Share

Chapter 2: Mission

KASTIEL'S POV:

----

I was busy scrolling my social media accounts, puro tungkol sa Blackhand ang issue this month. Ayon sa usap usapan ay umalis ang bokalista ng banda kaya naghahanap sila ng bagong singer.

I slam my laptop as I close it. Ano bang pakialam ko sa mundo ng showbiz?

Gumulong ako pahiga sa kama at tumitig sa kisame ng kwarto ko. It's been days since I received my mission. I already studied about it and it feels like all of my instinct are shut down when I saw the name of the target.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto nitong kwarto ko. Tinatamad na bumangon ako sa kama para pagbuksan ang kung sino mang nasa labas nun.

"What is it?" It was Ate Myrna, my Nanny ever since.

"Pinapatawag ka ng Daddy mo sa library."

"Bakit daw po?" Kunot noong tanong ko pero si Ate Myrna ay nagkibit balikat lang bago nito nilisan ang harapan ko.

Ano naman kayang kailangan ng matandang yun?

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kumatok sa pinto ng library nitong bahay. I heard him saying something that's why I opened the door.

"Come in." He said without looking at me. His eyes pinned on some papers scattered on the table. Tahimik akong naglakad palapit sa bakanteng silya sa harap ng mesa nito.

"Sign that paper Kastiel. I need that money later," inabot niya sa akin ang isang papel na kunot noong inabot yun at binasa. Nakasaad doon sa papel na kailangan ng pirma ko para makuha ang perang gusto niyang kunin sa bangko na nasa ilalim ng pangalan ko.

Padabog na nilatag ko sa mesa ang papel na yun dahilan para mapatingin ito sa akin. "Why should I sign that trash? Pera ko yun Dad, inilaan yun ni Mommy para sa akin."

"I will return it tomorrow if that's what you think. I just need it dahil kulang ang perang hawak ko ngayon."

"Kung itataya niyo lang rin sa sugal niyo, huwag na lang. Kaya ba ipinatawag niyo ako para lang dyan sa walang kwentang libangan niyo? Dad, will you please grow up!" Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong kwarto. Hindi ito ang unang beses na pagbuhatan niya ako ng kamay.

I remain facing on the right side where his firm hands landed. Tangina ang sakit!

"Don't you dare talk to me like that young lady? I am still your father and I can do everything I want about your money!" Dinuro duro pa niya ang ulo na akala mo isa akong bobita.

I give him a death glare as I face him. "I sue you as my father! Wag mo na ulit akong kakausapin tungkol sa pera."

Rinig ko ang pagtawag niya sa akin matapos kong makalabas ng library. Wala akong pakialam sa kanya kung burahin niya sa mapa ang bahay na tu. I'm all feed up because of his addiction in casino.

Pabalibag na sinara ko ang pinto ng kwarto ko habang hawak ang pisngi kong nasaktan. Kung pwede lang kitilan ng buhay ang matandang yun ginawa ko na. Kaso kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang tarantado kong Ama!

"Noong isang araw pa busangot ang mukha mo, wala ba kayong plantsa sa bahay?" Naiiritang inignora ko ang pang aasar ni Thud. He's the one who will be rescuing the remaining woman who needs to sell outside the country later.

Nakasandal lang ako sa pader kung saan kitang kita ko ang pigura ni Pendragon. Nagtatago kami ni Thud sa katabing building ng isang five star hotel kung saan ginaganap ang party.

Sa dinami-dami ng myembro nang HuPoFEL bakit siya pa ang naging partner ko?

I position myself in a place where I could see the target clearly. Mr. Larry Pendragon is my target - one of the most influential and dangerous politicians in his time, up to now.

According to his data, he's doing something inhumane, he sold thousands of women outside the country after he satisfies his needs in bed. We rescued some of them but there are remained inside Pendragon's territory - his targeting the minors!

I am wearing an all-black t-shirt, jeans, and sneakers also a black mask to hide my true identity. Mahirap na at baka may makatiktik.

I just bring a semi-automatic pistol with a silencer, two hand grenades, and a pocket knife, hassle kasi kung 'yong katana ang dalhin ko.

"Hoy Kastiel kausapin mo ako. Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito bakit mas pinili mong silipin si Pendragon? Di hamak na mas gwapo naman ako sa matandang hukluban na yan!" Binigyan ko ng masamang tingin si Thud.

"Kapag pumalpak ako dito dahil sa kaingayan mo, humanda ka sa akin." I give him my warning look but this bastard laughs at me.

"Yipee. Anong klaseng parusa yan? Rough, gentle, harsh? Mabait ako sa kama, Kas. You can do anything you want in my body. I'm all yours baby." napabuga ako ng hangin dahil sa kaingayan ng kasama ko.

Pwede bang pasabugin ang bunganga niya?

"Will you please shut up?" Sita ko sa kanya.

"Sige tatahimik ako. Ihahanda ko na ang sarili ko sa makamundong bakbakan mamaya." Thud left me after he said that. Siraulo!

Kasalukuyang nasa isang political gathering si Pendragon and this is the right time to slaughter him. Yung mga ganitong taong katulad ni Pendragon hindi na dapat sinisikatan ng araw.

Palihim akong sumakay sa sasakyang nakaparada sa parking lot na pagmamay ari mismo ni Pendragon. Ni hindi man lang ako naramdaman ng driver kaya naman prente akong umupo sa likuran.

I saw Pendragon bid goodbye to his fellow politician before I enter this car. Mainipin pa man din ako but I remain calm and silently waiting for my prey to arrive.

Napangiti ako ng makitang papalabas na si Pendragon habang inaalalayan ng body guards nito papunta sa kotseng kinalulunaran ko. Sumakay ang matanda kung saan ako nakaupo without knowing I am here beside him.

Sumakay na rin sa passenger seat ang isang bodyguard nito bago umandar ang sasakyan palayo sa lugar na pinagdausan ng magarbong party.

I was about to talk to him when his phone rang. He grabs it from his pocket before answering it.

"What is it?" Aniya. Nagmamasid lang ako sa matanda without a noise.

"What? Paanong nangyari 'yon?" Palihim akong ngumisi. Mukhang narescue na lahat nang babae na nasa poder niya.

"Scatter all your men and search the area, you idiots. Kanina pa pala nangyari bakit ngayon niyo lang tinawag!" Nanggagalaiting wika ni Pendragon. I ready myself to do my job after he cut those phone calls.

Tumikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon ng katabi ko. But before he does some unnecessary movements, I shoot his bodyguard who's sitting in front beside the driver before I pinned my knife on Pendragon's thigh.

"Who the hell are you?!" He hisses while ignoring the pain from his thigh where my knife left.

"Grim reaper at your service Larry Pendragon, this will be your end." In just a blink of an eye, Pendragon's body lying beside me without a single movement. I shot his head.

Bumaling ako sa driver. "Park this car in a secluded place." Utos ko.

"Tsk. What a scary stunt you have there." Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi ni Fourth. He took over the driver before Pendragon enters his car without noticing it.

A peaceful day for myself after my mission is to accomplish. Tahimik na binaybay ko ang pasilyo patungo sa practice room kung saan nagkakatipon-tipon ang mga kasama kong walang misyon.

Sigawan ang unang bumungad sa akin pagkapasok ko sa loob ng kwartong yun. Kasalukuyang nagi sparring si Thud at Gun.

"Hi. Baby Kastiel," bati sa akin ni Saviel nang makita ko. She's holding a paper bill which I suppose may pustahang nangyayari.

"Quit calling me baby will you? Hindi kita nanay!" Sabi ko bago naupo sa isang bakanteng couch. Inilapag ko sa tabi ang dala kong gym bag.

"Ang sungit mo naman, may dalaw ka ba?" I frown at her. Porket masungit may dalaw agad? Hindi ba pwedeng ayoko lang siyang makausap?

"So kumusta naman ang life mo this past few days?" Tanong niya habang nagbibilang ng pera na nasa kamay niya.

"Likewise."

"Hay naku, Kastiel napakaboring nang buhay mo. Why don't you find yourself a boyfriend? Baka sakaling magkaroon ng kulay ang madilim mong mundo?" Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Boys is just a pain in the ass Sav. I don't need them." Kay Daddy pa nga lang sumasakit na ang ulo ko, ang maghanap pa kaya ng boyfriend? That's a waste of time.

Tumayo ako mula kinauupuan ko bago ako pumunta sa punching bag na kanina pa kumakaway sa akin. I just need to freshen up my mind. Hindi biro ang trabahong pinasok ko.

"May kaaway ba 'yan?" rinig kong tanong ng isa sa mga kasamahan namin na lumapit kay Saviel para ibigay ang pusta nito.

"Don't mind her, nasa menopausal stage yan kaya nagsusungit." Napalakas ang suntok ko dahil sa sinabi ni Sav. Napapikit ako sa sakit na nanuot sa kamao ko, nakalimutan kong maglagay ng gloves sa daming gumugulo sa isip ko.

"You okay?" Tanong sa akin ni Fourth pagkalapit nito sa pwesto ko.

Kastiel bakit ba ang tanga mo ngayon?

"Let me see it" kinuha ni Fourth ang kamay kong namamaga matapos kong suntukin ang punching bag. "Why you didn't use gloves? You know it's dangerous if you don't use it." Dugtong pa niya habang hinihilot ang kamao kong nasaktan. Feeling ko nabali ang ring finger ko eh.

"Tsk. Madami lang akong iniisip." Sagot ko.

"Epekto ng menopausal stage yan Fourth." Singit ni Saviel sa amin. Binigyan ko ng masamang tingin ang babae pero tinawanan lang ako nito.

Nagitla ako ng magsigawan ang mga kasama namin dito sa loob ng training room. Mukhang tapos na ang laban.

"Tangina sayang 'yong pusta ko kay Thud!"

"Singilin mo mamaya kung magkano pinusta mo. Mataba ang bulsa ng gagung 'yan!" Suggest ni Sav habang inaabot ang perang napanalunan sa pustahan.

Alam naman nilang hindi mananalo si Thud kay Gun pero pumusta pa rin. Mga walang magawa sa buhay.

"Kastiel honey, tignan mo ang ginawa ni Gun sa mukha ko." Nagmamakaawang Thud ang sumulpot sa harap namin ni Fourth. Bugbog sarado ang gagu, basag ang kilay nito at putok ang labi.

Ngumiwi ako sa lalaki. "Lumayo ka sa akin Thud at baka tuluyan kong wasakin ang mukha mo."

"Huwag naman sweetie pie, asset ko yan sa mga babae. Okay na ako sa bangas na binigay ni Gun pero wag mo na sanang dagdagan. Sayang ang genes ko, hindi pa nga natin nagagawa ang pulo't gata." Lumagapak ako palad ko sa ulo ni Thud.

"Bastos ka!"

Humagalpak ng tawa ang lalaki. Oo aaminin ko kahit may bangas si Thud gwapo pa rin.

"Quit playing your dirt games on her, Thud." Saway ni Fourth.

"Alam mo Pareng Fourth, nakakahalata na ako sayo eh."

"What?"

"Kanina mo pa hawak ang kamay ng mapapangasawa ko gusto mo bang bigyan din kita ng bangas gaya nitong sa akin?" Napailing na lang ako sa mga pinasasabi ni Thud. Malamang hawak ni Fourth ang kamay ko kasi hinihilot.

"Should I give you one more blow Thunder Clyborne?" Nagsipulasan ang mga lalaking nasa training room nang makita namin ang seryosong mukha ni Boss na nakatayo sa bukana ng pinto.

Ngumisi si Thud at lumapit ito kay Boss saka inakbayan. "What's up Bossing? Gwapo pa rin natin ah." Aniya habang inaakay si Boss palapit sa pwesto namin.

Marahang binitawan ni Fourth ang kamay ko bago humarap kay Boss at Thud na nag-uusap.

"Move your hands on me Clyborne or I'll tear them apart without you noticing." A chill travels down my spine after he said that.

Si Boss lang talaga ang nakapagbibigay kilabot sa buong katawan ko.

"Masyado ka namang hot Bossing. Na miss mo na naman ba ako?" Out of nowhere Saviel showed up. Kumunot ang gwapong mukha ni Boss habang nakatingin kay Saviel na may hawak na libuhing papel mula sa pustahan.

"Did I heard someone saying that I miss her?" Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Boss.

"Naku Bossing guni-guni mo lang 'yon." Panggagatong pa ni Gun na kakarating lang mula sa shower room.

"Is that so?" He's ignoring Saviel's presence in front of everyone.

"Ah, gano'n!" My eyes widen when Saviel suddenly remove her shirt in front of everyone. Puro lalaki ang kasama namin dito and she didn't even bother if someone saw her precious body.

Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa ng babaeng ito!

"Witwiw," sipol pa ni Thud na isang manyakis.

Walang kahit na sino ang gumawa ng ingay maliban kay Thud na pinagpipyestahan na ang half body ni Sav, though she's still wearing her victorias secret undergarments.

Pero ang ikinagulat ko ng maghubad si Boss ng polo nito at itinakip sa mukha ni Saviel bago buhatin ang babae at isinampay sa matipunong balikat nito.

His buttons are scattered on the floor before he removes his polo. As in napanganga ako sa ganda ng katawan ni Bossing.

"Hindi ko alam na may live show pala dito," napalingon ako kay Rent na hawak hawak ang pinakamamahal nitong tablet. What the hell is he doing here?

"Ibang klase talaga mang asar si Saviel kay Boss."

"Asar talo ang Bossing natin sa babaeng 'yon." Nagsitawanan na lang ang mga lalaki habang tinatanaw ang papalayong pigura ni Boss bitbit si Saviel sa balikat nito habang nakapamulsa.

Nasapo ko na lang ang sarili kong noo. Napapalibutan ako ng mga baliw ng tao!

----

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status