“Ma'am narito na po tayo,” anusyo kay Celine ng driver nito. Nanatili siyang tahimik at tinignan muli ang bintana ng sasakyan. Abot doon ang mga nagagandahan at naglalakihan na mga building doon sa sa cedars-senai. Narito na pala siya sa hospital. Ilang oras na lang at magsisimula na ang operasiyon ng kapatid niyang si Marco. Kaya siya nagtungo rito. ’Yon ay para hintayin ang magiging resulta ng operasiyon nito. Puno na ng kaba ang dibdib niya. Napakagat-labi si Celine habang inaalala ina-alala ang sinabi nito sa kaniya. “Ate Celine mabubuhay pa po ba ako? Gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pa pong makapaglaro po ng hindi napapagod agad-agad. Makita sina Mommy, At Daddy... Makapag-aral kagaya nina Notnot...” hawak nito ang kamay ni Celine habang binibigkas ang mga ’yon. Mabubuhay ka, Marco. “Ma’am, coffee?” “Salamat...” seryosong usal ni Celine nang tanggapin niya ang ibinigay nitong kape. Matapos nitong iaabot ’yon ay napangiti itong tumabi sa kaniya sa gang chair. “Mag
ILANG buwan na ang nakalipas mula ng mag-stay si Celine at si Marco maging ang mga bodyguards nito sa Los Angeles. Kailangan nilang mag-stay roon dahil kailangan ni Marco maka-recover muna. Hinayaan naman sila ni Mr. Lorenzo at hindi rin siya pumalag sa bagay na ’yon lalo na isa ’yon sa napag-usapan. Mabait si Mr. Lorenzo Gutierrez. Hindi niya ito binigo sa usapan. Hindi niya rin iniwan sila Celine sa ere, at mas lalong pinabayaan. Kaya malaki na ang utang na loob nito sa kaniya. Dahil sa kaniya nabigyan pa ng panibagong buhay ang kapatid nito. Kung hindi siya dumating hindi na rin siguro alam ni Celine kung paano iyon lulutasin. Kung paano pa ang mga ito makaka-survive sa problema na 'yon. At dahil sa ilang buwan ng mga ito sa pag-stay ay kinakailangan na nilang umuwi. Dahil na rin sa sinabi ng doctor dito ni Marco. ’Yon ay ang permisyo nito dahil maluwag na nitong sinabi na maayos na si Marco. Kasalukuyan na silang nasa private plane. Hindi na naman mabilang ang ngiti na sumilay
“Maayos na ang lahat, Ma'am Celine. Puwede ka ng pumasok sa loob.” Napatingin siya kay Arvin. Kagagaling lamang nito sa loob na magiging kuwarto niya rito. Mukhang katatapos lang din ng mga ito ilagay ang mga bagahe nila. Nakasandal pa rin si Celine sa tapat ng dingding ng pinto ng magiging kuwarto niya. Naka-cross arm dito bago marahan na i-angat ang tingin kay Arvin na seryosong din nakatingin sa kaniya. “Tama kaya ang desisyon ko?” “Ngayon pa ba magbabago ang desisyon mo? Tama man o hindi. Nandito na tayo, magaling na si Marco, at nagawa na lahat ni Boss L lahat ng gusto mo. Kaya wala ka nang magagawa kundi ang tuparin naman ang napag-usapan niyo ni Mr. Lorenzo.” “Bakit naman ganito kahirap?” wala sa sariling tanong ng dalaga habang nakatingin sa mata ng kaniyang kausap. “Wala naman nagiging madali agad-agad sa umpisa, Ma'am Celine. Nand’yan na rin naman hindi ba? Kaya bakit mo agad susukuan at hindi susubukan? Isang taon lang naman, Celine. Baka sa isang taon ano’ng malay nati
