Share

Chapter 19: Sick

KASTIEL'S POV:

--

TULALA lang ako sa harap ng computer dito sa loob ng aking cubicle. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko haharapin ang Treason Syndicate.

Habang tumatagal ay lalong lumiliit at sumisikip ang mundo ko dahil sa kanila.

Wala na akong kalayaan, limitado na lang ang kilos ko dito sa mundong ibabaw.

"Good morning Kastiel,"

Kung kakausapin ko naman si Daddy baka lalo lang niya akong ipitin kaso isa 'yon sa mga paraan para tigilan niya ang panggugulo sa buhay ko.

"Hoy!"

Napaigtad ako ng may umalog sa akin. Bumuluga ang nagtatakang mukha ni Nestor na may hawak na white roses sa kanyang kanang kamay.

Napakurap ako ng mga mata at nagtataka rin kung ano ang ginagawa niya sa harap ng mesa ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Aniya.

Marahan akong umiling dito.

"Kanina pa kasi kita tintawag pero tulala ka lang dyan sa harap ng computer mo, may nangyari ba?"

"W..wala. May iniisip lang ako" mahinang sagot ko.

Iniabot sa akin ng lalaki ang hawak niyang rosas na agad ko namang tinanggap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status