Share

Chapter 5: A new journey

KASTIEL'S POV:

----

GAYA ng sinabi ko kay Liezel ay hahanap ako ng matitirhan pero ang bruha hindi pumayag. Pwede naman daw ako sa apartment niya tutal wala naman daw siyang kasama.

"So, why did you layas nga Kasti?" Umikot ang mga mata ko sa kawalan, kanina pa ako nabibingi sa boses ni Celyn.

Nang malaman niyang umalis ako sa bahay namin at kasalukuyan akong tumitira sa poder ni Liezel ay agad siyang lumipad papunta dito.

"Mahabang istorya." Tinatamad na sambit ko. Nakadapa lang ako sa kama ni Liezel habang ang dalawa ay nasa lapag, kumakain ng junk foods.

"Simulan mo ng ikwento Kas, makikinig naman kami." ani ni Liezel.

I look at their faces, patiently waiting if I speak up about my personal matters.

Isang buntong hininga ang binitawan ko bago bumangon mula sa kama at umupo sa pinakasentro nun. Yakap ko ang unan at hinarap silang dalawa. "My Dad wants me to marry a certain man I never met. He wanted me to be the payment for his debt."

"What?"

"He did what?"

"Narinig niyo ng malinaw diba? Gusto niya akong ibenta kapalit ng pagkakabayad niya sa utang dun sa kung sino mang poncio pilato ang pinagkakautangan niya!" Nanggigigil na wika ko.

"Kung ako ang nasa posisyon mo baka nagbigti na ako-- aww." Liezel.

Lumagapak ang ulo ni Liezel dahil nakatanggap ito ng batok mula sa aming dalawa ni Celyn.

"Gaga. Hindi kamatayan ang solusyon sa bawat problema." Celyn.

"Oo na. Nagbibiro lang eh! Maiba tayo, paano kung ipahanap ka ng Daddy mo?" Napaisip ako sa tanong ni Liezel.

"Bahala na. Hindi naman habang buhay na matataguan ko si Daddy. Sa dami ng koneksyon niya sa underground society ewan ko na lang."

Nagpatuloy ang kwentuhan naming magkakaibigan hanggang sa umuwi na si Celyn, hinahanap na kasi siya ng Mommy niya at may shooting pa siya bukas.

"Anong oras ang pasok mo sa bar? Susunduin ka ba ni Cynthia?" Napalingon ako kay Liezel habang papasok kami ng bahay matapos naming ihatid sa labas si Celyn.

"9pm daw eh, dadaanan niya ako dito." Sagot ko.

"Basta kapag may problema ka huwag kang mahiyang magsabi sa akin o kay Cynthia ha?" Tumango na lang ako bilang tugon sa dalaga bago ito pumasok sa banyo para maligo.

Tulala ako sa kawalan habang nakasunod kay Cynthia. Andito na kami ngayon sa bar - ang Grind Me Harder Bar.

10pm pa lang pero marami na ang mga lasing na costumer, paano pa kaya kung umabot hanggang umaga?

"Hi dear. Nandyan na pala kayo." Nakangiwing bumati ako kay Mamita. Hindi ko siya nakilala sa sobrang kapal ng kolorete nito sa mukha. She's wearing a gray dress with shining and sparkly beads on it that reflects from the light. And also she's holding a big fan in her right hand. "Gaya ng sabi ko ha, entertain the costumer. Never let them know who you really are mahirap at baka parak ang makausap niyo. Legal naman ito pero minsan may mga tarantado lang talaga na dudungisan ang puri niyo. Dadagsa ang costumer ngayon dahil sa bagong routine at special number nitong si Kastiel." Nangunot ang noo nang magsilingunan ang mga babae sa gawi naming dalawa ni Cynthia.

"Huh?" Bulalas ko.

"Wag kang lutang girl. Alam kong first time mo pero kaya mo ito. Sayang ang kikitain mo kapag pinanghinaan ka ng loob." Napalunok ako sa sinabi ni Cynthia. Ano bang pinag uusapan nila?

"Kastiel hija, hindi pangalan mo ang kailangan mong gamitin. Ang magiging pangalan mo ay Niña sa entablado."

"Wait. Anong gagawin ko?" Inosenteng tanong ko.

"Jusko dzai. Parang gusto kong mangurot ng singit ngayon, kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig" yumuko ako dahil sa hiyang nararamdaman ko. Naninibago kasi ako eh.