“NAPAKAGANDA mo, iha...” Napangiti siya matapos ’yon sambitin ni Mrs. Daniella Gutierrez. Dahil kasalukuyan na silang nasa Hotel room rito sa boracay. Ito kasi ang perfect venue na napili nila kung saan gaganapin ang kasal nina Ivan at Celine. Ni hindi man lang umabot ng isang buwan bago mabuo ang plano ito. Gusto na lamang niyang isipin na ang lahat ng ’to ay planado. Ngunit kailan lamang sila nagkakilala ni Mr. Lorenzo siguro mas magandang pakinggan na ang mas planado iyon ay ang future ni Ivan. Sa ilang linggo niya na pagtira sa Mansion nito. Ni hindi man lang niya naramdaman ang presensiya ng binata. Hindi ito nakikipag-usap sa kaniya, kung makikipag-usap man wala itong ginawa kundi ang sagutin siya ng pabalang. Hindi rin niya ito magawang masisi lalo na isa rin naman siya sa dahilan kung bakit ito nagkakaganito. Nakakatawa na, maari siyang tumanggi o tumutol sa kaniyang Ina at Ama ngunit ito siya. Hindi na tumututol at hinahayaan na lang ang nangyari ang mga ito. Wala
NAGPAPASALAMAT si Celine nang nairaos na nila ang buong maghapon na kaganapan sa kasal. “Kayong dalawa, bakit hindi pa kayo pumasok sa kuwarto niyo? Celine, ihatid mo na ’yan si Ivan sa kuwarto niyo.” Agad na nanlaki ang mata niya at napatingin kay Ivan. Ang ulo nito ngayon ay yukong-yuko na patagong napataas ang kilay niya. Bakit ba ang hilig nitong uminom? Samantalang ilang bote pa lang ng alak ang naiinom nito ay bagsak na. “S-Sige 'ho, Tita Daniella at Tito Lorenzo. Sainyo po, mga ate at kuya. Salamat sa pag-attend sa kasal namin. M-Mauuna na kami sa loob...” Napasinghap si Celine matapos niyang sabihin ’yon sa mga ito na kasalukuyan pa rin na umiinom. “Bakit kasi nagpakalasing ang isang 'to na hindi naman niya kaya?” naiinis na bulong ni Celine habang hirap na hirap pa rin sa pagbuhat dito papasok ng kanilang kuwarto. Hawak na nga niya ang susi ng kuwarto nila. Kaya wala siyang ganang isinandal ang ulo nito habang abala pa rin sa pagbubukas ng pinto. Nang mabuksan ito
“IVAN gising ka na pala, nagugutom ka ba? Naghanda nga pala ako ng mga pagkain," wika ni Celine. Habang inihahain na ang kanin na sinaing nito. Sunod na niyang inayos ang apron na suot niya at lumapit sa kalan kung saan kasalukuyan nakalagay ang nilulutong niyang hotdog at bacon. “Masusunog na ’yang niluluto mo. So can you stop staring ate me?” wika ni Ivan habang seryosong pababa ng hagdan. Napaiwas siya ng tingin at muling itinuon sa niluluto niya ang kaniyang paningin. Bakit kasi ang pogi niya sa suot niya? Nakanguso niyang tanong sa sarili. Nakasuot lang naman siya ng puting polo at itim na short pero napakalakas ng dating no'n para kay Celine. “I need to go,” maya-maya niyang saad na ikinanganga niya. “Hindi ka ba kakain? Inihanda ko para sa 'yo 'to. “Wala ka ba’ng balak tikman man lang?” “Hotdog, egg, chicken, and bacon?” seryoso niyang usal habang isa-isang binabanggit at tinitigan pa ang mga inahain niya sa lamesa. “Do you have something special put in those dishes?” "
MAG-ISA na naman siyang naiwan sa mansion. ’Yon ay dahil maaga pa lamang ay umalis na si Ivan. Hindi niya alam kung ano ba'ng balak nito. Kung balak na lang ba nito na ganito na lang ba sila palagi. Walang interaction kahit ni isa. Katulad ng dating gawi, idinadaan niya na naman sa paglilinis ng mansion ang pagkabagot sa pagiging mag-isa sa loob nito. Magkaiba sila ng kuwarto ni Ivan ngunit tapat lamang nito ang kuwarto ni Celine. Mula nang mangyari ang araw na ’yon kung saan aksidente niyang napasok ang kuwarto nito ay mahigpit ng ipinagbawal ni Ivan sa mga kasambahay, at lalong lalo na sa kay Celine ang pumasok sa loob ng kuwarto nito. Lalo na kung wala raw naman siyang pahintulot dito. Dahil kahit ilang beses pa raw siya sabihin ng Ama niya na tabi silang matulog sa iisang kuwarto. Bagay na hindi sang-ayon si Ivan. Kaya pilit at pagpapanggap lang ang nagagawa nila. Dahil ang totoo hindi nito maatim na patuluyin at papasukin si Celine na alam naman niya ang rason. Iyon ay dahil
