Share

Chapter Eight: Hate

[Fia's POV]

KAHIT labag sa kalooban ko, I did what Kayden asked of me yesterday. I washed his soiled clothes, piled his personal stuff , at inayos ko rin ang tulugan niya na katabi lang nitong kwarto namin ni Manang Marla. Nagbakasakali pa nga akong baka naihalo niya ang camera ko sa mga personal niyang gamit kaya medyo na excite ako kahapon.

Pero si Kayden pa ba? You know how wise that jerk is, right?

Siguro naman pwede na niya akong maisingit sa busy niyang schedule kahit sandali lang. I need to ask him of the terms again. I can't go on working like this na wala naman akong reassurance. Elijah will be marrying next year. By then baka hawak parin ako ni Kayden sa leeg.

Nagsisikip na naman ang dibdib ko. I knew it was still early. Kakatilaok lang yata ng mga manok pero hindi na ako makabalik ng tulog.

I slept early last night. Hindi ko na hinintay na dumating ang team. Siguro madaling araw na natapos ang shoot. Itong cottage na tinutuluyan namin, ay sadya palang ni-rentahan ni Kayden para sa team. Mga roughly two to five minutes lang siya gamit ang sasakyan mula sa location ng set. It was indeed convenient kaysa mangibang bayan pa sila at mag-hotel. Masyado nang hassle para sa grupo ang bumyahe. Alhough, payak lang itong cottage ( gawa sa pawid at kawayan) ay pwede narin naman pag-tiyagaan.

This cottage has three rooms. Kay Kayden, sa amin ni Manang, at iyong isa ay sa isa daw sa mga artista. Hindi ko lang alam kung sino. Baka kaya iyong lumalandi kay Kayden kahapon?

Like I care? Pake ko kung siya 'di ba?

Iyong dalawang cottages naman na natira at mas malaki kompara dito ay para naman sa production team.

Kahit papa'no ay medyo nabuhayan rin ako ng dugo ng makita si Manang Marla. Hindi ko kasi akalaing siya ang tinutukoy ni Kayden kahapon. Dati siyang cook ng pamilya ni Kayden. Daldal siya ng dalhal kahapon. Ang sabi niya, sadya daw talaga siyang isinasama ni Kayden kapag may location shoot ito. Pihikan kasi daw si Kayden sa pagkain at gusto umano nito na luto ng matanda lang ang kainin. Kahit na matagal na umanong nagretiro si Manang Marla sa pamilya ng mga Montero ay hindi raw talaga nito mahindian si Kayden. Paborito kasi daw niya itong alaga noon.

Sighing, I decided to get up. Wala na si Manang. Siguro ay nagluluto na ng agahan. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang sarili ko. I think I'm decent enough with my pair of cotton pj's.

I grabbed my soap, my toothbrush and my towel at deretso na na lumabas ng kwarto. Amoy ko na agad ang kung anumang pritong isda mula sa kusina pagkalabas ko.

I was on my way to the kitchen ng marinig ko ang pamilyar na boses ng mga naguusap. Sandali akong natigilan.

"Tigil tigilan mo nga ako, Kayden! Ano ba!" boses iyon ni Manang Marla.

"Sobra ko po kayong na-miss, Nay." It was Kayden. Rinig kong mukhang hinahalik-halikan niya ang matanda. "Hanggang ngayon wala ka paring kupas," tatawa-tawa pa niyang dagdag.

"Ano ba, Kayden Andrei, at nagluluto ako. Bitawan mo ako! Huwag mo akong nilalambing ng ganyan. Alam mo namang kahit anong pakiusap mo ay hindi kita mahindian!" saway ni Manang. "Aba'y tusukin kita sa singit diyan! Lumayo-layo ka nga at baka matalsikan ka ng mantika!"

Tumawa si Kayden , sobrang lakas. Tapos ay narinig ko muling hinalikan niya ang matanda.

"Danggit at pusit, Nay. Meron?"

"Iyan tayo eh. May ipapakiusap ka kaya ka naglalambing."

Tumawa muli ang h*******k. "Namiss lang talaga kita, Nay. Sadya naman akong malambing."

"Huwag kang mag-alala, ipinagbaon kita kaya huwag mo na akong bolahin. Gusto mo bang iyan ang maging agahan mo ngayon?"

" Yeah. Pwede rin pong padagdag ng salad, Nay?"

"Salad? Bakit kumakain kana ba ng gulay ngayon?" I could almost imagine Manang Marla's face.

