Share

Chapter 3

Malapit na Sana niyang marating ang kawalhatian ng biglang bumukas ang pinto ng banyong iyon. 

Mga hayop..!! " mga hayop kayop kayo..!!! Nagngangalit na sigaw ni Dan sa kanilang Dalawa. 

"Dan... " Para siyang lasing na biglang nanumbalik sa katinuan at mabilis na dinampot ang tuwalya upang dali daling itakip sa kanyang hubad na katawan. Ngunit bago pa man niya magawa iyon ay hindi mabilang na kamao na ang pinakawalan ni Dan na tila nais na nito itong bawian ng buhay.

"Dan..!! tama na..." Palahaw na sigaw pa niya na parang biglang nadurog ang kanyang puso ng makita niyang halos mawasak sa suntok ang mukha ni Juils at kusang kumalat sa sahig ng banyo ang mapupulang dugo nito... "Wag mo siyang patayin Dan..." Parang awa muna,." Buong lakas pa niyang hinila ang mga braso ni Dan habang sinesentensiyahan nito ang buhay ni Juils sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg nito.

Ngunit tila disidido si Dan na kitilin ang buhay nito.

"Umalis kana Juils... " para munang awa..'" Paluhod pang sigaw niya habang nagmistulang sirang gripo ang kanyang mga mata na walang tigil ang pagdaloy ng mga luha nito. Bakit ba niya hinayaang mangyari ang bagay na iyon,. At paanu niya nakayanang saktan ang damdamin ni Dan. 

Ako nalang ang patayin mo..sambit pa niya kaya walang anu anung nabaling sa kanya ang matatalim na mata ni Dan na noon lamang niya nakita habang naghihingalo naman sa sahig ang lalaking si Juils. 

"Pagkatapos ng lahat.." ito ba ang isusukli mo sakin...!!! " 

Panunumbat ni Dan sa kanya, kasabay ang Isang malakas na sampal ang mabilis nagpainit sa kanyang pisngi,.

Walang kang pinag iba sa isang maruming babae..!" Nakakadiri ka...!!!"

"I'm sorry Dan... Patawarin mo ako..!! " payakap pa niyang wika dito, subalit buong lakas lamang siya nitong itinulak saka isinandal sa pader ng banyong iyon at mariing piniga nito ang kanyang lalamunan.

I will kill you,.. At walang natirang awa sa mga mata nito para sa kanya, kung noon ay parang maamong tupa ang mga mata nito na laging nagsusumamo sa kanya ngayon ay daig pa nito ang isang tigre O Leon na na handang pirapirasuhin siya. 

"Dannnn ...." Mahina at paos na boses pa niya ng tila malapit na siyang malagutan ng hininga, Saka pa lamang nito binitawan ang leeg niya na tuluyang ikinabagsak niya sa sahig dala ng matinding panghihina dahil sa ilang sandaling nawalan siya ng oxygen sa katawan.. Ilang malalim na pagsingot ng hangin pa ang ginawa niya bago nanumbalik ang kanyang lakas,. Saka pa niya muling natapunan ng tingin ang kinaroroonan ni Juils. Wala na ito doon at tanging ang naaninagan nalamang niya ay Ang anyo ng kanyang asawang si Dan na tulirong nakahawak sa kanyang ulo.

At simula noon ay hindi na siya nakatanggap pa ng kahit anung special na pagtatrato mula sa lalaki, tanging kilala lamang siya nito bilang isang asawa sa tuwing magpaparaos ito pagkatapos ay basura na ang tingin nito sa kanya kahit pa nalaman nito na nagdadalang tao siya. Ang buong akala niya ay manunumbalik ang pagmamahal nito sa kanya dahil sa magkakaanak na silang dalawa ngunit kabaliktaran lamang ang naging reaction nito ng malamang buntis siya,.Dahil masnaging violente ito sa kanya at Mas naging maladas din ang pagbuhatan siya nito ng kamay sa tuwing makikita siya nito. At higit pa doon ang masmasakit ay ang mga salitang binibitawan nito na hindi nito kilalaning anak ang ipinagbubuntis niya at sa halip ay paulit ulit nitong ipinagsisigawan ang kanyang pagkakamaling paulit ulit din niyang ihiningi ng tawad sa lalaki. 

"Ma'am Hanna, E Sigurado ho ba kayo na kayo nalang ang aakyat sa opisina ni Sir Dan,.? Agad na Saad ni Mang Victor sakanya. 

"Talaga bang kaya na ninyo itong bitbitin..?"

Dugtong pa nito sa kanya. 

