VIRION POINT OF VIEW
"Bago ba sila?"
"Ang ya-yummy naman nila!"
"Ang gwapo nu'ng may blue hair!"
"Mas gwapo iyong may gray hair, girl!"
"Mas bet ko iyong black hair!"
"Ano kaya pangalan nila?"
"Sisipagin na akong pumasok kapag ganito. Kapag sila kaklase ko!"
"Iyong mga kaklase talaga natin, makakita lang ng gwapo, ang haharot na nila..." rinig ko bulyaw ni Beverly sa dalawa niyang kaibigan.
"Hindi ka pa nasanay sa kanila." Sabay iling nitong si Fille.
"... Classmates namin kayo, right?" tanong nito sa amin. Tumango naman sa kanya si Orpheus.
"Hindi ba kayo nagsasalita? Malimit lang ba kayong magsalita? Mapapanis niyang laway niyo." dugtong pa nitong sabi sa amin.
"Mapapanis daw laway natin. Hahaha. Ba't ayaw niyo kasing kausapin ang mga katipan niyo?" Sabay-sabay kaming tumingin nang masama kay Kieron.
Nag-uusap kami sa aming isipan.
"Nahihiya ba kayo? Paano niyo aaminin ang pakay natin dito? May ilang buwan lang kayo, pinapaalala ko sa inyong tatlo... May kalaban din tayong Rubis."
"Kinakausap naman namin sila."
"Paanong kausap, Orpheus? Tango... Iling? Napakatorpe mo, kaibigan. Kaibigan ba talaga kita?" pang-aalaska nito kay Orpheus.
"Sobrang ilag sa atin si Miren, Virion. Anong gagawin natin?" pagtatanong ni Blade sa akin.
Si Miren ang pakay namin, siya ang susunod na magiging Reyna sa aming kaharian.
"Good morning, Miren!" May nakasalubong kaming dalawang lalaki.
Sino ang mga ito? Tinitigan ko sila at pinagmasdan, wala silang binatbat sa amin.
"Good morning also, Jake and Paul? Ang aga niyo today!" bati sa kanila ng aking katipan.
"Kayo nga ang maaga ngayon?" Tumingin ito sa amin, "sino sila?" Sabay turo nito.
Tumingin sa amin si Miren, "Ah, bagong lipat sa campus natin. Classmate natin sila. Siya si Virion, Blade, Orpheus and Kieron. Malapit lang sila nakatira sa amin..."
"Sa amin sila nakatira! Sa pinapaupahan namin!" Sabay singit nitong katipan ni Blade.
"Jake, diba bawal sa college natin ang mga kulay sa buhok?" pagtatanong nu'ng isang lalaking walang salamin doon sa may makapal na salamin.
Tumango ito sa kanya, "bago pa lang naman sila. Miren, dapat bukas wala na ang mga kulay nila ha?" Sabay turo nito sa amin ni Blade.
"Bawal na ba ang gray hair, Jake? Marami kasi akong nakikitang gray ang kulay ng buhok nila." pagtatanong ng aking katipan sa may makapal na salamin. Jake pala ang pangalan.
Tumango ito sa aking katipan, "Oo, Miren, masyado ng mahigpit ang colleges natin. Maging gray bawal na rin and may blond na highlights ang kulay ng buhok niya. Bawal din iyon." sagot nito sa kanya.
Tinignan kami ni Blade ni Miren at sabay bumalik ng tingin doon sa Jake, "oh, sige, bukas din, wala na mga kulay ng buhok nila..."
"Sasabay na ba kayo sa amin?" pagtatanong ni Beverly sa mga ito.
"May meeting kami for our college week. So, pakisabi na lang kila prof, na excuse kaming dalawa." wika nito sa amin.
"Ay, Oo nga pala! One week na naman tayong walang gagawin! Yes!" Napailing na lang ang dalawa kay Beverly.
Sobrang hyper talaga ng katipan ni Blade parang hindi nauubusan ng enerhiya sa katawan.
"Oh sige, Jake and Paul! Mauna na kami ha?" Sabay kaway nila roon sa dalawa.
Dapat ba akong magselos? Pakiramdam kong may gusto ang Jake na iyon sa aking katipan.
Pagkarating namin sa kanilang silid, nakatingin sila sa amin.
"Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Ako lang naman ito, ang isang Kieron..."
Inangilan nga namin siya sa isip namin. Napakayabang talaga ng isang ito.
"Miren, sino sila?" pagtatanong ng isang babae.
"Ah, eh, new classmates natin. Bagong lipat sila." sagot nito sa nagtanong sa kanya.
Tumango lang ito kay Miren at bumalik sa pagbabasa.
