Share

Chapter 3

Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad dahil sa nangyari kanina. Nakayuko ako at sinisipa sipa ko ang mga bato at dahon na nasa harapan ko.

Naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin kaya naman nilingon ko agad yun. Only to found out, Frost is following me with his motor. Halos hindi ito tumatakbo. Sinasabayan lang din ang mabagal kong paglalakad. Huminto ako at huminto rin ito.

Napabuntong hininga ako at napanguso na lang nang makita ang magandang mata nito na nakatitig sa akin.

"I'm sorry" sigaw nito sa akin. Tinitigan ko lang siya bago tumalikod at naglakad ulit. Nang medyo mainitan ay sumilong ako sa malaking puno. Naupo ako sa malaking ugat nun. Tumigil din sa harapan ko ang motor ni Frost pero hindi ko siya pinansin. Patagilid itong nakaupo sa motor niya at nakatitig lang sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng ilang.

"Stop staring at me" inis kong sabi sa kanya at inirapan siya. Bumuntong hininga lang ito bago naglakad papunta sa harapan ko. Tiningala ko siya at mula sa kinauupuan ko ay para siyang Greek God na nakatingin sa mortal na tao.

Inangat nito ang kamay niya at ipinatong ang kamay sa ulo ko. Naramdaman kong may inaalis siya doon at nang matapos ay tuluyan siyang lumuhod sa harapan ko para magpantay ang aming mga mata.

"Fine. I am really sorry for not speaking up earlier. I just thought you can do that on your own. That's how I knew Jezreel three years ago"'paliwanag nito.

Lalo akong nainis sa sinabi nito.

"Kahit na! There's an existing word called "gentleman" just in case you don't know" inis na sabi ko sa kanya.

He just chuckled on what I said. Saglit akong natigilan nang makita ang tipid niyang ngiti.

"Stop smiling Frost!" utos ko dito

Natigilan ito sa paraan ng pagtawag ko sa kanya.

"At saan napunta ang sir, Jez?" nakataas ang kilay nito nang tanungin ako. Napangiti ako nang hindi ko mahimigan ang iritasyon sa boses nito.

"May atraso ka baka nakakalimutan mo" paalala ko dito. He smiled again before he bit his lower lip kaya lalong lumapad ang ngiti ko.

"You should smile often" suggestion ko dito. Agad na nawala ang ngiti sa labi niya at naging poker face na naman siya.

"See, lagi kang naka frowning face. Like this" ginaya ko ang nakabusangot niyang mukha.

"Hey, kahit nakabusangot ako I know na gwapo pa rin ako at hindi ganyan ang mukha ko" proud nitong sabi.

"At sinong nagsabi sayo niyan?"

"Ikaw" tinuro niya ako. "I remembered it clearly na papasa na ako pang matinee idol at pangalan ko pa lang napakagwapo na" naitikom ko ang bibig ko nang maalala kung paano niya narinig yun sa akin.

"Feeling ka naman. Noon yun, ngayon hindi na" pagmamaktol ko pa rin sa kanya.

Frost's hand suddenly flew in my head. Slowly, he comb my hair using his fingers. Inaayos niya yun katulad ng ginawa niya kanina.

"Sorry na nga" ulit nito habang inaayos ang buhok. "Promise to always speak up for you" sabi nito na ngayon ay nakatingin na sa mata ko. Para akong nahihipnotismong makipagtitigan sa mga mata niya.

"Do you still love her?" bigla kong naitanong. Agad na nag iwas ng tingin sa akin si Frost. "Do you want her back?"

"If I want her back sana noon ko pa ginawa pero look I'm still alone" malungkot niyang sabi.

I touched his arms and caress it dahil nahimigan ko ang lungkot sa kanyang tinig.

"You're not alone. You have me. I can be your friend slash secretary" nakangiti kong sabi sa kanya.

"A friend who always mock her friend" pinaningkitan ako nito ng mata.

"That's what friends are for" natatawa kong sabi sa kanya.

Napailing na lang si Frost sa sinabi ko. Napalingon ako nang makitang may naglalako ng mangga. Agad akong naglaway nang makita yun.

Tinignan ko si Frost at pinisil ang braso niya.

