MIREN POINT OF VIEW
"Miren! Miren! Miren!" Napahinto ako sa pagsubo ko nang kutsara ng marinig ko si Beverly
Ang aga-aga pa pero iyong boses niya rinig hanggang kabilang kalawakan. Ano na naman ang pakay ng isang ito? Si Fille kaya guluhin niya, tignan ko kung hindi tumiklop ang bibig niya kapag tinignan siya ng masama ni Fille.
"Anong kailangan mo, Beverly? Ang aga-aga pa nambubulabog ka na. Natutulog pa iyong kapatid ko!" angil ko rito at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Umupo ito sa tabi ko at kumuha ng pandesal, "may bagong nangungupahan sa apartment namin..." Naningkit ang mata ko sa kanya.
Iyon lang ba sasabihin niya?
"Edi, congrats, Verly!" matamlay na ani ko rito.
Akala ko naman kung anong good news na ang sasabihin niya.
"Hindi lang iyon, Miren..." Tumingin siya sa paligid namin at pinagpatuloy ang sasabihin, "ang gagwapo nila..." Sabay mahinang tili niya.
Napailing na lang ako sa kanya basta gwapong lalaki talaga.
Kinalabit niya ako, "ano na naman, Beverly? Kumakain ako. Doon ka muna sa may sala, patapusin mo muna akong kumain." sabi ko rito at sumubo ulit.
"Maligo ka na rin, Miren. Sabi ni Mama samahan natin iyong bagong nangungupa sa amin. Wala silang gamit. Kawawa naman. Kinausap ko na rin si Fille, siya ang unang pinuntahan ko bago ikaw." Sabay alis nito sa lamesa namin.
Sabi ni Tita sa kanya? O, sinabi niya kay Tita? Beverly talaga! Kung kailan weekends, manonood lang akong Itaewon, e!
Tsk.
Naglalakad kami rito. Papunta kaming 168 Mall. Doon kasi ang murang mga gamit. Kutson daw at iba pang kailangan sa bahay nila. Mangungupahan sila tas wala man lang silang dala, maging mga damit nila.
Duda ako sa kanila.
Sumabay sa akin sa paglalakad si Fille, "duda ka rin ba sa kanila?" mahinang tanong nito sa akin.
Kumindat ako sa kanya, na ibigsabihin ay Oo para sa amin.
"Saan ba tayo pupunta?" pagtatanong nu'ng isang lalaki na may highlights ang buhok na blond at gray.
"Ah... Sa 168 mall. Ayon na, oh?" Sabay turo ko rito. Narinig kaya niya tanong ni Fille.
Narinig kong tumawa ang isa nilang kaibigan, Kieron yata ang isang ito pero agad din siya tumigil dahil sinamaan siya ng tingin nu'ng nagtanong sa akin. Ano nga ulit pangalan nito?
"Siya si Virion, Miren..." agaran na sabi ni Kieron sa akin.
"H-ha? Ah, okay..." Paano niya nalaman iniisip ko?
Nahihiwagaan talaga ako sa kanila.
Pumasok kami sa 168 Mall at agad na pumunta sa bilihan ng mga kutson and unan. Kailangan tuloy naming magtaxi mamaya pauwi, hindi naman p'wedeng i-commute niyang mga 'yan, sagabal sa mga ibang pasahero.
"Heto magandang klase, oh? Malambot..." Nakatayo lang kami ni Fille rito habang si Beverly todo paliwanag kung maganda iyong mga hinahawakan niya sa apat na iyon.
"Saan tayo next?"
Kumibit-balikat ako kay Fille, "hindi ko alam... Wala raw silang damit baka roon tayo next. Duda ako sa kanila, papasok sa University natin na walang dalang gamit man lang pero enrolled na sila?"
"Me too, Miren. Hetong si Beverly lang ang walang pakealam. Basta makakita ng gwapo, gora na agad siya." Tumango ako sa sinabi ni Fille at sabay kaming napailing sa kaibigan namin.
