kay Celine. Natapos na lang niya ang pagligo ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Ivan mismo sa mga mata niya. Hindi ba dapat ay matuwa siya? Pinilit na lang alisin ni Celine ang isipin na ’yon. Pagkatapos niyang mag-ayos ay muli na siyang bumaba para kumain ng almusal. Gano’n na lang kabilis na gumuhit ang gulat at pagtataka sa kaniya dahil sa naabutan niya pagkababa niya ng hagdan. Agad niya kasing naamoy ang napakabango niluluto na hindi siya puwedeng magkamali na
“Salamat sa mga pagkain, Celine. Ang galing pa lang magluto ng asawa mo kaya ’yong iba nasubrahan na sa luto...” agad siyang pinaglakihan ng mata ni Celine. “Kapag narinig ka no’n at ’yon tinopak dahil sa ’yo. Lagot ka talaga sa akin!” seryosong usal ni Celine sa kaniya. Ngumisi naman sa kaniya ang binata. “Nakakatuwa na nasa maayos na kayong dalawa.” Inirapan siya ni Celine, “May balak ka ba’ng batiin?” “Hanggang ngayon nagdududa ka pa rin sa kaniya?” “Hindi sa gano’n, okay? Hindi ko gusto na pagdudahan siya pero hindi ko rin talaga maiwasan.” “Hindi naman siguro kailangan na madaliin mo agad-agad. Lalo na’t may proseso naman ang lahat. Hindi ba’t kung sakali na totoo lahat ng ipinapakita niya sa ’yo ay napakaganda ng balita ’yon?” seryoso pang usal niya na ikinatango ni Celine. “Kaya huwag ka ng mag-alala. Isipin mo na lang kung paano kayo magsasama niyan ni Sir ivan.” Iyon na lamang ang kanilang naging pag-uusap bago ito tuluyang umalis. Tanghali na rin ang tagpong ’yon. Ka
Niligpit niya na ang mga plato na pinaggamitan nilang dalawa habang si Ivan ay abala sa kaniyang cellphone. Nasa sala ito habang nakaupo sa sofa. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kaniyang cellphone. Hilig din kasi nito ang paglalaro ng mobile legends. Isang sikat na laro na kinakaadikan ng mga nakararami ngayon. Nang matapos niya na ang gawain niya mabilis siyang nagtungo ng kuwarto. Naligo na. Tanging naka-oversize shirt lang na kulay gray at maong na kulay white ang sinuot niya. Bago bumaba para tumambay sa sala. “Iniimbitahan tayo ni Mommy, Celine.” Napatingin siya kay Ivan nang sabihin niya ’yon matapos nitong tumabi sa kaniya. “Gano’n ba? Ano’ng oras para makapagbihis na rin ako...” Suminghap siya, “For dinner, so please be ready.” Tumayo siya at naglabas ng susi. “Saan ka naman pupunta?” “Saan tayo, pupunta? Secret.” “Ha? Ano’ng tayo?” “Let's go,” Kinuha niya ang kamay nito dahilan para mabitawan niya ang remote. Mabilis niya ’yon ginawa bago pinatay ang TV. “T
“SIGURADO ka ba talaga, Ivan. Na maganda tignan sa akin 'to?” naguguluhan at nagdududang usal ni Celine habang ang mata ay nakaharap sa salamin. Habang si Ivan ay nasa upuan at pinagmamasdan siya. Gusto kasi nito na mag-date muna sila. Dahil tapos na sila sa paglalaro, at pagkain ngayon naman ay nasa pamilihan na sila. Tapos na nga silang pumunta ng Calvin Klein, SheIn, Gucci at ilan pang branded na damit, at sapatos sa loob ng yayamanin na mall na ’to. Bago pa sa paningin niya ang lahat ng mga nakikita niya. Ang iba rito ay hindi siya makapaniwala na nag-e-exist talaga ang isa na ro’n ang mga presyo, hindi kapani-paniwala! Napakamahal ng mga ito. Malabong ma-afford na kagaya niya. Gusto na lang niya tuloy isipin na Sugar Daddy niya ang kasama niya ngayon. “Well, you looked really great in those dress...” usal ni Ivan habang nakatingin pa sa hawak ni Celine na mga dress. Napataas balikat na lang siya at hindi na sinagot si Ivan. Masaya siyang umikot sa salamin at hindi nagawa
“T-Teka! Saan naman dito ang banyo? Bakit kasi ang hilig nila sa malalaking bahay? Hindi naman nila siguro mapapasok lahat ng ’to sa dami ng rooms!” inis na bulong niya. Patuloy lang siya sa paghahanap ngunit napatigil siya ng mayroong humarang sa mga mata niya gamit ang kamay nito. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako, sino ka ba?! Ano sa tingin mo ginagawa mo?” galit niyang tanong habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa mga mata niya. “Hulaan mo...” “Puwede ba? Wala akong oras para makipag-biruan!” Kusa naman siyang tumigil at inalis ang kamay niya sa mga mata ni Celine. Dahilan para magkaroon siya ng tyansa para tignan ito. “Arvin?” “The one and only!” usal niya na may malawak na ngiti sa labi. “Bakit naman ang sungit mo ah? Palala ng palala ’yan, panigurado mas mauuna ka pa magmukhang matanda sa akin pag palagi kang gan’yan!” bumungisngis pa ito na ikinairap ni Celine. “Sino ba naman kasi ang hindi magpapanik? Bigla-bigla kang nangtatakip ng mata.” “I'm just kidding, okay? A