CELINE'S POINT OF VIEWILANG linggo na ang nakalipas at katulad pa rin ng dati. Wala naman nagbago bukod sa hindi na ako sinusungitan ni Ivan, pinakita at pinararamdam niya naman na sa akin na mahal niya ako at hindi ko na dapat pang kwestunin 'yon. Day by day, he make an effort to me. Pinaghahandaan ng almusal, sinasamahan manood ng paborito kong k-drama sa T.V. Ginagawan ng mga masasarap na meryenda. Hindi ko tuloy din maiwasan na matuwa sa mga pinaggagawa niya.Minsan pa nang magkaroon kami ng movie marathon at nakatulog ako sa sofa, nagising na lang ako na nakahiga na sa sofa at may kumot. Hindi na ito nagabala pang abalahin ang tulog ko para gisingin ako.Siya tuloy ang unang hinanap ng mata ko pag gising ko. Nawala agad ang lungkot sa mata ko dahil nakita ko itong natutulog na mayroong sapin at nasa baba ko. Mahimbing itong natutulog. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang kagaya niya ay alam kong hindi sanay mahiga sa matigas at malamig na sahig. Ngunit doon siya natulog, na kahi
CELINE'S POINT OF VIEW"BABY?"Iyan agad ang narinig ko nang buksan ko ang pinto. Tumambad sa akin si Ivan. Sa kilos nito at amoy ay halatang nakainom siya.Kunot noo ko man siyang tinignan ay inalalayan ko pa rin siya. Hilong-hilo ito at halos matumba na kami sa ginagawa niya. "Baby? Bumalik ka?" saad nito sa akin dahilan para mangunot ang noo ko sa mga natanong niya. Hindi naman ako bata at hindi naman ako umalis siya nga itong may lakad ng ilang araw gayon babalik nang lasing? "Baby, akala ko tuluyan mo na akong iniwan. Alam mo ba'ng hinihintay pa rin kita?"Naguguluhan na ako iyan lang ang alam kong nararamdaman ko sa ginagawa at ikinikilos nito sa harap ko. "Ivan, ako 'to si Celine!" seryosong wika ko at inalog siya. Dahilan para matigilan ito at agad akong tinignan, nagbago ang ihip ng hangin sa sobrang bilis ay nagbago rin ang kaninang nagmamakaawa at maamong mukha ay bumalik din ito sa pagkablanko. Nagulat ako nang biglang magbago ang emosiyon nito at bahagyang ngumisi. "Y
CELINE'S POINT OF VIEWMAAGA pa lang nang magising ako kaya naman naghanda na ako ng almusal nilang dalawa. Hindi ko na rin hinintay pa na magising silang dalawa. Mukha naman kasing napagod ito sa ginawa nilang mukbangan kagabi at kaninang madaling araw. Nag-iwan na lang ako nang sticky note sa tabi ng mga pagkain at nagpaalam na mamimili ako. Kahit ang totoo, ay may barya na lang akong dala at hindi talaga mamimili. Pagkatapos kong mag-ayos, agad na akong naghanap nang taxi. Muli kong tinignan ang card na hawak ko. Ang card na ibinigay sa akin ni Kean. Hindi ko alam, kung bakit siya ang naisip kong lapitan ngayon. Ngunit isa lang naman ang nais ko, ang matapos na 'to. Gusto ko nang simulan ang lahat.Kung siya ang makakatulong sa akin, ay kakapalan ko na ang mukha ko.Nagtungo ako sa address na ibinigay niya. Hindi naman ako nagkamali, mayaman nga ito. Sabagay, sa kotse pa lang nang ihatid niya ako noon, pangmayaman na e. Hindi na talaga dapat akong magtaka sa kung ano ang masasa
CELINE'S POINT OF VIEW"ANG sakit ng ulo ko," rinig kong saad niya matapos niyang umupo. Dahilan para tumikhim ako at tignan siya. Kinuha ko ang plato na nasa hapag kainan na may laman na kanin at nilagyan ang plato niya. "Lasing na lasing ka kagabi, saglit. Kukunan kita nang maiinom para maibsan 'yang sakit ng ulo mo."Hindi siya sumagot kaya naman nagtungo na ako ng kusina upang kumuha at pagtimplahan siya ng tsaa. "Ano'ng nangyari?"Natigilan ako nang marinig ko ang tanong niyang 'yon ngunit mas pinili kong maging pormal. "Nangyari? Ano'ng ibig mong sabihin? Pinagbuksan kita kagabi at basta ka na lang, nagpagewang-gewang na naglakad kaya inalalayan kita papasok sa kuwarto mo. Pasensiya na kung sinuway ko na naman 'yong sinabi mo na hindi ako puwedeng pumasok d'yan sa kuwarto mo." Bumuntong-hininga ako bago siya lapitan at ilapag ang basong hawak ko. "Hindi mo na kasi kaya pang maglakad sa sobrang kalasingan nagalala lang ako at baka bumagsak ka. Mabuti at nakabyahe ka pa?" Humigo