Himala yata? Kumakain na pala siya ng gulay? The last time we ate at his steak house --walang gulay. Mashed potato lang ang pinalagay niya sa plato.

"Si Fia, alam niyo naman pong grass lover iyon. Hindi iyon kumakain ng tuyo. Ipagprito niyo narin po ng karne, Nay. Hindi kasi iyon kumakain ng isda."

I almost choked my own saliva. Natatandaan pa pala niya? I used to be a picky eater noon. Hindi ko kasi talaga ma-take ang lasa ng isda. Pero lately, kumakain naman na ako. My mom forced me eat kaya natutunan ko naring kainin. Sa gulay naman, lahat ng klase ng gulay kinakain ko.

"Teka lang, nak. Hindi ko rin maintindihan. Bakit nga ba nandito si Fia? May relasyon ba kayo? Bakit ang batang iyon ang naglalaba at nag-aayos ng mga damit mo?"

This time. I literally choked my own saliva. Pigil na pigil ko ang pag-ubo. Bigla akong kinilabutan sa naging tanong ni Manang. She had never asked me anything yesterday. Siya lang kasi ang daldal ng daldal. Todo iwas rin ako na matanong niya ang tungkol sa amin ni Kayden. Alam naman kasi niya na naging kami ni Elijah noon.

"Ano, nak? Kayo ba ni Fia?" untag muli ni Manang.

" Hindi, Nay. Patay na patay lang po iyon sa'kin. Hinahayaan ko nalang."

Out of my reflexes, nasipa ko ang kawayan na upuan sa gilid ko dahil sa inis. Unluckily, my poor toes hardly smashed on the chair.

"Araaaaaaaaay!"

"WHAT happened?!" rinig kong tanong ni Kayden after I let out a loud scream. He popped out immediately from the kitchen at agad akong dinaluhan.

This was his fault. I wished it was his balls that I kicked. Kapal talaga ng mukha niya. Kailan pa nangyaring naging patay na patay ako sa kanya? Nanaginip ba siya?

Manang Marla came in too, worried. Pero pinabalik siya ni Kayden sa kusina.

"Ako na'ng bahala dito, Nay. Baka masunog iyong niluluto niyo."

Sandaling may ibinilin ang matanda sa kanya bago muli ito bumalik sa kusina.

I blabbered a soft cry again when I couldn't straigthen my toes. Ang sakit sakit. Pakiramdam ko nabali lahat ang buto ng mga daliri ko sa paa. Sa sobrang sakit ay napasalampak nalang ako sa malamig na sahig.

"Akin na titingnan ko." Naramdaman kong dumukwang si Kayden sa likod ko at naramdaman ko nalang ang mga kamay niya sa paa ko.

"D-on't touch me! Araaayyy!!!Huhuhuuu!!" Bahagya ko siyang hinampas and I slightly budged my foot away from him.

"You'll get hurt if you'll keep on budging, Fia. Be still," he said and pulled me up carefully with him on the chair. Hindi na ako nakapalag dahil sobra talaga siyang masakit. Pinaupo niya ako saka siya lumuhod para tingnan ang mga daliri ko. I wanted to kick his face but I don't want to add another injury on my poor toes.

" It's poorly sore. Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" he raised his head to look at me but I just gave him a scowl.

"Hindi ba pwedeng askidente lang?!" I hissed, my tears starting to well-up inside my eyes.

"Hanggang ngayon lampa ka parin. Mag-ingat ka naman," he remarked and stood up. " Dito ka lang kukuha lang ako ng ice."

Gigil kong nakuyom ang mga palad ko ng makaalis na siya. He's just the epitome of rudeness and bruteness and smugness and all things canny. This must be the punishment that I deserve, right? Because I've plotted to destroy Elj and Veronica.

But I only did that because I love Elj. I love him so much that I even indulged myself in doing a wicked thing. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan," defended my alter ego.

If only it was Elj and not Kayden. Okay sana dapat iyon eh...

I swallowed and invisible lump in my throat as my chest grew more painfully heavy. Ramdam ko na ang pagtulo ng luha ko. Then just in time, Kayden came in with a huge bucket of ice on his hands. Agad kong naibaling sa ibang direksiyon ang mga mata ko. Pasimple kong tinuyo ang mga luha.

He didn't dare say a thing or two. He knelt down again and pressed a handful of ice covered in cloth on my toes. Hinayaan ko na siyang gamutin ang paa ko.