"Gusto ko na agad umuwi, manonood pa ako ng itaewon!" Umupo ako rito sa may tabi ng entrance ng store na 'to.
Ayaw na ayaw ko talaga ang mamili. Napapagod ka na, mauubos din pera mo.
"Miren? Tignan mo nga texture nitong tabo nila?" tawag sa akin ni Beverly.
"What? Pumili ka na lang kahit anong tabo diyan. May texture-texture ka pang nalalaman d'yan." buyaw ko sa kanya.
Nakatingin sa akin iyong Virion kaya napatayo ako. Nakakailang talaga siya. Hindi ko alam pero naiilang ako kapag tumitingin siya sa akin.
Nauna akong lumabas ng marinig ang boses ni Beverly, na babalikan namin ang mga pinamili nila.
"Sa damit naman tayo and sa mga appliances niyo sunod?" Tumango naman sila sa sinabi ni Beverly lalo na iyong may kulay na blue ang buhok.
Mukhang need nilang magpakulay ng buhok lalo na't bawal sa campus ang ganyang kulay. Except doon sa Virion na iyon, p'wede ang gray hair.
"Bagay sa'yo 'to, Blade? You look badboy kasi, e..." Nakaupo ako rito sa may silya ng store habang tinitignan si Beverly at iyong Blade na iyon, iyong may blue na buhok.
Bakit iba ang nakikita ko parang ang tagal na nilang magkakilala. Iyong tingin nu'ng Blade sa kaibigan ko...
"Akala ko ako lang nakakapansin sa kanila..." Napatingin ako kay Fille.
"Kanina pa siya nakatingin kay Beverly simula ng umalis tayo at hindi nagbabago ang tingin niyang ganyan." Fille is more observant than me.
"Also, that guy, Iyong Virion na tinatawag nila kanina pa rin nakatingin sayo. Pasulyap-sulyap sayo kapag hindi ka tumitingin sa kanya. And, also that guy, iyong Orpheus..."
"Kanina pa rin nakatingin sa'yo, Fille." Dugtong ko sa sasabihin niya.
"Oo. And, naiirita ako, Miren. Ayokong tinitignan ako!" Napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
"Iyong Kieron, Fille, kanina pa tumatawa. Wala namang nakakatawa, hindi nga siya kinakausap nu'ng tatlo. Nababaliw na yata siya, diba? Kailangan na ba nating tumawag ng Mental hospital? Baka may nakakausap siya na hindi natin nakikita?" Nagulat kami ng tumigil siya sa pagtawa at tinignan kaming dalawa ni Fille.
Narinig ba niya kami? Nagkatinginan kami ni Fille at agad na tumayo sa upuan namin at tumabi kay Beverly.
"Anong problema niyong dalawa?" pagtatanong nito habang naghahanap ng damit para roon sa Blade.
"I-iyong kaibigan niyo, ang sama ng tingin sa amin." sumbong ko kay Blade. Mukhang sa kanilang apat siya lang ang matino sa kanila.
Masama talaga tingin niya sa amin parang susugurin kaming dalawa ni Fille.
Tumawa siya sa sinabi ko, "huwag niyo siyang intindihin. Mayayari siya sa dalawa kapag ginalaw niya kayo... Ganyan lang talaga niyan."
"Ha? Parang may sinabi ka?" pagtatanong ko rito.
"Wala ha? Ayos na ako sa mga napili mo, Beverly. Masyadong marami na ito." Pigil niya kay Beverly na todo hanap pa rin.
"Ay, ganoon ba? Mas maraming damit mas maganda!" Napailing na lang kami sa sinabi niya.
After naming mamili ng mga damit nila at iba pang gamit nila sa bahay, kumain na rin kami.
Akala ko hindi nila kami papapakainin, e.
"Ayos lang ba kayo sa kinakain niyo? Vegan ba kayong lahat?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
Sa buffet nila kaming dinala, sabi nga namin okay na kami sa Jollibee, Mcdo or KFC pero dito nila kami dinala.
