ISANG malakas na halakhak ang naging reaksyon ni Tita Adora pagkakita nito sa picture. Samantalang si Tracy ay naiintrigang nakatingin sa tiyahing iyon ni Frank. Maging si Janeth ay nagtataka pa rin pero maya’t maya ang tingin sa kanya. Halatang nagku-kumpara ito sa mukha niya.“Buhay pa pala itong album na ito,” kapagdaka’y kinuha ni Tiya Adora mula sa anak ang nasabing bagay. “Saan mo ba nakita ito Janeth?”“Sa lumang aparador sa taas, Nanang.” Naupo na rin sa Janeth sa tabi niya. “Naghahanap po kasi ako ng mga lumang damit at ayan nakita ko nga po ‘yan.”“Ngayon ko na lang ulit nakita ang picture na ito, ang tagal na nito ah.” Hinaplos pa ni Adora ang picture saka tumingin sa kanya. “Alam mo Tracy, noong bagong dating ka dito sa amin. Sa unang kita ko pa lang sa’yo, sabi ko ay may kamukha ka at parang matagal na kitang nakita.”Maging siya ay nagulat sa sinabing iyon ng matandang babae. “T-talaga po Tiya?”“Pero Nanang, kamukhang-kamukha talaga ni Ate Tracy ‘yung babaeng kasama po
“ARE you crazy, Mr. Montagne?” nangagalaiti sa inis na tanong ni Tracy sa binata. Ang bilis ng pangyayari na nagaw siya nitong buhatin at isakay sa land rover nito. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Tila labag pa sa loob niya na nakaupo na siya sa front seat.Nilingon siya nito saka nginisian pa siya. “Calm dowm Miss Alcantara. Hindi naman siguro ako masamang tao sa paningin mo dahil sa ginawa ko.”“Napaka-unpredictable mo talaga, you are always using your authority to me,” sinadya pa niyang arkuhan ito ng kilay. Gusto niyang iparamdam dito na hindi niya gustom ang ginawa nito.“Okay sorry,” biglang mababang tono na saad nito. “Gusto ko lang naman na may kasama akong mamasyal ngayon. Pasalamat ka nga at ikaw ang napili kong companion.”“Naku, ewan ko sa’yo,” mariing napailing siya. “Ayaw na ayaw mo talaga na iniri-reject ka ano? Gusto mo talaga na makuha lagi ang kapritso mo.”“Exactly, mabuti at alam mo ‘yan.” Kinindatan pa siya nito nang nakakaloko. Inalis na ang tingin sa
“ANONG ginagawa niya?” tanong ni Tracy sa sarili habang pinapanood ang binata na saglit siyang iniwan dito sa table nila. Nakita niya itong lumapit sa bagong dating na pamilya na umagaw sa pansin niya. Nakatalikod man ito sa kanya ay alam niya ang magiliw nitong pakikipag-usap. Nakikita niya ang engross reaction ng mga magulang.The other side of Fien Montagne. Hindi naman kasi ito literal na suplado at seryoso. May interesting na bahagi ang pagkatao nito na iilan lang ang nakakaalam. At marahil isa siya mga ‘yun.“Here we go,” sabi ni Fien na nagpatigil sa isip niya sa paglipad. Napansin niyang akay-akay nito ang batang lalaki. Kasunod ng mga ito ang mag-asawa na kaylapad ng ngiti sa labi.“Hoy Fien, anong balak mong gawin huh?” nagtatakang tanong niya dito. wala talaga siyang ideya sa gagawin nito ngayong tapos na silang kumain.He winked. “Tutuparin ko lang ang dream mo Miss Alcantara.”Hindi na siya nakahuma nang ilapit at ipinakalong sa kanya ni Fien ang batang lalaki. No choicen
NANLAKI ang mga mata ni Tracy nang mapansin niya ang pagkakadaiti ng mga labi ni ni Fien. Blangko naman ang ekpresyon nito at nakatingin lang ito sa kanya. Siya na ang unang nagbawi, bigla niyang itinulak ito sa malapad na dibdib nito na natatago sa suot na sport shirt. Ikinampay niya ang mga kamay para lumangoy palayo dito.‘Calm dom Tracy.’ Sabi niya sa sarili na hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang hindi sinasadyang tagpo. Napagkit na iyon sa alaala niya. Nang mapagod siya sa paglalangoy, nanatiling nakalublob ang katawan niya sa ilog.Gusto niyang patayin ang nag-iinit na epekto ni Fien sa sistema niya sa malamig na tubig sa ilog. Minasdan niya ang malakas na pagbagsak ng tubig ng Kaibigan Falls. Kung kagaya sana ito ng puso niya na may tiyak na babagsakan ay madali sanang sumabay sa agos.Kaso hindi iyon ang nakatakdang naganap sa reyalidad. Kailangang supilun na niya ang epektong iyon ng binata. Hindi naman niya naramdaman ang pagsunod nito sa kinaroroona niya sa bahaging iyon
