Chapter 3: Strange act of a stranger
"YOU'RE not going to drive anymore. I won't let you." saad ni ate habang nakatingin sa unahan kaya napasimangot ako.
Papunta kami ngayon sa SPA Experts. Sinamahan niya ako katulad ng pangako niya sa akin 7 months ago before ako maaksidente.
"Ate, aksidente lang yun. Nag turn kasi ako kaya hindi ko kaagad napansin yung ambulance na paparating." giit ko. No way. Hindi ako papayag na mag-commute papasok at pauwi sa trabaho. You see, I'm a lawyer, I need a personal car.
"Yun nga. That was just an accident, aksidenteng dahilan ng muntikan mo ng pagkamatay. Saka hindi natin alam kung kailan mangyayari ang aksidente. We need to be sure and safe. Baka sa susunod, hindi na kayanin ng katawan mo." napailing ako sa sinabi ni ate. I'm a great lawyer but laws are nothing against my sister. Ewan ko ba, wala akong maisagot kapag sya ang kausap ko. Palagi kasi syang may dahilan.
Bumuntong-hininga ako. "Nakakatamad naman mag-commute. Ang hassle. Baka ma-stress lang ako." saad ko kaya sumulyap sya sa akin sandali.
"Who told you na mag-cocommute ka? Hindi nga kita pinayagang mag-drive kasi delikado tapos mag-cocommute ka, e mas delikado iyon."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Magreresign na ako sa trabaho? No way! I want more money. Easiest way na iyong pagiging abogado ko para lumangoy ako sa pera." humalukipkip ako at sumandal sa bintana habang nakatingin pa rin sakaniya.
"Mikaela, tigilan mo nga ang masyadong pagiging hayok sa pera. Hindi na maganda ang nangyayari sa'yo."
Tumigil sya dahil naka-red ang ilaw sa stoplight.
"Another thing. Hindi ka mag-reresign. Kuya Berto will accompany you. Ihahatid sundo ka niya araw-araw."
"Ate, hindi na ako bata. Saka ano ba? Baka mapagkamalang boyfriend ko yang si kuya Berto. Eew, ha."
"Whatever. That's final."
Lalo akong napasimangot. I snorted in defeat. Whatever. Wala din naman akong magagawa. Kapag nagdesisyon si ate, wala na.
"Oh come on, Mikaela. Stop snorting. Ang pangit pakinggan. Pa'no kaya kapag nalaman ng katrabaho mo na ganiyan ka umasta? How about your cool and fearless image?"
Napairap ako. "Whatever, ate. As if naman sasabihin mo sa kanila na ganito ako umasta outside my job." ngumisi ako sakaniya.
"Saka akala mo naman may maniniwala sa'yo na ginawa ko iyon. Nye nye." saad ko kaya napairap sya.
"Childish." saad niya saka bumaba na sa sasakyan. Napatingin naman ako sa harap at nakita ang SPA experts kaya bumaba na rin ako at sumunod sakaniya.
"Wait lang naman, ate. Nagmamadali, e."
Dire-diretso pa rin syang naglakad.
"Oo. Ikaw. Ang bilis mong maglakad." kausap ko sa aking kamay kaya narinig ko ang paghahikhik ni ate.
"Ate." napatigil ako sa paglalakad ng may humarang sa dinadaanan ko. Madumi ang damit nito at halatang wala ng makain dahil sa sobrang payat.
"Bakit?" tanong ko rito kaya inilahad niya ang kaniyang kamay.
"Penge pera. Gusto kain."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng bata. Nasan ba ang mgulang nito at sa akin humihingi ng pagkain? Anak ko ba 'to?
Nagpamaywang ako. "Alam mo bata. Hanapin mo na lang ang nanay mo. Wala akong pera. O kaya sa iba ka na lang manghingi ng pera. Pero kung ako sa'yo, magtrabaho ka na lang."
Akmang tutuloy na ako sa paglakad ng hawakan ako ng bata kaya naitulak ko sya. Hindi naman sya natumba kaya hinarap ko na sya.
"Bata. Wala nga akong pera. Ang kulit mo. Saka ano ba? Huwag mo akong hawakan, ang dungis mo." mabilis akong naglakad palayo at sinundan si ate. Mabilis ko naman syang nakita na naglilinga linga sa paligid.
"Ate!" napatingin sa akin si ate.
"Ano? San ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Ba't ba nawawala ka bigla?" naiinis na tanong nito.
"Dyan lang." turo ko sa likod.
"May alcohol ka?" tanong ko kaya kumunot ang noo niya bago iniabot sa akin iyon. Mabilis akong nagpahid sa siko ko na hinawakan no'ng bata. Mahirap na. Baka magkasakit pa ako.
TAPOS na kaming magpa-spa. Naglakad na ako palapit sa parking lot saka umupo na sa passenger seat ng sasakyan ni ate. Iihi daw kasi muna sya kaya nauna na ako dito.
