Share

CHAPTER 5

"WELCOME BACK, SIR. Lander…" masayang bati ni Joselito, ang family driver nina Lander nang salubingin nito ang binata sa gate.

Agad na sumimangot si Lander nang hindi niya nakita ang kaniyang pamilya. "Where's mom and dad, Manong Joselito?"

"Ay, naku, busy po silang dalawa, Sir. Lander. Sina Ma'am Laine at Ma'am Trisha naman po, abala sa eskuwelahan kaya hindi rin po nakasama."

He knew it. Hindi na nagulat si Lander ng mga sandaling iyon. He's sad. Ngayon na nga lang siya bumalik sa Pilipinas after eight years, tapos ganito pa ang mangyayari. Hindi man lang siya nagawang salubungin ng pamilya niya.

Imbes na ipakita sa matanda na malungkot siya, malapad siyang ngumiti at inaya na itong umalis na dahil banas na banas na siya. Gusto nang umuwi ng binata upang magpahinga dahil napakahaba ng byinahe niya mula Alaska hanggang dito sa Pilipinas.

Si Manong Joselito na ang nagbuhat ng mga gamit ng binata patungo sa kotse sa labas. Pumasok na si Lander sa backseat habang ang matanda ay abala sa paglalagay ng mga gamit niyang dala sa likuran. After a few minutes, pumasok na rin si Manong Joselito at pinaandar na nito ang sasakyan patungo sa bahay nila.

"Ano na ang mga nangyari sa bahay, Manong Joselito? I've gone for eight years, for sure may mga bagay akong na-miss."

"Ayaw ko man po sanang sabihin ito ngunit hindi ko mapigilan. Sina Sir. Lando at Ma'am Daina, muntikan nang maghiwalay. May hindi sila pagkakaunawaan sa kumpanya. Pero maayos na naman po sila ngayon, Sir. Lander. Sina Ma'am Laine at Ma'am Trisha, ayon, nag-aaral pa rin. Si Ma'am Laine, ga-graduate na sa susunod na buwan sa kursong edukasyon."

"Matatanda na sila, kaya na nila ang buhay nila. I don't care kung maghiwalay sila. Hindi naman sila naging mabuting magulang sa akin…" may pagkainis na lintaya ni Lander bago dinukot ang cellphone sa kaniyang bulsa. "Ni hindi nila ako nagawang tawagan man lang. Ni hindi nila ako nagawang kumustahin. Ganoon ba ang magulang, Manong Joselito?"

"Sir…"

"Nevermind. Just keep driving," naiiling na anas ni Lander bago nag-scroll sa social media upang libangin ang sarili dahil alam niyang ilang oras ang magiging byahe nila.

While scrolling, isang poster ng movie ang nakita niya. At bigla siyang natigilan nang mapagtanto kung sino ang leading man doon. The movie is currently showing right now in different malls.

"Manong Joselito, puwede bang dumaan muna tayo sa MOA? May titingnan lang ako."

Nakita ni Lander na tumango ang matanda mula sa rear-view mirror kaya ibinalik niya ang atensyon sa poster na kanina niya pang tinitingnan. Bigla siyang nagka-interes na panoorin ang movie na iyon. Pero may parte sa puso niya na pinipigilan siyang panoorin. But it didn't stop him. He wants to watch the movie.

Mayamaya pa ay namalayan na lang ni Lander na nasa loob na siya ng MOA habang tinutungo ang cinema kung saan niya papanoorin ang movie. Subalit nang makarating siya, galit agad ang namuo sa kaibuturan niya habang pinagmamasdan ang poster na nasa harapan niya. Lander clenched his fist habang matalim na nakatingin sa leading man ng movie.

"Damn you! Akala mo hindi ko makakalimutan iyong ginawa mo sa akin noon? You abandoned me like I was just a stray dog. Kaibigan pa ba ang turing mo sa akin, Greg Estrada?!" galit na galit niyang saad habang unti-unting namamasa ang mga mata niya.

Greg Estrada was his ex-friend. Naging magkaibigan sila matapos siya nitong iligtas nang pagtangkaan niya ang buhay niya ilang taon na ang nakalipas. Lahat ng lihim ni Greg, alam ni Lander. Pareho nilang pinagkakatiwalaan ang isa't-isa ngunit nang makamit na ni Greg ang inaasam-asam nitong popularity, bigla siya nitong inabanduna na para bang wala silang pinagsamahang dalawa. Masakit para kay Lander iyon ngunit tinanggap na rin niya ang katotohanan na pinutol na ni Greg ang ugnayan nila sa isa't-isa. Greg cut their friendship. So, Lander promised himself na kahit anong mangyari, hindi niya bibigyan ng ikalawang pagkakataon ito. He left in the country with that promise and until now, pinanghahawakan pa rin ng binata ang pangako niyang iyon. At ngayon, isang ideya ang nabuo sa utak niya. He wants revenge.

"Damn you, Greg! You hurt me, and you will pay!" madiing sabi ni Lander bago napagdesisyunang bumalik kay Manong Joselito.

Ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa puwesto niya nang bigla siyang may mabanggang babae. Nahulog ang mga dalang paper bag nito at mabilis na naalarma ang binata. Nasalo niya ang babae.

"Oh, God. I'm sorry, miss. Hindi ko sinasadya. It's my fault. H-Hindi ako nakatingin sa daan…" paumahin ni Lander at binitiwan na ang babae saka kinuha ang limang paper bag sa lapag saka inabot iyon dito na agad naman nitong kinuha. "I'm really sorry, miss."

"Thank you. Ayos lang. Sorry rin. Kasalan ko rin naman dahil nagmamadali ako. Sige na, kailangan ko nang umalis."

"May I know your na—"

Hindi pa man natatapos si Lander nang biglang lumisan ang babae. Napailing na lang siya. Sinundan niya ng tingin ang bulto nitong papalayo at nang mawala, nagpatuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa makabalik siya kay Manong Joselito.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Greg Estrada?" mayamaya pa'y tanong ni Lander habang abala ang matanda sa pagmamaneho ng sasakyan.

"Hindi po, Sir. Lander. Pero sa pagkakaalam ko, lumipat na siya ng bahay. May balak po ba kayong puntahan? Siguro huwag na lang, Sir. Lander."

Alam ng matanda ang isyu nilang magkaibigan kaya hindi na nagtaka si Lander kung bakit siya pinipigilan ni Manong Joselito.

Imbes na umimik pa, nanahimik na lang si Lander habang nakatanaw sa labas. Hindi mawala sa utak niya si Greg. Naalala niya iyong mga panahong magkasama pa sila. Masaya silang dalawa. Halos hindi na nga sila naghihiwalay noon. Palagi silang magkasama sa bar. Natandaan pa ni Lander na sinusuportahan niya ito habang gumigiling ito sa entablado. That's his secret. Greg used to work as a stripper before he got fame because of his scandal. At para hindi masira ang reputasyon, tinago ni Greg iyon at pinakiusapan din siya na huwag babanggitin ang tungkol doon. Pero kahit hindi na sila magkaibigang dalawa, ni hindi naisip ni Lander na ipaglandakan ang naging trabaho nito. Mapagkakatiwalaan siyang tao subalit sinira ni Greg ang maganda niyang pakikitungo rito. Sumikat lang, inabanduna na siya.

Sa sobrang lalim nang iniisip, hindi na namalayan ni Lander na nakarating na rin sila sa bahay nila. Bumaba siya mula sa sasakyan at sinalubong agad siya ng mga kasambahay nila.

"Handa na po ang pagkain, Sir. Lander…" bungad ni Manang Cleope sa kaniya.

"Wala akong gana, Manang Cleope. Magpapahinga muna ako sa kuwarto ko."

Hindi na hinintay ni Lander na magsalita ito sapagkat naglakad na siya patungo sa kuwarto niya sa ikalawang palapag. Pumasok siya sa loob at ibinagsak ang sarili sa kama at hinayaan iyong lamunin ng kadiliman.

"BUMALIK KA NA pala, Lander? Oh, God, I didn't know."

Natatawang lumapit si Lander sa pinsan niyang si Mark at niyakap ito. "Oo, kakauwi ko lang nitong nakaraan. Mark, I need your help."

"Sure, ano bang kailangan mo? Tell me, Lander. Eight years kang nawala at kahit anong hingiin mo, gagawin ko. Pero after this, inom tayo, ha?"

Nakangiting tumango si Lander bago sinagot ang pinsan. "Sure, Mark. It's about Greg."

Napakunot-noo agad si Mark matapos sabihin iyon ni Lander. Inaya muna siya nitong umupo sa upuan na agad namang ginawa ni Lander. Magkaharap silang dalawa ngayon.

"Tungkol kay Greg Estrada? Uhm… well, wala na akong balita sa gunggong na iyon. By the way, I helped him seven years ago."

"Saan?"

Natatawang umiling si Mark bago sinagot ang pinsan. "May babae kasi siyang nakasiping, e, gusto niyang malaman kung sino. He was drunk that night kaya hindi niya alam kung sino iyong babae. You might be wondering why… well, pinaniniwalaan niya kasi na may nabuo silang dalawa ng babae nang gabing iyon. At sa pagkakaalam ko, gusto na ni Greg iyong babae. He's like… I don't know the right term, but he's obsessed with her. But wait, here's more. Iyong babae, inalam din niya kung sino iyong nakasiping niya. Nakausap ko iyong babae, Lander. And she was shocked when she found out that it was your ex-friend. Umalis siya. At pakiramdam ko, nagpakalayo-layo na iyon dahil baka nga tama si Greg, baka nga may nabuo nang gabing iyon. At hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung nahanap na ba ni Greg iyong babae, pero sigurado ako na lumayo na iyong babae."

"What?" gulat at hindi makapaniwalang bulalas ni Lander matapos marinig ang mga iyon kay Mark. "Sino ba iyong babae? Can I see her?"

Tumango si Mark at sandaling nagpaalam sa kaniya. Sa dami ng sinabi ng pinsan, sa babae lang siya nagka-interes. Sino ba iyong babae at bakit hinahabol-habol ni Greg? He knows Greg. Kapag gusto nitong makuha ang isang bagay, gagawin nito ang lahat. Wala sa vocabulary nito ang salitang 'suko'.

Makalipas ang halos isang minuto, bumalik si Mark dala ang isang larawan. Kaagad iyong kinuha ni Lander nang abutin nito iyon sa kaniya at halos malaglag ang mga mata niya nang makilala kung sino ang babae. He doesn't know her name, but he does know her face. Hindi siya puwedeng magkamali dahil ang babaeng iyon ay… ay… ay iyong babaeng nakabanggaan niya sa mall ilang araw na ang nakalipas.

"Ano, inom na tayo? Wait for me here. Kukuha lang ako ng alak sa ibaba."

Tumango lang si Lander bilang tugon sa pinsan kaya lumabas na ito ng kuwarto kaya naiwang mag-isa ang binata. Makalipas ang ilang segundo, isang ngisi ang namutawi sa mukha niya.

It's time, Greg Estrada, anang utak niya habang nakatingin pa rin sa larawan ng babae.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status