[MBI-ONE]
LYKA'S POVNapabuntong-hininga ako habang nakaharap sa kisame."Ano kaya magiging itsura ng lalaking pakakasalan ko kung saka-sakali?" nasabi ko sa sarili ko.Nanatili akong nakatitig lamang sa kisame nang biglang may bumuhos ng tubig sa akin."Ah!" tili ko."Para magising ka! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyong gumising ka ng maaga dahil papasok pa sa school ang mga anak ko!"Ugh! Naririndi na talaga ako sa paulit-ulit na litanya ng aking mabait na stepmother. Bumangon na ako at nagbihis kasi sobrang basa ng damit ko. Buti na lang at isang basong tubig lang ang ibinuhos sa akin dahil kung nagkataong isang balde ng tubig ang ibunuhos niya, dadami na naman ang mga labada ko. Napailing na lang ako. Kailan pa kaya siya magbabago. Matapos kong magbihis, iniligpit ko muna ang hinigaan kong banig.Inis kong inirolyo ang banig na hinagaan ko. Hindi ako isang mayaman at hindi ako anak ng isang maimpluwensyang tao. Simpleng buhay lang mayroon ako. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw kung susunod ako sa lahat ng utos ng madrasta ko. Ang saklap nga naman ng buhay na mayroon ako."Lyka! Bakit ba ang kupad-kupad mong kumilos!" sigaw ni Tiyang sa 'kin.Napakamot na lang ako sa aking ulo. Araw-araw na lang ganito. Minsan nga'y napapadasal na lamang ako na sana naman magbago ang buhay ko.Kung sana'y hindi lang namatay ang Mama ko sa panganganak sa akin, 'di sanay maayos ang buhay ko ngayon. Maayos naman sana pero biglang naging meserable na ang buhay ko simula nang mag-asawang muli ang Papa ko, at iyon nga ang madrasta ko, si Tiyang Meriam. Pero mas lalo pang naging meserable ang buhay ko noong mamatay si Papa. Kinse anyos lang ako noon no'ng sumakabilang siya dahil sa sakit sa puso at heto nga't naiwan ako kay Tiyang Meriam. Mabait naman ang Tiyang Meriam sa akin noon no'ng nabubuhay pa ang Papa ko pero siguro tama nga siguro ang kasabihang nasa loob ang kulo ng mga taong mapagpanggap.***Gustuhin ko mang bumukod pero hindi ko magawa dahil nga sa may utang na loob ako kay Tiyang Meriam dahil sa pinagtapos niya ako ng pag-aaral sa kursong Hotel and Restaurant Management. Sa edad na bente ay gusto ko nang matutong magsarili at umalis sa poder ng madrasta ko pero sa tuwing ipinamumukha niya sa akin ang lahat ng nagastos niya'y bigla akong napapaurong. "Lyka ano ba! Nasaan na 'yong niluluto mong ulam!"Napatakbo ako agad sa kusina."Punyemas na pusa naman oh! Patay ako nito!" bulong ko sa sarili. Nawawala kasi iyong ulam na niluto ko."Lyka!" sigaw nitong muli."Po!" sigaw ko rin pabalik.Nasa kabilang kuwarto kasi siya. Napakamot ako sa aking ulo. Ano kayang puwede kong ipampalit sa ulam na ninakaw ng pusa? Habang naghahanda ako, isa-isa naman silang umupo. Ang stepmother ko at ang dalawa kong stepbrother. Pumatol ang ama ko sa may sabit at kahit tumutol man ako noon ay wala pa rin akong nagawa."Bakit ito 'yong ulam natin!" galit na sigaw sa akin ni Tiyang Meriam."Wala na pong ibang ulam sa fridge," sagot ko.Tumalikod na ako at nagpipigil na tumawa. Tuyo kasi ang na isipan kong ihain sa kanila.Pumasok na ako ng kuwarto, naligo at nagbihis. Kailangang sa araw na ito ay makahanap na ako ng trabaho. Gusto ko na talaga kasing umalis dito sa poder ng madrasta ko at buong-buo na talaga ang desisyon kong bumukod. Kasi kung 'di ako aalis, mananatili na lang akong TAG. . . Tagaluto, tagalaba, tagalinis at lahat ng TAG sa