MIREN POINT OF VIEW
"Alam niyo ba iyong balita? May natagpuan daw na patay sa bakanteng lote malapit sa school natin..."
"May nakitang dalawang butas sa may leeg ng bangkay at narinig ko kanina roon sa nakakita, ang putla raw ng bangkay..."
Napakunot ang aking noo sa narinig ko. Nandito kasi ako sa canteen, hinihintay na dumating sila Beverly, na-late kasi ng gising ang mga iyon kaya nauna na ako sa kanila, iyon nga lang wala pala akong assignment sa isang subject namin, need kong kumopya.
"Baka naman kanina pa kasi patay iyon?"
"Hindi, e. Hindi pa raw matigas iyong bangkay sabi nu'ng nakakita sa mga pulis... At, ang nakakapagtaka wala na raw ibang galos ang bangkay. Walang saksak or tama man lang ng baril sa katawan. Wala nga raw nawalang gamit sa biktima."
"Nakakakilabot naman. Last week lang din may natagpuan ding bangkay roon diba? Nagiging tapunan na ng bangkay ang bakanteng lote na iyon. Nakakatakot."
Huminga akong malalim at hinawakan ang aking ilong. Huwag kang kabahan, Miren, may mga kasama ka naman pauwi sa bahay, e.
"Kaya dapat may magbantay na roon sa bakanteng lote. Nakakatakot para sa mga gabi kung umuwi..."
"Wah!" Napasigaw ako ng may kumalabit sa akin.
"Uy, Miren! Kami lang ito kung makasigaw ka para kang wala canteen. Nakakahiya ka, Uy!" Napahawak ako sa aking dibdib nang makita ko sina Beverly at Fille, umupo ito sa tabi ko.
"Ano bang nangyayari sayo? Hindi naman kami multo para matakot ka sa amin." nagtatakang sabi ni Fille sa akin at nilabas niya ang kanyang workbook.
Tumingin ako sa kanila, "may namatay raw sa may bakanteng lote, iyong malapit sa may campus natin..." mahinang sabi ko sa kanila.
"Iyon pala iyong pinag-tsi-tsismisan nila roon. Kaya pala ang daming tao sa bakanteng lote kanina, Fille." Tumango ako sa kanila.
"T-tapos... Sa narinig ko may kagat daw sa leeg iyong bangkay... Walang sugat or pagnanakaw na involved sa kaso." pagbabalita ko sa kanila ayon sa aking narinig.
"Sabi ko sa inyo, guys! May bampira talaga sa totoong buhay! It's scary!" Binatukan nga namin siya. Tinatakot niya pa kami.
"Teka? Diba alas-siyete ang uwian natin mamaya?" Napalunok ako sa sinabi ni Fille.
"Marami naman tayong dadaanan doon, diba?" paniniguradong tanong ko sa kanila.
"Uy, si Miren takot umuwi dahil sa balita." Inangilan ko nga si Beverly.
"Pakopya na lang ako Fille kaysa mainis ako rito kay Beverly..." At, kinuha ang kanyang workbook.
Ba't ba kasi nakalimutan ko itong sagutan. Kailangan ko tuloy kumopya. Napakamot na lang ako sa buhok ko.
"OKAY, class, goodbye!" Sabay labas ni Prof sa last subject namin.
Muntik na namin siyang tulugan. Ang boring talaga niya magturo 'tas five ng hapon hanggang seven ng gabi ang time namin sa kanya.
Nagliligpit na kami ng pumunta sa harap ang Mayor namin sa klase. Ano na naman sasabihin nito? Mag-uuwian na lang, e.
"Classmates, teka lang? Alam niyo naman na siguro iyong balita diba? Sunod-sunod na may natatagpuang bangkay sa bakanteng lote malapit sa ating campus, wala pang lead suspect ang mga pulis kaya need natin mag-ingat lalo na't gabi ang uwian natin tuwing Monday, Wednesday and Friday. Kung parehas naman kayo ng dadaanan, please isabay niyo na ang babae nating kaklase pauwi. Mahirap na. Maliwanag ba?" pag-a-anunsyo niya sa amin.
Lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ng Mayor namin. Nakalimutan ko na nga ang tungkol doon, e. Pinaalala pa niya.