"You owe me right?" tumango lang ito sa akin. "Libre mo ko nun oh" at ininguso ko sa kanya ang mangga.

"Sasakitan ka ng tyan dyan maaga pa" reklamo nito sa akin.

"Bilis na para bati na tayo" hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hinila ko na agad ang kamay niya at hinatak siya papunta kay manong.

"Good morning po. Isa nga po" nakangiti kong sabi kay manong. Kumuha ako ng isa at nilagyan yun ng asin. Na satisfied ako sa unang kagat ko pa lang. Inalok ko si Frost at agad yung umayaw.

"Why? Masarap kaya" pang iinggit ko sa kanya.

"I do not share foods or drinks if it is already bitten" paliwanag niya. Napatango ako sa kanya.

"Ahh laway conscious" sabi ko sa kanya habang sarap na sarap ako sa mangga

Pinapanood lang ako ni Frost habang kumakain at nang maubos ay inabot agad ni Frost ang bayad. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Joke lang sineryoso mo naman" pangbibiro ko dito. Nakapameywang si Frost sa akin.

"Really, Jez? Nahiya ka pa after mo kong hila hilahin" pakiramdam ko napipikon na sa akin si Frost dahil sa pinaggagawa ko sa kanya simula pa kanina.

"Oh, nakabusangot na naman yang mukha mo. Wala na hindi ka na pang matinee idol. Smile Frost, smile" pang uuto ko dito at binigyan ko siya ng magandang ngiti.

Hindi ko mapigilang mapatawa ng bigyan niya ako ng sarcastic na smile. Pikon akong inirapan ni Frost bago niya hinawakan ang kamay ko.

"Iuuwi na kita" sabi nito at hinila na ako Natigilan ako sa pagtawa nang maramdaman ko ang malapad at malambot niyang mga kamay na nakasugpong ngayon sa kamay ko. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin at unti unting nagwala ang puso ko.

Tumigil kami sa harapan ng motor niya. Binitawan niya ang kamay ko at hinarap ako. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil sa kabang nararamdaman. Lalong nagpyesta ang puso ko nang biglang hawakan ni Frost ang baba ko at iharap sa kanya. Diretso itong nakatingin sa akin.

Parang bumabagal ang lahat ng nasa paligid ko nang magtama ang aming mga mata. Isinuot niya sa akin ang helmet. Damang dama ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa pisngi ko habang kinakabit niya ang lock ng helmet.

Napatingin ako sa labi niya. Ang pula at parang ang lambot. Napakagat ako sa labi ko dahil sa mga naiisip ko. Nakita ko kung paano pinagmasdan ni Frost ang ginawa ko sa aking labi.

Jusko! Hindi ko kinakaya to!!!

Napatingin ako sa langit nang biglang magtaas ng tingin sa akin si Frost. Tumikhim ito para ipaalam sa akin na tapos na ang ginagawa niya.

Inalalayan niya ulit akong makasakay.

"Yakap" utos nito sa akin. Hindi ko alam pero matapos ang nangyari kanina nakaramdam ako ng hiya. Kinuha ni Frost ang dalawa kong kamay at siya mismo ang nagyakap nito sa mga beywang niya. Inayos niya ang side mirror kaya naman mukha ko na ang nakikita ko dun.

"Kapag sinabi kong yakap. Yakap agad. Naiintindihan mo??"

Tumango lang ako sa kanya sa salamin bago nito pinaandar ang motor niya. Buong byahe akong kinakabahan dahil sa napakalapit naming mga katawan at madalas pang magtama ang mata namin sa side mirror.

Mabilis akong bumaba nang makarating kami sa condo building. Ako na ang naghubad ng helmet dahil baka di ko na kayanin kapag si Frost pa ang gumawa nun. Inabot ko sa kanya ang helmet.

"Thank you sa libre" nakangiti kong sabi sa kanya. Tipid lang itong ngumiti at tumango sa akin. I waved goodbye at him at naglakad papasok sa building pero agad akong napatalikod at naglakad pabalik nang makita ko si Rain na naglalakad papunta sa akin.

Ano na namang ginagawa nito dito?

Nakita kong paalis na si Frost. Tatawagin ko na sana ang pangalan niya nang may marahas na brasong humila sa akin.

"Sino yun ha?" may galit sa boses nito.

