"YUNG FOODS!!"Natatarantang umalis sa ibabaw ni Davidson si Keirah. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi ng tinungo ang pinto.Ngunit hindi ang inaakalang food delivery ang napag-buksan niya. Kundi si Melanie. Humahangos ito at rinig niya ang pagod at kaba nito sa bawat pag-hinga."K-Keirah," nanginginig ang mga kamay nito. Doon niya lang napansin na hawak nito ang kanyang cellphone, naiwan nga pala niya yun nang isugod si Davidson sa hospital."Anong meron? Bakit humahangos ka?" takang-tanong niya."Kanina pa may tumatawag sayo, Yaya mo yata. I answered it. Keirah, ang mama mo-""WHAT?" Nagmamadaling kinuha niya ang cellphone kay Melanie. Twenty missed calls, thirteen messages.Nangangatog ang mga kamay na binuksan niya isa-isa ang messages.'Akira, nsan ka ba na bta ka?''Sumagot ka nmn!''Emergency!''Nagse-seizure ang mommy mo''Sinugod namin siya sa hospital, pro wala, Dead on arrival ang mommy mo!''wla na ang mommy mo akira''pakiusap umuwi ka na' Nabitawan ni Keir
Three Days Later, “Ikaw na ang bahala sa lahat ng schedule ni Ms. Gustavo. I need you for the mean time.” Habang kinakausap si Ms. Rodriguez, hindi makapag-focus si Davidson. Panay ang buntong-hininga niya at paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang cellphone kung may text message na dumadating galing kay Keirah. “You sure you’re okay, Sir?” pansin sa kanya ng HR. “Yeah, nag-aalala lang ako kay Ms. Gustavo,” pasimple niyang sagot. Kahit na gusto niya ng ipagsigawan na namimiss niya na ang presensya ng dalaga.Tumikhim ang kausap. “Ahem, iba na yata ang pag-aalala niyo kay Keirah, Sir. Since we got here ay palagi ng malalim ang iniisip niyo.”He rolled his eyes as he looks at Ms. Rodriguez. Kailan pa ito naging mapag-obserba sa buhay niya? “She’s my secretary. Nahihirapan akong mag-adjust, okay.”“Okay. I’m sorry, Sir. Mauna na po ako,” nag-bow muna ito sa kanya bago umalis.Bumuntong-hininga siya ng makalabas ang HR. Tama naman ito dahil wala talaga sa kumpanya ang isip niya.
"MELANIE?" Pareho silang natigilan. Napatda at tinitigan ang isa't isa. Naunang makabawi si Melanie at sinipat siya. "Ikaw ba talaga yan?" -hinawakan ang baba niya at tinaas- "Gosh, IT'S REALLY YOU! Anong ginagawa mo dito? Don't tell me-" Tumangu-tango si Keirah siya naman panlalaki ng mga mata ni Melanie. "Anak ka ni Mr. Benavidez? Ang Majority Shareholder ng Montevella Corp?!" Alam niya na hindi ito makapaniwala dahil sa reaksyon nito. Bago pa man may makakita sa kanilang dalawa ay hinila na niya ito paakyat sa kanyang silid.-----"Besh, hindi talaga ako makapaniwala! Isa ka pala talagang prinsesa!" kinikilig na sambit ni Melanie. Nabigla pa siya ng mag-dive ito sa queen-sized bed niya."Prinsesa ka diyan?," humalukipkip siya at umupo na lang sa couch dahil okupado lahat ni Melanie ang kama niya."Girl, nasa'yo na ang lahat-""And I ended up with no mother," ngumiti siya ng mapait. "I'm all alone now."Umayos ng upo si Melanie. "Hmm, I'm sorry Keirah. Masyado lang akong na-exci
DALAWANG linggo ang nakalipas. Handa na si Keirah. Handa na siyang harapin ang kanyang ama.Naabutan niya ito sa sala isang gabi. Umiinom ng whiskey ngunit hindi naman lasing. Tahimik lang ito at halatang malalim ang iniisip.Bumuntong-hininga muna ang dalaga bago magsalita. "Ahm, Dad?" tumikhim siya ng pumiyok pa siya dahil sa kaba.In her first try, her dad didn't look at her. "Daddy." Tumingin naman ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang mga mata nito pero alam niyang nalulungkot ito."What do you want?" malamig na tanong nito sa kanya. Daig niya pa ang naligo ng yelo sa pakikitungo sa kanya ng sariling ama."Can we talk?" hindi ito sumagot kaya sinamantala niya ang pagkakataon na ito para sabihin sa ama ang pasya niya. "I will do what you want me to do, Dad.""What?" nag-angat ito ng tingin. "Bakit nako-konsensya ka na ba?" "Dad, I'm just doing this for mom! At para na rin sumaya ka, gagawin ko ang gusto mo," mahinang singhal niya sa kanyang ama.Oo. Labag sa kalooban niya ang mag-
