‘IF I just know na ganito pala kahirap ang maglayas, I shouldn't done this’
Mangiyak-ngiyak na sa sarili si Keirah. Kanina pa sya pinapagalitan ni Mrs. Kim dahil palagi syang palpak sa mga pinapagawa nito. ‘I hate you, Dad! I really, really hate you!’ Sa isip na lamang nagwawala ang dalaga dahil wala naman siyang magawa dahil wala naman nag-utos sa kanya na umalis ng bahay nila. “Keirah, I need fifty copies of this contracts. Do you know how to xerox? O baka naman pati pagxe-xerox ay hindi mo alam,” masungit na utos na naman ni Mrs. Kim sa kanya. Lihim ng nakasimangot si Keirah. Halos kauupo lang nya. Wala naman siyang nagawa kundi sundin ang masungit na Head. Kung hindi lang ito para sa pagtakas nya sa Daddy nya ay wala naman sya sa ganitong lugar. Nasa kwarto lang sana sya at nakahiga habang nakikinig ng musics o nagbabasa ng libro sa private library niya. Pero hindi eh. Nananahimik ang buhay nya at bigla na lang ginulo ng kanyang ama mula ng sabihin nito na ipapakasal sya sa matandang business partner nito. Twenty-years old pa lamang si Keirah at nag-aaral ng Architecture. Malayo sa business management ang gusto niya. Tutol ang daddy nya na maging arkitekto sya kaya yon lang naiisip ng dalaga na dahilan para ipakasal siya nito. Hanggang sa nauwi na silang mag-ama sa pagtatalo. Umalis sya ng bahay at pinalitan ang pangalan nya bilang Keirah Gustavo. She used her grandmother’s last name. Wala din syang ideya kung sino ang gusto nitong ipakasal sa kanya. At ayaw din nitong sabihin ang tunay na dahilan. “Ikaw ba si Keirah?” Napukaw ang lumilipad nyang isipan ng lumapit sa kanya ang isang Marketing staff. “Oo ako nga, bakit?” sagot niya sa babaeng nagpakilalang Melanie. “Kanina pa kasi hinihintay ni Mrs. Kim yung mga pina-photo copy nya. Tapos na ba?” “H-ha? Ganun ba? Teka lang,” nagmamadaling tinipon ni Keirah ang mga kontratang xinerox nya. “Tapos na” Tinulungan naman sya ni Melanie na dalhin ang mga kontrata. Habang naglalakad patungong office ni Mrs. Kim ay nakikipag-kwentuhan ito sa kanya. “So, ikaw pala ang bagong secretary ni Mrs. Kim? Okay ka lang ba?” simula nito. “Okay lang naman,” matipid nyang sagot. “Alam mo ba, isang secretary lang ang tumagal sa kanya ng tatlong buwan?” mahinang bulong ni Melanie sa kanya. Halatang ayaw nitong may makarinig sa sinabi. “Talaga? Bakit naman?” curious nyang tanong. “Nagtanong ka pa ‘te! Hindi mo ba nahahalata yong ginagawa nya sayo?” Natawa sya sa sagot ni Melanie. Gusto pa yata nitong siraan si Mrs. Kim sa kanya. “Bakit mo ba naisipang pumasok dito sa Montevella?” “Hmm, may sakit kasi tatay ko”, ‘sakit sa negosyo’ gusto nya yon idugtong sa sinabi nya at buti na lang napigil niya ang bibig. “Ahh. Pero sana magtagal ka, Keirah. Kahit na masungit si Mrs. Kim, may gwapo naman tayong CEO,” nabigla siya ng tumingala ito sa ere at tila nag-ilusyon. “Hays, kung si Mr. Montevella lang ang makikita ko araw-araw, hindi na ‘ko tatamarin magtrabaho” “Mr. Montevella?” ulit niyang tanong sa nagi-ilusyong kasama. “Oo, hindi mo pa ba sya nakikita? Sabagay, malimit lang naman yon lumabas. Takot yatang ma-exposed ang gwapong mukha, ang matangos na ilong, ang mapuputing balat na mas makinis pa sa mukha ko, ang-” “Oras ng trabaho pero nag dadaldalan kayo,” isang malamig na boses ang gumulat sa kanilang dalawa. Sabay silang napalingon ni Melanie sa likuran. Nanlaki ang mga mata ni Melanie ng mapagtanto kung sino ang nagsalita. “K-kanina ka pa po ba dyan, sir?” “Hindi naman. Do’n lang sa gwapong CEO ang narinig ko,” sarkastikong sagot nito, na ikinapula ng mga pisngi ni Melanie. Namukhaan