"D'yan na lang kayo muna sa likod. Lahat kasi ng seat dito occupied na, e. Okay lang kayo diyan?" nag-aalalang tanong nito sa amin.
"Maraming salamat, ayos lang kami rito." Sagot ko sa kanya, tumango lang ito sa akin.
"Uy, alam niyo bang may natagpuan na namang bangkay doon sa bakanteng lote?" Napaayos ako ng upo maging ang tatlo.
Sumalakay na naman ba sila?
"Pinupuno talaga tayo nitong mga Rubis, Virion. Anong gagawin natin?" pagtatanong sa akin ni Blade.
"Wala pa bang nahuhuling salarin? Nakakatakot ng umuwi ng gabi ha?" Sabay nitong si Beverly.
"Wala pa raw, Beverly. Wala nga raw nagiging suspect man lang, e. Ano bang ginagawa ng mga pulis sa bayan natin? At, wala man lang nahuhuli?"
"Hala, girls? Baka isa sa inyo ang maging biktima ha?"
"Aray! A-aray! Teka! Nagjo-joke lang ako!" Sabay ilag niya sa mga ito.
"It's a bad joke, Steven! Hindi ginagawang joke ang tungkol doon. Ilan na ba ang namamatay? Pero, wala man lang nahuhuli? Naghihinagpis ang mga kamag-anak ng namatayan tapos ginagawa mong biro lang? How insensitive you are?"
"I'm sorry, Miren! I'm sorry, okay?"
"He's a jerk, Miren. Ano pa ba magagawa mo sa isang Steven kung alam lang niya ay makipag-flirt sa mga babae."
"Nakakatakot niyang katipan mo, Orpheus. Dapat ka na kabahan."
Nakakatakot nga siya. Iyong mata, nanlilisik.
"Masakit iyon, Fille, ha? Minsan ka lang magsalita ganyan pa sa akin."
"Fckboy!" Sabay bato nito ng kanyang libro sa lalaki.
"Oooh!!" Sigaw ng ibang tao sa loob ng silid.
"Enough." Napalingon ako kay Orpheus ng magsalita ito sa banyagang lenggwahe.
"Woh? May tagapagtanggol na si Fille. Bro, anong pangalan mo?"
"I'm Orpheus Naeriè..."
"Magtago ka na, Steven, kung ayaw mong mapunit niyang mukha mo kay Orpheus. Magandang laban ito!" Sabay nakita kong ngumisi si Kieron.
"Ang yab---"
"Good morning, Class 404!" Tumayo sila ng may makitang babaeng nakatayo sa harapan.
"Good morning, Prof!"
"You may seat down, I heard you have a new classmates here. Where they are?"
Lumingon sa amin si Beverly, "taas kayo ng kamay." Sabay ngiti nito sa amin.
Sa kanilang tatlo, siya talaga palakaibigan.
Nagtaas kami ng kamay ayon sa sinabi niya.
"Oh, apat pala kayo. Maaari ba kayong magpakilala sa amin?" Tumango kami sa kanya.
Unang tumayo si Orpheus, "I'm Orpheus Naeriè."
"Ako si Virion Naeriè. Magkapatid kami ni Orpheus."
"Ako si Blade,"
"What's your surname, Mr. Blade?"
"Blade Faug..."
"Ako si Keiron Erewhon. Ang pinakagwapo sa kanilang apat."
"Mayabang..." Sabay-sabay naming sabing tatlo.
"Akala ko siya pinakamatanda sa kanilang apat..."
Lahat kami napatawa sa aming isipan dahil sa sinabi ni Beverly. Narinig namin ang binulong niya kay Miren.
"Malapit na talaga sa akin niyang katipan mo, Blade. Mapanakit na babae..."
Gigil na sabi nito sa kanyang isipan.