"Ou naman Mang Victor, parang ito lang ilang lunch box lamang ito naman ito. "Wag kanang masyadong magalala kayang kaya ko ito.." Pagyayabang na sagot niya sa matandang driver na kaagad niyang tinungo ang elevator patungo sa ikapitong palapag ng building na iyon, kahit tila parang nanglalambot pa ang kanyang mga tuhod. 

"Hi Ma'am Hanna, Good morning.. Mabilis na pagbati ng isang security guard sa bukana palabas ng elevator na kaagad din naman niya iyong tinugunan ng isang tipid na ngiti. Medyo kinakabahan kasi siya ng sandaling iyon dahil hindi niya alam kung matutuwa ba si Dan sa pagpunta niya doon ng hindi nito alam. Sabagay anu bang masama sa ginawa niya asawa niya ito at ginawa lamang niya ang satingin niyang pwedeng ikasaya nito. Subalit hindi din niya nakakalimutan na pwede ding ikagalit nito iyon. Kaya Huminga muna siya ng malalim at saka pinasadahan ng tingin ang kanyang kasuotan,Isang pink dress na medyo may kalaparan ang isinuot niya upang maginhawa at kumportable sa kanyang tiyan na talagang hindi na mapigilan sa paglaki. Ilang beses pa niyang sinuklay ng kanyang kamay ang kanyang makapal at maykahabaang buhok bago tuluyang sunod sunod na kinatok ang pinto ng opisinang iyon.

Ngunit nagtaka na lamang siya ng ilang segondo na ang lumipas ngunit wala paring Dan O secretarya man lamang na nagbubukas ng pintong iyon. dahilan upang pinalipas muna niya ang ilang minuto at saka muling kinatok ang pinto noon. 

"Excuse me Ma'am,. Ma'am Hanna..? Ikaw po pala iyan.." Wika ng isa sa mga impleyadang papalapit sa kanya, na bahagyang napatingin sa kanyang bumibilog na natiyan. Anlaki na po ng tiyan ninyo ah."

Hindi pa po pumapasok si Sir simula kahapon,. Siya po ba ang sadya nyo..? " Nagtatakang turan pa nito na maging siya ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig na kahapon pang wala ang kanyang asawa doon.

"Ah sa Condo unit kasi namin siya tumuloy kagabi dahil sa sobrang busy kaya inisip ko na baka pumasok siya ngayon kaya dadalhan ko sana siya ng meryenda,."

Pagtatakip niya sa katutuhanan na hindi talaga niya alam kung nasaan ang kanyang asawang si Dan. 

Ah ganun po ba napaka sweet nyo naman pala kay Sir.." Ngakangiting sambit pa nito sa kanya. 

"Ah sige sa Condo ko nalang siya pupuntahan.." Pagpuputol niyang usap sa babae na Kanyang kausap na sa tingin niya ay naniwala naman ito sa kanyang mga tinuran. 

Pero ang tutuo ay tila muling nakaramdam siya ng matinding kahihiyan sa kanyang sarili dahil sa sobrang pagbabaliwala nito sa kanya bilang isang asawa. 

"Ma'am baka sobrang busy po ni Sir kaya wala siya sa kanyang opisina,.."  

Paguumpisang saad ni Mang Victor sakanya ng magumpisang bagtasin na nila ang entrada ng building na pag_aari ng kanyang asawang si Dan. 

"Gusto nyo po bang dumaan muna tayo sa Condo unit ninyo, ma'am. Marahil baka naroroon si Sir Dan.. " Dagdag pa nito sa kanya,. 

"Hindi na po Mang Victor, tumuloy na po tayo sa bahay.. " kaagad na sagot niya sa driver na si Mang Victor na alam niyang kabisadong kabisado din nito ang pag uugali ng kanyang asawa dahil sa tagal na nitong naninilbihan sa lalaki. 

"Okey ka lang po ba Ma'am.." Muling usisa pa nito na alam niyang bahagya siyang sinusulyapan mula sa salamin ng sasakyan. 

Habang tumango nalamang siya at pilit na ngumiti kahit na tila unti unting dinudurog ni Dan ang kanyang puso at hindi niya alam kung hanggang kelan niya makakayanan at matitiis ang ganoong paguugaling ipinakikita nito sa kanya. 

Ilang sandali pay nagmistulang tambol ang pagkabog ng kanyang dibdib nang matanaw niya ang isa sa mga paburitong sasakyan ni Dan na nakaparada sa harapan ng kanilang bahay. 