"AKALA ko hindi ka na uuwi Tracy,?" Ang madilim ang mukha na salubong sa kanya ng isang lalaki. Nakaharang ito sa daraanan niya patungo sa bahay tiyahin nito.Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nawala ang kaba at takot niya nang makillala ito."Bumalik ka na pala, Frank," pinasigla niya ang sariling tinig. Ubod ng tamis na nginitian niya ito. Niyakap niya ang binatang kaibigan pero ramdam niya ang kalamigan nito sa kanya.Bumuntong- hininga ito pagkakalas niya ng yakap dito. "Yeah, buong hapon akong nangtay sa"yo. I've tried to call you pero hindi kita makontak."Saka lang niya na-realize na na-lowbat nga pala ang cellphone niya. Hindi na nga niya nagamit iyon sa pamamasyal niya. Kaya ang karamihan ng mga picture niya ay nasa cellphone ni Fien."I'm sorry, nagloko ang charger ko kagabi at na- drain ang battery ko. But don't worry I'm okay. Kita mo nga at buong-buo pa rin akong nakauwi," pilit niyang pinapanatag ang kalooban ni Frank.Kilala kasi niya ito na may pagka- protective sa k
“MOM, what happened to Dad?” Kaagad na usisa ni Fien sa kay Margaux. Ang ina ang naabutan niyang nagbabantay sa kanyang ama. Nakaratay sa kama si Fiel sa isang private hospital room habang may nakakabit na dextrose dito. Kasalukuyang walang malay ang Daddy niya.“Fien, anak,” nagpipigil na mapaiyak na sabi ng Mommy niya pagkakita sa kanya. Kaagad itong yumakap ito sa kanya. “Grabe ang takot ko kanina, dahil sa nangyari sa ama mo. Mabuti na lang ay kaagad namin siyang nadala dito sa hospital.”“Is he alright?” worried na tanong niya sa ina.Kumalas ito ng yakap sa kanya pero nanatiling nakahawak sa kamay niya. “Nagkaroon ng mild heart attack ang Daddy mo. Stable na siya ngayon hijo. Nag-advise ang doctor sa akin na dapat mas ingatan pa natin ang Daddy mo dahil baka mas severa ang attack sa susunod.”Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. “Kailangang ma-monitor pala natin ang mga kinakain ng Dad, even his lifestyle. I-encourage natin siya sa healthy living.”Matagal na niyang alam
TULOY pa rin ang buhay para kay Tracy. Sinikap niyang alisin sa sistema niya si Fien. Pilit rin niya itong iwinawaglit sa kanyang isip. Nag-focus na siyang muli sa Zenai’s Diner at madalas na inaabala niya ang sarili sa restaurant. Ganoon nga talaga ang buhay, may isang tao na pansamatalang darating at makikilala.“Make sure na andito na lahat ang mga menu natin huh,” sabi niya kay Rigor matapos ilagay ng lalaki ang isang food pan carrier sa buffet table.“Yes Ma’am, may dalawa pa po kaming ilalagay dito. kukunin na rin po namin,” anang ng lalaki.Tinanguan lang niya ang kasamahan saka iniwan ulit siya sa saglit. Naroon siya sa labas ng isang sales house ng isang bagong bukas na subdivision sa Sta. Maria. Ang kanilang buffet table ay nakasilong sa isang malaking canopy. Mamaya na niya ang isi-check ang bawat putahe kapag kumpeto na.“Ma’am, baka interesado po kayo mag-invest ng house and lot dito sa Sta. Maria Residencia,” lakas loob na paglapit sa kanya ng isang lalaking ahente. Ang
NAGISING si Tracy dahil sa pagtunong ng alarm ng cellphone niya. Natatamad niya iyong kinuha at saka niya nalaman na nasa sahig pala iyon. Awtomatiko siyang napabangon at hindi siya makapaniwala na wala siya sa sariling kama sa kanyang apartment. Sa sofa siya na nakahiga ng mga sandaling iyon.“Teka, paanong dito pa rin ako sa restaurant nakatulog?” nagtatakang tanong niya sa sarili. Nagpalinga-linga ang tingin niya sa pamilyar na lugar pero wala sa hinagap niya’y mapaglilipasan niya ng magdamag. “Ang alam ko ay umuwi naman ako pagkagaling sa isang bar matapos ang catering namin.”Pinilit niyang isipin ang mga nangyari kagabi pero sumakit lang ang ulo niya. Kapwa nasapo ng daliri niya ang magkabilang sentido niya. Parang binabarino ang bahaging iyon ng katawan niya. Maya-maya pa ay nakadama siya ng pagkumbolsyon ng sikmura niya. Maasim na likido ang umahon sa lalamunan niya.Bigla siyang napatakbo patungo sa banyo ng restaurant niya. Isinuka niya sa bowl ang lahat ng laman ng tiyan ni