Tahimik na naglakad si Celine. Maliwanag pa naman ang labas ng kanilang mansion. Gano’n din ang mga bantay roon sa labas ay nanatili pa rin gising ang ilan. Mag-te-ten pa lang naman ng gabi kung hindi siya magkakamali. “Where have you been, Celine?” “Ay anak ka ng tatay mo!” gulat na wika niya. Nabitawan tuloy niya ang main door dahilan para malakas ’yon kumalampag pasara. “Papatayin mo ba ’ko sa gulat ’ha?” “What about you? Dahil ba sa kaniya kaya hindi mo nagawang mamalayan ang oras?” tuluyan na nitong naagaw ang atensiyon ni Celine. Si Ivan na papalapit sa kaniya, ito ang unang beses na nakita niya ulit ito at naabutan. Nakasuot pa ito ng gray na t-shirt at black short habang nakasuksok naman ang kamay nito sa kaniyang bulsa. “Ano’ng oras na, Celine. Gawain ba ’yan ng matinong babae? Kung makikipaglandian ka rin naman, lubusin mo na. Huwag ka na umuwi at umalis ka na sa buhay ko.” Napalunok si Celine sa isinambit nito sa kaniya. “Pasensiya na, may nangyari lang. Nalowbat d
MABILIS na lumalim ang gabi sa training camp. Tahimik ang paligid, bukod sa huni ng kuliglig at iilang boses mula sa mga natitirang empleyado sa mess hall. Si Celine, tahimik na kumakain kanina, ngayon ay abala sa paghahanap ng private spot.“Wala talagang signal sa loob ng kwarto,” bulong niya sa sarili, dala ang kanyang phone at maliit na flashlight. Dumaan siya sa gilid ng camp house, sinundan ang landas papunta sa likuran kung saan may maliit na bench at mataas na halaman na pwedeng magsilbing harang para walang makaabala at makakita sa kaniya. Iniiwasan niya ’yon lalo na si Ivan.Sinilip niya ang screen, three bar na puwede na rin ito, sapat na para makahagip ng signal ang phone niya.Agad siyang nag-dial sa numero ni Criza.“Hello, Criza?”“Uy, tinawagan mo din ako! Kumusta? Huy, okay ka lang ba diyan ha? Kamusta na si Ivan? Lumalaban ba?”“Ano'ng lumalaban? Wala kami sa gera bes,”“Sus, ang oa ni Ate! Lumalaban pa ba? I mean, ano may ilalaban ba sa mga team building niyo?“Wel
SA kabilang banda, seryoso sina Celine at Ivan na makinig at maipanalo ang bawat challenge na ibinabato sa kanila ngayong unang araw ng team building.Gano’n na lang ang level ng focus nila—kahit pa ito’y supposed to be fun and bonding lang, para sa kanila, parang business pitch na may kasamang pride at pressure.Mabilis na napabuntong-hininga si Celine nang makita ang susunod na activity.“Ano ’to?”“Obviously, lubid?”“Pangsakal sa leeg mo?” sarkastikong usal ni Celine, taas-kilay habang pinagmamasdan ang makapal na lubid na tila mas pang-pull ng trak kaysa pang-laro.Lumapit si Miss Rivera, ang HR lead nila, suot ang salamin nito na parang ready for a corporate workshop. Katabi niya si Mr. Gutierrez—CEO at ama ni Ivan—na tahimik lang pero malinaw na inoobserbahan ang lahat.Napakunot-noo si Celine. Ni sa orientation ay walang binanggit na ganitong klaseng tug-of-war style game.“Okay teams,” simulang sabi ni Miss Rivera. “Simple lang ’to, maghihaqilahan kayo ng lubid. Objective: ma
DAHIL sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, unti-unting nagmulat ng mata si Celine. Manipis lang ang puting kurtina sa bintana mula sa balcony, kaya't diretsong tumatagos ang liwanag. Napabuntong-hininga siya at agad na bumangon.Napakunot ang noo niya nang mapansing walang bakas ng kahit anong gusot sa kama ni Ivan. Maayos ang ayos nito—parang hindi man lang nahigaan.“Saan naman natulog ang isang ’yon?” mahina niyang bulong.Tumingin siya sa paligid at doon niya nakita si Ivan, mahimbing na natutulog sa couch. Halatang hindi komportable ang posisyon nito—nakalaylay ang isang paa, may unan sa mukha, at walang suot na pang-itaas.Natigilan si Celine.Sandaling pinagmasdan niya ang lalaking tila hindi na niya dapat iniintindi. Ngunit ngayon, habang natutulog ito, parang bumalik sa kanya ang mga alaala—mga gabing siya ang nakikitang ganyan ni Ivan… pagod, pero buo pa rin ang lakas ng loob.“Hindi pa rin siya nagbabago... stubborn pa rin, kahit sa pagtulog.”Ayaw niyang aminin, per
BAHAGYANG gumalaw si Celine, at ilang sandali pa’y dumilat na ang kanyang mga mata. Nag-aadjust pa ang paningin niya bago unti-unti nang sumisilip sa bintana.Napansin niya ang jacket na nakapatong sa kanya.“Ivan?” mahina niyang tawag, bahagyang naguguluhan.Napalingon agad ang binata mula sa manibela. “Gising ka na,” sabi niya, kalmado ang boses pero hindi makatingin ng diretso.Celine pinilit umupo nang maayos at ibinalik sa kanya ang jacket. “Thanks… pero hindi mo na sana ako ginawa ’to at kaya ko naman.”“Hindi kita kinumutan,” mabilis na sagot ni Ivan, sabay ngiti—yung pilyo at may halong inis.Napairap si Celine, “Right, so spontaneous na lang siyang dumapo sa'kin, ganon?”Hindi na lang siya sinagot ni Ivan at muling tumingin sa daan. Batid ng lalaki na malabo naman talaga ang sinabi nito, pero gano'n naman ang hina ng loob niya na tanggapin na siya ang naglagay no'n sa katawan ni Celine kagabi sa pag-alala na lamigin ito.“Malapit na ba?” tanong ni Celine habang nag-aayos ng s
Maaga pa lang, gising na si Celine. Tahimik ang buong bahay, at ang unang ginawa niya ay pumasok sa kwarto ni Celivean. Nakatulog pa rin itong yakap-yakap si Mommy Bear—'yong iniregalo niya. Sa gilid ng kama, umupo si Celine at saglit na pinagmasdan ang anak. Ayaw niyang umalis pero iyon ang dapat, at kailangan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng anak. “Baby… gising na,” mahinang bulong niya. Dumilat si Celivean, medyo antok pa. “Mommy?” agad siyang umupo, parang naalala agad ang lahat. “Today po?” tanong nito, malungkot ang boses. Tumango si Celine. “Yes, baby. Pero rito muna si Mommy mo sa tabi mo hanggang mamaya. Hihintayin natin si Ninang Criza bago ako umalis.” Tumango si Celivean, pero yumakap agad kay Celine. “Mommy… I’m gonna miss you agad.” “Mamimiss din kita, baby ko. Pero, remember our pinky promise, diba? Video call everyday. Tapos padadalhan pa kita ng photos ng strawberries sa Baguio.” “Can I send you my new drawings po?” tanong ni Celivean habang na
MAINIT-init pa ang araw, pero banayad ang ihip ng hangin. Nakatayo si Celine sa gilid ng gate, suot ang coat at may hawak na tumbler ng tubig habang mahinahong pinagmamasdan ang mga batang lumalabas isa-isa, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga bata, at mga magulang nila na masayang sinusundo ang mga ito mula sa paaralan.Lumabas mula sa gate si Celivean, bitbit ang bag at isang folder ng drawings at worksheets. Nang makita si Celine, agad itong napangiti at kumaway.“Mommy! I miss you!”Agad tumakbo si Celivean palapit, mahigpit ang yakap niya sa bewang ni Celine.Ngumiti si Celine at niyakap rin ito pabalik bago marahan umayos at lumuhod sa anak para tapatan ito.“Hey, baby superstar! Kamusta ang little performer ko?”“Mommy! Coach Alex said I sing so good kanina. Tapos may star ako sa spelling worksheet ko, o! Look, Mommy!”Inabot naman niya ang papel kay Celine—may malaking star sticker na may nakasulat pang “Great Job!”“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko! Sobrang proud si M
“Ang panget ng umaga ko,” napasimangot si Celine habang busy sa mga kailangan niyang asikasuhin, nakalagay pa sa tainga ang cellphone niya—kausap si Criza.“Anyare, anong ganap?”“Well, nakita ko lang naman si Nathalia.” “Oh-huh, ba't gan’yan reaction mo? Don’t tell me nagiging marupok ka na at nagseselos ka sa kanilang dalawa?”“What? Saan naman galing ’yan? Nakakadiri ka. Me jealous?”“Hep hep! Wala ka ng karapatan, remember? Pigilan mo 'yan best!”“Tigilan mo nga ako, Criza.”“Joke! Sungit! Bakit ka nga pala napatawag? Is there something wrong aside d'yan sa mood mo?”“Well, I really need your help...”“Help? Why? For what? What happen? Is there something wrong?”“Isa lang ako bai, isa-isa rin sana tanong mo 'no?” rinig naman ni Celine ang pagsimangot nito.“Well, kailangan ko ng favor. Kailangan ko ng yaya ngayon, Criza. Wala akong mapag-iwanan, nagkataon pa na may team building kami sa Baguio for 3 weeks and hindi ako puwedeng mawala dahil isa ako sa taong dahilan kung bakit tal
PAGKATAPOS ihatid si Celivean ay agad nang dumiretso si Celine sa opisina. Nakataas ang leeg, composed ang itsura, pero sa loob-loob niya, para siyang may mabigat na batong kinikimkim sa dibdib.Pagpasok niya sa building, ilang mga empleyado ang bumati sa kanya, ngunit saglit lamang ang mga ngiti niya—hindi dahil suplada siya, kundi dahil kulang ang lakas para ngumiti nang totoo. Sa una ay naroon ang pagtataka sa loob-loob niya, kakaiba para sa kaniya ang araw na ’to, lalo’t pangalawang tapak niya pa lamang sa kompaniya na ’to. Ngunit sabagay, paniguradong kumalat na ang napag-usapan nila sa meeting kahapon. Para kay Celine siya lang naman ay isang malaking ewan para maglakas loob na sabayan ang Ama ng dating niyang asawa—ni hindi niya pa nga kilala ng lubusan ang mga tao rito at mas lalong wala pa itong alam sa kaniya.Napabumuntong-hininga siya sa naisip.Nang makarating sa opisina ay nagmadali siyang ayusin ang sarili.Malaki para sa kaniya ang ibinigay na opisina, naroon din ang
“Are you for real, Celine?”Mabilis na napasinghap si Celine habang nakatitig sa touchscreen ng cellphone niya. Kausap niya si Criza, matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa araw niya walang labis, walang kulang lahat ay detalyado. Ngunit tila hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya.Pero aminado si Celine—kung siya ang nasa posisyon ni Criza, ganito rin ang magiging reaksyon niya.Sa dami ng taon na lumipas, sinong mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana? Ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot, pilit niyang kinalimutan at itinuring na patay, ay muli na namang bumalik. At ngayon, araw-araw pa niyang makikita.Inis niyang kinagat ang kapirasong tinapay.“Oo nga, walang halong echos!” sagot niya.“Grabe! I can't really imagine. Like, how? Sa dami ng kumpanya sa buong Pilipinas, doon pa talaga kayo pinagsama? Lakas mo kay Lord, Celine! Prayer reveal, please!” natatawang sabi ni Criza sa kabilang linya.“Anong prayer reveal? As if hiniling ko 'to, no?! Kung ala