Tinatanaw ng tingin ni Kristel ang buong view ng siyudad mula sa kinatayuang terrace ng suite niya sa hotel. Halos magdadalawang oras na siya doon ngunit hindi niya alintana ang lamig ng panahon. A memory of Hugh keeps coming back to her mind. She's playing their songs on her cellphone. Kung saan, kailan at paano nagtagpo ang kanilang landas. Kung paanong sa simpleng sulyap at palitan ng ngiti nila sa isa't isa nagsimula ang lahat. Nakitaan sila ng mga tao ng chemistry at spark. Kids, teens, and adults adored them. They wanted them to be an item, from reel to real which never happened. Hindi lang fans ang nadismaya, worse maging siya ay naramdaman ang pagkabigo.Higit pa sa inaasahan at inaakala ng iba. Ang sabihing masakit ay kulang.
It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word, you can light up the dark
Try as I may I can never explain
What I hear when you don't say a thing
The smile on your face
Lets me know that you need me.
There's a truth in your eyes
Saying you'll never leave me.
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall.
You say it best when you say nothing at all.
There goes one of their theme songs. Ang isa sa mga theme song ng kanilang teleserye last year. Malimit din nila itong kantahin sa mga concerts at tv guestings nila while holding each other, staring and hugging. Hindi na niya namalayan ang luhang namamalisbis sa kanyang pisngi. Natigilan lang siya nang maramdaman ang palad nito Gunner habang tinutuyo ang kanyang mga luha.
Maya maya ay hinagip nito ang kanyang cellphone at ini off ang music. Napamaang at nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito.
"Don't be a masochist Kristel."
Hindi naiwasan ni Gunner na pagmasdan si Kristel. She really is gorgeous. She looked like a beauty queen with her fair skin, straight black hair, deep-set of brown eyes and pinkish lips. Nagtagal ang mga titig niya sa mga labi ng dalaga.
Bahagya siyang napalunok sa biglang pumasok sa kanyang isip. Ngunit napalis nang maalala ang kanyang fiancee na si Nina at kapatid ng dalaga na si Gibson.
Biglang kumuyom ang kanyang kamao nang maalala ang mga ito. As the CEO of the network and film production company, he was supposed to be in the Philippines right now but he stayed here with Kristel sa malalim niyang dahilan. He should not forget that just seeing Kristel crying in front of him. Hindi siya dapat magkaroon ng simpatya dito.
"Let's sit and have a cup of coffee." yaya niya sa dalaga habang sinulyapan ang table kung saan naroon ang inihanda niyang kape nila ng dalaga.
Marahan naman itong tumango at nagpaakay sa kanya.
********************
Hindi halos makapaniwala si Kristel na kinomfort siya kagabi sa pinakamalungkot na sandali ng buhay niya ni Gunner. Not that she is star-struck for she used to see him once in a while sa trabaho nila and sa mga functions na dinadaluhan nila as celebrities and elite people but because alam niya kung gaano ito ka busy na tao being the CEO. Maraming kababaihan ang naghahangad na mapansin nito. Only Nina Ellize Smith caught his attention. The very sophisticated and well-poised former Beauty Queen.
Pero naglaan ng panahon ang binata sa kanya kahit pa sabihing ang una nitong intensiyon ay pabalikin sana siya sa Pilipinas to pursue her role in the Fantaserye. She can't blame him though. Napakarami nang preparations at training ang kanilang naisagawa. She used to be focused on her job. She used to be so professional. Nagagawa niyang ihiwalay ang trabaho sa mga personal issues niya. Hindi lang talaga niya kaya pa sa ngayon na bumalik sa eksena. She's devastated and hurt. She needed time. She needed more space. She needs to breathe.
Marahas na napabuntunghininga at naipilig ni Kristel ang kanyang ulo. Hindi ngayon ang oras para mag emote at magmukmok. Now that she's feeling well dahil sa pag aalaga ni Boss Gunner, she thinks it's payback time. Ipagluluto niya ito ng masarap na almusal. She'll be preparing cheese omelet, bacon and fried rice based na rin sa available stocks niya.