Lumapit sa amin si Jake, ang Mayor sa class namin.
"Sabay na tayong umuwing lima. Sasabay kami sa inyo ni Paul." anito sa amin ng makalapit sa aming p'westo.
"Okay, kaysa naman mapahamak kami," siyang sagot ni Beverly kay Jake.
Wala na kaming nagawa kung hindi pumayag na rin, itong si Beverly talaga kahit kailan.
Naglalakad na kami palabas ng campus, madadaanan namin iyong bakanteng lote, malapit kasi roon ang terminal ng Jeep.
"Ilang bangkay na nga ang nakukuha d'yan?" pagtatanong ni Fille.
Nakakatakot talaga ang bakanteng lote na ito. Puro sulat ang nasa labas ng bahay, puro vandalized na. At, may yellow tag na rin ito.
"Dalawa? At, wala pa raw nakukuhang suspect para roon. Kaya pinag-iingat tayong lahat baka palakad-lakad lang daw ang suspect." Napakapit ako kay Beverly dahil sa sinabi ni Paul.
Nakalagpas na kami sa bahay na iyon pero may nahagip ako sa taas ng bahay. Napakunot ang aking noo sa nakita ko.
"Uy, Miren? Ba't ka huminto?" Lumingon ako sa kanila.
"M-may tao yata sa loob..." Sabay turo ko sa bakanteng lote.
Tumingin din sila roon, "nasaan, Miren?" pagtatanong ni Jake sa akin.
"Ayon, oh? Iyong nasa pangalawang bintana sa may taas... M-may anino akong nakita." Sabay turo roon.
"Wala naman, Miren. Guni-guni mo lang iyon. Tara na!" Sabay hila sa akin ni Jake.
Mayro'n talaga, e. May nakita talaga akong anino.
Nauna kaming bumaba kila Jake, sa kabilang kanto pa kasi sila bababa.
Pagkababa namin, "nakita ko rin iyon, Miren..." Napalingon kami ni Beverly kay Fille.
"Iyong anino sa pangalawang bintana sa bakanteng lote. Nakita ko rin, Miren." mahinang saad niya sa amin. Nangilabot ako sa kanyang sinabi.
"Ba't hindi mo sinabi? A-akala ko ako lang nakakita..." Namamawis na iyong kamay ko dahil sa kaba.
"Baka kasi magtakutan tayo roon. Alam niyo naman tungkol doon diba?" Tumango kami sa kanya.
"Uy, 'wag nga kayong manakot! Umuwi na tayo. Kinakabahan ako sa sinasabi niyong dalawa. Wala naman akong nakita roon. Guni-guni niyo lang siguro niyon." ani ni Beverly at nauna ng lumakad sa amin.
"May nakita talaga ako, e. Matangkad siya at namumula ang mata niya, Miren. Iyon din ba nakita mo?" pagtatanong nito sa akin habang sumusunod kami kay Beverly.
Tumango ako sa kanya, "Oo, gano'n din nakita ko... B-baka naka-contact lens lang siguro iyon, diba, Fille?"
Umiling ito, "ayoko man paniwalaan pero totoo yata ang bampira, Miren. Totoo yata iyong sinasabi ni Beverly sa atin. Basta maghahanap ako sa internet ng pangontra sa mga bampira. Mahirap na baka tayo ang maging next victim sa bakanteng lote na iyon." Tumango ako rito.
"Guys? Sleep well, okay?" Tumango kami kay Beverly at pumasok ito sa kanila.
"Icha-chat kita mamaya, Miren! Maghahanap tayo. Sabado naman bukas, e." Tumango ako sa kanya at pumasok na rin sa bahay namin.
Hindi naman talaga totoo ang bampira diba? Walang gano'ng creatures. Isa silang fictional. Panakot lamang.
