Hindi na nya mabilang kung ilang beses na sya humugot ng malalalim na paghinga, basta ang alam nya grabe ang kabog ng kanyang puso na para bang tatalon ito papalabas ng kanyang dibdib.Today is the day!Ikakasal na sila ni Alexandros at mawiwitness ‘yon ng mga mahal nila sa buhay. Maski ang mga member ng Millionaire Men’s Club ay kumpleto para sa espesyal na araw na ito.Mas lalo naghigpit ang seguridad ng isla dahil gusto nilang pribado lamang ang kanilang kasal. Ayaw nilang may makapasok na press para makuhanan ang kasal nila. Gusto kasi nila ay sa kanila mismo manggagaling ang ilalabas na litrato para maprotektahan padin kahit papaano ang privacy nila.Ayaw sana nila ni Alexandros, pero dahil isa itong Ruffalo, kailangan nila gawin ‘yon.Napatitig sya salamin na nasa harapan nya. Hindi padin sya makapaniwala, ikakasal na talaga sya!“Girl! Ang make-up mo masisira!” natatarantang inabutan sya ni Selena ng tissue bago pa pumatak ang kanyang mga luha.Agad naman nya ‘yon kinuha at dah
“Kamusta na sya?” tanong nya kay Keith. Nakasalubong nya ito sa hallway ng malaking clinic dito sa loob ng isla. May bitbit itong paper bag ng fresh floating restaurant. Mukhang bumili lang ito ng pagkain at bumalik din agad. Bakas sa mukha nito ang pagod at kita sa ilalim ng mga mata nito na wala din itong maayos na tulog.Napailing tuloy sya ng wala sa oras. Hindi magugustuhan ni Melody na makita ito na nagkaka ganito.Ngumiti ito ng pilit. “Hindi pa din sya nagigising, Elaine.”“Sorry.” Ang tanging nasabi lamang nya.Hindi nya alam ang gagawin para gumaan ang loob ni Keith kahit papaano, maski kasi sya ay nasasaktan. Hindi nya maiwasan sisihin din ang sarili kung bakit nasa ganoon na kalagayan ang kanyang kaibigan. Dahil sa pagprotekta nito sa kanya, ito ngayon ang walang malay.Tinapik naman ni Alexandros ang balikat ng kaibigan. Bakas ang simpatya sa mukha ng nobyo nya.“Don’t be sorry, Elaine. We both know, if Melody is awake, she won’t like it that you’re blaming yourself. You
Nililipad ng malakas na hangin ang kanyang buhok habang nakatanaw sya sa walang hangganan karagatan sa kanyang harapan. Sakay ng yate, pabalik na sila ni Alexandros sa isla.Iniwan muna nila ang kanyang pamilya sa manila dahil may tatapusin pa raw ang kanyang kapatid na si Raven sa school nito. Si Sabrina naman ay may follow up check up sa doctor nito sa puso. Kaya kahit gustuhin man n’yang isama na ang mga ito ay hindi maaari. Excited pa naman s’yang ipakita sa kanyang Ina ang kanyang susuotin na wedding gown sa kasal nila ni Alexandros sa susunod na linggo.Nangako naman ang mga ito na susunod din naman agad.Napangiti sya. Malapit na ang kasal nila ni Alexandros.May pumulupot na mga braso sa kanyang bewang mula sa likod nya. Mas lalo tuloy lumawak ang kanyang pagngiti ng maamoy ang pamilyar na pabango.“Anong iniisip ng misis ko?” malambing na bulong ni Alexandros sa kanyang tenga na s’yang nagpakilig sa kanya.Sinandal nya ang kanyang likod sa dibdib nito. Humigpit naman ang pagk
“Oo, bakit?” takang tanong sa kanya ni Elaine.Maski ang ina ni Elaine na nagpupunas ng lapida ng asawa nito ay napatigil at napalingon sa kanya dahil sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses.Humigpit ang hawak nya sa kamay ni Elaine habang titig na titig pa din sya sa litrato ng ama nito. Talagang pinaglalaruan sila ng tadhana! Ang ama lang naman nito ang sumagip sa kanyang buhay ng muntikan na s’yang mamatay ng araw na ‘yun.“Alexandros?” tawag sa kanya ng nagtatakang si Elaine.Pumikit sya ng mariin at huminga ng malalim bago nagmulat ng mga mata. Humarap sya sa kanyang nobya na bakas sa mukha ang pag-aalala dahil sa kanyang inaasal.Inalalayan na muna nya itong maka-upo sa upuan na nilagay ni Elliot sa harapan ng lapida ng ama nito. Mukhang oras na para sabihin sa mga ito ang nangyari sa araw na nawala ang ama nito.Tumayo naman ang ina nito sa gilid ni Elaine. Habang sila Raven at Sabrina ay naupo sa damuhan sa gilid nila at nag-aabang din sa sasabihin nya.Napasulyap ulit sya ng m
Readers I’m sorry for not updating Alexandros and Elaine story for almost one month now. Katulad po ng sinabi ko sa last update ko, hindi po maganda ang lagay ng aking lola. Kinailangan ko pong umuwi ng pinas para makasama sya dahil sa kahilingan nya. But sad to say, tuluyan na po kaming iniwan ng aking lola last Saturday (September 14, 2024) Sana po ay inyong maintindihan kung bakit hindi po ako makapag sulat sa ngayon. Sobrang bigat at sakit po ng aking nararamdamam at ayaw ko pong pilitin ang aking sarili magsulat dahil ayaw ko pong hindi nyo magustuhan ang ending ng kwento nila Elaine at Alexandros. Kapag nakabalik na po ako ng UK ay susubukan ko pong magsulat agad para matapos na ang kwento nila Alexandros at Elaine. Para din po maipost kona ang susunod na kwento ng isa sa member ng Millionaire Men’s Club. Again, sana po ay maintindihan nyo.
"Ma!! Sabrina! Raven!" malakas na tawag nya habang pumapasok sila ni Alexandros sa loob ng bahay nila. Susunduin kasi nila ang mga ito dahil pupuntahan nila kung saan nakalibing ang kanyang ama. Gusto kasi ni Alexandros na madalaw ito para na rin makilala."Andito kami sa taas ate!!" sigaw ni Raven."Bumaba na kayo at tinatamad na akong umakyat." sigaw nya pabalik sabay upo sa sofa. Kanina pa kasi sumasakit ang paa nya kakalakad. Kahit pa nga hindi naman malayo ang nilalakad nila dahil sumasakay naman sila sa sasakyan ni Alexandros.Hinubad nya ang suot na doll shoes at akmang yuyuko para masahihin ang paa ng pigilan sya ni Alexandros. Bigla itong umupo sa sahig nila at ito ang nagmasahe sa paa nya. Pinagmasdan nya ang ginagawa nito, seryosong-seryoso na para bang may alam talaga ito sa pagmamasahe gayong anak mayaman ito. Maski nga pagkaka salampak nito sa sahig ay wala itong pakialam kung madumihan ang mamahalin nitong damit.Mas lalo tuloy s'yang nainlove dito. Talagang ginagawa ni