Miren's Point Of View"Mahal ko? Handa ka na ba?" Nangilabot ako ng marinig ang boses ng manyak na Virion na iyon. Ilang taon na ba ang nakakalipas ng hulaan kami ng isang babaylan. Na ang tamang pag-iisang dibdib namin ay ngayon. Bakit pati iyon ay kailangan namin pahulaan sa babaylan? Isa rin naman akong babaylan, ha? Pero, 'di siya naniwala sa akin. "Tumigil ka, Virion." madiin na sabi ko sa kanya. Nasa harapan ko na siya at ang laki nang ngiti niya sa akin. Ang masama pa nu'n naka-boxer shorts na lang siya. Oh, jusko, lupa bumukas ka at lamunin mo na ako. Umatras ako nang hakbang ng makitang lumalapit na sa akin si Virion. "T-t-teka lang naman!" mariing kong sigaw sa kanya para siyang walang narinig dahil palapit na palapit pa rin siya sa akin. Katapusan ko na. Dingding na itong nasa likuran ko ngayon. Nagulat ako ng ilagay ni Virion ang dalawang kamay niya sa pagitan ng
MIREN'S POINT OF VIEW"Ayos na ba si Kieron?" pagtatanong ko kay Virion na nasa aking gilid. Lumapit ito sa akin, "Mahal ko, maayos na ang pakiramdam ni Kieron. Ikaw, ang aking inaalala. Hindi pa mabuti ang iyong lagay." mahinahon nitong sabi sa akin. Bakas sa boses niya na nag-aalala siya sa akin dahil sa digmaan na nangyari sa pagitan ng mga Rubis."Ayos lang ako, Virion. Maayos na ang pakiramdam ko ng mawalan ako ng malay-tao habang nagsasagupaan ng mga oras na iyon..." wika ko sa kanya. "Nawalan lang naman ako ng malay tao dahil sa paggamot ko kay Reid ng oras na iyon. Pero, dahil sa ginawa kong 'yon nagbuklod-buklod na ulit kayong magkakaibigan." Tinapik ko ang kanyang balikat. Niyakap niya ako nang mahigpit na siyang pagsipa ko sa kanyang tuhod. Nasa gitna kami ng quadrangle tapos yayakapin niya ako. "Mahal ko," tawag niya sa aking isipan pero inangilan ko siya."Nasa gitna tayo ng quadrangle, manyak na hari ng
MIREN'S POINT OF VIEW "Ililigtas ko kayo," sabay yuko ko rito. Hindi p'wedeng mangyari ang aking napanginipan. Hindi p'wedeng dumanak ng dugo sa kinatatayuan namin. Hindi p'wede dahil maging ako ay mamamatay. Nakatingin ako sa mga mata ni Reid, maging si Neko ay nakawala na rin sa lubid. Hindi ko alam kung makikinig sila akin kung ang huling balita na natanggap namin ay sumusugod na ang tatlong kaharian dito. Marahil marami na ring nasugatan at namatay na bampira. Humakba ako palapit sa kanya, muntik na ko mabuwal mabuti lamang nahawakan agad ako ni Reid. "Kaya mo bang lumakad, Miren." Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango nang marahan, "kaya ko. Nabuwal lamang ako dahil sa tagal ng pagkakatayo at pagkakabitin namin. Huwag kang mag-alala." Tumayo ako sa gitna ng plaza, kaharap ang mga Rubis, "kakayanin kong ibalik ang kasiyahan ng iyong kaharian. Kakayanin kong mamu
MIREN'S POINT OF VIEWBuo na ang loob ko. Alam kong makikinig na sa akin si Reid lalo na't totoo ang sinabi ko sa kanya. Tama ang aking hula. Si Druzila ang kanyang katipan. Nakita kong balisa si Reid na nakatingin sa paligid. Palingon-lingon siya sa akin at sa babaylan na nakatayo sa harap namin. "Si D-druzila..." Hindi nakatakas sa akin ang pagkislap ng kanyang mga mata at nakita ko ring nabanat ang kanyang mga labi. "Pakawalan sila." Mahinang utos niya aa dalawang Rubis na nasa gilid namin, na nagbabantay. Papakawalan pa lang sana kami ng mga Rubis nang umingay ang buong paligid. May mga tumatakbong sugatan na papalapit sa amin. Anong nangyayari?"Ang mga Naeriè, Quebez at Audez ay sumusugod, Mahal naming Reid." Balita ng isang Rubis na puno na ng itim na dugo ang buo niyang katawan. Napahiga ito. Nangisay at tuluyang naglaho. Lumalim ang paningin ni Reid at nagngingitngit ang kanyan
MIREN'S POINT OF VIEW"Buhay na buhay ang katipan mo, Reid. Buhay na buhay at nag-aalala siya sayo." madiin na sabi ko sa kanya at hindi ako nagpatinag sa kanyang tingin sa akin.Hinawakan niya ulit ang aking panga pero ngayon ay mas mahigpit na. Mukhang magkakaroon ng pula at pasa ang kanyang pagkakahawak sa akin. Tiniis ko ulit ang sakit. "H-hindi mo alam, diba? Hindi mo alam na buhay siya, Reid! Alam mo bakit? Naka-sentro niyang isip mo sa kaharian niyo at sa pagganti mo sa mga kaibigan mo! Wala nagsabi sayong buhay ang katipan mo, Reid!" "Sino ang katipan ko?" Dama ko ang galit sa kanyang pagbigkas na iyon. Lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak. Nalalasahan ko na ang dugo sa aking bibig dahil sa higpit nitong pagkakahawak sa aking panga. "S-si Druzila..." ani niya ko sa kanya na siyang pagkatigil niya.Napatulala siyang nakatingin sa akin, wala na rin ang kanyang kamay sa aking panga kaya nagagalaw k