Puro gulay kasi ang nasa plate nila. Silang apat. May iilang manok pero mostly, gulay talaga.
"Ayaw niyo ng kanin? Hindi kayo mahilig sa kanin?" Umiling sila sa tanong ni Fille.
"Ah, kaya naman pala magaganda mga katawan niyo, e. Healthy foods ang kinakain nila... Ayaw niyo dinuguan." pagpupuri ni Beverly sa kanila pero agad silang tumanggi sa alok ni Beverly.
"No."
"Ayos na kami rito."
"Hindi ako kumakain ng ganyan."
"Okay na ako rito sa kinakain ko."
"Ah, okay? Masarap pa naman ito," Kakamot-kamot na wika niya sa apat.
Hindi na namin sila pinansin at kumain na rin ako. Nakakahiya, kung sino pang lalaki sila pa ang healthy kumain.
Hindi ba sila kumakain ng ibang foods? Why not na dalhan ko sila bukas? O, nagpapasikat lang sila sa amin? Ay, ewan ko! Basta ako, buong araw ako nasa bahay bukas. Manonood ng KDrama!
Miren's Point Of View"Mahal ko? Handa ka na ba?" Nangilabot ako ng marinig ang boses ng manyak na Virion na iyon. Ilang taon na ba ang nakakalipas ng hulaan kami ng isang babaylan. Na ang tamang pag-iisang dibdib namin ay ngayon. Bakit pati iyon ay kailangan namin pahulaan sa babaylan? Isa rin naman akong babaylan, ha? Pero, 'di siya naniwala sa akin. "Tumigil ka, Virion." madiin na sabi ko sa kanya. Nasa harapan ko na siya at ang laki nang ngiti niya sa akin. Ang masama pa nu'n naka-boxer shorts na lang siya. Oh, jusko, lupa bumukas ka at lamunin mo na ako. Umatras ako nang hakbang ng makitang lumalapit na sa akin si Virion. "T-t-teka lang naman!" mariing kong sigaw sa kanya para siyang walang narinig dahil palapit na palapit pa rin siya sa akin. Katapusan ko na. Dingding na itong nasa likuran ko ngayon. Nagulat ako ng ilagay ni Virion ang dalawang kamay niya sa pagitan ng
MIREN'S POINT OF VIEW"Ayos na ba si Kieron?" pagtatanong ko kay Virion na nasa aking gilid. Lumapit ito sa akin, "Mahal ko, maayos na ang pakiramdam ni Kieron. Ikaw, ang aking inaalala. Hindi pa mabuti ang iyong lagay." mahinahon nitong sabi sa akin. Bakas sa boses niya na nag-aalala siya sa akin dahil sa digmaan na nangyari sa pagitan ng mga Rubis."Ayos lang ako, Virion. Maayos na ang pakiramdam ko ng mawalan ako ng malay-tao habang nagsasagupaan ng mga oras na iyon..." wika ko sa kanya. "Nawalan lang naman ako ng malay tao dahil sa paggamot ko kay Reid ng oras na iyon. Pero, dahil sa ginawa kong 'yon nagbuklod-buklod na ulit kayong magkakaibigan." Tinapik ko ang kanyang balikat. Niyakap niya ako nang mahigpit na siyang pagsipa ko sa kanyang tuhod. Nasa gitna kami ng quadrangle tapos yayakapin niya ako. "Mahal ko," tawag niya sa aking isipan pero inangilan ko siya."Nasa gitna tayo ng quadrangle, manyak na hari ng
MIREN'S POINT OF VIEW "Ililigtas ko kayo," sabay yuko ko rito. Hindi p'wedeng mangyari ang aking napanginipan. Hindi p'wedeng dumanak ng dugo sa kinatatayuan namin. Hindi p'wede dahil maging ako ay mamamatay. Nakatingin ako sa mga mata ni Reid, maging si Neko ay nakawala na rin sa lubid. Hindi ko alam kung makikinig sila akin kung ang huling balita na natanggap namin ay sumusugod na ang tatlong kaharian dito. Marahil marami na ring nasugatan at namatay na bampira. Humakba ako palapit sa kanya, muntik na ko mabuwal mabuti lamang nahawakan agad ako ni Reid. "Kaya mo bang lumakad, Miren." Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango nang marahan, "kaya ko. Nabuwal lamang ako dahil sa tagal ng pagkakatayo at pagkakabitin namin. Huwag kang mag-alala." Tumayo ako sa gitna ng plaza, kaharap ang mga Rubis, "kakayanin kong ibalik ang kasiyahan ng iyong kaharian. Kakayanin kong mamu
