Share

CHAPTER 6

Penulis: Queen_ilaria
last update Terakhir Diperbarui: 2023-05-02 01:18:39

“ATE CELINE gumising ba po kayo!” Napadilat si Celine nang marinig niya ang boses ng kapatid niya. Dahil panibagong araw na naman ang bumungad sa kaniya. Tirik na tirik ang araw sa mukha niya habang ngalay na ngalay ang ulo niya sa pagkakapatong nito sa hospital bed na hinihigaan ng kapatid niyang si Marco. Napaunat siya ng leeg at dahan-dahan na ikinusot ang mata niya. Natigilan siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa likod niya. “Ano’ng problema, Marco?”

Bigla itong lumingon sa pinto na ikinataka ni Celine dahilan para sundan rin niya ang gawi nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nasaksihan.

Mayroong limang mga lalaki na nakatayo ng tuwid malapit sa pinto ng kuwarto ng kapatid niya.

“Sino ang mga ’to? Ano’ng ginagawa ng mga ito rito?” bulong pa niya.

“Gising na po kayo pala kayo, narito na po ang mga ipinabili sa akin ni Sir Lorenzo.” Lumapit kay Celine ang isang matandang babae. Galing ito sa likod ng mga lalaking naka-itim. Agad niyang ipinapasok ang mga paper bag sa mga lalaking naka-itim na barong.

Naguguluhan, iyon ang kasalukuyan na nararamdaman ni Celine sa mga ito.

Ano ba ang ginagawa nila rito? Bakit sila narito? Kung pinadala sila ni Mr. Guiterrez, bakit naman niya ito ipapadala sa amin ang mga taong ’to?

Sunod-sunod niyang tanong sa kaniyang isip. Walang ka-idea-idea niyang tugon sa sarili.

Napailing siyang kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at mabilis na hinanap ang pangalan nito sa contact niya.

“Hello, Celine? Napatawag ka? May problema ka ba? Nand’yan na nga pala ang mga bodyguards niyo at nand’yan na rin si Manang Lolita. Pangsamantala lamang siya r’yan, pinadala ko siya para kung sakaling may kailangan kang puntahan ay may magbabantay sa kapatid mo.”

Suminghap siya at tinignan ito.

Nasa tabi na ito ng kapatid niya at kinakausap na siya nito. Mukha naman mabait ang matandang babae na tinutukoy nitong Manang lolita.

Nagpanggap siyang umubo bago magsalita, “Mr. Guiterrez, hindi naman po sa pagrereklamo ngunit lima po ang bodyguard na inilagay niyo rito samantalang hindi naman po ako prinsesa. Wala rin naman nagtatangkang pumatay sa akin. Bakit ganito 'ho sila karami?”

“Iyan ba, Iha? Wala naman akong nakikitang mali sa limang bodyguard. Naniniguro lang ako—”

“Hindi 'ho kami tatakas,” pagputol niya sa sasabihin nito bago marahan na umirap sa hangin.

“I know but alam mo na mas mabuti nang makaiwas at maging ligtas sa mga bagay-bagay. Anyways, ready na ang lahat. Kailangan niyo nang maghanda. Isesend ko na sa iyo lahat ng details, and requirements. Katulad ng passport mo. Actually, nand’yan na ’yon lahat. Hawak na ni Manang Lolita. Sa kaniya ko ’yon pinagkatiwala dahil sasama rin naman siya sainyo sa ibang bansa. May kailangan ka pa ba? I need to go, Celine. Just don’t forget to text and update me, kung sakaling mayroong maging aberya, Okay?” saad nito na sinang-ayunan na lamang ni Celine.

"Halika na po, Ate Celine. May dala po si Manang na pancit. Kumain na po ulit tayo!" Napangiti siya nang marinig niya 'yon sa kapatid niya.

Ngumiti rin siya sa matandang babae na sinisubuan na kasi nito ang kapatid niyang si Marco.

Ang bilis nilang nagkasundo, "Hindi po ba kayo kakain?" pagyaya ni Celine matapos niyang kumuha ng plato at nilagyan ito ng pancit. Marahan naman umiling ang mga lalaki na ito.

