MIREN'S POINT OF VIEW"Miren, kaya mo 'to. Just relax, okay? Kasama mo naman si Virion." pagpapakalma sa akin ni Jake kaya tumango na lang ako sa sinabi niya.This is it. Pagent day na. Sobra akong kinakabahan ngayon. Namamawis na rin ang dalawang kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko.Huminga akong malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ganito talaga ako kapag kinakabahan. "Oh pak! Ang ganda ng bestfriend natin! Ang ganda niya diba?" ani ni Beverly at tinanong pa talaga si Virion.Bigla tuloy ako nahiya sa sinabi niya. Tumango naman ito, "napakaganda. . ." Hindi ko alam pero naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko. Binangga ako ni Beverly sa kanyang braso, "ang ganda mo raw sabi ni Virion." ani niya sa kinikilig na boses niya. Hindi ko na lang siya pinansin, kinakabahan na nga ako, e. Tapos, dumagdag pa ang sinabi ni Virion sa akin. Kainis!Pinaglaruan ko a
MIREN'S POINT OF VIEWNiyakap ko si Fille mukhang na-trauma siya sa nangyari."Ssshhh. . . Nandito na kami, Fille, huwag ka na matakot, okay?" ani namin ni Beverly sa kanya. Niyakap niya kami habang patuloy na umiiyak."N-nakita ko. . . Nakita ko sila, M-miren." Nanginginig na wika nito sa amin.Pinunasan niya ang kanyang luha at tumingin ito kay Orpheus, "s-sino ba talaga kayo?" Lumayo ito sa amin."H-huwag kayong lalapit sa kanila, M-miren. . . H-huwag." Naguguluhan man sa kinikilos ni Fille ay lumayo rin ako sa kanila. "Why, Fille? Mababait naman sila Blade, ha?" Maging si Beverly naguguluhan din sa kinikilos niya.Umiling ito sa amin, "calm down, Fille. Okay ka na, ligtas ka na. Niligtas ka na ni Orpheus." Pagpapahinahon ko rito. "H-hindi mo kasi nakita kung anong nangyari roon, Miren! Ako, ako nakita ko. Nakita ko kung paano niya balian ng leeg niyong lalaki, kung pa-paano niyang putulin niyo ul
MIREN'S POINT OF VIEW"Bakit kasi pumayag ka agad? Kasal ka na kay Blade, Beverly. Nahihibang ka na ba? Bampira si Blade!" Madiin sabi ko kay Beverly.Napakamot ito ng ulo, "sorry na! Naawa kasi ako sa kanya at cute-cute kaya niya!" Sabay nguso nito sa amin ni Fille. Napailing na lang kami sa rason niya, "aish. Ewan namin sa'yo, Beverly. Kasal ka na sa kanya, alam mo ba iyon, ha? Kasal ka na sa isang bampira?" Kahit gusto kong lakasan ang mga sinasabi ko pero pinilit kong hinaan baka kasi marinig kami ng Mama niya. Dalawang araw na ng mangyari niyon sa amin. Dalawang araw na ng malaman namin ang tungkol sa kanila. Nang araw na ring iyon inuwi rin nila kami, iyon nga lang ang isang ito ay kasal na talaga roon. May ginawang pag-iisang dibdib nilang dalawa gamit ang kanilang mga dugo at doon ay ininom ni Blade ang kanilang mga dugo at si Beverly ay binuhos sa kanya. Iyon raw ang simbolo ng kasal sa mundo nila. Weird."K
MIREN'S POINT OF VIEW"Uy, two days niyo na akong iniiwasan! Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo, Miren?" rinig naming sabi ni Beverly sa amin pero 'di namin siya pinansin. Nandito kami ngayon sa field. P.E. namin ngayong araw. Badminton ang sports namin ngayon kaya kanya-kanya kaming dala ng badminton racket.Tumayo ako sa inuupuan ko at tumabi kila Jake, nagkukwentuhan sila about sa student council. Nakiupo lang ako para makaiwas kay Beverly.Nakita kong si Fille naman ang tinabihan niya at tinanong pero gano'n din ang ginawa ni Fille, tumayo siya at tumabi sa p'westo ko. Palapit na sa amin si Beverly ng tawagin siya nila Virion. "Huwag na pilitin ang iyong sarili Beverly kung ayaw ka nilang kausapin at pansinin." Napaikot na lang ako ng aking mga mata dahil sa sinabi niyang si Virion. "Two days na kasi nila akong hindi pinapansin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko." Hindi namin alam kung pinaparinig ba niya sa