ni Keirah ang lalake. Dalawang beses nya na itong nakaka-enkwentro ngayong araw pero hindi nya pa ito nakikilala. Ginawa nya nalang paraan ang pagyuko para bumati sa gwapong lalaking nasa harapan. “Keirah, bumati ka kay Mr-” “Bumalik na kayo sa trabaho,” putol nito kay Melanie. “Ayoko ng may pakalat-kalat sa hallway”Walang nagawa si Melanie kundi ang iwan sya. Nagpapaalam na tingin na lamang ang ipinukol nito sa kanya bago tuluyang umalis. Naiwan si Keirah na nakatanga sa lalake. Hindi nya namalayang pinagmamasdan nya na pala ito. “Miss, do you want to say something?” ang malamig na boses ng lalaki ay nakakapag paigtad sa kanya. “H-hm? Ahm sorry po, maiwan ko na po kayo,” nagmamadaling umalis si Keirah. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating sa Marketing Head’s Office. “Bakit ang tagal mo? Nasayang na ang oras ko sa paghihintay!” nakasimangot na si Mrs. Kim pagbalik niya sa office nito. “Sorry po Mrs. Kim,” hingi nya ng paumanhin sabay lapag ng mga contracts sa table nito. Masama ang tingin na binalingan siya nito. “Sa susunod ayaw ko ng matagal, okay. Ayusin mo ang trabaho mo!” Napangiwi si Keirah sa sinabi nito. Mukhang ngayon ay alam nya na kung bakit walang nagtatagal na sekretarya dito. Sa tingin nya ay hindi naman ito matandang dalaga, o sadyang masungit lang talaga ito. ‘Kaya mo ‘to, Keirah!’ pagpapalakas nya ng loob sa sarili at hindi na ininda ang sermon ng Head. “Kabago-bago mo may attitude ka na? Hindi mo pinapansin ang mga sinasabi ko!” dugtong pa nito na ikinasinghap niya. Naririnig naman niya ito ayaw niya lang sumagot. “Pasensya na po ulit,” Magti-tyaga nalang syang magtrabaho sa kumpanyang ito kaysa bumalik sa bahay nila. Mas matitiis nya pa ang kasungitan ng Head kaysa ang pamimilit ng Daddy nyang magpakasal sya. Nagulat si Keirah ng biglang tumayo si Mrs. Kim at nakatingin sa pintuan. Maski sya ay napalingon na din sa pinto at nakita nya ang pagpasok ng lalaking kanina lang ay sumita sa kanila ni Melanie. “M-Mr Montevella?” natataranta na bumati ito sa lalake. Hindi mapigilan ni Keirah ang mapasinghap habang nanlalaki ang mga mata. Ito ba ang gwapong CEO na sinasabi sa kanya ni Melanie? “Keirah, ano pang hinihintay mo? You should greet Mr. Montevella!” “O-opo, h-hello po Mr. Montevella,” hiyang-hiya si Keirah at nagkakanda utal pa sya sa pagbati dito. Hindi nya naman alam na ito pala ang CEO ng Montevella. Akala nya ordinaryo lang din itong Senior, o kaya naman ay Supervisor. ‘Kaya pala sobra nalang ang pagba-blush ni Melanie kanina’ “Mrs. Kim, I know it’s hard for you to train our new employees. But you should take it easy at bawasan mo din ang kasungitan mo. Napapansin kong wala ng nagtatagal sa Department mo” Natigilan si Keirah sa deretsong sinabi ni Mr. Montevella kay Mrs. Kim. Nakita naman nya ang pagkatakot sa mukha ng Head. “Sir, I’m just building their respects to our company,” depensa ni Mrs. Kim. “Respect? How would you expect a respects from them kung ikaw mismo ay walang respeto sa mga tao mo?” seryoso ngunit parang kakain ng buhay ang mga titig nito kay Mrs. Kim. “Naririnig ko ang pagsinghal mo kay Ms. Gustavo, which is wrong. She’s just a new employee and willing to know our regulations. So bigyan mo naman sya ng tamang pagtrato” Hindi na nakapag-salita si Mrs. Kim at nanatili nalang na nakayuko. Pansin din ni Keirah na nanginginig ito sa bawat salitang pinupukol ng CEO. “I’m sorry, sir. Hindi na mauulit,” tanging nasambit na lang nito. “Dapat lang Mrs. Kim, dahil kapag naulit pa ito kahit kaninong empleyado ng Montevella Corp., I won’t hesitate to