MIREN'S POINT OF VIEWBuo na ang loob ko. Alam kong makikinig na sa akin si Reid lalo na't totoo ang sinabi ko sa kanya. Tama ang aking hula. Si Druzila ang kanyang katipan. Nakita kong balisa si Reid na nakatingin sa paligid. Palingon-lingon siya sa akin at sa babaylan na nakatayo sa harap namin. "Si D-druzila..." Hindi nakatakas sa akin ang pagkislap ng kanyang mga mata at nakita ko ring nabanat ang kanyang mga labi. "Pakawalan sila." Mahinang utos niya aa dalawang Rubis na nasa gilid namin, na nagbabantay. Papakawalan pa lang sana kami ng mga Rubis nang umingay ang buong paligid. May mga tumatakbong sugatan na papalapit sa amin. Anong nangyayari?"Ang mga Naeriè, Quebez at Audez ay sumusugod, Mahal naming Reid." Balita ng isang Rubis na puno na ng itim na dugo ang buo niyang katawan. Napahiga ito. Nangisay at tuluyang naglaho. Lumalim ang paningin ni Reid at nagngingitngit ang kanyan
MIREN'S POINT OF VIEW"Buhay na buhay ang katipan mo, Reid. Buhay na buhay at nag-aalala siya sayo." madiin na sabi ko sa kanya at hindi ako nagpatinag sa kanyang tingin sa akin.Hinawakan niya ulit ang aking panga pero ngayon ay mas mahigpit na. Mukhang magkakaroon ng pula at pasa ang kanyang pagkakahawak sa akin. Tiniis ko ulit ang sakit. "H-hindi mo alam, diba? Hindi mo alam na buhay siya, Reid! Alam mo bakit? Naka-sentro niyang isip mo sa kaharian niyo at sa pagganti mo sa mga kaibigan mo! Wala nagsabi sayong buhay ang katipan mo, Reid!" "Sino ang katipan ko?" Dama ko ang galit sa kanyang pagbigkas na iyon. Lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak. Nalalasahan ko na ang dugo sa aking bibig dahil sa higpit nitong pagkakahawak sa aking panga. "S-si Druzila..." ani niya ko sa kanya na siyang pagkatigil niya.Napatulala siyang nakatingin sa akin, wala na rin ang kanyang kamay sa aking panga kaya nagagalaw k
MIREN'S POINT OF VIEWHindi ko na alam kung anong oras at ilang oras na kaming nakatayo rito. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan dahil parami nang parami ang mga Rubis sa harap namin. Pulang-pula ang kanilang mga mata, nakalabas ang mga pangil nila at handa na kaming balatan ng buhay, isip-isipin ang aming mga dugo at kainin. Hindi man magsalita si Neko, ramdam kong natatakot at kinakabahan na rin siya katulad ko. Hindi ko namin alam kung may tutulong sa amin. Hindi rin namin alam kung nakuha na rin nila si Kone, kakambal ni Neko. Katapusan na namin kapag maging si Kone ay nakuha na rin. Babaha na ng dugo itong kinatatayuan namin. Nangangalay na ang mga braso kong nakatali. Nauuhaw at gutom na rin ako. Pagod na pagod na ako. Parang gusto ko na lang bumigay sa kinatatayuan ko. Umingay ang mga Rubis na nasa harap namin, kinabahan ako. Tinignan ko ang mga ito at parang may tinitignan sila sa aming likur