MIREN'S POINT OF VIEW "Sinadya mo ba, Fille?" mahinang tanong ko rito.Kami lang ngayon ang nasa table. Nakapila sila Jake para bumili ng Palamig at saka ililibre na rin daw nila kami ng spaghetti. Naghintay ako ng kanyang sagot. Blangko ang mga mata niyang nakaiwas sa akin at gano'n ang gulat ko dahil tumingin agad siya sa aking mga mata. Tumingin siya sa akin, "naiinis ako. Sorry sila 'di nasalo ni Jake iyong tira ko. Hindi ko nakasalanan niyon." Sagot nito sa akin at saka umayos nang upo. May kakaiba sa boses niya. Ngayon ko lang nakitang nagalit si Fille. Ano ba ang nakita niya kanina? "Iyon lang ba, Fille? O, baka may nakita ka pang iba kaya ginawa mo iyon?" usisa kong tanong sa kanya. Hindi ako satisfied sa sagot niya sa akin. Imposibleng nainis lang siya kaya nilakasan niya ang pagtira roon. Tumingin ito sa akin at saka napailing, "kilalang-kilala mo talaga ako, Miren..." ani niya at ngum
MIREN'S POINT OF VIEW Nakatambay ako ngayon sa tapat namin, walang pasok sa campus ngayon dahil nagkaroon na naman ng patayan kahapon. Kailan ba titigil ang patayan na iyan? Ang dami na tuloy natatakot dahil sa pangyayaring mayro'n sa barangay namin. Sobrang natakot ako. Hindi ko alam kung sino kakapitan that time na sabihin na naman sa amin na may patay na namang nakita sa kabilang building. Kung iyong lalaking nakatadhana raw sa akin ay iba ang inaayo that time. Iyak nang iyak niyong Neko kahapon akala mo hindi bampira. Bwisit siya! Buti na lang paglabas namin sa classroom, nakatayo na roon sila Lazarus. Mababait naman pala sila. Hindi namin sila kaklase pero magkatabi lang ang mga classroom namin. Iba iyong pakiramdam ko sa kanya maging kay Clotter, iba ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang may kung anong nagsasabi sa akin na kailangan ko si Lazarus, mabait naman sila kaya
MIREN'S POINT OF VIEW"Hi, Lazarus at Clotter!" bati ko sa kanila ng makalapit ako.Niyaya ko silang tumambay sa tapat ng bahay namin. Papaalisin ko na lang si Kieron doon. Papansin naman ang isang iyon, e. Feeling close sa amin ni Fille. Matangkad na gwapong lalaki sila Lazarus. Hanggang balikat nga lang ako, eh, nasa five and three na ang height ko. Iyon nga lang kung masinsinan mo silang titignan, maputla ang kanilang mga balat. Naaarawan naman sila pero ba't ang putla pa rin nila. Ang pinagtataka ko lang ba't hindi sila takot sa araw? Iyong mga napapanood ko kasi takot sa mga araw iyong bampira. Weird. "Hi, kanina pa kayo nakatayo d'yan? Tara tambay kayo sa tapat ng bahay namin. Malilim naman doon at may upuan pa." Yaya ko sa kanila at hinila si Lazarus. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa niyon pero comfortable ako kay Lazarus. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. P'wede ba iyon?Nagpa
MIREN'S POINT OF VIEW[ I already told you, Miren. Playboy talaga ang mga iyon. Si Kieron pa iyong sinasabi nilang playboy, eh, sila itong hayok sa babae. Hindi nila matanggap na tinanggihan natin iyong proposal nila. ] Napapaisip ako kung pinagloloko lang ba talaga kami ng kambal na iyon. Pero, ba't naman magsisinungaling iyong Kone? Anong mapapala niya kung kasinungalingan lang ang kanyang sinabi?"Siguro nga... Siguro nagkamali sila ng tinadhana, Fille. Tapos, nalaman na lang nila ang totoo iyong tinanggihan natin sila, 'di ba?" sabi ko sa kanya. Tama nga! Baka nga mali na kami iyong nakita ng manghuhula roon. Baka nga iyong kambal.[ Tsk. Kaya noong una palang talaga hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi nila, e. Kawawa iyang si Beverly kung hindi rin siya iyong nakatadhana kay Blade, eh, ang gaga nagpakasal agad doon. Ewan ko ba roon sa kaibigan natin, hayok na hayok sa mga bampira.]Ramdam ko sa boses nito Fil