“‘ADOR, hon? Wala pa bang balita kay Akira? Ilang buwan na ang lumilipas,” malungkot na tanong ni Emily sa asawa habang kumakain sila ng hapunan. “Hinahanap na siya ni Davidson, honey. ‘Wag ka ng mag-alala,” anito habang naghihiwa ng beef steak. Huminga ng malalim si Emily. Nalulungkot siya. Hindi niya alam kung maniniwala pa ba siya kay Davidson. “Pero ang tagal niya ng wala, Ador. Hindi ka ba nag-aalala kung nasaan ang anak mo?” bahagya ng tumataas ang boses ni Emily, ngunit manatiling kalmado ang asawa. Nilapag nito ang tinidor at meat knife sa mesa at nagpunas na ng tissue sa bibig bago tumayo. “I have to go.” Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ito palabas ng dining room. Naiwan si Emily sa hapag-kainan. Panay ang buntong-hininga niya. Pinagmasdan niya ang mesa, dati-rati’y masasaya pa silang tatlo na kumakain dito. Ngayon ay wala na si Akira, at hindi niya alam kung saan hahanapin ang anak. “Manang Lolita!” tawag niya kay Yaya Lolly. Agad na
“ANOTHER glass of Brandy, please” “Bro, sigurado ka ba diyan? Lasing ka na oh,” nag-aalalang tinapik ni Leo sa balikat si Davidson.. “I’m not. Hindi naman ako manghihingi ng isa pa kung lasing na ko ‘di ba?” sarkastikong sagot ni Davidson sa kanya kahit na nakayukyok na ito sa mesa ng counter. “Haha, bro. You’re obviously already drunk. Ano ba kasing problema mo?” tanong niya habang sinisipat ang itsura ng kaibigan. Mukha itong miserable, tapos naglalasing pa. Bihira itong dumalaw sa Bar niya. Kaya ngayon ay nagtataka siya kung bakit ito napadpad sa Bar niya para maglasing. “Bro, may problema ba?” Tanging ‘hmm’ lang ang sinagot nito sa kanya. A second of silence passed, and finally, Davidson started to talk. “I have this girl,” panimula nito. Kumurap-kurap si Leo. Nae-excite siya kung magkukuwento ito. Never pa kasing nagkwento ito ng love life. “So tapos?” nagsisimula na siyang mapangiti habang inaabangan ang susunod na sasabihin ni Davidson. “
SA LABAS NG PRIVATE ROOM.. “Can you please sit down? Nahihilo ‘ko sayo,” sita ni Alexander kay Davidson. Nakaupo ito waiting bench. Kanina pa kasi siya paroo’t parito habang naghihintay ng Doctor na lalabas. “Bakit ba nandito ka pa?” iritang hinapyawan niya ng tingin si Alexander. Alexander smirked at him. “Hello? Baka nakakalimutan mo, ako ang driver niyo.” “Sorry. Mukha ka naman kasing driver diyan sa suot mo,” nangaasar niyang tinuro ang asul na polo shirt nito at itim na slacks. “Gwapo pa rin,” tumaas ang mga mata nito sa ere. Tingin ni Davidson ay mas matanda siya kay Alexander. Mabilis itong mapikon at childish. “Excuse me.” Sabay silang napalingon sa Doctor na lumapit sa kanila. “Doc, how is she?” tanong agad ni Davidson. Makikita talaga ang pag-aalala sa mukha niya. “Ano po bang nangyari sa kanya?” si Alexander. Tumayo na din ito at tumabi sa kanya. “She has Acute Gastritis but don’t worry it’s non-erosive.” “Gastritis?” -Davidson.
