LOGINJae-young
“Bumaba kayong dalawa.” Pautos na saad ng seryoso Mommy Brenda. Binigyan pa ako ng nagbabaga tingin ni Ishmael. Mabuti na lang kinaya ko pa ang nakasusugat n'yang titig sa akin. Dahil din siguro alam ko sa sarili ko na hindi patungkol sa ‘kin ang binibintang niya. Pero bakit kaya ito nagawa ni Jelay? Mukha naman okay ang buhay ng kapatid ko kasi maganda rin ang apartment niya. Lumingon ako kay Seven. Masarap ang tulog niya. Kaya lang nag-aalala ako iwanan ito baka biglang magising at hanapin ako. Isa pa panigurado na lalabas ito ng k'warto kapag hindi niya ako makita. Baka mahulog pa sa matarik nilang hagdan. Ang taas pa naman magkapilay-pilay ito kapag nangyari iyon. Tila naman nakuha ni Mommy Brenda ang pinag-alala ko dahil tumingin sa apo niya. “No worries, Jae. Paaakaytin ko isang maid para bantay niya muna ang apo ko,” saad niya pagkatapos tumingin kay Ishmael. Inirapan ni Mommy si Ishmael, na kasing dilim ng gabi ang mukha nito. “Salamat po,” saad ko sa mommy. Pasalamat talaga ako na hindi ito matapobre kakampi ko pala. Kahit na anak pa niya si Ishmael pero nararamdaman ko sa akin siya naniniwala. “Sumunod kaagad Ishmael," tumingin kasi siya muna kay Ishmael. “Tingnan mo talaga na lalaki ka! Bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa Ina ng anak mo. Masama ang tingin mo kay, Jae?” nakahalukipkip ang Mommy Brenda. “Sinabi ko na po sa ‘yo kanina, Mom, inalok ko po siya magpa DNA test, but she refused to do it.” Pinalo siya sa balikat. “Tigilan mo ang pinagsasabi mo ha, Ishmael. Ako ang magagalit sa ‘yo kapag pinagpilitan mo 'yan. Pagkatapos mong buntisin ng maaga si Jae, ganiyan pa ang sukli mo. Isa pa may kasalanan ka pa sa ‘min ng daddy mo. Hindi ka nagsabi na pinuntahan ka na pala ni Jae, kasama ang anak mo pero tumanggi ka panagutan ang mag-ina mo. Hindi gan'yan ang pagpapalaki ko sa inyo!” “Fvck! Mommy, na bilog na niya ang ulo mo—” “H'wag mo akong ma fvck, fvck diyan, Ishmael! Makita mong lalaki ka, baka tamaan ka sa ‘kin!” singhal niya rito. Ang takot ko nauwi sa pagkasamid. Kumunot ang noo ni Ishmael dahil malakas iyon mabilis ko naman pinaseryoso ang mukha ko. Nakita ko mariin na pumikit si Ishmael. Mukhang malaki ang problema niya dahil hinagod din niya ang batok niya. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya inirapan ko sabay nag-iwas ako ng tingin dahil naningkit ang kaniyang mata. Buti nga sa kaniya sama ng ugali masyado judgment na tao. Hindi ko naman siya inaano. Masyadong galit. Sasabihin pa na nabilog ko ulo ng Mommy Brenda. Eh, malay ko naman kung anong ginawa ng kambal ko. Tumingin si Mommy Brenda sa akin tila siya pa ang humihingi ng paumanhin sa anak niya. “Let's go, Jae,” niyaya niya ako nilapitan pa ako at inilahad ang kamay niya. Tipid akong ngumiti tinanggap ang nakalahad n'yang kamay. Pero lihim akong tumingin kay Ishmael. Galit ito akin kulang nalang ipatumba n'ya ako sa paraan ng titig niya. Inirapan ko siya. Parang na stess sa ginagawa ko. Ganiyan nga maasar ka ngayon dahil bintangero ka. Kung wala lang siguro ngayon si Mommy Brenda, baka inaaway pa rin n'ya ako hanggang ngayon. Malas n'ya dahil akin ang swerte ngayon kaya bawi na lang s'ya next time. Nasa unahan kami ni Mommy Brenda pero nararamdaman ko ang galit n'yang titig sa akin. Gusto ko s'yang lingunin nagpigil ako baka bugahan pa ako ng highblood nito. Nasa sala si Daddy Mattheus nang makarating kami sa baba. May kasambahay na nakita tinawag ni Mommy Brenda at sinabi akyat muna sa silid ni Ishmael para samahan muna ang apo niya. “Maupo ka, Ishmael!” wika ni Daddy Mattheus. My gosh sobrang kaba ko seryoso ito ngayon. “Jae, maupo ka hija. May pag-uusapan