SHE NEEDED help, and Ivan's father help her in times of need. But, there's a condition, that completely changes her life, no — their lives. Ivan doesn't want to marry her in the first place, and so he did everything to make her life miserable as his life. But, did he succeed? Or, he made it worst case for him, too? Can love make everything fall for it's place? Or, it will just make it hard for them? "You can't decide for my life, Ivan. Never again." "I can't? Oh, but, I already did. You can never change that, Celine. You are once mine. And will be mine again. By hook, or by crook. Always remember that, Love.
Lihat lebih banyak‘‘BILI na kayo! Turon, banana que, at kamote que kayo d'yan! Mainit pa!” malakas na sigaw ni Celine habang tirik na tirik sa lugar kung saan siya nag-bebenta ng kaniyang mga kakanin.
Siya si Celine Smith. Pagod man siya sa buong mag-hapon na pagtitinda ng kaniyang mga kakainin ay maging siya mismo ay walang magawa. Si Celine ay nasa edad lamang na labing-walo. Tanging ang kapatid niya lamang ang madalas niyang kasama. Kaya siya disigido na magtrabaho ng halos buong araw. Iyon ay dahil hindi niya ibig na wala siyang maihain para sa kaniyang kapatid na si Marco at lalong hindi niya gugustuhin na mamatay sila sa gutom. Kaya kahit mahirap, nakasawa, at nakakaitim ng katawan ay pinipilit ng dalaga na magtrabaho. Hindi na kasi sila binalikan ng kanilang mayamang Ama habang ang Ina naman nila madalas silang iwan. Dahil sa mga bisyo nito kagaya na lamang ng pagsusugal. Kaya kahit narito ito at kasama sila ay hindi pa rin niya randam ang presensiya nito. Gano’n na lang ’yon kasakit sa dalaga. Dahil sa halip na nagtitinda siya ngayon dito o gumagawa ng mga diskarte para kumita. Dapat sa kaniya ay nag-aaral katulad ng mga kaedad niya. Na dapat ay tanging academic, grade, o kung ano-ano ang dapat o paraan para makapagtapos sa pag-aaral ang iniisip niya. Katulad na lamang ng mga estudyante na suki niya. Sa tuwing nag-iikot siya para ilako ang mga paninda niya, nadaraanan niya ang mga dalaga’t binata na ang iba ay kaedad lamang niya. Hindi mapigilan ni Celine na makaramdam ng lungkot sa tuwing nakikita ang mga ito na masayang-masaya na naglalakad palabas ng kanilang mga silid-paaralan. At dahil doon ay hindi niya mapigilan ang manliit sa sarili niya. ’Yong pakiramdam na nahuhuli na siya. Napa-iling ang dalaga sa kaniyang naisip bago siya muling magsisigaw. Hindi niya dapat isipin ito lalo ’t mahalaga ang kasalukuyan. Kailangan niya sigurong tanggapin na lang sa sarili niya ang kung ano man ang sitwasiyon na mayroon siya. “Bumili na kayo! Masasarap na kakanin! Kayo ay bubusugin!” sigaw ng dalaga. Napatigil si Celine nang makita niya ang matandang tricycle driver na papalapit sa puwesto niya. Agad niya itong ginawaran ng makikislap na tingin at abot tainga ngiti. “Manong ano ba ‘yan pagod na pagod tayo ha? Magmeryenda muna kayo! May pancit dito pangpahaba ng buhay, Manong! Bili ka na! Masarap 'ho 'to!” “O s’ya bigyan mo ko nito,” Lumapit ang matandang lalaki at itinuro ang banana que kay Celine. Kaya naman umupo siya para ilapag saglit ang mga basket na dala niya. “At itong turon nga dalawa.” sambit nito na ikinangiti ni Celine. “Nga pala mamaya ay balikan mo ‘ko. Pautang muna nito.” maya-maya niyang singhal matapos nitong magtangka na kunin sa basket niya ang banana que. Doon ay nag-init ang mukha ni Celine hindi dahil lang sa init ng araw na tumatama sa kaniya kundi dahil iyon sa matandang lalaki na nasa tapat niya. Tumayo siya at marahan na ipinalo ang kamay nito na nasa basket niya. Ngumiti si Celine, ’yong ngiti na pilit dahil sa