VIRION POINT OF VIEWMay kumatok sa aking silid, sumilip si Blade kaya pinatuloy ko ito.Yumuko ito sa akin, "Mahal na prinsipe, sumalakay na naman ang mga Rubis sa mundo ng mga tao. Isa na naman ang natagpuang patay malapit sa eskwelahan nila Miren." Balita nito sa akin.Tumayo ako sa aking upuan, "nag-uumpisa na naman sila sa kanilang binabalak. Hindi na sila nadala sa nangyari sa kanila...""Kailangan na natin sila bantayan, Mahal kong kapatid... Mukhang alam na nila kung sino ang iyong katipan... Ang magiging susunod na Reyna sa ating kaharian." Hindi na ako nagulat sa palaging pagsulpot ng aking kapatid.Gawain na rin naman niya ito simula pagkabata namin.Lumingon ako sa kanya, nakaupo siya sa bintana ng aking k'warto at kung may anong hinahagis sa ere at sasaluhin ng kanyang kamay."Pumunta ka na naman
MIREN POINT OF VIEW"Miren! Miren! Miren!" Napahinto ako sa pagsubo ko nang kutsara ng marinig ko si BeverlyAng aga-aga pa pero iyong boses niya rinig hanggang kabilang kalawakan. Ano na naman ang pakay ng isang ito? Si Fille kaya guluhin niya, tignan ko kung hindi tumiklop ang bibig niya kapag tinignan siya ng masama ni Fille."Anong kailangan mo, Beverly? Ang aga-aga pa nambubulabog ka na. Natutulog pa iyong kapatid ko!" angil ko rito at pinagpatuloy ang pagkain ko.Umupo ito sa tabi ko at kumuha ng pandesal, "may bagong nangungupahan sa apartment namin..." Naningkit ang mata ko sa kanya.Iyon lang ba sasabihin niya?"Edi, congrats, Verly!" matamlay na ani ko rito.Akala ko naman kung anong good news na ang sasabihin niya."Hindi lang iyon, Miren..." Tumingin siya sa paligid namin at pinagpatuloy
VIRION POINT OF VIEW"Bago ba sila?""Ang ya-yummy naman nila!""Ang gwapo nu'ng may blue hair!""Mas gwapo iyong may gray hair, girl!""Mas bet ko iyong black hair!""Ano kaya pangalan nila?""Sisipagin na akong pumasok kapag ganito. Kapag sila kaklase ko!""Iyong mga kaklase talaga natin, makakita lang ng gwapo, ang haharot na nila..." rinig ko bulyaw ni Beverly sa dalawa niyang kaibigan."Hindi ka pa nasanay sa kanila." Sabay iling nitong si Fille."... Classmates namin kayo, right?" tanong nito sa amin. Tumango naman sa kanya si Orpheus."Hindi ba kayo nagsasalita? Malimit lang ba kayong magsalita? Mapapanis niyang laway niyo." dugtong pa nitong sabi sa amin."Mapapanis daw laway natin. Hahaha. B
MIREN POINT OF VIEW.Nasa canteen kami, lunch break na namin. May sariling mundo pa rin iyong apat. Weird talaga nila. Kinalabit ko si Fille, kaya tumingin ito sa akin, "ang weird ng panaginip ko kagabi, Fille..." mahinang sabi ko sa kanya na palihim. Palihim kami nag-uusap. Pakiramdam ko kasi may nakakarinig sa amin. Kanina ko pa ito iniisip. Hindi ko alam pero si Virion iyong lalaking nasa panaginip ko. Sobrang weird lang kasi talaga."Paanong weird? Ano ba panaginip mo kagabi?" mahinang tanong niya pabalik sa akin. Palihim akong tumingin sa apat at saka bumulong kay Fille, mukhang busy naman sila at itong si Beverly nakikipagdaldalan dito kay Blade mukhang close na silang dalawa."Sa comfort room ko sasabihin. Sobrang weird talaga, Fille." ani ko sa kanya at sabay kaming tumayong dalawa.'Pagka-tayo namin ni Fille, sabay-sabay silang napatingin sa amin. Maging si Beverly ay napatingin sa amin."Restroom lang," ani ko at sabay kaming lu
