Share

Kabanata 3

VIRION POINT OF VIEW 

May kumatok sa aking silid, sumilip si Blade kaya pinatuloy ko ito.

Yumuko ito sa akin, "Mahal na prinsipe, sumalakay na naman ang mga Rubis sa mundo ng mga tao. Isa na naman ang natagpuang patay malapit sa eskwelahan nila Miren." Balita nito sa akin. 

Tumayo ako sa aking upuan, "nag-uumpisa na naman sila sa kanilang binabalak. Hindi na sila nadala sa nangyari sa kanila..." 

"Kailangan na natin sila bantayan, Mahal kong kapatid... Mukhang alam na nila kung sino ang iyong katipan... Ang magiging susunod na Reyna sa ating kaharian." Hindi na ako nagulat sa palaging pagsulpot ng aking kapatid. 

Gawain na rin naman niya ito simula pagkabata namin. 

Lumingon ako sa kanya, nakaupo siya sa bintana ng aking k'warto at kung may anong hinahagis sa ere at sasaluhin ng kanyang kamay.

"Pumunta ka na naman sa mundo ng mga tao, Orpheus?" Pagtatanong ko rito.

Bumaba ito sa bintana at agad siyang nakalapit sa akin, "pinatay ko ang isang Rubis, Virion. Muntik na niya atakihin sila Beverly. Hindi ako makakapayag na kahit kuko nila ay dumapo sa aking katipan, Virion. Sumakatwid, nakatakas ang tatlo, mukhang magsusumbong na sila kay Lazarus." Sabay ngisi nito sa akin.

"Anong gagawin natin, Mahal na Prinsipe? Mukhang 'di nila lulubayan ang tatlo lalo na't nakumpirma na nilang sila ang hinahanap nila Lazarus." 

Tumango ako sa sinabi ni Blade. Tama nga siya, hindi na nila lulubayan sila Miren. Mukhang nakalibot na sila sa campus ng mga ito.

"Kakausapin ko si Ama para humingi ng tulong sa kanila. Hindi p'wedeng mapahamak sila." Palabas na sana ako ng aking silid nang sabihin ni Orpheus ang katagang, "mukhang nakita nila ako, Virion. Hindi ko alam kung malinaw sa kanila o anino lang ang kanilang nakita." 

"Pero, isa lang ang hinihiling ko sa'yo, ang maging tao tayo para mabantayan silang tatlo..." Sabay tingin din nito kay Blade. 

Wala na nga kaming choice kung hindi gano'n ang gagawin. 

Pumunta ako sa silid nila Ama upang sabihin ang plano namin, alam ko namang papayag siya sa desiyon naming iyon. 

"Ano ang iyong pakay, Virion?" Nakita ko si Ama na nakatingin sa aming sinasakupan. 

"Tungkol ba ito sa iyong katipan, na si Miren?" Tumango ako rito. 

Si Ama ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong angkan ng bampira. Kaya niyang magbago ng anyo, makarinig kahit saang lupalop ng mundo - iyon nga lang nang hihina agad siya.

"Anong plano ang nabuo niyong tatlo para bantayan ang mga katipan niyo? Alam niyo ang kahalagahan nila para sa ating bayan, sa ating nasasakupan, Virion. Hindi dapat makuha ng isang Rubis o ni Reid ang katipan mo, alam nilang sila ang ating kahinaan. Sila ang panlaban nila sa atin..." 

"Alam ko, Ama. Kaya nais kong humiling sa'yo ang maging tao kami at manirahan ng ilang buwan sa mundo ng mga tao hangga't hindi pa namin sila nakukuha dahil hindi pa sapat ang kanilang mga edad para sa amin." 

"Oktubre. Buwan ng oktubre, makukuha niyo na sila, Virion. Iisa ang kanilang buwanang kapanganakan. Silang tatlo ay nakatadhanang magkita talaga at maging magkaibigan." Iyon din ang sinabi ng manghuhula sa amin. 

Napayuko ako ng makita si Ina, "Virion, aking anak, nakita mo ba si Orpheus?" 

"Nasa silid ko po, Ina..." magalang na sagot ko. 

"Nag-uusap ba kayong mag-ama?" pagtatanong nito sa amin at salitan ang kanyang tingin sa amin ni Ama.  

"Tungkol ba sa iyong katipan, anak?" Tumango ako rito, "anong nangyari na sa iyong katipan? Makukuha niyo na ba sila? At, dito na rin sila titira?" Bakas sa boses niya ang saya. 

Lumapit si Ama sa kanya, "mahal ko, puntahan mo na lang muna si Druzila mukhang ginugulo na naman ang mga pagtitipon mayroon sa ating kaharian."

"Nawala sa aking isipan si Druzila, mahal ko. Mapuntahan ko na nga isang iyon." Sabay lumabas ulit si Ina. 

"May nakita na ba kay Druzila, Ama? Tao rin po ba ang kanya?" Umiling sa akin si Ama. 

"Virion, pinapayagan ko kayong maging tao ng ilang buwan upang mabantayan ang inyong mga katipan, mag-iingat kayo sa mga Rubis, wala silang sinasanto." pagpaalala niya sa amin. 

Yumuko ako kay Ama, "maraming salamat po. Pagbubutihin namin ang aming pagbabantay. Kagaya ng ginawa niyo kay Ina." 

Bumalik ako sa aking silid, sinabi ang sa kanila ang pinag-usapan namin ni Ama. 

"Handa na ako! Handa na ba kayo?" Sabay ngisi ni Orpheus sa amin.

Tumango kami sa kanya at sa isang iglap ko nasa mundo na kami ng mga tao. 

"Saan tayo tutuloy habang nandito tayo sa mundo nila?" Umiwas kami sa mga tao. Nakatingin sila sa amin na parang nahihiwagaan sa aming kinikilos.

"Habang sinusundan ko sila, may nabasa akong paupahan malapit sa kanila, Mahal na Prinsipe..." siyang sagot ni Blade sa aming katanungan. 

"Virion. Virion na lang Blade. Tinititigan na nila tayo." Sabay sulyap ko sa mga tao.

"Paano naman kasi ang gwapo natin. Kaya tinitignan nila tayo..." Lahat kami lumingon sa aming likod. 

"Kanina ka pa d'yan?" pagtatanong ni Blade rito.

"Kanina pa. Magkakaibigan tayo rito kaya kasama dapat ako." Sabay sumingit ito sa amin. "Saan tayo mga kaibigan?" 

Hindi namin siya pinansin at dumiretso sa pakay namin. Lumalalim na ang gabi kaya kailangan na namin makahanap ng matitirahan. 

"Nandito na tayo sa pakay natin, Virion..." ani ni Blade at tumigil sa isang bahay. 

"Apartment for rent?" Kinuha ni Orpheus ang parihabang gawa sa kulay kayumanggi na papel.

"Mangungupahan kayo?" Lahat kami naestatwa dahil sa boses na iyon.

Ang katipan ni Blade.

"Hello? Kukunin niyo iyan? Kami may-ari ng apartment na iyan. Teka ha? Tatawagin ko lang si Mama." Nakapasok na siya lahat-lahat pero 'di pa rin kami makapaniwala.

"A-alam mong sa kanila ito, Blade?" Umiling siya sa akin.

"Ma? Mukhang kukunin nila iyan... Ikaw na makipag-usap pupuntahan ko pa sila Miren!" Sabay lakad nito paalis sa amin. 

"Iyong talagang bata na iyon, gabi na nangangapitbahay pa... Pasensya na kayo ha? Kayo ba ang uupa?" 

"Kami po ang uupa." sagot ko sa tanong niya nang mahimasmasan ako. 

"Sige, pasok na tayo sa loob para matignan niyo. One month advance, one month deposit tayo, mga iho. Ilang taon na ba kayo?" Binuksan niya ang pinto. 

Ilan taon? One hundred years na kami. 

"Nineteen na kami." Napakunot ang aking noo sa sinabi ni Blade. 

"Mas matanda lang pala kayo kay Beverly ng isang taon. Oh, heto iyong loob. Maliit lang talaga ito pero may sarili namang cr." pagpapaliwanag niya sa amin at pinakita ang buong silid na tutuluyan namin. 

"Ayos na sa amin ang isang ito." Dumukot ako sa aking bulsa at nilabas ang kailangan niya. Ang pera.

"Iho, ang dami naman nito. Dalawang libo lang ang renta namin. Bale four thousand lang ang ibibigay niyo." 

Umiling ako sa kanya at inabot pa rin ito, "good for one year na ba ito, Iho? Ano nga mga pangalan niyo?" tanong niya sa amin habang binibilang ang perang binigay ko. 

Tumango ako sa kanya kaya kinuha niya rin ito. "Ako po si Virion, siya si Blade, Orpheus at Kieron..." Isa-isa ko tinuro ang tatlo.

"Sobra-sobra itong binigay mo..." Napakamot ito sa kanyang buhok, "bukas ng umaga pasasamahin ko si Beverly sa inyo ha? Para makabili ng dalawang kutson pa at mga unan para sa inyo. At, kung ano pang kailangan niyo para rito sa apartment." Tumango kami sa sinabi niya.

"Sige na mga iho, i-lock niyo mabuti ang pinto maraming magnanakaw rito. Bukas ng umaga babalikan ko kayo. Oo nga pala, kumain na ba kayo?" pagtatanong nito sa amin.

"Maraming salamat sa pag-aalok pero kumain na po kami." ani ni Blade rito. 

"Gano'n ba? Oh, sige, balikan ko kayo bukas ng umaga..." Sabay lumabas ito.

"Swerte pala tayo, malapit na malapit tayo sa mga katipan niyo." Sabay higa ni Keiron sa isa sa mga kutson na nandito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status