Share

Chapter 4

Naging mas magaan ang pakikitungo namin ni Frost sa isa't isa matapos niya akong iligtas kay Rain.

"Frost" sigaw ko habang hinahabol siya dahil may naiwan siyang paper para sa meeting niya.

"Oh, thank you" sabi nito. Wala man lang reaksyon sa mukha niya talagang nagmumukhang taong bato to eh. Umalis ito at diretsong pumasok sa conference room.

Paglingon ko ay napansin ko ang mapanuksong ngiti ng mga katrabaho ko.

"Frost???" sabay sabay nilang tanong sa akin at tila hindi makapaniwala sa narinig sa akin. Napangiti ako sa nakitang mga reaksyon sa kanila.

"Yeah, we're kinda close now" pagyayabang ko sa kanila.

"Naku hindi na talaga ako magtataka kung sa susunod may maririnig na akong ang tawagan dito ay honey, love, sweetcake, sweetheart" pang aalaska sa akin.

"Wag kayong......" hindi ko natapos ang sasabihin nang biglang pumasok ang mga kakambal ni Sir Frost at sa likod ay ang mga magulang niya.

Dire diretso itong lumakad at huminto sa harapan ko. Nakangiti sa akin si Catalina at Laina samantalang poker face naman ang magulang niya at ang kuya nilang si Summer.

"Jezreel Tanya Mercado?" tanong sa akin ng Mommy nila. Kinakabahan akong tumango sa kanila.

"Come with us" seryosong sabi ng Daddy nila. Isa isang nag alisan ang mga ito. Nagtataka naman akong sumunod sa kanila. Nagulat ang mga nasa conference room nang bigla kaming pumasok sa loob.

"Sorry for interrupting you but we need the conference room now and you young man" seryosong sabi ng Daddy nito at tinuro si Frost.

Nagtama ang tingin namin ni Frost halatang maging siya ay naguguluhan. Lumapit ako sa kanya.

"Ano meron?" nagtataka kong tanong dito.

"I don't know. Bat kasama ka nila?" tanong nito sa akin.

"Pinasunod ako. Malay ko ba. Hoy, wala akong ginagawang masama ha" pag papauna ko dito.

Nang nakaalis na ang lahat ay isa isang umupo ang pamilya ni Frost habang kaming dalawa ay nakatayo.

"You two. Kindly explain what's the meaning of this?" may hinagis na brown envelope ang Daddy ni Frost.

Kinuha naman yun ni Frost at binuksan. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Frost at tinignan ako kaya naman lumapit na din ako para silipin kung ano ang hawak niya.

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko sa nakita ko.

What the hell??? Marriage certificate ??? Paano nangyari ???

"Bakit kayo nagpakasal nang hindi namin alam?" seryoso ang mukha ng Daddy ni Frost.

"Hindi po kami nagpakasal. Baka po peke ito. Wala akong natatandaan pumunta kami sa huwes or sa simbahan" paliwanag ko sa mga ito.

"Yes daddy, I don't remember anything" pagpangalawa sa akin ni Frost.

"It came from the city hall. It is registered. We triple check it already. Are you still going to lie?" Masungit na sabi ng Mommy ni Frost.

Nakita ko ang pagsuyod ng mata nito sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya naman napahawak ako sa braso ni Frost.

Frost looked at me. Bigla siyang tumayo sa harapan ko para bahagya akong harangan at itago sa pamilya.

"'Mommy, don't look at her like that" inis na sabi nito.

"And why? I don't know her. Tapos bigla kong malalaman na kasal ka na? Last time, I check ay naghahabol ka pa kay Aliyah and now you have her as your wife?" di makapaniwalang tanong nito sa anak.

"We don't even know her background Frost. We don't even know kung saang lupalop siya galing bigla lang siyang lumitaw dito! And for Pete's sake hindi niyo pinaalam sa amin!" galit na hinampas ng Daddy ni Frost ang lamesa.

"Tell me may nangyari na ba sa inyo ha? Kaya lihim kayong nagpakasal?" tanong ni Summer.

Hindi ako makasagot. First time kong maurungan ng dila. Hindi ko akalain na nakakaintimidate pala ang pamilya ni Frost. Kinakabahan ako ngayon dahil wala talaga akong maisagot sa kanila.

"Wala po. Wala pong nangyari sa amin" naluluha na ako dahil sa paraan ng pagtingin sa akin ng pamilya ni Frost. Tanging si Catalina at Laina lang ang nakangiti sa akin.

"Pinikot ka ba ng babaeng to Frost?" tanong ng Mommy niya. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga bago tuluyang nagtago sa likuran ni Frost.

Ano ba yan! Bad shot agad sa pamilya niya?!