Halos patapos na siya nang maramdaman niya ang presensiya ng binata. Hindi siya nagkamali nang malingunan niya ang binata na nakasandal sa dingding at nakahalukipkip habang pinapanood siya sa ginagawa. Alangang napangiti siya sa kanyang Boss.
"Morning!" naaliw na bati nito sa kanya na umalis sa pagkakasandal sa dingding at naupo sa stool malapit sa kanya.
"M-morning! Malapit na matapos ito." aniya na muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.
"Hindi ka na sana nag abala. We could eat outside. Baka mabinat ka."
Umiling iling naman siya habang inaayos ang mga pagkain at kubyertos sa mesa. "I'm fine. Okay na po ako, promise."
Nagkibit balikat na lang si Gunner. "Okay. If you say so."
"Let's eat." yaya niya sa binata. Agad naman siyang ipinaglagay ng pagkain ni Gunner sa kanyang pinggan.
"Thanks." aniya sa binata. Ngumiti ito sa kanya then he closed his eyes and murmured a prayer bago muling itinuon ang pansin sa pagkain.
"You should do that more often." wika nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Ang alin? Magluto?"
Natatawa namang umiling ito. "No. You should smile more often. Mas gumaganda ka when you smile."
Pinamulahan siya ng mukha sa direktang pamumuri ng binata. Lalo namang naaliw ang binata sa nakitang pamumula ng pisngi niya.
*******************
"This is fun!" kababakasan ng tuwa ang mukha at ningning sa mata ni Kristel habang nakasakay sa nirentahang bisikleta sa Boutique Bike Tours sa Versailles. Since wala rin namang planong puntahan, he suggested na sa Chateau De Versailles Gardens sila pumunta ng dalaga. Actually, napuntahan na nila ito ni Nina Ellizze. At talagang nag - enjoy ang kanyang fiancee. They had sample wines and crepes.
Ililibot niya si Kristel sa kabuuan ng lugar though may guide naman silang kasama.
"I'm glad you had fun. Nakakangiti ka na." sinserong sabi niya sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit gumagaan ang kanyang pakiramdam seeing Kristel this way. Hindi gaya noong mga naunang araw na animoy pinagsakluban ng langit at lupa.
"Thanks Boss. I never knew this place until you told me about it." hindi mawala ang pagkamangha sa mukha ni Kristel sa ganda ng lugar. In their whole duration of stay in the Garden, they had so much fun getting to ride their bikes from place to place, visited all the good spots and were told the stories behind each one. Masarap ang mga pagkaing binili sa local market for their own picnic lunch by the canal.
If only Nina was here. Mabilis na ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala ang dahilan why he choose to stay a little more. He's still in pain and agony. Dinidelay lang niya. As for now, ayaw na muna niyang isipin at damdamin. Marahas siyang napabuntunghininga bago muling nilingon ang natutuwang dalaga.
Before their stroll end, huli nilang pinuntahan sa araw na ito ang Basilique du Sacre - Coeur de Montmarte. It is a popular landmark and the second most visited monument in Paris since 1885. Nabighani kaagad sila sa ganda ng simbahan. Staying there for a while gave them the peace of mind they needed and the solemnity of the place seemed to touch their hearts. Matapos ang taimtim at maikling panalangin ay nagyaya na si Gunner umuwi sa hotel suite na tinutuluyan nila.
