Jae-young “Tay! Narito na po ako,” malakas kong sigaw kahit malayo pa ako sa bahay namin. Halos takbuhin ko na ang pinto namin sa pagmamadali makararing sa loob ng bahay namin. “Jelay?!" Nanlaki ang aking mata nang masilayan ko ang kakambal ko na ilang taon din hindi ko nakita. Nakaupo siya sa harapan ni Tatay, nasa sala sila at masaya silang nagkwe-kwentuhan ni Tatay. “J-Jelay?” muli kong sabi, sabay pumiyok ang boses ko sa labis na galak, dahil muli ko s'yang nakita after seventeen years na magkahiwalay kaming magkapatid. Limang taon lang kami ni Jelay, nang maghiwalay ang Nanay at Tatay namin. Siya ang sinama ni Nanay at nagtungo sila ng Maynila. Ako ang naiwan kay Tatay rito sa Mindanao. Noong una, tumatawag pa si Nanay sa ‘kin para kumustahin ang aking kalagayan. Halos linggo-linggo tinatawagan niya ako. Hanggang sa naging madalang ang mga tawag ni Nanay sabi busy sa trabaho, kaya sa mura kong edad maaga akong nag-matured at nauunawaan ko ang sitwasyon nila ni Tatay bak
Last Updated : 2026-01-09 Read more