Napasabunot ako sa sariling buhok dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko maalala si Frost at ako na nagpakasal.

"You tell us now Frost! We can fire her right now kung inipit ka niya sa sitwasyon na to" kinagat ko ang dila ko para hindi maiyak sa frustration dahil sa mga naririnig mula sa pamilya ni Frost. Gustong gusto kong sumagot pero alam kong hindi makakatulong ito sa sitwasyon ko ngayon lalo na kung tatanggalin ako sa trabaho. I need to support myself.

"Ms. Mercado, how much do you need? Is it money you want?" tanong ni Summer. Walang kahit anong boses ang narinig sa loob ng conference room. Mabibigat na paghinga lang ang ginagawa ni Frost.

Para akong sasabog sa inis at galit sa ginagawa sa akin. Naisandal ko ang aking noo sa likuran ni Frost at hindi ko na mapigilang mapahikbi dahil hindi ko mailabas ang nararamdaman ko.

Nagulat ako nang bigla akong harapin ni Frost. Hinawakan nito ang baba ko at inangat. Nanlalabo ang itsura niya sa aking paningin dahil sa mga luhang nasa mata ko. I pleadingly look at him and ask for his help.

"I really can't remember anything, Frost. I can't" iyak ko dito. Nakita ko kung paanong lumambot ang mga mata ni Frost nang bumagsak ang mga luha ko. Inangat niya ang kamay niya sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha na dumaloy dito.

"Sshh, Jez. You don't have to" bigla akong niyakap ni Frost ng mahigpit. Ang isang kamay niya'y nakayakap sa aking balikat at ang isa'y nakahawak sa aking ulo na nakahilig sa kanyang dibdib. Kita ko kung paano kami tignan ng pamilya niya. Itinalikod niya ako sa pamilya niya kaya ngayon ay ang puting dingding ang nakikita ko.

Ipinulupot ko na rin ang kamay ko sa likuran ni Frost dahil pakiramdam ko ay babagsak ako sa panghihina matapos ang komprontasyon na naganap sa pagitan namin ng pamilya niya.

"Stop disrespecting and humiliating her! Enough of your accusations. Hindi ko na gusto ang sinasabi niyo and if ever totoo man yang marriage certificate na yan then be it! I don't mind marrying her. Jez is now my wife so you don't have any right to disrespect my wife in front of me!!" galit na sabi ni Frost bago ako hinila palabas ng conference room.

Magkahawak kamay kaming lumabas sa conference room. Hinila ko ang kamay ko sa kanya nang papasok kami sa office dahil ayokong makita kami ng mga katrabaho ko.

Huminto si Frost at tumingin sa akin.

"Stop this Jez. We need to talk" sabi nito at mulimg hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papasok sa office. Napayuko ako dahil ayokong makita ang reaksyon ng mga katrabaho ko habang si Frost ay walang nililingon. Dire diretso lang ang lakad nito papasok sa office niya.

Rinig ko ang iilang bulungan dahil sa pagpasok namin na magkahawak kamay. Nang makapasok sa office niya ay inupo niya ako sa sofa.

Kumuha siya ng isang basong tubig bago inabot sa akin yun. Uminom ako mula dito at napasandal ako sa likuran ng sofa.

What the hell just happened?

Pabalik balik ang lakad ni Frost sa harapan ko habang nakapameywang. Sinusundan ko lang siya ng tingin parang ako ang nahihilo sa ginagawa niya.

Huminto siya sa harapan ko at tinitigan ako. He is caressing his lower lip while tapping his right foot on the floor.

"March 3, 2019, that was the date the marriage certificate was filed" sabi nito. Napaisip ako March 3, that was my second night here in the Philippines.

Ano bang ginawa ko nun? As far as I can remeber, yung first one month ko dito ay nilagi ko sa pagp party.

Sinubukan kong isipin ang nangyari prior to March 3. Napatakip ako sa bibig at sabay kaming napatingin ni Frost sa isa't isa ng mukhang may sabay kaming naalala.

"You are the broken hearted guy?" gulat kong tanong sa kanya.

"You are the rebel daughter?" gulat nitong tanong sa akin bago ako tabihan sa sofa.

"I can't believe this!" hindi makapaniwalang sabi ko. "How? I thought that was just a joke!"

"Me too. I didn't know my friend really filed that marriage certificate"

Sandaling nanahimik si Frost bago muli akong tignan. He smirked at me bago umayos nang upo.

"What?" Inis kong tanong sa kanya dahil pinapabilis na naman nito ang tibok ng puso ko.

"You're a Salvador now" he confidently said

Napapikit ako nang marinig ang katotohanang sinabi nito sa akin.

F*ck! Sabi ko I plan to make you my first boyfriend and now you're my husband! I'm doomed!

 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status