From being an assassin down to an entertainer. My god parang gusto kong kumuha ng kutsilyo ngayon at gilitan ang leeg ko!

"S-sorry." Hinging paumanhin ko. Lumapat sa balikat ko ang kamay ni Cynthia bago ako nito iginiya sa dressing room namin matapos umalis ni Mamita, disappointment is all over her face because of me!

"Galit ba sa akin si Mamita?" Nahihiyang tanong ko kay Cynthia matapos kong maupo sa high stool chair dito sa dressing room.

"Hindi. Ganun lang talaga siya, hayaan mo ang baklitang yun at naiinggit lang yun sa ganda mo." I frown at her. Hindi na ako umimik ng simulan niyang pakialaman ang mukha ko para lagyan ng kolorete. Sanay naman ako sa make up pero kapag may important occasions lang.

"Ano ba ang mostly na mga customer ang nag request ng personal service from us?" I ask Cynthia. Tumingin ako sa kisame para malagyan niya ako ng eyeliner.

"Karamihan mga spoiled brat na rich kids na gustong magwaldas ng pera, may mga matino naman kaso bibihira lang sila dito. Yung iba mga matatanda na gusto lang maghanap ng init sa kandungan ng ibang babae." Aniya. Umayos ako ng upo kasi yung buhok ko na ang aayusin.

"Magkano naman ang kinikita niyo sa loob ng isang gabi?"

"Minsan 30 minsan 100"

"Pesos?"

"A thousand girls" laglag ang panga ko.

Sa loob ng isang gabi more than a hundred thousand ang kinikita nila? Unbelievable! Masyado bang patapon ng pera ang mga pumupunta dito?

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Pero tanging ngiti lang ang sinagot ni Cynthia sa akin.

Nahihiyang tumabi ako sa isang kurtina dito sa back stage. Habang kinukutkot ang sarili kong mga kuko gamit ang bibig.

"Ano ba Kastiel, tigilan mo yan" saway sa akin ni Cynthia at hinihila pa ako nito palayo sa may kurtina sa isang sulok.

Paanong hindi ako magtatago? Pinasuot niya lang naman sa akin ang isang pulang damit na sobrang sexy ang neck line at backless pa.

As in lumutang ang kaputian ko dahil sa damit na ito na abot hanggang kalahati ng hita ko sa sobrang iksi nun, binigyan pa ako ni Cynthia ng mask to hide my real face and also my identity.

"Nahihiya ako Cynthia." Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ng babae sa braso ko.

Minsan na rin akong napunta sa bar pero hindi sa ganitong itsura. Kasama ko minsan mag bar hopping sila Gun at Thud with Sinji and Saviel pero kapag may okasyon lang.

"Ano namang nakakahiya? Ang ganda mo nga eh. Halika na at baka lalong magalit sayo si Mamita, oras mo na para magperform." Naghihilahan kaming dalawa ni Cynthia dito sa likod ng backstage nang marinig namin ang boses ni Mamita na tinatawag ako.

Tuluyan na akong nahila ni Cynthia nang dumilim ang entablado at dinala ako nito sa gitna. Naghiyawan ang mga lalaki ng makita ako kaya agad akong tumalikod. Nakita ko pa sa backstage si Cynthia na nakasilip while signing me a hand gesture like 'fighting'.

Napapikit ako ng marinig ang isang pamilyar na kanta.

~ Now Playing: Señorita ~

Sa unang bagsak pa lang ng musika ay sumabay sa saliw ng tugtog ang bewang ko habang gumigiling ng marahan.

I love it when you call me señorita

I wish I could pretend I didn't need ya

But every touch is ooohh la la la

It's true la la la

Ooooh I should be running

Ooooh you keep me coming for ya

'Kastiel you really need this job to survive. Ban ng one year ang grupo mo dahil sa kahalayan ni Clyborne. Kailangan mong magtiis at kailangan mong iparating ang kalagayan mo sa Boss mo dahil kung hindi baka pagmulat mo ay nasa Iceland ka na!'

Gumiling ng marahan ang katawan ko paharap sa mga manunuod. All I can think is seductive images flashing on my mind.

Kasalanan ito ni Thud, dahil sa panunuod niya ng erotic scene at porn pati ako nadadamay dahil yung theatre ni Boss ang ginagamit nito kapag nanunuod! Kaso naisip ko advantage na rin yun.

Hays, sumayaw ka na lang Kastiel!

Land in Miami

The air was hot from summer rain

Sweat dripping off me

Before I even knew her name la la la

It felt like Ooh la la la

Yeah nooo

I walk slowly into the center where the pole is waiting for me. All eyes are on me. Their eyes are raging in a fire with desire while looking at me.

Those guys na hayok sa laman!

Mabuti na lang at malambot ang katawan ko sa mga ganitong sexy dance.

Sapphire moonlight

We danced for hours in the sand

Tequila sunrise

Her body fit right in your hands la la la

It felt like ooh la la la la yeah!

I extend my hands from my right before I place them again on the pole and swayed my hips erotically while caressing my body.

I took a glance from the audience while biting my lips. I can feel their hunger, they are like a predator who targeting innocent prey like me.

I trace my face using my forefinger down to my neck in a seductive way...tracing my own body like there's no tomorrow. I place my hands on the pole while walking around slowly before I bend down touching the ground flexing my long-legged.

I love it when you call me señorita

I wish I could pretend I didn't need ya

But every touch is ooohh la la la

It's true la la la

Ooooh I should be running

Ooooh you keep me coming for ya

Napunta sa gawi ng bar counter ang paningin ko while tracing my feet up to my showing thigh before I spread my one leg to the pole. I saw a man sitting there without giving a glance where I am dancing. His back is facing me while drinking there alone.

Matapos ang kanta, muling dumilim ang gitna ng stage kaya agad akong tumakbo papuntang backstage. Nagulat ako ng salubungin ni Cynthia na parang nakakita ng multo.

"Anong nangyari sayo?" hinihingal na tanong ko sa babae.

"Grabe Kastiel ikaw ba talaga yung sumayaw kanina?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Nangunot naman ang noo ko at hinila si Cynthia papuntang dressing room. Nakakahiya yung ginawa ko kaya kailangan kong magtago as soon as possible.

"Aray ko naman, teka sandali." Bumitaw mula sa pagkakahawak ko si Cynthia. "Bakit ka ba tumatakbo?"

"N-nakakahiya yung ginawa ko." Nanghihinang napaupo ako sa high stool bago inalis ang mask na suot ko. Balot rin ako ng pawis kahit na gumiling lang naman ako doon sa gitna.

"What? Anong nakakahiya doon? Ang galing mo kayang gumiling. Ang hot mo nga habang sumasayaw ka eh." Umakyat ang dugo sa mukha at feeling ko namumula ang mga pisngi ko.

Napahilamos ako sa sarili kong mukha bago kumuha ng tissue para tuyuin ang sarili kong pawis.

"Grabe first time mo ba talaga sa mga ganito?"

"Oo" tumalikod ako sa gawi ni, Cynthia, at hinarap ang sarili ko sa salamin.

"Bakit parang mas professional ka pa kesa sa mga stripper dyan sa ibang bar?" Napalingon ako sa babae.

"What? Cynthia, pinagpala lang ako ng talento at tsaka huwag na nating pag usapan kasi nahihiya ako sa ginawa ko. No choice na ako kasi nasa gitna na ako ng entablado!" Nilukob ng hiya amg buong sistema ko. Kung makapagreklamo ako parang hindi ko hinataw ang katawan ko dun. My god ang dami kayang nanunuod at partida wala pa akong praktis nun.

"Nahiya ka pa sa lagay na yun? Halos maglaway yung mga lalaki dyan sa katawan mo. Naku sigurado ako tiba-tiba ang benta mo at kaliwa't kanang request ang matatanggap mo ngayong gabi!" Tumingin ako sa babae matapos kong burahin ang make up ko at hinarap siya.

"Dancing at the middle of that stage is enough for me Cynthia. Hindi ko rin kailangan ng pera, all I need is to hide from my father."

I request Mamita na pagsasayaw lang gagawin ko sa loob ng tatlo hanggang limang minuto depende sa kanta.

After my first performance dumagsa lalo ang mga costumer sa Grind Me Harder. Pangalan pa lang tiyak na tatayuan ka na!

"Ayaw mo ba talaga magserve kahit sa VIP?" Mamita ask me.

It's just a normal day and today we will receive our salary. Weekly ang salary dito, daily sana kaso sabi ko yung akin weekly na lang even though I don't really need money.

Sa trabaho ko pa lang bilang assassin, hindi mabilang na zero ang pumapasok sa personal acccount ko. Barya na lang ang kita ko dito sa Bar.

"Mamita my decision is final. Just a little exposure is enough for me." Wika ko.

"Sayang naman yun, ang laki ng offer mai-table ka lang."

"Fine. I'll try po pero ako ang pipili ng costumer" ngumiti na lang si Mamita habang binibilang ang pera kung magkano ang ipapasahod niya sa akin this week.

It's been two weeks since I got here at swerte din ako at napadpad ako sa lugar na ito.

Mamita is so nice to all of us, hindi siya katulad ng ibang bakla na brutal sa alaga niya. Mayaman daw kasi yung may ari nitong bar at kaibigan siya ni Mamita kaya siya ang nagmamanage nito while the owner is handling the other bars spreading all over the world.

Twice a week ang performance ko para naman daw lalong matakam ang mga lalaki para balikan at hanapin ako to give them a personal service.

Every Wednesday and Saturday ang schedule ko, from Monday, Thursday and Sunday ay waitress ang trabaho ko kumbaga may rotation.

"So here's your salary for this week." Nilatag ni Mamita ang isang makapal na sobre na may lamang pera.

"Ang kapal naman nito Mamita, magkano ba laman nito? At talagang cash pa." pabirong sabi ko.

"It's a million cash!" Nalaglag ang panga ko. Milyon? Seriously?

"Sobra naman ito Mamita--"

"Hep! Huwag mong isasauli yan. May listahan ako kaya alam ko kung magkano ang isasahod mo. Tumanggi ka ba naman ng daily salary kaya ayan naipon." Napalunok ako ng sarili kong laway. Masyado naman atang malaki ito? Paano ko ito tatanggapin? Ibigay ko na lang kaya kay Daddy? Kaso ayaw ko siyang makita at baka pilitin niya akong magpakasal sa isang hukluban.

Matapos kong makuha ang sahod ko nagdesisyon akong bumili na lang ng condo sa isang sikat na condominium site - ang Kuruzaki Condominium.

"Sure ka na ba talaga? Pwede ka pa naman magstay dito" ani ni Liezel habang nag iimpake ako ng mga gamit ko. Ito kasi ang araw na lilipat ako ng condo.

"Oo Liez, tsaka nahihiya na rin ako sayo eh." Wika ko matapos kong isara ang maleta ko. "You can call me anytime naman if we have to hang out together with Celyn, you know like the old days."

"Ano pa nga ba? Basta mag iingat ka palagi ha? One call away lang kami ni Celyn." Nagbeso ako kay Liezel bago ako sumakay ng kotse ni Gun. Nagpasundo na lang ako sa lalaking ito para naman makatipid.

"Ginawa mo lang talaga akong driver no?" Aniya matapos kong pumasok sa passenger seat.

"Huwag ka ng magreklamo, kasalanan mo rin naman kung bakit mahaba ang bakasyon natin sa HuPoFEL!" Sarkastikang wika ko. Ngumisi lang si Gun bago nito pinaandar ang kotse patungo sa Kuruzaki condominium.

Bakit nga ba hindi ko naisipan agad na bumili ng condo? Masyado akong masinop sa pera, hindi ako gastador tulad ng mga spoiled brat dyan sa tabi!

"Kumusta naman ang parusa ni Thunder Clyborne da boi lib*g?" Bored na tanong. We were currently stuck in heavy traffic. Nangangati na ang paa ko, gusto ko na lang lakarin ang EDSA pauwi ng condo dahil gusto ko ng magpahinga at may trabaho pa ako bukas!

"The fck with boi lib*g? Ayun itinapon ni Boss sa torture chamber kasama ng alagang white tiger ni Boss." Natatawang sambit niya.

Umasim ang mukha ko matapos marinig yun. Si Thud talaga ang suki ng torture chamber together with Boss's white tiger, tropa niya na nga ata yung hayop eh.

Pagkarating namin sa harap ng building ay agad akong bumaba sa kotse ni Gun at nagpaalam.

"Wala bang kiss dyan? Hug? Or some errotic scene na magpapasaya ng gabi ko?"

Nanlisik ang mga mata ko sa lalaki bago hinila ang maleta mula sa mga kamay niya.

"Gagu. Kiss your ass, dumbass!" Humagalpak ng tawa ang lalaki at kumakaway pa ito habang papalayo ako.

Siraulo. Nahawaan na ng virus ni Thud!

Sa 7th floor ang condong nabili ko, it's just a middle class though. Nasa 14th at 15th floor ang executive suit na tinitirhan ng Blackhand.

How do I know?

Well, I just know!

This will be a new journey for me, away from my Father!

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status