Mukhang ka-edad lamang niya ang ilan sa limang bodyguard na ipinadala sa kaniya. Lalo na ang pinakamaliit doon. Ngunit ang tindig nito ay hindi mo rin masasabi. Muling tinapunan ni Celine ng patagong tingin ang binatang nasa gawi niya ang paningin na mabuti ay hindi siya nito napansin.

Seryoso lang ang mga itong nakatingin sa kanila. Hindi niya tuloy mapigilan mapakunot-noo at makaramdam ng pagkailang sa mga ito.

“Puwede ba’ng sa labas na lang kayo?” inis niyang tanong sa hindi maintindihan na dahilan. Iginawi niya ang kaniyang tingin sa kaliwa at kanan niya bago tapunan muli ng tingin ang mga ito. “May nakikita pa ba kayong pinto bukod sa pinto ng cr na ’yan at pinto sa exit ng kuwartong ’to?” Mabilis naman umiling ang ilan. “Kung gano’n hindi n’yo kailangan mag-alala. Hindi naman kami tatakas sainyo.”

“Hindi ka rin naman si Boss L para sundin ko.” singit ng isa.

Ang pinakamaliit sa mga ito.

Mabilis napataas ang kilay niya rito. “Sige, mangalay ka sana kakatayo r’yan.” bulong niya.

Hindi naman ’yon narinig ng binatang sumabat sa kaniya. Nagpatuloy na lang silang nagkuwentuhan habang nasa loob ang mga ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Marrying with You   CHAPTER 60

    MABILIS na lumalim ang gabi sa training camp. Tahimik ang paligid, bukod sa huni ng kuliglig at iilang boses mula sa mga natitirang empleyado sa mess hall. Si Celine, tahimik na kumakain kanina, ngayon ay abala sa paghahanap ng private spot.“Wala talagang signal sa loob ng kwarto,” bulong niya sa sarili, dala ang kanyang phone at maliit na flashlight. Dumaan siya sa gilid ng camp house, sinundan ang landas papunta sa likuran kung saan may maliit na bench at mataas na halaman na pwedeng magsilbing harang para walang makaabala at makakita sa kaniya. Iniiwasan niya ’yon lalo na si Ivan.Sinilip niya ang screen, three bar na puwede na rin ito, sapat na para makahagip ng signal ang phone niya.Agad siyang nag-dial sa numero ni Criza.“Hello, Criza?”“Uy, tinawagan mo din ako! Kumusta? Huy, okay ka lang ba diyan ha? Kamusta na si Ivan? Lumalaban ba?”“Ano'ng lumalaban? Wala kami sa gera bes,”“Sus, ang oa ni Ate! Lumalaban pa ba? I mean, ano may ilalaban ba sa mga team building niyo?“Wel

  • Marrying with You   CHAPTER 59

    SA kabilang banda, seryoso sina Celine at Ivan na makinig at maipanalo ang bawat challenge na ibinabato sa kanila ngayong unang araw ng team building.Gano’n na lang ang level ng focus nila—kahit pa ito’y supposed to be fun and bonding lang, para sa kanila, parang business pitch na may kasamang pride at pressure.Mabilis na napabuntong-hininga si Celine nang makita ang susunod na activity.“Ano ’to?”“Obviously, lubid?”“Pangsakal sa leeg mo?” sarkastikong usal ni Celine, taas-kilay habang pinagmamasdan ang makapal na lubid na tila mas pang-pull ng trak kaysa pang-laro.Lumapit si Miss Rivera, ang HR lead nila, suot ang salamin nito na parang ready for a corporate workshop. Katabi niya si Mr. Gutierrez—CEO at ama ni Ivan—na tahimik lang pero malinaw na inoobserbahan ang lahat.Napakunot-noo si Celine. Ni sa orientation ay walang binanggit na ganitong klaseng tug-of-war style game.“Okay teams,” simulang sabi ni Miss Rivera. “Simple lang ’to, maghihaqilahan kayo ng lubid. Objective: ma