"Aray! Bitawan mo nga ako" sabi ko dito at pilit na inaaalis ang pagkakahawak sa akin. Hinatak ako nito at kinaladkad papunta sa gilid ng building kung saan walang masyadong tao.

"Sino yun Tanya!?" ngayon ay galit na talaga ang boses nito.

"Pakialam mo ba ?! Bitawan mo ko!" pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ang tagal tagal ko nang nanliligaw sayo Tanya. Sabay ngayon may ibang naghahatid sayo ha! Nakayakap ka pa talaga" lalo nitong hinigpitan ang hawak sa akin.

"Sinabi ko bang manligaw ka?? Ang tagal ko na ring sinabi sayo na ayoko sayo! Ikaw ang makulit. Ano ba Rain nasasaktan na ako" hindi ko na natiis at malakas ko siyang nasampal.

Bumakas ang galit sa mata nito bago ako malakas na isandal sa pader dahilan para mauntog ako.

"Awwww" reklamo ko dito. Tutuhurin ko na sana ito sa pagitan ng hita niya nang biglang may kamay na humawak sa braso ni Rain.

"Let her go" malamig na utos ni Frost. Masamang tinignan ni Rain si Frost.

"Ito ba Tanya ha?"

"I said let her go!" malakas na sabi ni Frost pero hindi pa rin ako binitawan nito.

"I warned you" sabi ni Frost bago tumalikod at tumingin sa akin.

"Close your eyes. I don't want you to see what I'm about to do" mabilis akong napapikit pagkatapos ng sinabi niya.

Wala akong makita pero naramdaman kong wala na ang mahigpit na kamay na nakakapit sa akin at nakarinig na lang ako ng ilang ingay at pagbagsak. Napapapitlag ako sa tuwing pakiramdam ko ay may bumabagsak.

Napatalon ako nang may biglang humawak sa magkabilaan kong braso.

"Open your eyes now" idinilat ko agad ang mata ko. Inilibot ko yun sa mukha niya pero wala akong nakitang kahit anong galos dito pero ang kamao niya ay namumula. Napatingin ako sa likuran ko. Nakita kong inaakay na si Rain ng ilang security guard.

"Are you okay?" nabalik ang tingin ko kay Frost dahil sa tanong niya. Napayuko ako at umiling sa kanya.

"Why? Are you hurt?" tanong nito sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. "Where?" seryoso nitong tanong sa akin.

Itinuro ko ang ulo kong nauntog kanina. Napapikit ako nang maramdaman ang malapad na kamay ni Frost na marahang hinahaplos ang ulo kong nauntog.

"Ex boyfriend?" tanong nito sa akin. Na gets ko agad ang tinutukoy niya.

"No, suitor lang. NBSB pa ko" proud kong sabi sa kanya.

"Where did you two meet?" tanong nito habang patuloy pa rin sa paghaplos sa ulo ko.

"Tinder"

Napatingin sa mata ko si Frost nang marinig ang sagot ko. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.

"No more Tinder for you. Naiintindihan mo?" masungit nitong sabi. Napanguso ako nang utusan ako nito pero wala din naman ako nagawa kundi umuo na lang sa gusto niya.

"And no more suitors" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ha? Paano ako makakahanap ng asawa kung walang suitors? Sayang naman ang lahi ko kung tatanda akong dalaga. Sayang genes" pagrereklamo ko sa kanya.

"No suitors hanggang sa akin ka nagtatrabaho Jezreel. Ayoko."

"Eeehhhh... paaano ...."

"Jez, ayoko. Period. No suitors" masungit nitong sabi. Napairap na lang ako sa kanya and do some mocking facial expressions.

"I can see you silly lady" nakangiti na itong nakatingin sa akin. Inirapan ko lang ulit siya. My eyes widened when he suddenly pinched my nose and grabbed my hand to follow him.

D*mn!! Don't do that ng walang abiso Frost!!!!! You're making my heart leap out of joy!!

Kinagat ko ang gilid ng aking labi para itago ang ngiti dahil sa kilig na nararamdaman sa pinapakita ni Frost. Napapikit ako at nagtititili sa isipan ko.

No boyfriend for now cause I'll make sure you'll be my first, Mr. Aziel Frost Salvador.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status