Plano pa sana nila ni Gunner na pumasyal sa Eiffel Tower at akyatin ang hindi man 704 steps nito ay kung hanggang saan sila makarating. Ienjoy din sana angoverview ng Arc de Triomphe at Champs-Elysées. Pero dahil hindi niya naiwasang magbukas ng kanyang social media account at makita ang latest news tungkol sa umanoy relasyon ni Hugh at isang kolehiyala from Batangas ay muling nanariwa ang sugat sa puso niya. Naging matamlay ang kaniyang pakiramdam at napansin marahil ito ni Gunner kung kaya't hindi na sila tumuloy sa kanilang lakad. Maghapon siyang nagmukmok sa silid. Lumabas na lang sila para kumain. Si Boss Gunner ang pumili ng Resto dahil ayon dito masasarap ang mga pagkain doon. Yeah, it was classy and fab ngunit kahit yata gaano kasarap ang mga pagkain na nakahain, wari'y sumayad lang ang mga iyon sa lalamunan ni Kristel. Hindi niya malasahan at pinilit lang niyang lunukin malamnan lang ang sikm
Hindi maiwasan ni Kristel na mag - alala sa kapatid na si Gibson. Makalipas ang ilang oras na pagkalugmok sa kinahihigaan ay nagpasiya na siyang ayusin ang kanyang mga gamit at magpabook ng flight pabalik ng Pilipinas. She just can't stay here knowing her brother's life is in danger. Habang lulan ng eroplano ay hindi niya maiwasang balikan ang pangyayari sa buhay niya. From the moment na isilang siya at wala siyang ibang halos nakakasama kundi ang kanyang yaya na si Yaya Berna ngunit wala siyang nagawa nang palayasin ito ng kanyang ama sa pag - aakalang kinukunsinti siya sa masamang gawain, nang magalit ang kanyang ama sa mundong tinahak niya when she chose to be an actress rather than take a Business Course para makatulong ng mga ito sa pamamahala ng kanilang negosyo, sa mga pangungutya at bash na natatanggap sa mga fans ng rival love team nila ni Hugh dahil sa naging kasalanan niya sa nobya nito nang minsang magpadala siya sa selos, s
Unti - unti na niyang inaayos ang buhay niya. Bagaman nagpasabi siya sa through Tita Chloe sa network na hindi na siya magsa sign ng bagong kontrata, hindi pa rin ang mga ito tumitigil sa pangungumbinsi sa kanya to think about her decision at sana'y mabago pa ito. Nagpahayag ng kalungkutan ang kanyang mga fans, ang mga fan nila ni Hugh sa kanyang naging pahayag sa isang interview sa noontime talk show ng network. Here she is right now talking to her father. Ipinaalam niya dito ang kanyang naging desisyon na hindi na muling tumanggap ng proyekto mula sa network at sa Royal Crown Film. Sinabi rin niya dito ang kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang pag - aaral. "I knew it Kris!" mababakas ang sigla at tuwa sa mukha ng kanyang ama sa narinig na desisyon niya. "I'll send you to Harvard in Cambridge, Massachusetts. I'll call you Tito Carlo and let you stay there while you're studying." Tito Carlo is her mom's broth
Hindi makapagconcentrate sa kanyang ginagawa si Kristel. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Mahapdi ang kanyang sikmura at parang nais niyang maduwal. May dalawang linggo na rin niyang nararanasan ang ganitong morning sickness. Naisip niyang baka dahil ng ulcer niya kaya sinisikmura siya. Wala pa naman si Tifanny ngayong araw na ito. Nang hindi makatiis ay nagmamadaling pumasok siya sa Girls Comfort Room na malapit sa kanyang kinatatayuan kanina. Naiiyak na naisip ni Kristel si Gunner habang inilalabas ang mga kinain kanina. May mga pangyayari talaga na nakakapag paalala sa kanya sa binata. Maya maya lang ay magsisimula na ang klase nila. Paano pa siya papasok sa kalagayan niyang ito? Nanghihina siyang napapikit at napasandal sa dingding ng kinaroroonang comfort room. "Hey.. how do you feel?" nag - aalalang mukha ni Ronan ang tumambad sa kanya pagbukas ng kanyang mga mata.