fire you!” Pagkasabi no’n ay wala ng lingon-lingon lumabas ng office ni Mrs. Kim si Mr. Montevella. Nanginginig ang katawan na napaupo na lang si Mrs. Kim sa swivel chair nito. Hindi siguro nito inaasahan ang mga sasabihin sa kanya ni Mr. Montevella. Habang si Keirah ay naiwang nakatulala sa pintuang nilabasan ni Mr. Montevella. Aaminin nya sa sarili na kahit sya ay ninerbyos sa mga sinabi nito. Lalapitan nya sana si Mrs. Kim pero bigla itong tumayo. Sukbit ang bag, ay lumabas ito ng office. ‘Gosh, what do I do now? Mukhang kasalanan ko pa yata ang nangyari huhu’Maagang gumising si Keirah para mag-ayos ng sarili. Sunod naman niyang inayos ang mga gamit ni Yuan para sa pag-alis nila. Abala siya sa pagaasikaso nang pumasok si Melanie at Lorraine sa kwartong kanilang kinaroroonan. "Oh, ang aga mo 'ata," pumupungas pa si Lorraine na halatang kagigising lang. "Ngayon na ba ang punta mo sa Benavidez Corp.?" tanong naman ni Melanie saka sinulyapan ang natutulog pang si Yuan. "Isasama mo ba si Yuan?" "Oo. Pero bago yun, may dadaanan muna kami." "Kailangan mo ba ng kasama?" si Lorraine. "Ah hindi na. Saglit lang naman kami eh para maayos mo na rin kung may aayusin ka pa," tanggi na niya. "Eh ikaw bahala, sige na maliligo muna 'ko," anito saka lumabas ng kwarto. Bumubuntong-hininga na napasulyap siya sa natutulog na anak. Magiging okay kaya ako? , anang isip niya. Ngayong araw, pupunta siya sa kumpanya nila na matagal na niyang hindi nakikita. Iniisip niya kung magiging maayos ba ang lahat. Bahala na. •••~~
Keirah PoV "Yuan, is that true? Bakit mo ginawa yon? Pa'no kung nawala ka ha?" pinipigilan ko na lang na 'wag tumaas ang boses habang pinapagalitan ko ang anak ko. "Sorry po, mommy," humihikbing hingi niya ng paumanhin. Disappointed talaga ko sa ginawa niya. Buti na lang may tumulong sa kanila kung hindi...hay nako, ibabalik ko talaga 'to sa sinapupunan ko. Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Wala naman akong magagawa, sadyang malikot lang talaga si Yuan. "Huwag mo na lang uulitin, okay." Tango naman ang sinagot niya. Halata namang nagsisisi siya sa ginawa niya. "Bakit kasi hindi ka na lang nagpasundo sa driver ng Auntie mo? Edi sana kanina pa tayo nakaalis rito," si Lorraine. "Gusto ko nga silang sorpresahin. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila na uuwi tayo," inirapan ko siya. "Hays, okay okay." Bumuntong-hininga ulit ako. Bakit nga ba ayaw kong sabihin? Wala lang. Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa labas ng airport nang may pumaradang pu
(Keirah POV) "Mommy, mommy can I go to the bathroom?" Napatingin ako kay Yuan. Kasalukuyan kong inaayos ang mga passport ko nang magpaalam siya. "Ate Aida, pakisamahan naman si Yuan. Magkita na lang tayo sa waiting area, okay. May aayusin lang ako," pakiusap ko kay ate Aida. "Sige po, ma'am." Pagkatapos magpaalam, iniwan na nila 'ko. Tinatawagan ko rin si Melanie pero hindi naman sumasagot. Mahigit kalahating oras na rin kaming nagaabang dito sa NAIA. 'Nasan na kaya ang mga 'yon?'-------(Davidson POV) "Sir, 1:00 p.m. pa po ang schedule ng meeting niyo, Hongkong time po." "Okay, anything else?" tanong ko kay Sandra. Abala naman ito sa pag-check ng schedule ko sa tablet niyang hawak. "Wala na po, Sir." Nakahanda na ang private plane na sasakyan namin pa-Hongkong. Na-delay nga lang ang lipad dahil nagka-problema sa piloto. Habang naghihintay, hindi ako mapakali. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko. Kumain naman ako, pero parang may paru-paro na naglilip
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay