Share

CHAPTER 6

"DAMIEN, WHERE HAVE you been, huh? Anong sabi ko sa iyo? Do not go outside without knowing me. Pinag-alala mo ako nang sobra. Look, you're sweating."

Naiinis man, hindi iyon ipinahalata ni Dane sa kaniyang pitong taong gulang na único hijo na si Damien. Lumuhod siya sa harap nito at pinunasan ang mukha pababa sa leeg nitong pawis na pawis. Hindi rin mapigilan ni Dane na mapangiwi dahil sa amoy ng kaniyang anak. Amoy araw ito.

"Mommy, may playmate na po agad ako. We played po sa labas," nakabungisngis na ani ni Damien kapagkuwan ay siniil siya ng halik sa kaniyang pisngi.

Pakiramdam ni Dane ay natunaw ang puso niya ng mga sandaling iyon dahil sa ka-sweet-an ng kaniyang anak. She smiled widely and continued what she was doing until she finished it.

"Anak, nag-usap na tayo bago tayo pumunta rito, 'di ba? I told you na huwag kang lalabas without my knowledge. I almost called the police. Hinanap kita sa buong bahay tapos nasa labas ka lang pala. You almost gave me a heart attack, baby." She then hugged him.

"I'm sorry, mommy. I am safe naman po because sa garage po nila kame naglaro. By the way, my playmate's name is Tristan, he's living next door po. You know, mommy, ang bait po ng daddy niya sa akin. He gave me chocolates…" masayang kuwento ni Damien at kitang-kita sa mga mata nito ang kagalakan habang nagkukuwento ito.

Hindi mapigilan ni Dane ang maging emosyonal ng mga sandaling iyon. Her son is so sweet. Parang ayaw na niyang lumaki ito para habang-buhay na niya itong kasama. But Dane cannot control the time. Lalaki at lalaki si Damien, at darating din sa punto na maghahanap na ito ng mapapangasawa nito. It saddened her, but that's destiny.

"Good to know that. However, next time, magpaalam ka sa akin, okay? Pinag-aalala mo ako nang sobra, anak."

"I'm sorry po again, mommy," malamyos na wika nito bago siya nito niyakap nang mahigpit.

Halos isang minuto ang itinagal bago humiwalay si Damien sa kaniya. Inaya na rin niya ito sa kusina para makapagtanghalian na silang mag-ina. Nagkuwentuhan silang dalawa. Kung ano-ano ang sinasabi ng anak niya sa kaniya. Sinabi pa nito sa kaniya na naghahanap ng girlfriend ang daddy ni Tristan. Tanging tango lang ang itinutugon niya sa bata sa mga sinasabi niya.

Matapos magtanghalian, hinugasan na rin ni Dane ang mga pinagkainan nilang mag-ina bago niya inaya ang anak sa kanilang kuwarto upang paliguan na ito.

"Mommy, do you wanna see Tristan's father? Sasamahan po kita, mom—"

"Damien, I have no time for that, okay? I'm b-busy…" putol niya sa iba pang sasabihin ng kaniyang único hijo.

"How about tomorrow, mommy? Busy pa rin po ba kayo?"

Hindi alam ni Dane kung ano ang isasagot niya sa kaniyang anak ng mga oras na iyon. She has no time for that. Para saan ba para makita niya ang daddy ng kalaro nito? She came back here to start a new life and continue what she has started—not to flirt with someone else.

"Baby, as far as I remember, Tristan's father is also a busy person, so I guess he can't entertain me. Maybe soon, I'll meet him," nakangiti niyang anas.

"Okay po, mommy. But, mommy, I missed Lola Lala. Kailan po tayo babalik sa hometown natin?" nakangusong sambit nito.

"Soon, baby, babalik din tayo. I missed her, too. Don't worry, you'll meet her again soon, okay?"

Malapad ang mga ngiting tumango si Damien at nagpatuloy ito sa pagtatampisaw sa bathtub. Nakaupo lang siya sa harap nito habang hindi inaalis ang mga mata sa anak dahil natatakot siya at baka kung ano ang mangyari rito kapag iniwan niya itong mag-isa rito sa banyo. Damien is just seven years old, and he still needs her guidance. Pero kahit anong mangyari, Damien is always her baby.

Matapos maligo ni Damien, pinatulog na rin niya ito. Sakto namang dumating ang maid na kinuha niya sa isang agency rito sa Manila kaya may magbabantay na sa anak niya. Napagdesisyunan ni Dane na bumisita sa kaniyang flower shop bago siya muling magtrabaho bukas.

"Babalik din ako agad, Anne. Please, lock all the doors and windows. And don't let anyone enter my house without my permission. I gave you my number, call me if someone knocks on the door, okay?"

Nakangiting tumango si Anne na ilang numero lang ang agwat ng mga edad nila. "Masusunod po, Ma'am Dane."

Tumango lang si Dane bilang tugon kay Anne at bago lumisan, hinalikan niya muna sa noo ang kaniyang anak. And now, nasa kaniyang sasakyan na siya at minamaneho na niya iyon patungo sa kaniyang flower shop.

It has been seven years since she didn't visit her shop—for sure she missed a lot of things. Seven years have passed, but Dane still hasn't forgotten what happened before. It is still on her head. Nevertheless, Dane decided to leave her hometown together with her son to continue her business. Mahirap ang naging desisyon niya, pero determinado na talaga si Dane dahil pagod na siyang magtago. She has been hiding for seven years—lumaki na si Damien, nagtatago pa rin siya. Now, it's time to continue living like a normal person does. But… before they got here, she made a promise to herself that no matter what happens, she won't allow Greg Estrada to see or take Damien away from her. She will protect Damien no matter what it takes.

Sa lalim nang iniisip ni Dane, hindi na niya namalayan na nakarating na siya sa kaniyang destinasyon. Pinakatitigan muna ni Dane ang kaniyang sarili sa rear-view mirror bago bumaling sa labas. Sinigurado niya munang walang kahina-hinala bago siya tuluyang lumabas at halos nilakad-takbo niya ang shop niyang ilang hakbang lang ang layo sa pinag-parking-an ng kotse niya. Once she got inside, sinalubong agad siya nang tili ni Asheng.

"You're back, Ma'am Dane!"

Napayuko na lang si Dane dahil sa hiya. Paano ba naman kasi—halos dumako ang mga mata ng mga kustomer dahil sa inakto ni Asheng.

"Hindi ako makapaniwala, Ma'am Dane. Bumalik ka na talaga."

"Nakakahiya ka, Asheng. Bakit ka naman tumili riyan?" pasimple niya pang tanong kapagkuwan ay naglakad na patungo sa counter kung nasaan si Lean na katulad din ni Asheng, gulat na gulat.

"Pasensya na, Ma'am Dane. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat, e after a few years, bumalik ka na?" tugon ni Asheng sa kaniya.

"Ma'am Dane, hindi ka man lang nag-abiso na babalik ka na, e 'di sana nakapaghanda kami rito. Kaunting salo-salo, kumbaga," anang Lean.

Dane smiled. "No need, Lean. Sinadya ko talagang hindi sabihin para isorpresa na rin kayo. So, how's the shop?" At umupo siya sa isang bakanteng stool at ipinatong sa counter ang dala niyang bag.

Samantalang si Asheng naman ay sandaling nagpaalam dahil may isang kustomer na nagpapatulong maghanap ng bulaklak kaya sina Dane at Lean na lang ang naiwan sa counter.

"Maayos naman po ang takbo ng shop, Ma'am Dane. Sinusunod po namin iyong mga utos niyo. Actually, napa-renovate na rin po namin ito."

Tumango si Dane. "I see. Nagulat nga ako habang naglalakad ako papasok dahil naging maganda ang outcome nang pagre-renovate ng shop na ito. Mas lalo pang lumaki, ha. Ang aliwalas na tuloy tingnan. Kahit sa tawag lang tayo nagkakausap, nagagawa niyo pa rin nang maayos ang mga ipinapagawa ko. Good job, Lean," nakangiting bulalas niya at nang makitang pabalik na si Asheng, nginitian niya ito nang malapad, "good job din sa iyo, Asheng. Job well-done, guys."

"Naku, basta ikaw, Ma'am Dane, walang problema," naiiling na wika ni Asheng.

"I told you, huwag niyo na ako tawaging Ma'am Dane. Ate Dane is fine, okay?"

Sabay na tumango ang dalawa bilang pagsang-ayon sa kaniya. Ipinalibot ni Dane ang mga mata niya sa kaniyang shop. Napakaganda talaga. Mas naging colorful ang kabuuan nito. Ang ganda rin ng ambiance. Malaki na rin ito ngayon kaya marami ng tao ang puwedeng magkasya, unlike before na maliit lang na halos bilang lang sa daliri ang puwedeng makapasok dahil sa espasyo. Dane can't help herself, but feel emotional. Naiiyak siya pero pinigilan niya lang iyon.

Habang abala si Dane sa pagmasid sa kapaligiran, may bigla siyang naalala. Agad niyang binalingan ang dalawa niyang tauhan.

"May tanong lang ako. Pumupunta ba rito si Greg Estrada? Hinahanap niya ba ako? Gaano siya kadalas pumunta rito?" sunod-sunod na tanong ni Dane sa dalawa.

Nagkatitigan ang dalawa, tila yata ay ayaw sagutin ang mga katanungan niya. Hanggang sa isang matandang babae ang pumasok sa shop, dali-daling tumakbo si Asheng palapit dito at tinanong ito kung ano ang hanap nito.

Napailing na lang si Dane sa inakto nito kaya bumaling siya kay Lean na wala nang choice kundi ang sagutin siya.

"Answer me, Lean," malumanay niyang sambit.

"Opo, opo, at halos araw-araw."

"H-Huh?" Napakunot-noo si Dane.

"Opo, pumupunta si Greg Estrada rito. Opo, hinahanap ka niya. At opo, halos araw-araw. Pero… pero two years ago pa po iyon, Ate Dane. Limang taon po siyang pabalik-balik dito. Palagi niya po kayong hinahanap sa amin kahit sinabi namin na hindi namin alam kung nasaan kayo na iyon naman po ang totoo, 'di ba? Araw-araw po siyang pumupunta rito. Naaawa na nga po kami, e. Pero buti na lang, tumigil na siya. Dalawang taon na po siyang hindi pumupunta rito. Mabuti na rin iyon, nakakaawa na rin kasi siya. Nga pala, may malaking kasalanan si Asheng sa iyo."

"Anong kasalanan?" naiiling niyang tanong.

"Nang araw na umalis po kayo, pumunta rito si Greg Estrada, e natiyempuhan na si Asheng ang nandito sa loob. Ayon, kaunting kibot lang ni Greg Estrada, ibinigay niya ang number mo."

Imbes na mainis, natawa na lang si Dane. "It's fine, Lean. I broke my sim way back dahil malakas na talaga ang kutob ko na mangyayari iyon. Buti na lang alam ko ang number mo kaya natawagan kita noon."

"Mabuti na lang talaga, Ate Dane. Dahil kung hindi, baka napuntahan ka na ni Greg Estrada."

Tumango si Dane bago bumaba sa inuupuan niyang stool. "Aalis na ako, Lean. Babalik ako bukas, ako na ulit ang magma-manage nitong shop. Nga pala, puwede bang ikuha mo ako ng isang bouquet ng pink roses? Plano kong dumaan kay Tita Daisy dahil gusto kong magpasalamat for helping you manage this stop. At ikuha mo na rin ako ng carnation, isang bouquet. Dadaan din ako kina mommy at daddy."

"Sige po, Ate Dane, masusunod po." At nagpatiuna na si Lean upang kuhanin ang inutos niya rito.

Sa pagani-ganito ng mga tauhan niya, they deserve a salary increase.

Pumasok muna si Dane sa office niya upang sandaling magbanyo at nang matapos at nang handa na ang mga ipinakuha niya kay Lean, lumisan na siya ng kaniyang shop.

Dumaan muna siya sa Tita Daisy niya. Ibinigay niya rito ang isang bouquet ng pink roses dahil paboritong-paborito nito iyon. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila kaya nakaalis din agad si Dane. And now, patungo siya sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang niya.

Once she arrived at the cemetery, bumaba na siya sa kaniyang sasakyan habang hawak-hawak ng isang bouquet ng carnation na paborito ng mommy niya. Hindi pa man tuluyang nakakalapit si Dane nang bigla siyang matigilan dahil may nakita siyang isang lalaki na nakatayo sa harap ng mga puntod ng kaniyang mommy at daddy. He is standing there and it feels like he's talking. Nakatago ang mga kamay nito sa bulsa ng suot nitong jacket.

Mas lalong napakunot-noo si Dane nang makitang may carnation sa ibabaw ng puntod ng mga magulang niya. Sino ang lalaking ito? Anong ginagawa nito? Kilala ba nito ang mommy at daddy niya. Kailangan niyang malaman kung sino ito.

Pero kung kailan lalapitan na niya ang lalaki, bigla naman ito naglakad palayo. Dane tried to chase the man, but he was too fast. Sumakay ito sa isang kotse at minaneho iyon palayo.

"Sino ka? Kilala mo ba ang mommy at daddy ko? Anong kinalaman mo sa kanilang dalawa?" sunod-sunod niyang tanong sa sarili habang hinahabol pa rin ng paningin niya ang kotseng kinalalagyan nito.

Nang tuluyan na itong mawala, napailing na siya. Lumapit na siya sa puntod ng mga magulang niya at ipinatong doon ang hawak niyang carnation. Sigurado siya na sa lalaking iyon galing ang isa pang carnation. Fresh pa ito at mukhang bagong pitas. Subalit bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong kapareho lang iyon ng dala niya. So, there is a possibility na binili ng lalaking iyon ang bulaklak sa shop niya.

She needs to find out who that mysterious man is and what he is doing in her parents' tombs. For the meantime, umupo muna siya harap ng mga ito upang kausapin sila. After seven years, ngayon lang niya ulit nabisita ang mga ito.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status