  • Marrying with You   CHAPTER 58

    DAHIL sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, unti-unting nagmulat ng mata si Celine. Manipis lang ang puting kurtina sa bintana mula sa balcony, kaya't diretsong tumatagos ang liwanag. Napabuntong-hininga siya at agad na bumangon.Napakunot ang noo niya nang mapansing walang bakas ng kahit anong gusot sa kama ni Ivan. Maayos ang ayos nito—parang hindi man lang nahigaan.“Saan naman natulog ang isang ’yon?” mahina niyang bulong.Tumingin siya sa paligid at doon niya nakita si Ivan, mahimbing na natutulog sa couch. Halatang hindi komportable ang posisyon nito—nakalaylay ang isang paa, may unan sa mukha, at walang suot na pang-itaas.Natigilan si Celine.Sandaling pinagmasdan niya ang lalaking tila hindi na niya dapat iniintindi. Ngunit ngayon, habang natutulog ito, parang bumalik sa kanya ang mga alaala—mga gabing siya ang nakikitang ganyan ni Ivan… pagod, pero buo pa rin ang lakas ng loob.“Hindi pa rin siya nagbabago... stubborn pa rin, kahit sa pagtulog.”Ayaw niyang aminin, per

  • Marrying with You   CHAPTER 57

    BAHAGYANG gumalaw si Celine, at ilang sandali pa’y dumilat na ang kanyang mga mata. Nag-aadjust pa ang paningin niya bago unti-unti nang sumisilip sa bintana.Napansin niya ang jacket na nakapatong sa kanya.“Ivan?” mahina niyang tawag, bahagyang naguguluhan.Napalingon agad ang binata mula sa manibela. “Gising ka na,” sabi niya, kalmado ang boses pero hindi makatingin ng diretso.Celine pinilit umupo nang maayos at ibinalik sa kanya ang jacket. “Thanks… pero hindi mo na sana ako ginawa ’to at kaya ko naman.”“Hindi kita kinumutan,” mabilis na sagot ni Ivan, sabay ngiti—yung pilyo at may halong inis.Napairap si Celine, “Right, so spontaneous na lang siyang dumapo sa'kin, ganon?”Hindi na lang siya sinagot ni Ivan at muling tumingin sa daan. Batid ng lalaki na malabo naman talaga ang sinabi nito, pero gano'n naman ang hina ng loob niya na tanggapin na siya ang naglagay no'n sa katawan ni Celine kagabi sa pag-alala na lamigin ito.“Malapit na ba?” tanong ni Celine habang nag-aayos ng s

  • Marrying with You   CHAPTER 56

    Maaga pa lang, gising na si Celine. Tahimik ang buong bahay, at ang unang ginawa niya ay pumasok sa kwarto ni Celivean. Nakatulog pa rin itong yakap-yakap si Mommy Bear—'yong iniregalo niya. Sa gilid ng kama, umupo si Celine at saglit na pinagmasdan ang anak. Ayaw niyang umalis pero iyon ang dapat, at kailangan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng anak. “Baby… gising na,” mahinang bulong niya. Dumilat si Celivean, medyo antok pa. “Mommy?” agad siyang umupo, parang naalala agad ang lahat. “Today po?” tanong nito, malungkot ang boses. Tumango si Celine. “Yes, baby. Pero rito muna si Mommy mo sa tabi mo hanggang mamaya. Hihintayin natin si Ninang Criza bago ako umalis.” Tumango si Celivean, pero yumakap agad kay Celine. “Mommy… I’m gonna miss you agad.” “Mamimiss din kita, baby ko. Pero, remember our pinky promise, diba? Video call everyday. Tapos padadalhan pa kita ng photos ng strawberries sa Baguio.” “Can I send you my new drawings po?” tanong ni Celivean habang na

  • Marrying with You   CHAPTER 55

    MAINIT-init pa ang araw, pero banayad ang ihip ng hangin. Nakatayo si Celine sa gilid ng gate, suot ang coat at may hawak na tumbler ng tubig habang mahinahong pinagmamasdan ang mga batang lumalabas isa-isa, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga bata, at mga magulang nila na masayang sinusundo ang mga ito mula sa paaralan.Lumabas mula sa gate si Celivean, bitbit ang bag at isang folder ng drawings at worksheets. Nang makita si Celine, agad itong napangiti at kumaway.“Mommy! I miss you!”Agad tumakbo si Celivean palapit, mahigpit ang yakap niya sa bewang ni Celine.Ngumiti si Celine at niyakap rin ito pabalik bago marahan umayos at lumuhod sa anak para tapatan ito.“Hey, baby superstar! Kamusta ang little performer ko?”“Mommy! Coach Alex said I sing so good kanina. Tapos may star ako sa spelling worksheet ko, o! Look, Mommy!”Inabot naman niya ang papel kay Celine—may malaking star sticker na may nakasulat pang “Great Job!”“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko! Sobrang proud si M