Lumipas pa ang ilang minuto ay wala pa rin si ate kaya tumingin ako sa labas. Napakunot ang noo ko ng makitang inabutan ni ate ng tatlong supot ng Anghel's burger yung maduming bata kanina saka ginulo ang buhok. Ngumiti pa sya dito bago lumapit sa sasakyan at pumasok.
"What did you do?" kunot noong tanong ko rito kaya napatingin sya sa akin.
"Do what? Wala akong ginawang masama kung makatingin ka naman dyan." saad niya bago sinumulang mag-drive.
"Wala?" tumingin ako sa harapan. "E bakit nagsayang ka ng pera para dun sa bata kanina?" tanong ko rito kaya sandali syang natigilan bago nakangising napailing.
"Come on, Mikaela. Wala akong sinayang na pera. Tumulong lang ako. Atsaka nakakaawa iyong bata. Ulilang lubos na sya. Sya lang ang bumubuhay sa sarili niya."
"At pa'no ka nakakasiguro na sya lang ang bumubuhay sa sarili niya? Napanood mo ba ang buhay niya?"
Umiling syang muli. "Hindi ko napanood. Pero isang taon ko ng nakikita ang batang iyan. Noong unang kita ko nga riyan ay may kalinisan pa at maputi. Hindi ko lang alam ang nangyari. Basta ang alam ko noon, binubully sya ng ibang street children at sinisigawan ng kung ano-ano tungkol sa wala syang magulang."
Humalukipkip ako. "Malay ko ba dyan. Malay natin bihag pala ng sindikato ang batang iyan at inuutusan lang na magnakaw at manloko ng tao. Alam mo naman na kausuhan ng paggamit ng menor de edad ngayon dahil hindi pa sila pwedeng ikulong. Saka ano ba? Kung wala syang pera, magtrabaho at magsikap sya, hindi yung aasa sya sa perang pinaghirapan ng iba."
Lumiko ang sasakyan ni ate. "Kung inuutusan at ginagamit sya ng sindakato, dapat lang na mas dumikit pa tayo sa batang iyon. Nakakawa iyon kung nagkataon. Saka sa tingin mo ba, may mahahanap syang trabaho sa murang edad? Na kung pati sa pangangalakal e ipinagbabawal at pinagdadamot sakaniya ng mayayabang na bata sa tabi? Come to think of it, Mikaela. Hindi mo naranasang maging sya kaya hindi mo alam kung gaano kahirap."
Natahimik ako sa sinabi ni ate. Ayan na naman sya. Hindi ko na naman matalo. Daig pa ang abogado. Kung magpalit na lang kaya kami ng career? Mas marami pa syang katuwiran sa akin e.
"Mag-gogrocery muna tayo, Mikaela. Out of Stock na sa bahay." tumango na lang ako sa sinabi niya kaya kaagad syang tumigil sa harap ng Puregreen.
"Ikaw ang maghanap ng drinks at ng mga vegetables. Ako na muna bahala sa frozen goods." saad niya at umalis.
Dumiresto naman kaagad ako sa lagayan ng gulay sa kinuha ang mga kilangan. Pagkatapos ay pumunta na ako sa chiller kung saan nakalagay ang maraming inumin.
Napahawak ako sandali sa sintido ko at inalala ang mga bagay na hilig inumin ni ate at Shzane. Napasulyap ako sa C1 at mabilis na dumampot ng pitong bote noon. Kumuha na rin ako ng Leafton at chakie. Nadaanan ng tingin ko ang dedark at akmang dadamputin iyon ng biglang may pumasok na senaryo sa utak ko.
Isang gwapong lalaki. Pinagmasdan ko ang paligid noon at nakita ang nakasulat na Puregreen sa tabi ng gulayan.
Kaagad naman akong napasulyap sa likuran ko at nakita ang gulayan. Mabilis akong napaatras at saktong pag-harap ay ang pagtama ng mukha ko sa dibdib ng lalaki. Natulala ako sandali at nanatiling nakasandal sa dibdib niya. Natauhan lang ako ng makita ang pagkinang at pag-ilaw ng suot niyang kwintas saka agad na lumayo.
Nakita kong natigilan sya saglit bago napatingin sa sariling kwintas bago tumingin sa akin. Napakunot ang noo ko ng makitang parang naiiyak na sya.
"Damn! I finally found you!"
Nagulat ako ng bigla syang yumakap sa akin at natigilan sandali. Nang matauhan ay mabilis ko syang itinulak palayo. Nagulantang ako ng makitang humandusay sya sa sahig.
"May nahimatay! Tumawag kayo ng ambulansya!" narinig kong sigaw ng kung sino kaya nataranta ako.
"MAGSABI ka nga ng totoo, Mikaela. Kilala mo ba ang lalaking ito? Anong kasalanan mo dito at yumakap na lamang at nahimatay matapos kang makita." naiiling na saad ni ate.
Napapadyak ako habang nakatingin sa lalaking nakahiga sa hospital bed. Dinala kasi namin sya ni ate dito matapos ang nangyari.