MIREN POINT OF VIEW"Hmmm..." Nagising ako ng may maramdamang may humahaplos sa aking pisngi. "S-sino ka?" Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Kinusot ko ang aking mga mata, at saka ko nakita ang mukha ni Virion . . . Siya na naman. Ilang beses na ba siyang lumalabas sa mga panaginip ko? Siya rin niyong napanaginipan ko dati, siyang-siya iyon dahil sa pilat na malapit sa kanyang labi. "Anong kailangan mo sa akin? B-bakit nasa panaginip kita palagi?" nanginginig na tanong ko rito habang nakasandal sa kamang hinihigaan ko kanina. Hindi siya sumagot sa akin bagkus nilapat niya ang kanyang labi namin sa isa't-isa. Hindi ko alam pero sobrang layo ko sa kanya para agad niya itong maabot. Gumalaw ang kanyang labi sa akin, hindi ko alam pero kusang tumugon ang aking labi sa kanya. Gumawi ang kanyang halik sa aking tenga, hinalikan niya n'yon ng siyang kinaislot ko, matapos niya roon, bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Hindi ko siya mapi
MIREN"Miren? Ano sinabi sayo ni Jake?" Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Beverly na papalapit sa akin. Nagbasa lang ako sa makalipas ng ilang oras, umalis kasi kanina si Jake, pinatawag ni Dean kaya naiwan ako rito mag-isa. Nakita ko ang apat na lalaki sa likod nila Fille, mga itim na buhok nila. Sino naman kaya nagkulay sa kanila?"Ako nagkulay sa kanilang dalawa!" Masiglang sabi ni Beverly sa akin sabay turo sina Blade and Virion. "Tungkol saan pinag-usapan niyo ni Jake, Miren?" Lumingon ako kay Fille ng magtanong ito sa akin at umupo sa kaliwang gilid ko. "About sa pagent. . . Gusto niyang ako maging representative ng section natin." Mahinang sabi ko rito. Gulat na gulat silang tumingin sa akin, "seryoso? Wow! Sino ka-partner mo?" Pagtatanong sa akin ni Beverly.Kinibit-balikat ko sila, "wala pa. At, hindi ko alam kung sino magiging ka-partner ko. . ." Sagot ko sa tanong niya. Umupo sa tabi ko iyong dalawa, "hmmm. . . Buti hin
MIREN'S POINT OF VIEW"Miren, kaya mo 'to. Just relax, okay? Kasama mo naman si Virion." pagpapakalma sa akin ni Jake kaya tumango na lang ako sa sinabi niya.This is it. Pagent day na. Sobra akong kinakabahan ngayon. Namamawis na rin ang dalawang kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko.Huminga akong malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ganito talaga ako kapag kinakabahan. "Oh pak! Ang ganda ng bestfriend natin! Ang ganda niya diba?" ani ni Beverly at tinanong pa talaga si Virion.Bigla tuloy ako nahiya sa sinabi niya. Tumango naman ito, "napakaganda. . ." Hindi ko alam pero naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko. Binangga ako ni Beverly sa kanyang braso, "ang ganda mo raw sabi ni Virion." ani niya sa kinikilig na boses niya. Hindi ko na lang siya pinansin, kinakabahan na nga ako, e. Tapos, dumagdag pa ang sinabi ni Virion sa akin. Kainis!Pinaglaruan ko a
MIREN'S POINT OF VIEWNiyakap ko si Fille mukhang na-trauma siya sa nangyari."Ssshhh. . . Nandito na kami, Fille, huwag ka na matakot, okay?" ani namin ni Beverly sa kanya. Niyakap niya kami habang patuloy na umiiyak."N-nakita ko. . . Nakita ko sila, M-miren." Nanginginig na wika nito sa amin.Pinunasan niya ang kanyang luha at tumingin ito kay Orpheus, "s-sino ba talaga kayo?" Lumayo ito sa amin."H-huwag kayong lalapit sa kanila, M-miren. . . H-huwag." Naguguluhan man sa kinikilos ni Fille ay lumayo rin ako sa kanila. "Why, Fille? Mababait naman sila Blade, ha?" Maging si Beverly naguguluhan din sa kinikilos niya.Umiling ito sa amin, "calm down, Fille. Okay ka na, ligtas ka na. Niligtas ka na ni Orpheus." Pagpapahinahon ko rito. "H-hindi mo kasi nakita kung anong nangyari roon, Miren! Ako, ako nakita ko. Nakita ko kung paano niya balian ng leeg niyong lalaki, kung pa-paano niyang putulin niyo ul