tayo. Ito kanina nagpag-usapan namin ng Daddy Mattheus, niyo,” sabi naman ng Mommy Brenda sa akin. Napansin ko nagsalubong ang kilay ni Ishmael. Kinunot ko ang noo ko. Hmm ano kaya ang pag-uusapan. Nakatatakot kasi ang seryoso ulit ni Daddy Mattheus. Naku po ipaiiwan ba nila si Seven? Bigla akong natakot. Iyon ang hindi ko papayagan. Pwede nila kilalanin si Seven, pero ang iwanan sa bahay nila isang big no ang sagot ko. “Dahil may anak na naman kayo—” “Mom, I told you. Pera lang ang habol niyan—” “Ishmael!” saad ng Daddy Mattheus kaya mabilis na tumahimik si Ishmael. Pero ang titig n'ya sa akin, sobrang nakababahala dahil galit talaga si Ishmael. “Gusto namin ng daddy niyo na ipakasal kayo—” “What the fvck! No! Mom, hindi mo pa kilala ang babaeng iyan. Mukhang pera ‘yan,” nagtagis ang bangnag na saad ni Ishmael. "Ishmael Martinez!" may babala sa boses ni Mommy Brenda. Gagong Ishmael Martinez na ito. Masakit magsalita.vSobrang sama pala ng ugali n'ya para husgahan ako. I mean husgahan si Jelay. Wait, hindi kaya ang pera nakuha sa kaniya gamit ni Jelay, pampagamot? Bigla kong naintindihan ang kapatid ko nang maisip iyon. Kasi wala naman akong makitang dahilan para perahan niya si Ishmael, gayun alam n'yang maipluwensya at hindi basta-bastang nauuto ang Ishmael Martinez na ito.Jea-young Namumula ang mga mata niya. Hindi dahil sa galit. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa luha na pilit niyang pinipigilan. "Dong, positive naman bakit naiiyak ka pa?" wika ko sa kaniya. “Wife,” bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses. “Are you sure, wifey?” nagtanong pa talaga ano ba ang hawak ko hindi pa s'ya sure. Tumango ako. “Dalawang test nga iyang ginawa ko, same positive. Kung hindi pa iyon sure ewan ko na lang. Ito lang ang itinabi ko una kong subok,” “Magiging daddy na ako?” mahina niyang sabi mukha pa nga parang tanong niya sa sarili niya hindi sa akin. Napangiti ako kahit may luha na rin sa mga mata ko. “Yeah,” Bigla niya akong hinila at isang mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pag-alog ng balikat niya. Napangiti ako umiiyak o tumatawa? Lumayo siya nang kaunti para tingnan ako. May luha nga sa gilid ng mata niya. “Jae-young Martinez,” saad n'ya paos ang boses niya. "You gave me the best news of my life." Hinawakan niya ang tiyan ko nang marah
Jea-young Bigo kami umuwi ni Ishmael. Pero sinubukan ko pa rin tawagan at text si Jelay. Gano'n pa rin out of coverage ang phone n'ya. Kaya hanggang pagtulog namin ay balisa pa rin ako paano sila mababawi kay Rico. Hindi ako makatulog ng maayos. Nag-aalala kasi ako sa kanila ni Seven. Halos hanggang hating-gabi na akong nakatitig sa kisame. Nakapikit ako para lang isipin ng Ishmael na tulog na ako. Ngunit gising na gising talaga ako. Kahit na mahigpit ang yakap n'ya sa akin hindi pa rin ako dalawin ng antok. Bandang madaling-araw yata ako nakatulog. Hindi ko na sinilip sa wall clock kung anong oras iyon. Pero parang saglit pa lang ako napipikit dahil nagmulat ako ng mata ko para kasi umiikot ang paligid ko. Mabigat ang katawan ko at mayroon umiikot sa sikmura ko. Nasusuka ako kaya mabilis akong umupo sa kama nagulat pa ang tulog na tulog na asawa ko sa bigla kong pagbangon. Sinilip ko ang oras. Alas-sais na rin pala ng umaga. Papasok din kasi si Dodong Ishmael kaya siguro na
Jea-young "Dong, ayaw ko. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo," "Wife!" saad niya ngunit wala s'yang nagawa dahil ako na mismo ang nagbukas ng kotse nakaabang sa kaniya. Natanaw ko naka masahe si Dodong Ishmael sa batok niya pagkatapos ay kinakausap n'ya sina Kuya Locerio at sina Kuya Gener. Nang tapos na kausapin. Lumakad sina Kuya Gener sa kotse na service ko. Isasama na lang yata n'ya dahil kasama rin naman ako. Sumakay siya sa tabi ko iiling-iling. "Tigas talaga ng ulo ng asawa ko," parinig niya. "Mayor, aalis na po ba tayo?" tanong ni Kuya Locerio. "Oo Kuya. Ano pala ang gagawin natin dito sa loob ng kotse kung hindi tayo aalis?" ako ang sumagot natawa sila pareho ni Kuya Bruno. "Kasi ma'am diba ayaw ka pasamahin ni boss?" sagot ni Kuya Locerio. "Nah, anong ayaw. Kung kaya n'ya akong hilahin palabas ng kotse hindi ako sasama," "Ayon lang hindi naman talaga kaya ni boss. No choice talaga siya kundi pagtiygaan na lang—" "Aray mo Kuya Locerio. Mabuti pa po magman
Jea-young Bandang hapon habang nagpapahinga ako sa k'warto at si Dodong Ishmael, nasa living room dahil nagtungo rito ang sekretarya niya mayroon daw ngayon need pirmahan si Mayor. Bukas ang TV ngunit ang tahimik dahil ako lang mag-isa. Iniiwasan ko rin kasi tingnan ang wallpaper ng phone ko kasi picture namin tatlo ni Ishmael at Seven. Nalulungkot lang kasi ako kapag nakatingin ako sa picture ni Seven. Sa sobrang tahimik nainip ako kaya pinatay ko ang TV. Lalabas na lamang ako at pupuntahan si Ishmael sa baba. Dinampot ko ang phone ko ngunit tumatawag si Jelay kaya excited akong sinagot agad iyon. “Hello Jelay? Woi nag-text ako sa iyo. Jelay, bakit ka hindi nagre-reply sa akin?! Kumusta si Seven. Jelay, parang awa mo na. Payagan mo naman akong makita si, Seven. Jelay, payagan mo na ako gusto ko lang talaga makita si Seven dahil miss ko na siya.” Tahimik sa kabilang linya. Anong nangyari roon kanina pa ako daldal nang daldal wala siyang ni isang sinabi. “Hello. Jelay, hel
Jae-young Pabalik na kami ngayon ng Samar. Ewan ko ba kanina pa ako hindi makali. Kinakabahan ako na ewan hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nahalata yata ng asawa ko kasi hinawakan n'ya ang kamay ko tipid akong ngumiti sa kaniya dahil kumunot ang noo tila pinag-aaralan niya ang reaksyon ko. “Kanina ko pa napansin ang lalim ng buntonghininga mo, wife?” pagkatapos ay pinagmasdan na niya ako. Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. “Excited lang ako umuwi,” saad ko na lang sa kaniya pero nakataas kilay niya parang hindi siya makapaniwala sa aking sinasabi. "Totoo naman iyon hubby," laban ko pero kinabig niya ako para isandal niya ako sa dibdib niya. Paglapag namin sinalubong kami nila Kuya Bruno at Zosimo. Ganito palagi ang buhay kapag nasa labas. May escort may security may mga matang nakamasid sa 'min. Ngunit ngayon hindi ako makakali. Ayaw ko na nga isipin kalmado lang asawa ko ako lang ganito. Habang bumabyahe kami papunta sa Villa mas lalong lumalakas ang ka
Jelay pov Ilang linggo ko na kasama si Seven. Pero pakiramdam ko ang layo-layo n'ya pa rin sa akin. Laging hinahanap si Jae. Nagseselos ako sa kapatid ko, ako ang ina ni Seven. Bakit gano'n iba ang hinahanap n'ya. “Seven, gusto mo bang mamasyal tayo, anak?” masaya kong tanong sa kaniya. Natigilan siya parang inaaral niya kung tana ang narinig n'ya. Tumingin siya sa akin pero blanko ang mga mata n'ya. Maganda lang hindi siya galit pero ayaw n'ya lumapit sa akin. Bumuntonghininga ako at umupo sa gilid n'ya. Natuwa ako dahil hindi siya umiwas ng haplusin ko ang pisngi niya. “Alam mo ba mahal na mahal kita,” wika ko pumiyok ang boses ko. Nang hindi siya sumagot. Ngumiti na lang ako hinalikan siya sa pisngi niya. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Hindi puwedeng ganito. Kailangan kong maging strong para sa kaniya. Ayaw ko siyang sukuan kahit sobrang nasasaktan ako sa pagiging cold n'ya sa akin. Tahimik ko siyang iniwan. Wala naman s'yang imik kaya tuluyan akong lumabas. Pisti







