Share

Kabanata 30

MIREN'S POINT OF VIEW

"Miren!" Kumunot ang noo ko nang makita si Beverly na tumatakbo habang papalapit sa akin.

Nasa tabi ko ngayon si Virion, simulang umuwi kami galing sa mundo nila at nang may nangyari sa aming dalawa, hindi na siya humihiwalay sa akin.

Lagi siyang nakasunod sa akin, maging sa k'warto ko mismo ay nandoon siya para bantayan ako at sa pagsapit ng umaga nasa harap na siya pintuan namin para sunduin ako.

Kinausap niya rin ang magulang ko tungkol sa aming dalawa, mag-boyfriend-girlfriend kami iyon ang alam ng magulang ko. Hindi nila alam kasal na kami at may nangyari na sa amin.

"Hi, Virion!" Sabay yuko nito at kasunod niya sa kanyang likod ay si Blade.

Tumango lang ang isa kay Beverly at hinawakan na naman ang kaliwang kamay ko. Nilalaro niya ang aking mga daliri.

Naiilang ako sa ginagawa niya pero kapag hinihila ko naman pabalik ang aking kamay hindi niya naman binibitawan bagkus hinihigpitan niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status