nararamdaman niyang inis dito. “Mahirap na ang buhay ngayon Manong Ester! Kaya wala na munang utang-utang. Bayad ka muna!” natatawang kunwaring usal ni Celine at mahinang tinabig ang bag nito nakasabit lamang sa baywang niya. Dahil sa sinabi niya ay wala na itong nagawa kundi ang buksan ang zipper ng bag niya at kumuha ng pangbayad sa dalaga dahilan para muli siyang ngumiti sa harap nito. “’Yan! Kapag ganyan ka sigurado pa sa sigurado ay magkakasundo tayo! S’ya, bukas ulit ’ha? Salamat!” “S'ya, sige! Buti sana kung may palag pa ako sa iyo iha! Pasalamat ka maganda ka, mataba nga lang!” Natatawa pang sambit nito. Nagtawanan naman ang mga kasama nito ngunit tumigil din naman ang mga ito ng mukhang mapagtanto nila ang kanilang ginawa. “May sinasabi ka ba, Manong Ester?” Naka-taas kilay at kunot-noo na tanong niya rito. Gumuhit naman ang pilit na ngiti sa labi ng matanda at mahinang tumawa. Kinuha pa nito ang kaniyang bimpo na nasa balikat niya at marahan na pinunasan ang noo niya at muling nagsalita. “Wala naman iha, ang ibig kong sabihin mas mabuti siguro kung tumuloy ka na. Masiyadong ng mainit dito. Ang ganda mo masiyado para lang ihawin.” Napa-iling na lamang si Celine rito ngunit ngumiti at magpasalamat pa rin siya sa mga ito. Sa totoo lang ay mataba naman talaga si Celine. May bilbil siya o taba sa katawan ngunit hindi naman sa mataba na halos kapag tumatakbo ay bumibiyak na ang lupa. Nasa lahi na kasi nila Celine ang pagiging malaman. Ngunit kahit ganoon ay mahal niya ang katawan niya. Madalas man siyang ma-bully noon, ngunit hindi niya hinahayaan na maging rason 'yon para kamuhian niya ang sarili niya. Madalas na positibo si Celine sa mga bagay. Totoong nasasaktan siya sa reyalidad na buhay na inaasam niya ngayon ngunit kahit ganoon ay nagpapatuloy siya. Ang mundong ’to na kaniyang kinatatayuan ay alam niyang hindi perpekto, kaya gano’n na lang karami ang tao na mapanghusga, mapanglamang, mapang-abuso, at sakim sa yaman. Kaya kahit anong mangyari ay hindi niya gugustuhin na magpaikot sa mga iyon. Kilala na halos ni Celine ang mga tao rito. Maloloko ngunit may mga mabubuting puso pa rin naman. Mga taong gusto lang din ng maayos na pamumuhay at payapa na buhay. Sanay na nga pala rin siya sa mga ito, kaya kahit pagsungitan niya ang mga ito ay hindi naman talaga ito nagpapasindak. Gano’n lamang ang bonding nila. Mag-asaran at magbiruan ngunit alam ni Celine na walang 'yon personalan. Itong ang maliit na bayan na madalas niyang pagbentahan dahil marami pa rin naman ang tao rito. Nakakabenta siya ng marami at minsan pa ay nakakaubos dahil sa lugar na ito. Pagkatapos niyang magpasalamat doon ay kinuha na niya ang kaniyang bilao na dala rin niya at inilagay ’yon sa balikat niya. Pagkatapos ay sunod niyang kinuha ang basket na dala niya at inilagay ’yon sa kaniyang kabilang kamay bago muling magpatuloy sa pag-iikot. Sa gitna ng kalsada ay naisip ni Celine na panandalian huminto. Tapos na rin siya mag-ikot doon. Inabot siya ng hapon sa kakaikot ngunit pinagpapasalamat niya na kahit papaano ay iilan na lamang ang natira sa basket niya. Marahan niyang hinawakan ang bag niya kung saan nakalagay rin sa kaniyang baywang. Doon ay kinuha niya ang maliit niyang bimpo at pinunasan ang namumuong pawis sa noo niya. Randam na ni Celine ang pagod at ngalay sa kaniyang pagbubuhat maghapon. Ngunit alam niyang hindi pa rito nagtatapos ang mga gawain niya. Pagkauwi kasi ni Celine ay aayusin niya pa ang mga natirang paninda niya. Ipamimigay o ipagtatabi ’yon lang ang aabutin ng mga ito sa kamay niya. Ang ibang pagkain na niluto niya na hindi na aabutin ng kinabukasan kahit