  • Marrying with You   CHAPTER 54

    “Ang panget ng umaga ko,” napasimangot si Celine habang busy sa mga kailangan niyang asikasuhin, nakalagay pa sa tainga ang cellphone niya—kausap si Criza.“Anyare, anong ganap?”“Well, nakita ko lang naman si Nathalia.” “Oh-huh, ba't gan’yan reaction mo? Don’t tell me nagiging marupok ka na at nagseselos ka sa kanilang dalawa?”“What? Saan naman galing ’yan? Nakakadiri ka. Me jealous?”“Hep hep! Wala ka ng karapatan, remember? Pigilan mo 'yan best!”“Tigilan mo nga ako, Criza.”“Joke! Sungit! Bakit ka nga pala napatawag? Is there something wrong aside d'yan sa mood mo?”“Well, I really need your help...”“Help? Why? For what? What happen? Is there something wrong?”“Isa lang ako bai, isa-isa rin sana tanong mo 'no?” rinig naman ni Celine ang pagsimangot nito.“Well, kailangan ko ng favor. Kailangan ko ng yaya ngayon, Criza. Wala akong mapag-iwanan, nagkataon pa na may team building kami sa Baguio for 3 weeks and hindi ako puwedeng mawala dahil isa ako sa taong dahilan kung bakit tal

  • Marrying with You   CHAPTER 53

    PAGKATAPOS ihatid si Celivean ay agad nang dumiretso si Celine sa opisina. Nakataas ang leeg, composed ang itsura, pero sa loob-loob niya, para siyang may mabigat na batong kinikimkim sa dibdib.Pagpasok niya sa building, ilang mga empleyado ang bumati sa kanya, ngunit saglit lamang ang mga ngiti niya—hindi dahil suplada siya, kundi dahil kulang ang lakas para ngumiti nang totoo. Sa una ay naroon ang pagtataka sa loob-loob niya, kakaiba para sa kaniya ang araw na ’to, lalo’t pangalawang tapak niya pa lamang sa kompaniya na ’to. Ngunit sabagay, paniguradong kumalat na ang napag-usapan nila sa meeting kahapon. Para kay Celine siya lang naman ay isang malaking ewan para maglakas loob na sabayan ang Ama ng dating niyang asawa—ni hindi niya pa nga kilala ng lubusan ang mga tao rito at mas lalong wala pa itong alam sa kaniya.Napabumuntong-hininga siya sa naisip.Nang makarating sa opisina ay nagmadali siyang ayusin ang sarili.Malaki para sa kaniya ang ibinigay na opisina, naroon din ang

  • Marrying with You   CHAPTER 52

    “Are you for real, Celine?”Mabilis na napasinghap si Celine habang nakatitig sa touchscreen ng cellphone niya. Kausap niya si Criza, matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa araw niya walang labis, walang kulang lahat ay detalyado. Ngunit tila hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya.Pero aminado si Celine—kung siya ang nasa posisyon ni Criza, ganito rin ang magiging reaksyon niya.Sa dami ng taon na lumipas, sinong mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana? Ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot, pilit niyang kinalimutan at itinuring na patay, ay muli na namang bumalik. At ngayon, araw-araw pa niyang makikita.Inis niyang kinagat ang kapirasong tinapay.“Oo nga, walang halong echos!” sagot niya.“Grabe! I can't really imagine. Like, how? Sa dami ng kumpanya sa buong Pilipinas, doon pa talaga kayo pinagsama? Lakas mo kay Lord, Celine! Prayer reveal, please!” natatawang sabi ni Criza sa kabilang linya.“Anong prayer reveal? As if hiniling ko 'to, no?! Kung ala

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status