Chapter 5
Pagsenyas ni Davidson sa secretary, isa-isa nitong inilapag ang mga white folders sa harap ng mga Executive Members ng Montevella Corp. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Ang blankong ekspresyon ng mukha niya ay halatang nagpailang sa mga tao sa loob. “Do we have a problem, CEO Montevella? What a sudden meeting?” tanong sa kanya ni Mr. Gonzales, ang Director ng Montevella. Sa halip na sagutin si Mr. Gonzales, binalingan ni Davidson ang Marketing Manager ng Montevella. “What happened to Mrs. Kim? Bakit bigla siyang nag pasa ng resignation, Mr. Jo?” tanong nya kay Mr. Jo. “Hindi ko po alam, Mr. Montevella. As I know, napapagod na daw sya,” Umiling-iling si Davidson. Bakit pa ba sya nagtanong? As usual, alam nya naman na ang sagot kung bakit ito biglang nag-resign. Saka hindi namam niya intensyong mapahiya ito sa harap ng tao nito. “Now we’ll get back to our topic,” binuklat nalang ni Davidson ang folder sa harapan nya kaysa isipin pa si Mrs. Kim. “As you can see, our company is facing a minor bankruptcy. Which is hindi naman totally na maapektuhan ang buong kumpanya. Mr. Philip, can you please report our financial status?” baling nya sa Financial Representative. “We got some reports from Sales Department. According to them, tumataas na po ulit ang sales natin. Lalo na ang ‘Scents of Haven’ na pinaka latest nating perfume,” ani Mr. Philip. “Well that’s good news,” ani Davidson nang marinig ang report mula dito. “Well, I have a good news and a bad news, too. So tell me, what do you want to hear first?” “Sir, can we hear the good news even tho medyo kinakabahan kami sa bad news,” ani Mr. Gonzalez, alam nila kapag bad news, damay silang lahat. “Okay the good news is,” pinutol niya muna ang sasabihin at tumingin sa lahat. “Within three months, Montevella Sports Cars latest brand, GX Pro Neon, has sold an amount of $899,078,363.76 (USD) or 50 Billion in Philippine Pesos. And as for contracts worth millions to invest in this brand, let's think about it first. Let's not be too hasty especially since this is a big cost for Montevella Corp. I also want to thank you for all your hard works inside Montevella Corporation,” mahaba niyang pagbabalita at nag palakpakan naman ang mga tao sa loob ng conference. Malaking halaga yon para sa Montevella, at ang kwartang winaldas ng tiyuhin ni Davidson noon ay wala pa sa kalingkingan ng benta ng kanilang latest brand ng Sports Car. “Congratulations sa ating lahat!” pumapalakpak na sambit ni Mr. Gonzales. “So, what seems to be the bad news, Mr. Montevella?” baling nito sa kanya. Nagmamadali masyado ang Director. Baka kapag narinig nito ang bad news ay himatayin nalang ulit ito bigla. Napatingin si Davidson kay Mr. Gonzales. “Well, that is because of this, Mr. Gonzales,” saka niya pinakita sa mga Executive Members ang folder na kanina nya pa hawak. “Everyone! Especially to our Tech Team. I received a report and we’ve been breached! We had a data explosion causing a leak. Some of confidentials information of Montevella exposed in the public. Why did this happen, Mr. Mortez?” baling nya sa CIO ng Montevella Corp. “M-Mr. President? I didn’t know-” nagulat pa ang CIO sa biglaang balita. Ang kanina lang nagkakasiyahan dahil sa good news ay napalitan kaagad ng katahimikan. Ganun lang ba kadali sa CEO nila na baguhin ang atmosphere sa isang iglap lamang? Well that is his specialty! “Hindi mo alam? Ikaw ang CIO at kargo mo ang technical problems ng kompanya. So kung hindi ka nagpabaya, mangyayari ba ang problema na ‘to? Explain it, Mr. Mortez,” disappointed na baling niya sa CIO. Nagkatinginan ang mga officers sa loob ng conference room. Walang ni isa mang naroroon ang makatingin sa seryosong CEO. Lahat sila ay nailang, seryoso lang ang mukha ni Mr. Montevella pero nasa mga mata nito ang galit. Kahapon pa natanggap ni Davidson ang data breach report mula sa Tech Manager. Hindi yon pinalampas ng binata dahil ang leakage of data ay maaaring makasira sa kompanya. ‘Ang data breach o data leak ay ang pagpapalabas ng sensitibo, kumpidensyal o protektadong data sa isang hindi pinagkakatiwalaang kapaligiran. Maaaring mangyari ang mga paglabag sa data bilang resulta ng pag-atake ng hacker, isang inside job ng mga indibidwal na kasalukuyang nagtatrabaho o dati nang nagtatrabaho sa isang organisasyon, o hindi sinasadyang pagkawala o pagkakalantad ng data.’ Nang muling tingnan ni Davidson ang CIO ay nakahawak na lang ito sa sentido, tila hindi ito makapaniwala dahil iyon ang unang beses na nagkaroon ng problema ang system nila. “CEO Montevella, what do you think? Is this an inside job?” Nagkatinginan lahat ng officers sa sinabi ni Mr. Mortez. Maya-maya pa ay napuno na ng bulungan ang silid. “Ikaw lang ang makakasagot nyan, CIO Mortez,” bara nya sa CIO, na hindi makapaniwalang ang team pala nito ang hotseat ng sudden meeting. “Fix it as soon as possible, Mr. Mortez, bago pa lumala ang lahat. Alamin mo kung ano o sino ang dahilan ng pagkakaroon ng leak sa system. And you have to report to me as soon as you fix it if you don’t want to lose your job,” matigas na utos ni Davidson sa CIO. “Yes, Mr. Montevella,” nanghihina ang sagot nito sa kanya at hindi makatingin sa mga kapwa officers. “Meeting dismissed!” tinapos ni Davidson ang meeting dahil nakakaramdam na sya ng paninikip ng dibdib. Nai-stress na naman sya kaya nagpa-palpitate na naman ang puso nya.Maagang gumising si Keirah para mag-ayos ng sarili. Sunod naman niyang inayos ang mga gamit ni Yuan para sa pag-alis nila. Abala siya sa pagaasikaso nang pumasok si Melanie at Lorraine sa kwartong kanilang kinaroroonan. "Oh, ang aga mo 'ata," pumupungas pa si Lorraine na halatang kagigising lang. "Ngayon na ba ang punta mo sa Benavidez Corp.?" tanong naman ni Melanie saka sinulyapan ang natutulog pang si Yuan. "Isasama mo ba si Yuan?" "Oo. Pero bago yun, may dadaanan muna kami." "Kailangan mo ba ng kasama?" si Lorraine. "Ah hindi na. Saglit lang naman kami eh para maayos mo na rin kung may aayusin ka pa," tanggi na niya. "Eh ikaw bahala, sige na maliligo muna 'ko," anito saka lumabas ng kwarto. Bumubuntong-hininga na napasulyap siya sa natutulog na anak. Magiging okay kaya ako? , anang isip niya. Ngayong araw, pupunta siya sa kumpanya nila na matagal na niyang hindi nakikita. Iniisip niya kung magiging maayos ba ang lahat. Bahala na. •••~~
Keirah PoV "Yuan, is that true? Bakit mo ginawa yon? Pa'no kung nawala ka ha?" pinipigilan ko na lang na 'wag tumaas ang boses habang pinapagalitan ko ang anak ko. "Sorry po, mommy," humihikbing hingi niya ng paumanhin. Disappointed talaga ko sa ginawa niya. Buti na lang may tumulong sa kanila kung hindi...hay nako, ibabalik ko talaga 'to sa sinapupunan ko. Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Wala naman akong magagawa, sadyang malikot lang talaga si Yuan. "Huwag mo na lang uulitin, okay." Tango naman ang sinagot niya. Halata namang nagsisisi siya sa ginawa niya. "Bakit kasi hindi ka na lang nagpasundo sa driver ng Auntie mo? Edi sana kanina pa tayo nakaalis rito," si Lorraine. "Gusto ko nga silang sorpresahin. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila na uuwi tayo," inirapan ko siya. "Hays, okay okay." Bumuntong-hininga ulit ako. Bakit nga ba ayaw kong sabihin? Wala lang. Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa labas ng airport nang may pumaradang pu
(Keirah POV) "Mommy, mommy can I go to the bathroom?" Napatingin ako kay Yuan. Kasalukuyan kong inaayos ang mga passport ko nang magpaalam siya. "Ate Aida, pakisamahan naman si Yuan. Magkita na lang tayo sa waiting area, okay. May aayusin lang ako," pakiusap ko kay ate Aida. "Sige po, ma'am." Pagkatapos magpaalam, iniwan na nila 'ko. Tinatawagan ko rin si Melanie pero hindi naman sumasagot. Mahigit kalahating oras na rin kaming nagaabang dito sa NAIA. 'Nasan na kaya ang mga 'yon?'-------(Davidson POV) "Sir, 1:00 p.m. pa po ang schedule ng meeting niyo, Hongkong time po." "Okay, anything else?" tanong ko kay Sandra. Abala naman ito sa pag-check ng schedule ko sa tablet niyang hawak. "Wala na po, Sir." Nakahanda na ang private plane na sasakyan namin pa-Hongkong. Na-delay nga lang ang lipad dahil nagka-problema sa piloto. Habang naghihintay, hindi ako mapakali. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko. Kumain naman ako, pero parang may paru-paro na naglilip
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay