Chapter 10: A strange case for me
"Saan punta mo?"
Gabi na at nandito si Galand sa condo ko. Kanina ko pa s'ya pinapalayas pero sadyang matigas ang utak ng lalaking 'to. Sa halip ay umorder pa sya ng pizza sa Showkeys.
Suot ko ang kulay itim na damit at pantaloon na tinernuhan ng leather shoes na itim. At kung saan man ako pupunta, wala akong balak sabihin sakan’ya 'yon.
"Ewan ko, saka pakialam mo ba?" inirapan ko s'ya. "Kapag tapos ka na magkalat d'yan, sar'han mo na lang 'tong condo ko. Oh!"
Hinagis ko ang susi sa kan'ya at mabilis na umalis kaya hindi na n'ya nagawang mareact pa.
---
Zero Quellite's
Mikaela is so damn stubborn. Hay!
"Bahala s'ya sa buhay n'ya."
Umupo ako ng ayos at sumubo na lang ng pizza. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Pakialam ko ba 'don.
Natahimik ako sandali at nagmasid lang sa TV sa harap ko. Ewan ko, pero hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may ibang pupuntahan si Mikaela. Naalala ko bigla ang pinag-usapan namin kanina.
"Mikaela, tara na."
Nilapitan ko s'ya dahil sinabihan ako ng mga pulis na kailangan na naming umalis. Nakakuha na rin sila ng ilang ebidensya at wala ng makitang iba pa.
"Hoy!"
Nanatiling nakatulala si Mikaela sa isang direksyon. Sinundan ko ng ng tingina ng tinitingnan n'ya at nakita ang isang bahay. Napakunot ang noo ko at kinalabit s'ya.
"Hoy Mikaela!"
Napaigtad s'ya at kaagad na napatingin sa akin.
"Tara na daw sabi ng pulis."
Hinawakan ko s'ya sa palapulsuhan at sinubukang hilahin ngunit pinigilan n'ya ako.
"May napapansin ka bang kakaiba sa bahay na 'yan?" tanong n'ya kaya lalong napakunot ang noo ko.
"Kakaiba?" saad ko.
Tila natauhan s'ya at kaagad na napailing sa sinabi ko.
"W-Wala. T-Tara na."
Habang naglalakad kami palayo doon ay bahagyang sumusulyap-sulyap pa rin doon si Mikaela na ipinagsawalang bahala ko na lang.
Simula kanina ay kakaiba na ang galaw n'ya. Hindi ko talaga mabasa.
Alam ko ang nangyayaring kakaiba kay Mikaela simula't sapul. Alam ko ang mga kakaibang nararamdaman n'ya. Pero bakit ngayon, di ko alam ang gagaw--
Shit! Kaagad akong napatayo sa pagkakaupo. Damn that girl!
Kaagad akong napabihis at lumabas ng condo n'ya. Kaagad akong nagpara ng taxi at nagpahatid sa pinanggalingan namin kanina. Kung saan naroon ang malaking bahay na umagaw sa atensyon ni Mikaela.
Pinatigil ko ang taxi sa medyo malayo sa bahay. Kaagad akong bumaba at tumakbo papalapit doon at napamura ng matanaw si Mikaela sa loob ng bakuran ng bahay.
Tngina!
--
Mikaela's
Dahan-dahan akong pumasok sa gate ng malaking bahay. Siniguro kong ang dadaanan ko ay ang pinakang-ligtas na daan. Siniguro kong walang nakatutok na CCTV, dahil sa laki ng bahay na to, paniguradong mahigpit ang security dito.
Nakatayo ako sa tabi ng pader at pinagmamasdan ang CCTV na nakatutok sa front door nito. Iniisip ko kung paano ako makakapasok rito.
Don't get me wrong. I am sure that there is something inside this house. Kanina, hindi ko alam pero nakarinig talaga ako ng paghagulhol mula rito. And that sound is so familiar to me. Sana hindi, pero parang naririnig ko ang boses ni Shzane. At kung hindi ko man s'ya makita sa bahay na'to, walang problema. Aalis na lang ako ng tahimik. Hindi ko ito binanggit sa pulis dahil paniguradong hindi sila aaksyon at maghihintay pa ng permiso mula sa nakakataas at hindi ko na kayang hintayin pa 'yon.
Damn! Police are the real slaves nowadays! Hindi makagalaw ng walang utos. They always think about their license at hindi sa kung may mapapahamak ba o wala. Dimwits.
Napatingala ako at napatagilid ang ulo ng makita ang bintana na may bukas na ilaw. Pinagmasdan ko ito at kaagad na napatago ng makita ko ang isang malaking lalaki na sumilip rito. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang kaba. It's not like I'm afraid because I trespassed, but.. the guy I saw was holding a gun and it really scared the hell out of me.
Habang nakatago ay muli akong nakarinig ng hagulhol. Napatakip ako sa tainga ko ng sabayan pa iyon ng sigaw ng lalaki na sinasabing tumahimik na sila.
Confirmed. May masamang nangyayari sa bahay na ito.
Napatingin ako sa malaking puno na umaabot sa harap ng bintana. Pinagmasdan ko iyong mabuti at siniguro kung matitingnan ko ba ng mabuti ang nasa loob ng bintana kung aakyat ako roon. Pagkatapos ay tiningnan ko kung mayroon bang mga CCTV camera sa paligid. Kaagad akong tumakbo paakyat sa puno ng masiguro na ligtas na daan ang puno at kaagad na umakyat.
Laking pasasalamat at pagtataka ko ng hindi man lang ako mahirapan sa pag-akyat e hindi ko pa ito nagagawa noon. Ipinilig ko ang ulo at ipinagsawalang bahala na lamang iyon. Ang importante, mailigtas ko si Shzane.
Sa pagsulyap ko sa bintana ay kaagad akong napatakip sa bibig ng makita ko si Shzane. Hindi ko mapigilang manghina dahil sa itsura n'ya ngayon. Ang damit n'yang suot noong nawala s'ya ay suot n'ya pa rin ngayon. Pero iba na, maduming-madumi na ito. Pati ang buhok n'yang maganda, gusot na gusot na.
Sa tabi n'ya ay tanaw ko rin ang maraming mga bata, ang iba ay tahimik lang, habang ang iba ay tahimik na humahagulhol. Marahil ay sa takot sa armadong lalaki na nakatayo sa harap nila.
Maya-maya pa ay sumenyas ang lalaki na tumabi ang mga bata. Lumabas na ito ng silid kaya bigla akong nataranta. Ano na ba ang dapat kong gawin? Sayang ang oras!
Tumingin ako sa sanga na nasa harap ko. Medyo may kapayatang sanga, pero ito lang ang pwedeng daan para makapasok ako sa bintanang iyon.
Napatagilid ako ng ulo at napaisip. Masyadong payat ang sanga. Kung sasakay ako doon, tantya ko ay hindi ako pwedeng magtagal roon ng isang minuto.
Napaliit ang mata ko ng biglang may lumitaw na bagay sa mata ko. Halos mahilo ako ng makita ang paglabas ng isang guhit na tila sinisipat ang sanga ng puno. Matapos sumipat ay lumabas ang numerong 36 sa harap ko. Sinundan ito ng ng salita 'seconds'.
Napailing na lamang ako at ibinalik ang tingin sa sanga. Humakbang ako roon at laking gulat ng biglang maging 35 ang nakikita ko sa gilid ng aking mata. Naging 34 din ito kaagad.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na bumilis ng pagtulay sa sanga. Medyo may kalayuan at delikado ang sanga kaya kailangan ko na magmadali.
Lumakas ang kabog ng puso ko ng makitang 13 seconds na lamang ang natira.
Saktong pangsampung segundo ay nakita ko ang panlalaki ng mata ni Shzane, dahil natanaw n'ya ako. Akmang magsasalita s'ya at ang kan’yang mga kasama subalit ay sinenysan ko na silang tumahimik.
Pitong segundo na lamang ang natitira kaya kinakabahan akong napatitig sa bintana. Kailan ko na tumalon. Damn! Parang hindi ko kaya.
Nang 2 segundo na lamang ang natitira ay wala akong nagawa kundi tumalon. Kasunod nito ay ang pagbagsak ng sanga sa likuran ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bintana, naramdaman ko naman ang pagsaklolo ng ilang bata upang makaakyat ako.
Narinig ko ang paglagabog ng naputol na sanga sa labas, kaya ngayon, paniguradong may pupunta na roon.
"Tita..." mabilis akong lumapit ng makita ko si Shzane. Sa tabi n'ya e ang halos trenta pang mga bata na mayroong kan’ya-kan’yang ginagawa. Ang iba ay umiiyak habang ang iba ay tahimik lang sa tabi.Niyakap ko kaagad si Shzane ng mahigpit.
"Shhhhhh." pagpapatigil ko sa pag-iyak nito. Kailangan naming mag-ingat, maraming lalaki sa labas. Hindi ko sila kakayaning lahat.
Tumayo ako at hinawakan si Shzane sa palapulsuhan. Napatingin ako sa naiwan pang mga bata. Nagdadalawang-isip kung isasama ko pa ba sila sa pagtakas namin.
Akmang lalabas na ako sa pinto kasama si Shzane nang biglang pumasok ang isang senaryo sa utak ko.
Kaagad kong binitiwan si Shzane. Dapat lahat ko sila iligtas, kawawa naman ang iba.
"Maupo ka sa pwesto mo dati, Shzane. Bilis!" pasigaw na bulong ko at kaagad na nagtago sa isang lamesa.
Natigil ang aking paghinga ng biglang may pumasok na lalaki sa silid.
Tama ang hinala ko, s'ya ang lalaking nakita ko sa aking panaginip. Ang mga lalaki sa tabi n'ya ay ang tumutok ng baril sa akin. At tama rin ang desisyon ko, kung hinila ko si Shzane sa labas, kung si Shzane lang ang pinili kong iligtas ay paniguradong pati ako ay nahuli na.
"Wala muna kayong pagkain ngayon! Hindi nagbigay si boss e!" wika ng isa sa kanila.
Boss?
Tahimik lamang ang mga bata na tumango sa kanila. Maya-maya ay kaagad silang lumabas ng pinto.
Naikuyom ko ang aking kamao. Mga walang puso! May kalalagyan kayo sa batas matapos 'to. Tangina n'yo.
Kaagad akong lumabas sa pinagtataguan ko at nakitang lahat ng bata ay nakatingin na sa akin. Sinen’yasan ko silang tumahimik kaya tumango na lamang sila.
Idinikit ko ang aking tainga sa may pinto at mukhang walang tao sa labas, siguro ay oras na ng gabihan nila at lahat sila ay nasa hapag-kainan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at wala naman itong lock. Marahil ay tiwala naman sila na walang lakas-loob ang mga bata na buksan ang pintong ito. Sinenyasan ko ang mga batang manatili lamang sila doon, at babalik din ako.
Paglabas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang pinto, kaharap pala ng pinagkulungan nila sa bata ang CCTV room. Dito nila makikita ang lahat ng galaw.
Pinakinggan ko muna iyon bago tuluyang pumasok, tahimik akong humakbang palapit sa monitor. Hindi na ako namangha sa dami ng CCTV nila dahil inasahan ko na iyon. Kapag may masamang hangarin, paniguradong tadtad iyan ng mga bagay na kailangan nila para makalusot.
Kaagad kong pinindot ang kontrolan ng mga CCTV. Hindi ko alam pero parang kaya ko itong gawin. Nagtagumpay naman ako sa pagpatay ng linya ng CCTV sa ilang bahagi ng bahay.
Bago ako lumabas ay kinuha ko pa ang isang baril sa gilid ng kontrolan at napabuntong-hininga.
This is just another form of case that I need to unravel.
Fight Mikaela, fight. Not just for Shzane, fight for everybody, fight for justice.
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"