"Hatid na kita sa kwarto mo. Padadalhan nalang kita kay Nanay Marla ng pagkain para makainom ka ng pain reliever."

Hindi ko siya sinagot. My voice could crack kapag ka nagsalita pa ako. I was hardly biting my lip to hide an escaping sob. Kahit na hindi ko gusto ay ininda kong hawakan niya ang katawan ko. Binuhat niya ako papasok sa kwarto at marahang inihiga. For sure, he was silently laughing at my misery. He must be happy enough to torture me. Iyon naman ang kaligayahan niya simula pa noon.

Napabalikwas ako ng higa, ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Ramdam kong inangat niya ang injured kong paa at nilagyan ng unan saka marahan iyong menasahe.

What was he doing? Was he doing this to good time me again? I flinched when I felt him rub my sole. I don't need his fake concern.

"Fia..."

"I hate you!" hindi ko na napigilang sabihin.

I wasn't only hurting because of my foot. I was hurting because I could blow my chance with Elj habang nandito ako at nagpapauto sa kanya.

"You could hate me now and thank me later," he muttered.

"I will hate you for good!" Bumalikwas uli ako ng bangon para harapin siya. I don't care anymore kung makita man niyang umiiyak ako. "Hanggang kailan mo ba ako planong i-blackmail?"

"I told you. You won't have the camera unless you will learn your lesson."

Marahas ko na pinahid ang luha ko. Ang sama-sama talaga niya! "Learn my lesson? Kailan? Kapag huli na ang lahat? Kapag ka nakasal na si Elijah?!" I blurted out.

Napalunok siya, hindi makapaniwalang napatitig sa'kin. "Damn, Fia? Why are you still hung up with my brother? It had been years. Let it go."

I stared at him coldly, my tears freely flowing down my cheeks. "It had been years... but the feeling still lingers, and I guess it would stay for good..."

Biglang nanlambot ang tingin ni Kayden sa'kin. Or maybe it was just a fraudulent display of affection. I could hardly tell.

He cleared his throat. "Your feelings for him still lingers because you chose to let it linger, Fia. You have a choice to let it go but you didn't."

I felt like what he said pierced right up to my gut.

"Lalo mo lang sasaktan ang sarili mo. You still love my brother but it will not give you any reassurance that he still feels the same way as you do until now. The only constant in this world is change, and feeling isn't spared, Fia. Minsan nagbabago ang nararamdaman natin sa isang tao. And you have to accept that my brother has Veronica now."

"Nooo!" How dare him! Hindi niya kasi alam ang nararamdaman ko.

" Let it rest. Magpahinga kana," he dismissed.

Maitim ko muna tiningnan si Kayden bago muli akong bumalik ng higa at ibinaon ang mukha ko sa unan. I knew I would sound so pathetic kapag ka sasagutin ko pa siya. Hindi ko gustong tanggapin but what he said does makes sense in a way.

I went into sulking. I clenched my hand so tight, sobbing on my pillow.

Ang sakit sakit. I couldn't just let go of Elj. I know it was too late. I should have make a move noon pa. Noon pa sana dapat pero masyado akong naging kampante. I prided myself, thinking, that maybe, he'll be able to understand. Na baka gagawa rin siya ng paraan para makausap ako. Sobra rin kasi akong gulong-gulo nun. I was young and my family was at waste at those days. Hindi ko naman aakalaing magiging sila ni Veronica. He hates that woman ever since high school. I knew he never liked her. Baka may pag-asa pa ako. Baka sakaling kapag ka nakita niya ako ay maramdaman niyang ako parin. Na ako parin talaga simula noon.

"Ssshhh... tama na yan. Hanggang ngayon sobra mo paring iyakin," he whispered, rubbing my head.

"Go away! I hate you!" I squirmed, shaking my head off.

"The more you hate the more you love."

Tingnan niyo? I just went into moping at my own stupidity tapos mang-aasar naman siya?

"The more you hate the more you hate," I retorted.

"You know what's the exact definition of hate?"

"Yes. Ikaw. Hatable kang tao," sagot kong nagsisigok-sigok, medyo tumahan-tahan na ako sa paghagulhol. Naiirita na naman kasi ako sa kanya. Kabwisit talaga siya.

"That's my girl. Titigil na yan sa pag-iyak," he laughed, softly tapping my head. "I'll just be outside. Magpahinga kana."

I badly want to shout and throw foul words at him pero hindi ko gustong makabulabog ng tao.

Grrr! I hope he just rots in hell and stays there, for good!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status