“WHAT IS GOING ON HERE?”Nang matanggap ni Alexander ang text message mula kay Mr. Fang na may nanggugulo daw sa unit nila, ay agd siyang bumalik kahit nasa gitna na ng byahe.“MOM?” tawag niya sa ina habang papasok sa sala.Bumagal ang lakad niya ng matanaw ang ina na umiiyak. Nakaharap ito sa lalakeng nakatalikod sa kanya. Naningkit ang mga mata niya at napuno ng tanong ang kanyang isip. Ano namang ginagawa ni Davidson sa unit nila? At bakit umiiyak ang Mommy niya? May ginawa ba ito?Dahil sa isiping may ginawang masama si Davidson ay patakbo niya itong nilapitan at tinulak. Saka niya dinulugan ang Mommy niya na ngayon ay grabe ang hagulgol.“Alexander?” nabigla si Davidson ng makita siya.“ANONG GINAGAWA MO SA MOMMY KO? PATI BA NAMAN ANG NANAY KO, IDADAMAY MO SA HIDWAAN NATING DALAWA?!” sigaw niya sa lalake. Ayaw niya sa lahat ay yung naaagrabyado pati ang nanay niya.Nagtagis ang mga bagang ni Alexander ng ngumisi ng pagak si Davidson.“‘Mom’? You mean nanay mo ang walang kwent
The time before the accident..~Wala sa sarili si Davidson. Naghahalo ang kanyang emosyon. Sobrang nasasaktan sa lahat ng mga nangyayari. Maraming tanong sa isipan niya na hindi niya masagot.Bakit?Bakit ngayon lang nagpakita ang kanyang ina?Bakit pa ito nagpakita kung kailangan okay na siyang mag-isa?Bakit sa halip na magalit siya dito ay nagpupumilit pa rin ang kanyang puso na manabik sa yakap ng isang ina? Dahil ba hindi niya naranasan magkaroon ng ina simula noong bata pa siya? Bakit ba kasi siya nito iniwan? Bakit?*Flashback*[Alicia POV: Her One Sided Love]Isa lang akong hamak na katulong sa pamilya ng mga Montevella. Hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa isa sa mga tagapagmana ng pamilyang ito. Yun ay walang iba kundi si Rogelio Montevella. Napaka-kisig niya noong mga panahon na yun. Mabait, may respeto sa babae at sadyang maalalahanin.Ngunit kahit isa akong tagapagsilbi, naging mabait sa akin si Rogelio.Umibig ako sa mga katangian niyang iyon. Binigyan ko
Nagising na lang si Davidson na nasa hospital. Napabuntong-hininga ang binata. Nasa hospital na naman siya. Lecheng buhay ‘to, oo. “Dave! thanks God naman at gising ka na,” nakangiting wika ng Auntie Jasmine niya na siya niyang namulatan. “Anong nangyari?” mahinang boses ang lumabas sa bibig niya. Halatang nanghihina pa ang katawan niya at wala siya masyadong maalala.“Wala kang maalala? You were been in accident. Tatlong araw kang unconscious,” may halong pag-aalala ang boses ng tiyahin. “Buti na lang at hindi ka napuruhan.”“Wala ako masyadong maalala, Auntie,” pinakaramdaman niya ang sarili. Nakataas ang isang binti niya at may benda. Yun ang hindi niya maigalaw. Napangiwi siya ng kumirot iyon. Nilibot niya ang paningin sa silid. May hinahanap ang kanyang mga mata. Nalungkot siya ng hindi niya nakita si Keirah. Wala sa tabi niya ang dalaga.“Ahm, Auntie. Si..Ang secretary ko, do you remember Ms. Gustavo? Where is she?” di na siya makatiis na hindi mag-tanong.“Oh, si Ms. Gusta
MARAHAN. Marahan ang titig ni Jasmine kay Alicia habang pinagmamasdan niya ang babae. Dinala niya ito sa cafeteria ng hospital. Nagpupunas ito ng mata gamit ang tissue. Natatandaan ni Jasmine na mas matanda siya dito ng dalawang taon. Ngunit sa edad nila ngayon ay napaka-sopistikada ni Alicia. Hindi maikakaila na nasa mid-fifties na ang babae.“Kamusta ka na, Alicia?” tanong niya. Kaya tagal kasi nitong nawala. Ni wala silang balita kung nasaan ito.“Mapapatawad pa kaya ako ng anak ko?” sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya.“Masama ang lagay ni Davidson, hindi mo siya mapipilit na patawarin ka ngayon,” sagot niya habang hinahalo ang tsaa na in-order. “Saan ka ba napadpad at nakalimutan mong may anak kang iniwan?”“Pinagsisisihan ko ang ginawa ko, Jasmine. Wala ako sa aking sarili nang iwan ko si Davidson.” Pinagmasdan niya ang mukha ni Alicia. Basang-basa niya sa mga mata nito ang pagka-desperado na patawarin ni Davidson. Ngunit kahit siya ay hindi niya mauutusan ang paman