"Teka Ma'am.." Piit ni Mang Victor sa kanya ng magmadali siyang bumaba mula sasakyang iyon, dahil sa sobrang takot niya na baka magalit nanaman ang kanyang asawang si Dan sa kanya. 

 Halos nagmistula siyang isang paro_parong nais niyang liparin ng walang nalilikhang anu Mang ingay upang Hindi malaman ni Dan ang kanyang pagdating. 

 Taranta niyang hinubad ang kanyang suot na plot shoes at kaagad na iniwan iyon sa ibaba ng hagdanan saka mabilis na tinahak ang hagdan patungo sa kanilang silid. At Walang anu anung binuksan niya ang pintong iyon, Na naging dahilan ng pagtigil ng kanyang mundo. Isang napakakisig na likod ng lalaki na animoy si Adan na walang kahit na anumang kasuotan ang mabilis na tumambad sa kanya,. Tinakpan pa niya ng kanyang palad ang kanyang bibig upang wala ni katiting na boses ang lumabas doon. 

 May pagkakulot ang buhok ng lalaki at mala Richard Gomez na balingkinitang kayumanggi nitong balat ang nakapaibabaw sa isang babaeng nooy nakadapa sa kanilang kama at Hindi siya maaring magkamali Si Dan iyon. 

Isa isang nag_unahan ang mga luha sa kanyang mga mata sa tindi nang sa-kit na kanyang nararamdaman ng sandaling iyon, hindi niya inaasahan na magagawa din iyon ni Dan sa kanya ang pagtaksilan din siya nito. 

Marahan siyang umatras upang makalabas ng silid na iyon ng hindi nalalaman ng mga ito na nakita niya ang ginagawang kababuyan ng mga ito sakanya. Malinaw na sakanya ang lahat ngayon na kaya nagagawa ni Dan ang lahat nang iyon ay dahil may iba na itong Mahal,. At marahil kaya mi Dan dinala ang babae niya doon ay upang ipamukha talaga sa kanya ang katutuhanan na wala na itong natitirang pagmamahal sa kanya. 

Piit pa niyang muling tinakpan ng mahigpit ang kanyang bibig upang hindi siya mapansin ng mga ito.. At Nang magtagumpay siyang makalabas ng silid na iyon ay dali dali niyang tinakbo ang hagdan. Gustong gusto niyang sumigaw at maglaho sa bahay na iyon at ang tanging paraan lamang ay ang umalis siya Doon at iyon ang idinidikta ng kanyang isip at pusong nagdurugo dahil habang umaasa siyang manunumbalik ang dating pagmamahal ni Dan sakanya ay tila malabo pa sa nagngingitngit na lalangitang mangyari iyon. At wala na siyang pakialam ngayon kung saan man siya makarating dahil ang alam lamang niya ay nais niyang makalayo sa lugar na iyon. 

Halos magdadalawang oras na siyang naglalakad sa gitna ng sikat ng araw at tila hindi niya alam ang lugar na kanyang narating matapos siyang sumakay sa isang pampasaherong Bus kanina mula sa kanilang bayan.. Saglit pa niyang tinanaw ang pwesto ng araw na sa tingin niya ay nasa alas tress na ito ng hapon kaya hindi nakapagtatakang nakararamdam na siya ng matinding gutom at pagkauhaw, Saglit pa siyang naupo sa isang bangketa upang pansamantalang magpahinga dahil tila umiikot na ang kanyang mga mata dala ng matinding pagod at pagkagutom. 

"Patawarin mo ako anak.' Kung baby ka palang ay ito na ang buhay na naipaparamdam ko sa iyo kasalanan ko ito.." Pahagolhol na wika niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan na nooy bahagya itong naninigas dala ng kanyang mahabang paglalakad. 

Nang ilang saglit pay matanaw niya ang nagtitinda ng buko juice sa kabilang kalsada ngunit wala siyang kahit anung salapi para ipangbayad doon, tanging ang ipinamasahe lamang kasi niya sa bus ang kanyang pera at wala din siyang kahit anu pang dala maliban lamang sa kanyang kasuotan.  

Bahala na Saad niyang napatayo sa kanyang kinauupuan at walang anu anung tinawid ang kahabaan ng malawak na kalsadang iyon.. 

Ngunit nakakatatlong hakbang palamang siya ay Isang mahabang busina na ang kanyang narinig bago pa niya naramdaman ang may kung anung matigas na bakal ang bumangga sa kanyang katawan kasabay ng kanyang pagbagsak. 

"Ay...!!" Naku kawawa yun babae..!!!" Huling tinig na kanyang narinig bago pa siya mawalan ng malay. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status