ilagay pa sa refrigerator ay ibibigay niya na lang sa kapitbahay niya. Alam ni Celine na hindi rin naman nila mauubos ’yon ng kapatid niya kaya imbis na masayang ay ipinamimigay niya na lamang ang mga ’yon. Inabot na siya ng alas-sais kaya napapansin na niya ang pagiging tahimik ng paligid. Madilim na ang kalangitan ngunit dahil sanay na siya at maging sa tulong ng mga ilaw sa kalsada ay hindi na siya nakakaramdam ng anumang takot. Sa kinalakihan niyang probinsiya na ito ay hindi katulad sa ibang lugar, dahil tunay na marerespeto ang mga tao. Sa ganitong oras ay madalang ng may maabutan na tao rito. Dahil lahat ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay. Wala ng nagvi-videoke ng ganitong oras. Maliban na lang kung mayroong permisyo ng Mayor o ng mga Baranggay Officers na madalas lang naman pinapayagan ay kung mayroon okasyon. Dahil sa kagustuhan ni Celine na maubos ang paninda niya kahit na gabihin siyang ng uwi ay wala siyang pakialam. Ngunit sadyang may araw talaga na matumal. Na rason para hindi maubos ang paninda niya. Na alam niyang parte ’yon ng negosyo. Na hindi niya rin ginagawang hadlang para mapagod at tumigil sa pagtitinda.MABILIS na lumalim ang gabi sa training camp. Tahimik ang paligid, bukod sa huni ng kuliglig at iilang boses mula sa mga natitirang empleyado sa mess hall. Si Celine, tahimik na kumakain kanina, ngayon ay abala sa paghahanap ng private spot.“Wala talagang signal sa loob ng kwarto,” bulong niya sa sarili, dala ang kanyang phone at maliit na flashlight. Dumaan siya sa gilid ng camp house, sinundan ang landas papunta sa likuran kung saan may maliit na bench at mataas na halaman na pwedeng magsilbing harang para walang makaabala at makakita sa kaniya. Iniiwasan niya ’yon lalo na si Ivan.Sinilip niya ang screen, three bar na puwede na rin ito, sapat na para makahagip ng signal ang phone niya.Agad siyang nag-dial sa numero ni Criza.“Hello, Criza?”“Uy, tinawagan mo din ako! Kumusta? Huy, okay ka lang ba diyan ha? Kamusta na si Ivan? Lumalaban ba?”“Ano'ng lumalaban? Wala kami sa gera bes,”“Sus, ang oa ni Ate! Lumalaban pa ba? I mean, ano may ilalaban ba sa mga team building niyo?“Wel
SA kabilang banda, seryoso sina Celine at Ivan na makinig at maipanalo ang bawat challenge na ibinabato sa kanila ngayong unang araw ng team building.Gano’n na lang ang level ng focus nila—kahit pa ito’y supposed to be fun and bonding lang, para sa kanila, parang business pitch na may kasamang pride at pressure.Mabilis na napabuntong-hininga si Celine nang makita ang susunod na activity.“Ano ’to?”“Obviously, lubid?”“Pangsakal sa leeg mo?” sarkastikong usal ni Celine, taas-kilay habang pinagmamasdan ang makapal na lubid na tila mas pang-pull ng trak kaysa pang-laro.Lumapit si Miss Rivera, ang HR lead nila, suot ang salamin nito na parang ready for a corporate workshop. Katabi niya si Mr. Gutierrez—CEO at ama ni Ivan—na tahimik lang pero malinaw na inoobserbahan ang lahat.Napakunot-noo si Celine. Ni sa orientation ay walang binanggit na ganitong klaseng tug-of-war style game.“Okay teams,” simulang sabi ni Miss Rivera. “Simple lang ’to, maghihaqilahan kayo ng lubid. Objective: ma
DAHIL sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, unti-unting nagmulat ng mata si Celine. Manipis lang ang puting kurtina sa bintana mula sa balcony, kaya't diretsong tumatagos ang liwanag. Napabuntong-hininga siya at agad na bumangon.Napakunot ang noo niya nang mapansing walang bakas ng kahit anong gusot sa kama ni Ivan. Maayos ang ayos nito—parang hindi man lang nahigaan.“Saan naman natulog ang isang ’yon?” mahina niyang bulong.Tumingin siya sa paligid at doon niya nakita si Ivan, mahimbing na natutulog sa couch. Halatang hindi komportable ang posisyon nito—nakalaylay ang isang paa, may unan sa mukha, at walang suot na pang-itaas.Natigilan si Celine.Sandaling pinagmasdan niya ang lalaking tila hindi na niya dapat iniintindi. Ngunit ngayon, habang natutulog ito, parang bumalik sa kanya ang mga alaala—mga gabing siya ang nakikitang ganyan ni Ivan… pagod, pero buo pa rin ang lakas ng loob.“Hindi pa rin siya nagbabago... stubborn pa rin, kahit sa pagtulog.”Ayaw niyang aminin, per
BAHAGYANG gumalaw si Celine, at ilang sandali pa’y dumilat na ang kanyang mga mata. Nag-aadjust pa ang paningin niya bago unti-unti nang sumisilip sa bintana.Napansin niya ang jacket na nakapatong sa kanya.“Ivan?” mahina niyang tawag, bahagyang naguguluhan.Napalingon agad ang binata mula sa manibela. “Gising ka na,” sabi niya, kalmado ang boses pero hindi makatingin ng diretso.Celine pinilit umupo nang maayos at ibinalik sa kanya ang jacket. “Thanks… pero hindi mo na sana ako ginawa ’to at kaya ko naman.”“Hindi kita kinumutan,” mabilis na sagot ni Ivan, sabay ngiti—yung pilyo at may halong inis.Napairap si Celine, “Right, so spontaneous na lang siyang dumapo sa'kin, ganon?”Hindi na lang siya sinagot ni Ivan at muling tumingin sa daan. Batid ng lalaki na malabo naman talaga ang sinabi nito, pero gano'n naman ang hina ng loob niya na tanggapin na siya ang naglagay no'n sa katawan ni Celine kagabi sa pag-alala na lamigin ito.“Malapit na ba?” tanong ni Celine habang nag-aayos ng s
Maaga pa lang, gising na si Celine. Tahimik ang buong bahay, at ang unang ginawa niya ay pumasok sa kwarto ni Celivean. Nakatulog pa rin itong yakap-yakap si Mommy Bear—'yong iniregalo niya. Sa gilid ng kama, umupo si Celine at saglit na pinagmasdan ang anak. Ayaw niyang umalis pero iyon ang dapat, at kailangan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng anak. “Baby… gising na,” mahinang bulong niya. Dumilat si Celivean, medyo antok pa. “Mommy?” agad siyang umupo, parang naalala agad ang lahat. “Today po?” tanong nito, malungkot ang boses. Tumango si Celine. “Yes, baby. Pero rito muna si Mommy mo sa tabi mo hanggang mamaya. Hihintayin natin si Ninang Criza bago ako umalis.” Tumango si Celivean, pero yumakap agad kay Celine. “Mommy… I’m gonna miss you agad.” “Mamimiss din kita, baby ko. Pero, remember our pinky promise, diba? Video call everyday. Tapos padadalhan pa kita ng photos ng strawberries sa Baguio.” “Can I send you my new drawings po?” tanong ni Celivean habang na
MAINIT-init pa ang araw, pero banayad ang ihip ng hangin. Nakatayo si Celine sa gilid ng gate, suot ang coat at may hawak na tumbler ng tubig habang mahinahong pinagmamasdan ang mga batang lumalabas isa-isa, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga bata, at mga magulang nila na masayang sinusundo ang mga ito mula sa paaralan.Lumabas mula sa gate si Celivean, bitbit ang bag at isang folder ng drawings at worksheets. Nang makita si Celine, agad itong napangiti at kumaway.“Mommy! I miss you!”Agad tumakbo si Celivean palapit, mahigpit ang yakap niya sa bewang ni Celine.Ngumiti si Celine at niyakap rin ito pabalik bago marahan umayos at lumuhod sa anak para tapatan ito.“Hey, baby superstar! Kamusta ang little performer ko?”“Mommy! Coach Alex said I sing so good kanina. Tapos may star ako sa spelling worksheet ko, o! Look, Mommy!”Inabot naman niya ang papel kay Celine—may malaking star sticker na may nakasulat pang “Great Job!”“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko! Sobrang proud si M
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen