Chapter 12: Please, help me
Hindi ko mapigil ang aking pag-iyak habang hinihintay na matapos ang operasyon ni Galand.
Hindi ko na alam ang nangyari kanina, dahil pati ako, nahimatay sa kabang naramdaman.
I am sitting here alone. Kanina ko pa hinihintay ang doctor sa loob ng emergency room na kinaroroonan ni Galand.
Ang alam ko, si ate Kim ang doctor na gumagamot kay Galand. At sa kaalamang iyon, ay bahagya akong kumalma. May tiwala ako kay ate. Alam kong hindi n'ya pababayaan si Galand.
Pati si Shzane at ang iba pang mga bata, alam kong nandito sila sa loob ng hospital. Paniguradong nasa iisang kwarto sila at inaalagaan.
I can't imagine that Galand would sacrifice his life for me. Sa isang makasariling tao pa na gaya ko. Alam kong hindi mabuti ang pakikitungo ko kay Galand at lagi s'yang nag-aadjust. He always try his best to understand me.
Hindi ko alam, pero... sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko. Just thinking about Galand's death because of me is killing me.
Napahawak na lang ako sa parteng dibdib ko at impit na napaiyak.
Sa kabila ng pang-aaway ko sakan’ya. Hindi s'ya nag-dalawang isip na iligtas ako. Hindi biro ang matamaan ng isang bala.
Nakaramdam ako ng matinding poot at galit sa mga lalaking iyon, lalo na sa bumaril kay Galand. Sisiguraduhin kong may kalalagyan sila sa piitan. Dahil ako mismo ang hahawak ng kaso nila. Hindi ko hahayaang makalabas pa sila ng kulungan. Kung maaari, patawan sila ng pagkamatay dahil iyon ang nararapat sa kanila.
Makalipas ang isang oras ko pang paghihintay ay lumabas ang isang nurse mula sa emergency room kaya mabilis akong napatayo.
"S-Si G-Galand?! N-Nasa mabuti na ba s'yang k-kalagayan?!"
Pinaupo ako ng nurse at nag-aalalang tumingin sa akin.
"Ma'am, kalma lang po. On going pa ang operation. Pinalabas lang po ako sandali ni doktora para sabihin sainyo na bumili na po kayo ng makakain n'yo sa baba. Kailangan n'yo na raw pong kumain."
Nanatili akong nakatingin sakan'ya.
"Papasok na po ako sa loob, ma'am." marahan s'yang ngumiti sa akin at kaagad na muling pumasok sa E.R.
Walang gana akong tumayo at nagtungo sa canteen sa baba. Kumuha ako ng isang tinapay. Wala akong ganang kumain. Ayoko.
"Attorney Perez?"
Akmang babalik na muli ako sa taas ng marinig ko ang boses na tumawag sa akin. Kaagad akong napalingon sa paligid at bahagyang nanlaki ang mata ng makita si Attorney Soriano. Medyo matagal ko na s'yang hindi nakita dahil bigla na lamang s'yang nagresign sa trabaho sa hindi malamang dahilan. Mabilis itong lumapit sa akin.
"Attorney Perez, I heard about what happened. Maayos na ba ang kalagayan mo? Ng mga bata? At ni.. Zero?"
I can easily read his worried expression. Walang mababakas na pagkukunwari. Tumango lamang ako sakan’ya.
"Thanks god. Safe ang lahat!" bahagya akong nagulat sa pagtaas ng boses ni Atty. Soriano.
"This country's justice rate will fall if walang abogadong gaya mo!"Napailing na lamang ako sa papuri n'ya sa akin. Sanay na ako, palagi n'ya akong pinupuri sa tuwing may naipapanalo akong kaso, ang hindi n'ya alam, pito sa sampung kasong nahawakan ko ay nagfabricate ako ng ebidensya. Ibig sabihin, kadalasang may mga sala ang pinagtatanggol ko. At maling-mali ako roon.
"Ikaw... asan ka na ngayon? Bakit ka umalis bigla?" pagbabago ko sa takbo ng usapan.
"I'm starting to build my own laboratory." tumawa s'ya bigla.
"Narealize kong tama ang magulang ko, I am born to be a Scientist. I want to discover things. Good thing, it is not that hard because of my parents. Mabuti na lang at may lisensya na sila sa pagiging Scientist."
Tiningnan ko s'ya ng seryoso kaya bahagya s'yang napaatras.
"No! No! I'm not planning to violate the law to be a Scientist without a licence. Ofcourse, I am planning to study about it first. Saka ako kukuha ng lisensya. Syempre, gusto ko namang makilala ako bilang legal na Scientist."
Tumawa s'ya ulit.
"Narealize ko din na I'm not for that field. I'm not good enough to fight for justice like you. Habang tumatagal, nakakatamad na gawin. Totoo nga siguro na ang pagiging Scientist na ang linya ng pamilya namin."
Hindi ko magawang ngumiti sa biro n'ya lalo na nang biglang sumeryoso ang mukha n'ya.
"And in that field... ang daming lokohan na nagganap. Lalo na ang matataa--"
"Attorney Perez?"
Napatigil sa pagsasalita si Former Attorney Soriano nang may biglang tumawag sa akin. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ang dalawang pulis na palapit.