bahay."Lyka! Saan ka na naman pupunta ha!" salubong sa 'kin ni Tiyang Meriam."Sa labas po."Pagkasagot kong iyon ay agad akong lumabas ng bahay."Hoy Lyka! Saan ka pupuntang babae ka?" pahabol na sigaw ni Tiyang Meriam sa akin. Hindi talaga siya marunong mahiya sa mga kapitbahay. Tinakpan ko na lang 'yong dalawang tainga ko at naglakad na ng mabilis.Nang makalayo ako ay bigla namang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumukas naman bigla 'yong pinto ng sasakyan at may lumabas na. . . Ako? Sandali akong natulala. Nagtitigan kami ng mabuti at. . ."Ah! Kyla!""Ah! Lyka!"Pareho naming tili sa isa't isa. Nagyakapan kaming dalawa. Meet my twin, kidding! Si Kyla Willson ay pinsan ko, pamangkin siya ng Papa ko. We are both half-british. ***Kaya ganoon na lang ako natulala nang makita ko siya dahil hindi naman sa weird o kung ano pa man pero talagang mukhang ako siya dahil magkamukha kaming dalawa pati ang hubog ng katawan at magkasingtangkad din kami. Bakit pa nga ba ako magtataka? Our fathers are identical twins. Ang totoo, may kaya naman talaga sa buhay ang Papa ko, pero kasi simula nang mag-asawa ito at nang ma-in love kay Tiyang Meriam ay nabago ang lahat. Ang sabi pa ng ilan ay ginayuma daw ang Papa ko, sus!Hinila naman niya ako bigla papasok ng sasakyan."Bakit mukha kang haggard!? My god Lyka don't tell me inaabuso ka na naman nang witch na 'yon!" sermon niya sa akin.Natawa ako sa tawag niya sa madrasta ko."Alam mo namang matagal na 'yong gano'n 'di ba," sagot ko."Bakit kasi ayaw mo pang umalis sa poder niya! Hmp! Nakaka-bad vibes! Tara sa mall, treat kita ng mga pampaganda."Umiling ako."'Wag na."Inirapan niya lang ako."Kuya sa Mall po tayo," utos niya sa driver.Napailing na lang ako. Ganito ba talaga kapag mayaman ka? Kailangang maganda at presintable at puro shopping?ILANG oras lang ay nakarating na kami sa SM Ecoland at agad din naman na nag-shopping ang pinsan ko."Kyla ang dami na nito!" angal ko."Kulang pa 'yan."Napabuntong-hininga na lang ako habang sinasalo 'yong mga damit na pinipili niya. Actually, siya 'yong nagsusukat sa loob ng dressing room, makasingkatawan nga kami 'di ba? Napatingin ako sa damit na binili niya sa akin. Nakapagtataka talaga 'yong kilos niya. Hindi naman kasi siya ganito noong mga nakaraang araw. Once a week niya lang kasi ako dinadalaw dito sa Davao kasi sa Maynila naman sila nakatira at sa Maynila din siya nag-aaral ng Culinary. Pareho din kasi naming hilig ang pagluluto. Nakasimangot akong naupo sa sofa."Oh? Don't give me that kind of look Lyka!"Pinatirik niya pa ang kanyang mga mata."Umamin ka nga sa akin? May kailangan ka na namang ipagawa sa akin ano?" duda kong tanong.'Pag may gusto kasi siyang ipagawa sa akin o kaya nama'y hihilingin ay ganito siya ka hyper.Tumabi naman siya sa akin."Alam mo ikaw? Etchosera ka talaga! I just wanted to treat you para naman mawala ang stress mo sa witch na 'yon! Hmp!""Pero alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganito. Mahahabang heels at maiiksing damit. Alam mo namang one of the boys ako minsan manamit," paliwanag ko.Niyakap naman niya ako, na para bang naglalambing."Ito naman eh! Bakit kasi ayaw mo? Hmp! Kaya lang naman kita ipinamili ng mga 'yan kasi masaya ako."Nag-puppy eyes pa siya sa akin."At bakit ka naman masaya aber?" nakataas kilay kong tanong habang nakaekis ang dalawa kong braso.Ngumiti naman siya ng sobrang lapad."May boyfriend na ako!" tu-wang tuwa niyang sabi.Nanlaki naman mata ko dahil sa narinig."Hala ka! Alam ba yan ni Tito?" Nalungkot naman siya bigla.Sabi ko na nga ba. Hindi pa kasi siya puwede magkaroon ng boyfriend hangga't 'di pa siya tumutuntong sa tamang edad. Pareho kaming twenty one years old pero makaiba ng buwan ang pagitan. Mas nauuna kasi akong magdiwang ng kaarawan kaysa sa kanya."Please pinsan 'wag mo sanang sabihin kay Daddy. Alam mo namang sa 'yo 'yon nangungumusta pagdating sa mga kalokohan ko."Napakamot ako sa aking ulo. Kahit wala akong kuto napapakamot na lang talaga ako."Okay! Pero last na ito at 'wag na 'wag kang magkakamaling isuko si San-guko sa lalaking 'yan! Nako! Makakatikim talaga sa akin 'yan ng scrumbled egg!" litanya ko."Opo! Promise! The best pinsan ka talaga! Ever!"Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Kahit ayaw kong pagtakpan itong kalokohan niya ay wala akong pagpipilian. Mahal na mahal ko itong pinsan ko.***Matapos naming gumala sa mall ay napatingin ako sa relo ni Kyla."Patay Kyla, kailangan ko nang umuwi!" natataranta kong sabi."Ako ang bahala sa witch na 'yon! Subukan niya lang awayin ka sa harap ko at makakatikim 'yon sa akin ng sapak!"Malakas naman akong napatawa."Hayun! Tumawa din," ngiting-ngiti niyang sabi.Ang suwerte ko talaga sa kanya. Itinuring ko na kasi siyang parang bunsong kapatid.[MBI-EPILOGUE]LYKA'S POV"KYRAN!" sigaw ko. "What?" sagot niya na kalalabas lang ng banyo. Ang init! Natawa ako ng bahagya. Dinilaan ko lang siya. "Anong mas bagay?" Tukoy ko sa dalawang damit na hawak ko. "That red one. You'll look alluring and stunning with that." Napangiti naman ako. May party kasi mamaya. Oy nagtaka kayo? Balik reyna na ako ulit. Nasa mansion na ako ngayon at may party kasi mamaya para daw sa company. Hindi ko alam kung para saan 'yon. "Did you invite your professors?" Tumango ako. Tama! Nag-aaral na po ako ng Culinary, home schooling nga lang. Seloso kasi! "They're invited too." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Okay lang," walang gana kong sagot. Humanda ka sa akin mamaya. Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa whole body mirror. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Okay na ang lahat eh. Nang malaman ng mama ni Kyran ang totoo ay natuwa pa siya. Ang importante daw sa kanya ay makitang masaya ang anak niya. Syempre isang malaking bawas kaba na 'yon para
[MBI-FIFTY-ONE]LYKA'S POV GANITO pala ang pakiramdam na namimis mo ang isang tao. Ang hirap! Ilang araw na akong walang tulog at walang ganang kumain. Namimis ko na talaga siya. At heto na naman ang traydor kong mga luha, ayaw talaga papigil. Inabot ko 'yong bag ko at naalala ko bigla 'yong sobre na ibinigay sa akin ni Jeffrey. Marahan ko itong inalog kasi parang may laman sa loob. Agad kong binuksan ang sobre. "USB?" taka kong sambit. Agad akong bumangon at isinaksak 'yong USB sa DVD kasi wala naman akong laptop. Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa may narinig akong tugtog. ~Hey Honey this is for you~ Narinig kong sabi ni Kyran sa audio. Halata sa kanya na pagod at 'yong tugtog na background ng audio ay parang sinasaksak ang dibdib ko. Mas lalo akong napahagulhol. ~Honey I'm sorry if I leave you, I just only have an urgent problem and when I came here? You're the only one I am thinking and I ended up writing this. This letter is made up with different song titles.
[MBI-FIFTY]LYKA'S POV HALOS mabuwal ako sa pagkakatayo ko kanina. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong mahiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya. Nasaktan ko si Kyran at walang ibang puwedeng sisihin kundi ako lang. Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Sa sobrang sakit, parang ang sarap magpatiwakal. Ang hirap mamili pero wala rin naman akong takas. Mahal ko si Kyran at mahal ko rin ang pamilya ng pinsan ko. Ayaw kong mapahiya sila. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasalanang nagawa ko. Biglang nagrehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. "I won't give you that goddamn freedom!" Ganoon siya kagalit sa akin. Mas lalo akong napahagulhol. Mahal na mahal niya nga talaga ako. At ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa akin ng ganito katindi pero 'yon nga lang ay nasa maling paraan naman ang pag-eksena ko sa buhay niya. Dinampot ko agad ang cellphone ko nang ma
[MBI-FORTY-NINE]HAILEY'S POV "HAILEY!" tawag sa akin ni Landon. "Layuan mo ako! Buwesit!" sigaw ko. Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Nang umabot ako sa may gate ay nandiyan na naman ang bisita ni Kyla. Inihinto ko ang sasakyan ko. "Nandiyan ba ang anak-anakan kong magaling?" mataray na tanong nito sa akin. Inirapan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Para siyang pokpok and wait... "Ano ibig mong sabihin?" taka kong tanong. "Si Lyka! Iyong anak ko nandiyan ba?" Nagulantang ako sa narinig ko. Lumabas ako ng kotse ko. "Si Kyla ang nandiyan at hindi si Lyka," pagtatama ko. "Huh! Si Kyla ay nasa ibang bansa! Paano napunta dito si Kyla? Eh 'yong anak ko ang nandiyan at pinakasalan no'ng mayamang lalaki!" sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Impostor ang pinakasalan ni Kyran!?" gulat kong sambit. They're twins? What the heck!?"Chismosa!" mataray niyang sabi at tinalikuran na ako. Langya 'tong matandang 'to! "Isang daang libo! Kapalit ang im
[MBI-FORTY-EIGHT]KYRAN'S POV "I'll leave you for a while, Honey" Paalam ko kay Kyla. "Okay" She said and headed to our room. Nagtungo ako agad sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at napahilot sa sintido ko. There is really something wrong with Kyla. Simula nung gumala kami sa mall hanggang sa makauwi kami dito. She seems to be quite lately. And there is one more thing that really keeps bugging my head. Who the hell is Lyka!? And even if I tried to ask her that question, she keeps throwing me another topic. Damn! That name was really giving me an headache. Tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso. I sip a bit. "Master Kyran" Bungad sa akin ni Jeffrey. "Yeah?" Tugon ko. Alanganin siyang napatingin sa akin at biglang inilock yung pinto. Nagtataka naman akong naupo pabalik sa swivel chair. "We have a serious problem, Master Kyran" Napakunot ako ng noo. "What is it? You're acting weird, Jeffrey" Napapailing kung sabi. Nakapagtataka at hindi niya ako sinago
[MBI-FORTY-SEVEN]LANDON'S POV "LANDON!" Napatakip ako ng unan! Ang ingay! 'It's your fault, you handcuff her!' Buwesit na kunsensiya! Hinila-hila niya naman 'yong unan. "Landon!?" ngawa niya. Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit ba!? Puwede ba magpatulog ka naman! May jetlag 'yong tao!" inis kong sabi. "Tanggalin mo na kasi 'to!" tukoy niya sa posas. "Ayoko! And don't ask me again why!" sagot ko. "I won't do anything stupid! Please!" Napasimangot ako. "Knowing you? Tsk! Never!" Bumalik ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. "Landon!" Bumaling ako sa kabilang puwesto. "Landon!" Aish! Bumangon ako ulit at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at puwersahang inihiga sa kama tapos dinaganan ko siya. "Landon—" I kissed her. "Shut up!" madiin kong sabi. I get back to sleep again pero para yatang nawala ang antok ko. Nanatili lang akong nakapikit at umaktong mahimbing ang tulog. Ilang minuto lang ay naramdaman kong niyakap niya ako bigla. "Landon, I'm sorry...