“DAD?” Saglit na natigilan si Alexander nang maabutan niya ang kanyang Vice-President ng Shen Group sa loob ng kanyang silid. Nakatanaw ito sa labas ng bintana ng hotel at alam niyang naghihintay ito sa pagdating niya. Ang Vice-President na walang iba kundi ang tatay niya. Kasama nito si Mr. Fang na nakangiwi ang mukha na nakatingin sa kanya. Halatang ninenerbyos ang secretary niya sa presensya ng tatay niya. Nandoon din ang kanyang ina. Nakaupo ito sa isang sulok, hindi maipinta ang mukha. Divorced na kasi ang mga ito, kaya alam niyang hindi ito komportable na nandoon ang tatay niya. “What’s going on?” tanong niya. “Alexander,” seryoso ang tingin ng kanyang ama. “Kamusta ang pinapagawa ko sayo?” Napalunok ng laway si Alexander. “Duìbùqǐ, bàba. Wǒ yǐjīng jìnlìle, zhēn de. (Translation: I’m sorry, Dad. I’m doing my best, really.) “Zuì hǎo de? You’re doing nothing, Alexander. It’s been a month wala pa ring nangyayari?” humarap ito sa kanya. (Translation: Bes
“He’s such a mess,” ani Davidson. Pqreho silang nakatayo ni Leo sa harapan ng bagsak na si Alexander. “Do you know him?” asked Leo. “Nah. Sort of.” “Magsasara na kami, Dude. Paano yan?” nakangusong turo ni Leo sa lalake. Wala ng nagawa pa si Davidson, kundi ang tulungan si Alexander na makatayo habang inaakbay sa balikat niya ang braso nito. No choice naman siya kundi ang tumulong dahil lasing na lasing ito. “Okay ka lang? Mukhang mabigat siya,” nakangiwi si Leo habang pinapanuod sila. “I’m fine. I can.. h-handle him,” pwersadong sagot ni Davidson kay Leo. Hindi man niya aminin, mabigat talaga si Alexander. “Wait, check mo nga yung wallet baka may address,” utos niya pa kay Leo. “Wala, nakita ko na kanina yang wallet niya.” Tumangu-tango lang siya. “Yung phone?” “May message. Heto oh,”- binasa ang message sa phone ni Alexander- “‘Alexander, umuwi ka na, right now!’” “Sino yung sender?” “Dad niya siguro, baba ang nakalagay eh.”
(WARNING!! THIS CHAPTER CONTAINS A RATED SPG SCENES. So please, read at your own risk. If you find it uncomfortable to read, pls don’t report my book. You have the right to skip this chapter. And if you’re not satisfied with the scenes and you find it lame, go back. Don’t read! Just kidding. :) // I’ll make it wetter..I mean..better next time) MARAHANG lumapat ang likod ni Keirah sa malambot na kama habang magkalapat pa rin ang mga labi nila ni Davidson. Puno ng sensasyon ang mga halik ni Davidson sa kanya. “Kei..rah,” pabulong na tawag nito sa kanyang pangalan. Parang musika ang boses nito na masarap pakinggan. “Sir?” Hindi na muling nagsalita si Davidson, bagkus muli siya nitong siniil ng halik. “S-sir,” napaigtad siya ng gumawi ang halik ni Davidson sa kanyang leeg. Hinabol niya ang hininga ng bumaba ang halik ng binata sa kanyang dibdib. “Uhhm, Sir?” Tila hindi na siya naririnig ng lalake. Nagsimulang maglakbay ang kamay nito sa ilalim ng kanyang damit papunt
“Hmm,’ marahang ungol ni Alexander saka bumiling patagilid ng higa sabay- “OUCH!” -napamura siya ng malaglag siya sa sofa. “Geez, stupid Alexander,” nakangiwi na bulong niya sa sarili. Bumangon siya mula sa pagkakadapa sa sahig. Nangunot ang noo niya ng mamataan ang isang basket sa sahig. “What’s this?” hinila niya iyon palapit sa kanya. “Foods?” Nang makita ang maraming pagkain sa loob, hindi na nagsinungaling ang sikmura niya. Kumalam iyon, dahil sa gutom. Teka, nasaan ba siya? Kaninong condo ba itong kinaroroonan niya? Natigil ang mga katanungan sa isipan ni Alexander nang mahagip ng paningin niya ang isang portrait sa Sala. “Kay Mr. Montevella ‘tong condo? Tsk, bakit naman ako nandito?” nagpalinga-linga pa siya. Wala siyang matandaan sa mga nangyari. Black out siya kapag nalasing na. Walang tao. Pakiramdam niya siya lang mag-isa sa sala. Nagkibit-balikat na lang ang binata at sinuot muli ang polo na tinanggal niya bago siya matulog. Sinulyapa
“NAKAALIS NA BA SIYA?” “Yes, don’t worry.” Nakahinga ng maluwag si Keirah nang malaman na nakaalis na si Alexander. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Gano’n na lamang ang pagka-bigla niya ng makitang naubos ang pagkaing dala niya para kay Davidson. Nang lingunin niya si Davidson, nagkibit-balikat lang ito. “Wala ka ng kakainin. Gusto mo ipag-luto kita?” malambing na tanong niya dito. “Huwag na. Aalis na rin naman ako.” “Ah,” tanging nasambit na lamang niya. Wala siyang masabi. “Sumabay ka na sa’kin if you want,” anito habang naglalakad pabalik ng kwarto nito. “Ah, hindi na. Magko- commute na lang ako,” tanggi niya. Iba kasi ang pakiramdam niya. Parang ang cold ni Davidson. Parang walang nangyari sa kanila. Hay, ano nga ba ang aasahan niya? One-sided love lang naman ang namamagitan sa kanila. Hindi naman siya nito gusto. Bahagyang may kirot siyang naramdaman sa sulok ng kanyang puso pero pinagwalang-bahala niya na lamang yon. Narinig niya na ang lagasla