"Attorney, kailangan ka naming makausap."
Kaagad namang nag-paalam si Attorney Soriano kaya sumama na ako sa police.
Dinala nila ako sa kwarto ng mga bata. Wala dito si Shzane dahil s'ya ay dinala sa isang kwarto. Laking gulat ko nang mamukhaan ang isa sa kanila. Iyon ang batang nakita kong dinukot ng lalaki at ipinasok sa isang van!
Nakaramdam ako ng pagsisisi habang nakatingin sa bata.
"Attorney, ang batang pinuntahan mo kanina ay pinagpapaplanuhan na din naming salakayin dahil may nakapagsabi sa amin na nakita raw n'ya na may ipinapasok na mga umiiyak na bata roon."
Panimula n'ya kaya napatango ako.
"Hindi namin inasahan na nandoon rin pala ang pamangkin n'yo. At sa nakita natin sa CCTV, mukhang sinubukan tumakas ng kapatid n'yo noong ibababa na s'ya sa van."
Nanatili lang akong nakikinig sa sinasabi n'ya. Sinasabi ko na nga ba, may mali sa bahay na 'yon.
"And... ang problema ngayon ay hindi namin matrace kung kanino nakapangalan ang bahay. Walang nagsasalita sa lahat ng nahuli natin. Pero may bulong-bulungan na pagmamay-ari ito ng pinakamayamang business man sa bansa. Si Mr. Guzman."
Natigilan ako sa sinabi n'ya at bigla ang pagragasa ng ala-ala. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na iyon ang bahay na pinuntahan ko noong hawak ko pa ang kaso ni Mr. Guzman! Kaya pamilyar!
"Pero ang sabi rin, naibenta na ni Mr. Guzman ang bahay na iyon at hindi natin sya mapipilit na magsalita. Ang personal n'yang abogado at pinsan ang humawak ng pagbebenta sa bahay. Pero di inasahan, namatay na ang pinsan at tinutukoy n'yang abogado."
Nanatili akong tahimik sa binanggit n'ya. Maaaring ibinenta n'ya iyon pero hindi rin imposible na s'ya pa ang may-ari ng bahay. Maaring s'ya rin ang nasa likod nitong lahat.
Napailing na lang ako sa naisip at tinapos ang usapan sa mga pulis. Kaagad ako bumalik sa harap ng Emergency room at doon naghintay.
Matapos pa ang kalahating oras ay lumabas na ng E.R si ate. Kaagad ako nitong sinalubong ng yakap.
"G-God, M-Mikaela! Nag-alala ako ng s-sobra! Papatayin mo ba ako?!" humigpit lalo ang yakap n'ya sa akin kaya tinapik ko ang likuran n'ya. Ramdam ko ang patak ng luha n'ya sa balikat ko at ang paghikbi n'ya.
Matapos kumalma ay sinabi n'ya sa akin na maayos na ang kalagayan ni Galand but it will take a day or two bago s'ya tuluyang magising.
Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Aaminin ko, namimiss ko na kaagad ang lalaking 'yon. Marami pa akong dapat sabihin sakan'ya. Kailangan ko pa magpasalamat.
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman na may humahawak sa kamay ko.
Napatunghay kaagad ako at laking tuwa ng maabutan si Galand na pinag-iinterwined ang kamay namin.
Kaagad akong napatayo at napayakap sa kan'ya.
"My god.. atlast.."
Hindi ko mapigilang hindi yakapin ng mahigpit si Galand dahil sa tuwa. It's been two days, at ngayon lang s'ya nagising. Halos dalawang araw na din akong hindi umaalis sa tabi n'ya.
"Ah-- aray!"
Napabitaw ako kay Galand at nakitang natamaan ko ng yakap ang sugat n'ya. Nakangiwi s'ya at hindi alam kung hahawakan ba ang sugat o hindi.
"S-Sandali. Sasabihin ko lang kay ate na gisin--"
"Alam na nila."
Nakanguso n'yang saad.
"Kanina kanina pa ako gising at kanina kanina ka pa din tulog."
Pilit kong pinakalma ang sarili at pinigil na yakapin s'yang muli. Baka madali ko na naman ang sugat n'ya.
"Kumusta ka, Mikaela? Nasaktan ka ba matapos akong mabaril?" mabilis akong umiling.
"Huwag mo akong alalahanin. Maayos na maayos ako kaya ikaw ang dapat magpagaling."
Hindi ko mapigilan ang sarilin na ngitian s'ya. Kung gaano ako kalungkot noong natutulog s'ya, ganoon din ang nararamdaman kong saya ngayon. Ayaw ko sabihin pero sobrang namiss ko ang lalaking 'to.
"Ngumingiti ka na! Hindi na kita kailangang sabihan pa!" bakas ang tuwa sa mga mata n'ya.
Palagi ko na nakikita ang ngiti n'yang ganito at wala ng bago. Pero ngayon, sobrang espesyal ng ngiti n'ya para sa akin.
"Galand..." ani ko.
Tumingin s'ya sa akin na naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"Help me... Help me to prove justice."
With that, napangiti ako lalo nang yakapin n'ya ako bigla.
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"