CELINE'S POINT OF VIEW "KUMAIN ka na?""Hindi ba halatang hindi pa?""Sige mamilosopo ka pa,"Umiling lang ako sa kaniya. "Kumain na tayo, naghanda ako na ako ng almusal mo.""Naku, beh. Dahan-dahan, huwag ma-fall baka maging straight ako, niyan.""Ah talaga ba?""Aray!""Bakit? Anyare sa'yo?""Bakit nangungurot ka!?""Umupo ka na kasi ang dami mong kuda ang aga-aga e!" Ngumuso siya na parang bata para 'di ko maiwasang mapangiti. Ang kulit ng lalaking 'to. "Mag-isa ka lang rito sa condo mo? I mean, girlfriend? Boyfriend, wala?""Bakit interesado ka? May balak kang isunod ako pagtapos niyo ng husband mo ano?"Inirapan ko siya, "Of course not!""Mag-isa lang ako, mayaman ang mga magulang ko kaya hindi sila talaga nagkakaroon ng oras pagdating sa akin. They're busy with there busineses. Busy sa pagpapayaman. Habang ko ito, mind own business too. Hindi nila ako pinapakialaman simula nang magsolo ako."Napatango ako at hindi maiwasang mapaisip sa sitwasiyon niya.May mga magulang talaga n
IVAN'S POINT OF VIEW "Sir Ivan, gising!" "What?""Umaga na po, Sir." "Then? Sino ka ba para gisingin ako? Hindi mo ba nakikita ang sarap-sarap ng tulog ko rito sa kama– wait? Bakit ako nandito?" Nakakainis, kaya pala ang sakit ng likod ngayon. Because of this, fucking table! And the hell? Natulog akong naka-upo? Damn it! Nasaan ba si Celine? Hindi man lang niya akong ginising at niyaya umuwi kagabi? Hinayaan niya akong makatulog rito sa kalasingan? Inis kong hinampas ang lamesa.Kaya nagulat ang babaeng ito na gumising sa akin. "Where's Celine? Call her, please!" Mabilis naman itong tumango at naglakad na palayo. Mabilis akong humarap sa isang lalaki na nakasuot ng itim. "Timplahan mo nga ako ng tsaa." blankong utos ko rito.But he still standing and doing nothing na lalong ikinainit ng ulo ko. Akmang sisigawan ko siya pero napatigil ako ng may magsalita sa likod ko. "Don't, just do what you do there and your job." "Dad?" Iritado kong saad."What? Hindi mo siya, kasambahay Ivan.
CELINE'S POINT OF VIEW "Ano ba kasi itong pakulo mo, Kean? Bakit kailangan may paganito pa?" Kasalukuyan niya akong inaalalayan maglakad. Tinakpan pa kasi nito ang mata ko at iyon ang hindi ko maintindihan sa lalakeng 'to, napakaraming alam! Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman 'to, lalo't ngayon lang ako ginawan ng ganitong keneme. "Just wait and see, sana mapasaya kita sa ginawa kong 'to." bulong niya at alam kong bakas ang ngiti sa labi nito. Napailing na lang ako at sinunod ang ituturo niyang daan. Maya-maya ay hinawakan niya ako para huminto. Ang hangin, hindi ko alam kung nasaan kami pero para kaming naglalakad pataas kanina. "Mommy? Marco?" Iyan na lang naibulaslas ko ng tanggalin niya ang panyo sa mata ko. "Suprise!" Nakangiti at sabay-sabay nilang usal. Narito kami sa tutok ng bundok kung saan makikita ang napakaraming puno, may mga lamesa, at upuan habang tanaw na tabaw ang sikat ng araw. "Ate Celine!" Tinig ni Marco na papalapit sa akin at mabilis akong niyakap. Nagp
IVAN'S POINT OF VIEW "LOVE? Nandito na ako, nasaan ka ba?" Hindi ko alam kung saan ako napadpad ito kasi ang location, na ise-send sa akin ni Nathalia. Gusto niya rito ko siya sunduin. Mabuti na lang at may mga apps na puwede kong gamitin para hindi na ako mahirapan pang mahanap ang lugar na to. "Wait love," Basa ko pa sa chat niya. Kahit naiinip na ako, nanatili pa rin akong nakasandal sa kotse ko. "Love?" Natigilan ako ng marinig ang boses na 'yon kaya kaagad ko itong tinignan. "You look good, Love!" tukoy nito sa kabuohan ko. Napatingin naman ako sa sarili ko. I'm just wearing a neck black sweater, belt and slacks.Napangiti ako, namiss ko ang bagay na 'to. Siya kasi lang kasi ang taong nakilala ko na mahilig purihin o ma-appreciate 'yong mga bagay na katulad nito. "Thank you, Nathalia." naiusal ko na lamang. Inalalayan ko siya papasok sa kotse ko. "Let's go?" Nakangiting aniya ko pa at tinignan siya.Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi ko ng mapansin kong hindi pa niya nai