Pumasok sa isip niya si Gunner. Saglit na nagtalo ang kanyang isip kung ipapaalam dito ang kanyang kalagayan. She wouldn't ruin his relationship with Nina Ellize. Ipapaalam lang niya sa binata ang kanyang kalagayan. Yun lang. After all, may karapatan itong malaman na magkakaanak na ito. Hindi man nila sinasadya. Agad niyang tinahak ang daan patungo sa network company nito. Dahil kilala na ng mga guards ang kanyang sasakyan ay agad siyang pinapasok ng mga ito. Ipinarada niya ang sasakyan . Sinikap muna niyang pakalmahin at inayos ang sarili bago nagtungo sa opisina ni Gunner. Kumatok siya sa pintuan ngunit walang nagbubukas. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan at suwerte namang hindi ito naka lock. Kaya naman pala walang nagbubukas, wala sa puwesto nito ang sekretaryang si Geneva. Mula sa siwang ay narinig niyang may kausap si Gunner.
Agad siyang pinatuloy ng kanyang Yaya Berna sa loob ng kubo nito. Maaliwas ang malamig ang simoy sa loob ng kubo. Agad siyang ipinaghain nito ng pagkain dahil ayon dito ay siguradong nagutom siya sa haba ng kanyang naging biyahe. Hindi na rin siya tumutol pa sapagkat bukod sa talagang gutom na nga siya ay namiss talaga niya ang luto nito sa kanya noong bata pa siya. Agad namang nagpa alam sa kanila si Botchok at aniya ay may trabaho pa sa bayan. Sa gitna ng pagkain ay naibahagi niya sa dating taga pag alaga ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Hindi makapaniwala ang kanyang Yaya Berna sa kanyang sinapit. Nabanaag niya sa mga mata nito ang simpatya. Hinagod nito ang kanyang likuran. "Dumito ka na lang anak. Alam mo namang lagi kang welcome dito. Pero hangad ko pa ring maayos mo ang gusot sa buhay mo. Ipagdarasal ko iyan anak." "Thanks Ya. Yaya.. puwede
Hawak hawak ang kopita ng alak sa isang sulok ng bar na iyon, hindi mapigilang ma frustrate ni Gibson. Ilang buwan na pero wala pa ring balita sa kinaroroonan ng kapatid na si Kristel. Naghire na rin sila ng private investigator pero hanggang ngayon wala pa rin silang mapigang impormasyon sa kinaroronan ng kapatid. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili mula sa nalaman kay Blue. Hinawakan niya ang labi na bahagyang namamaga sa suntok na natanggap niya mula dito kanina. Hindi niya ito masisisi kung siya ang sisihin nito sa nangyari dahil tama naman ito. He's an asshole and a total jerk. Dahil sa pakikipag relasyon niya kay Nina Ellize ay nadamay ang kapatid sa paghihiganti ni Gunner. But he swear, hindi talaga niya alam na may boyfriend si Nina. According to her ay malaya na ito. Nagsinungaling si Nina. Nang sabihin sa kanya ni Kristel ang totoong isko
Hindi maiwasan ni Kristel na maalala ang pamilyang iniwan sa Maynila. Hindi naman niya magawang matawagan ang mga kapatid. Nawala ang kanyang cellphone sa bayan at hindi naman niya saulo ang mga numero ng mga ito. Pagbaba niya sa bayan ay hahanap siya ng puwedeng matawagang landline. Tanging ang landline sa opisina lang ng kanyang kuya Derick ang alam niya.Mula sa pagtanaw sa bintana ng kanyang inuukopang silid ay kitang kita niya ang payak at simpleng pamumuhay ng mga pamilyang nakatira dito. Ngunit gayunpaman ay kababakasan ng kasiyahan at kakuntentuhan sa kung anuman ang mayroon sila. Malayo sa pamilyang nakagisnan na niyang busy sa kani - kanilang trabaho ang mga magulang. Ang mga kapatid na hindi naman makarelate sa kanya dahil tanging siya lamang ang babae sa pamilya. Mula sa pagtanaw sa labas ng binatana ay pinukaw si Kristel ni Mamang. &nb