MIREN'S POINT OF VIEWHindi ko na alam kung anong oras at ilang oras na kaming nakatayo rito. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan dahil parami nang parami ang mga Rubis sa harap namin. Pulang-pula ang kanilang mga mata, nakalabas ang mga pangil nila at handa na kaming balatan ng buhay, isip-isipin ang aming mga dugo at kainin. Hindi man magsalita si Neko, ramdam kong natatakot at kinakabahan na rin siya katulad ko. Hindi ko namin alam kung may tutulong sa amin. Hindi rin namin alam kung nakuha na rin nila si Kone, kakambal ni Neko. Katapusan na namin kapag maging si Kone ay nakuha na rin. Babaha na ng dugo itong kinatatayuan namin. Nangangalay na ang mga braso kong nakatali. Nauuhaw at gutom na rin ako. Pagod na pagod na ako. Parang gusto ko na lang bumigay sa kinatatayuan ko. Umingay ang mga Rubis na nasa harap namin, kinabahan ako. Tinignan ko ang mga ito at parang may tinitignan sila sa aming likur
MIREN'S POINT OF VIEW"Sa akin ka na ngayon," Naalimpungatan ako at nagising na lamang ako sa isang madilim na silid. Totoo ba niyong nakita ko kanina? O, isang panaginip lang? Isang pares na kulay pula na mga mata ang nakita ko habang patakbo sa pasilyo. Mga bisig na yumapos sa akin. Parang totoo. Napabuga ako ng aking hininga ng maramdamang may nakatingin sa akin, madilim man pero ramdam ko ang kanyang mga titig. "V-virion..." Tawag ko sa buong silid kung nasa'n man ako. Walang sumagot man lang sa akin. Kinakabahan na ako pero pilit kong pinapatatag ang aking loob. "F-fille, Beverly?" Walang sumagot sa tawag ko. "Fille! Beverly! Virion!" Malalakas na sigaw ko pero wala akong nakuha ni-isang sagot sa kanila. Nasaan ako? Napapikit ako ng aking mga mata ng may tumamang ilaw sa akin. May naaninag akong dalawang anino na naglalakad palapit sa akin at siyang pag-atras k
MIREN'S POINT OF VIEW"T-tulong... Lumulusob ang Rubis sa kaharian nila Lazarus. T-tulong, V-virion!" Mensahe na natanggap namin mula kay Kieron. Napatayo kami at ramdam kong nakatingin sa amin sila Virion. Lumingon ako kung nasa'n ang tatlo at tama nga ang hinala ko, nakatingin din sila sa amin. Umalis na sila sa pila at saka kami nilapitan. "Si Kieron," ayon lang nasabi ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at lumabas ng canteen, nakasunod sa amin sila Fille. Pumunta kami sa likod ng canteen na ito at walang kahirap-hirap na nasa mundo na nila kami. Lumingon ako sa aking likod, buong paligid ng kaharian na nila ang nakikita ko. Wala na ang building ng canteen namin at ang ingay sa buong campus. Gano'n pa rin ang mundo nila, mailaw pa rin dito, ang simbulo ng aming pagmamahalan. Pumasok kami sa kanilang palasyo at nadatnan namin doon sina Mahal na hari, ang Reyna, Druzila at ang mga matatandang bampira sa lugar n
MIREN'S POINT OF VIEW "Miren!" Kumunot ang noo ko nang makita si Beverly na tumatakbo habang papalapit sa akin. Nasa tabi ko ngayon si Virion, simulang umuwi kami galing sa mundo nila at nang may nangyari sa aming dalawa, hindi na siya humihiwalay sa akin. Lagi siyang nakasunod sa akin, maging sa k'warto ko mismo ay nandoon siya para bantayan ako at sa pagsapit ng umaga nasa harap na siya pintuan namin para sunduin ako. Kinausap niya rin ang magulang ko tungkol sa aming dalawa, mag-boyfriend-girlfriend kami iyon ang alam ng magulang ko. Hindi nila alam kasal na kami at may nangyari na sa amin. "Hi, Virion!" Sabay yuko nito at kasunod niya sa kanyang likod ay si Blade. Tumango lang ang isa kay Beverly at hinawakan na naman ang kaliwang kamay ko. Nilalaro niya ang aking mga daliri. Naiilang ako sa ginagawa niya pero kapag hinihila ko naman pabalik ang aking kamay hindi niya naman binibitawan bagkus hinihigpitan niya