Share

Chapter 21

I am staring at Frost's face while he is sleeping. Pilit kong tinatakpan ang aking bibig para walang hikbi na lumabas mula doon.

Pinili kong huwag matulog at titigan lang ang mukha ng asawa ko dahil hindi ko alam kung makikita ko pa siya ulit. Pinagmamasdan ko ang bawat parte ng mukha at kinakabisado ko ito.

Humigpit ang yakap sa akin ni Frost at isiniksik nito sa akin ang kanyang mukha. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Pumikit ako at dinama ang init niya.

Baby, ayokong matapos to. Ayokong dumating ang araw. Ayaw kong iwan ka

Tuloy tuloy ang agos ng luha sa aking mukha. Umilaw ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakita ko ang text ni Kuya John na nasa baba na siya. Napapikit ako. Dumating na ang oras na kailangan ko nang bumitaw.

Sa huling pagkakataon niyakap ko nang mahigpit si Frost. Pinasadahan ko ang mukha niya at pinatakan ng halik ang kanyang labi.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Nag iingat na hindi siya magising. Nasa tapat na ako ng pintuan nang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status