"Ilang beses ko bang kailangang sagutin yan, ate? Hindi ko nga kilala ang lalaking yan. Kanina ko nga lang yan nakita, e. Hindi ko alam kung bakit yan yumakap at nahimatay pagkatapos akong makita. Malay ba natin, baka may sayad yan." giit ko habang naktitig pa rin sa mukha ng lalaki. Sumulyap din don si ate saka ako muling tiningnan.
"Tigilan mo ako, Mikaela. Imposibleng hindi mo kilala yan. Siguro itinatanggi mo lang dahil may kasalanan ka dyan o kaya naman may utang ka. Bahala ka, lagot ka kapag nagising yan."
Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Ate naman. Alam mo kung gaano karami ang pera ko. Baka nga mas mayaman pa ako dyan, e. Kaya bakit ako magnanakaw?"
"Oo nga, e. Alam ko kung gaano ka kahayok sa pera kaya hindi ako naniniwala sa'yo." tumayo na sya kaya nag make face ako. "May kukunin lang ako." saad nito saka lumabas na ng kwarto.
"Nyenyenye." mahinang bulong ko. Nakakainis si ate. Palagi na lang may sagot sa sinasabi ko.
"Uhmm.." napatingin ako dun sa lalaki ng bigla syang umungol. Mabilis akong lumapit sakaniya at muling napsulyap sa kwintas niyang kanina pa umiilaw. Psh. Mukhang yamanin nga ang isang 'to. Mukhang yari sa mamahaling ginto ang kwintas, saka hindi kaagad napupundi iyong ilaw.
"Uhmm.." nabalik ang tingin ko sa mukha nito ng bigla syang umungol. Nakita kong gumalaw galaw ang daliri niya bago nagmulat ng mata.
"M-Mikaela..." natigilan ako ng hawakan nito ang pisngi ko at hinaplos. "I-Ikaw na si M-Mikaela diba?" saad kaya wala sa sarili akong napatango.
"Mikaela, nakuh--" napalayo kaagad ako sa hospital bed at nilingon si ate na kasasara lang ng pinto.
Ngumisi sya. "Hindi pala kilala ah?" asar nito at umupo na sa tabi ng pasyente.
"A-Ate, hindi naman talaga!" sigaw ko.
"Ahm. Okay."
Nainis ako sa reaksyon ni ate. Halata namang hindi sya naniniwala. Sa totoo naman, binigyan niya ng malisya ang nadatnan niya.
"Ate naman! Wala nga!"
Pa-inosenteng kumunot ang noo niya.
"What? Wala akong sinasabi." inirapan ko sya kaya binaling niya ang tingin niya sa lalaki. Hindi ko napansin na naka-upo na pala ito at nanghihinang nakatingin sa amin.
"So Mr?"
"G-Galand."
Napamaang ako. Seriously, I never heared that surname before.
"Oh. Okay." tumingin si ate sa hawak niyang papel. "Base on the result--"
"What?! What result?! Did you... P-Perhaps, k-kinunan nyo ako ng d-dugo?" nagulangtang ako no'ng sumigaw si Galand at the same time napakunot ang noo. What's the big deal? Takot ba sya sa dugo?
Mabilis na umiling si ate. "M-Mr. Galand, calm down. Hindi ka namin kinunan ng dugo." unti-unting nakahinga ng maayos yung lalaki saka muling tumingin sa amin.
"S-So what's the result?" tanong nito.
"Well, over fatigue lang saka stress, Mr. Galand. Pagod na pagod na ang utak at katawan mo which is dangerous. Baka magka-mental break down ka, kung hindi kaagad naagapan." saad ni ate.
"Oh? O-Okay." sumandal na sa headboard ng hospital bed iyong lalaki pero nanatiling nakatitig sa akin kaya kinilabutan ako.
"W-What are you l-looking at?" tanong ko rito. Akmang sasagot sya ng biglang magsalita si ate.
"Mr. Galand, mind if I ask your relationship with my sister?"
Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ate--"
"She's my-- She's my--"
Mabilis kong iwinasiwas ang kamay ko. "N-No! No! No! No! No need to answer that stupid questio--"
"She's my hero."
Natigilan ako sa sinabi niya at nanlaki ang mga mata. Ako hero? Niya? Ni hindi ko nga sya kilala, e.
"I've been looking for her for almost eight months." tumingin sya sa akin. "Where have you been? Kaya nastress ako at na over fatigue. I can't get enough sleep while thinking of you. Imagine, eight months? Eight months kong inisip kung mali ba ang pinuntahan ko. Baka naman nasa ibang parte ka ng mund--"
"Hoy! Ano bang pinagsasasabi mo? You're looking for me? E ngayon nga lang kita nakita, e. Naku! Hindi uubra ang ganiyang modus! Tumigil ka n--"
"You have a place to stay at?" biglang putol ni ate sa sinasabi ko. Umiling naman kaagad yung lalaki.
"Where are your parents? San ka tumutuloy?"
Umiling syang muli. "Nasa malayo. Hindi ko maituturo sainyo. And nag-stay ako sa hotel. Why?"
Napahawak si ate sa baba niya at tumingin ng seryoso kay Galand.
"Prepare your things, you're staying with us."
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"