Share

Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten
Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten
Author: Capuchinaur

Prologue

Author: Capuchinaur
last update Huling Na-update: 2022-07-19 10:24:45

KAAGAD AKONG bumaba mula sa motor na aking palaging ginagamit sa parking duty nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko kasi alam ang nangyayari sa aking sarili. These past few days, palagi na lang akong wala sa mood. Although my senses turned sharp, mayroong mga pagkakataong nagiging mapili ako sa pagkain at mga naaamoy ko.

Pagkahubad ko ng helmet, agad akong lumapit sa kotse at itinipa sa monitor ko ang invalid parking ticket ng kotseng nasa aking tabi. "Tsk, tsk. Ang ganda nga ng kotse, hindi naman maayos ang pagkaparada." Idinikit ko ang ticket sa may windshield ng kotse at nagtangka nang umalis ngunit natigilan nang biglang umikot ang aking paligid.

Agad akong napahawak sa poste ng ilaw at mariin na napapikit. Bigla rin kasi akong nakaamoy ng nilulutong karne ng baka at hindi ko gusto ang amoy nito.

"C'mon, what now!"

Napahawak ako sa aking ulo at dahan-dahang umupo. Agad kong ikinalma ang sarili at pinilit na hindi bumigay sa nakasusukang amoy ng baka.

Ngunit, sadyang sensitibo ang aking pang-amoy. Agad akong tumakbo patungo sa may pinakamalapit na basurahan sa may damuhan at kaagad na sumuka. Hindi ko kinaya, ang sama ng pakiramdam ko.

"Are you okay, officer?"

Dahil sa pagkagulat, kaagad kong pinunasan ang labi at mabilis na hinarap ang kung sinong may-ari ng tinig. Kumurap-kurap pa ako nang makita ang babaeng nag-aalalang nakatingin sa akin.

Naka-suot siya ng puting coat at nakapusod ang kaniyang buhok. Waring isa itong doktor dahil sa tahi ng logo ng ospital na dati ko nang napuntahan.

"Tell me. What's wrong with you? Do you need help?" Malamyos niyang tanong at kinagat pa ang pang-ibabang labi upang tingnan ang pisikal at buo kong anyo.

Doktor siya at kailangan ko ng kagaya niya. Baka epekto ito ng palagi kong pagtatrabaho sa headquarters. Baka over fatigue ito.

Nagulat naman ako nang makitang ang kotseng kaniyang binuksan ay ang kotseng nilagyan ko ng ticket. Agad akong napangiwi at nag-iwas ng tingin dahil medyo awkward ang naging eksena namin.

"Get inside, officer. I'll bring you to my office. I'm Doctor Tilda, an OB Gynecologist," aniya bago simulan ang pagpapaandar ng kaniyang kotse.

"Police Officer Alexia, doc. H-Hindi… po ako b-buntis."

Gusto ko sanang pagsabihan ang sarili ukol sa pagiging utak ko sa kaharap na doktor. Kung hindi nga ako takot, hindi dapat ako nagtutunog takot. Ngunit obvious naman na agad akong namutla nang sabihin niyang isa siyang OB Gyne.

"We'll see about that."

Nang makarating sa office niya, kaagad namang bumilis ang pintig ng aking puso. Kahit naka-police vest, hinaplos ko pa rin ang dibdib upang pakalmahin ang sarili. Hindi ko gusto ang nangyayari, nababaliw ako.

"Nakararamdam ka ba ng pagkahilo, nausea, mood swings, at sensitivity?" una niyang tanong nang makaupo siya sa kaniyang swivel chair.

Agad akong tumango at napatikom ng labi.

"How about your period? When's the last time you have your period?"

Sa kaniyang tanong, agad akong nagyelo sa aking kinauupuan. Natigilan ako dahil ngayon ko lang na-realize na hindi pa pala ako dinaratnan. Hindi ko siya napansin sa loob ng dalawang buwan dahil sa sobra kong busy sa trabaho. Agad akong napasapo sa aking noo.

"Hindi ko po napansin… pero t-two months ago? Opo. Two months ago pa ako last na niregla."

Hindi ko na magawa siyang tingnan sa kaniyang mga mata dahil kinakabahan na ako. Hindi lang kasi reputasyon ko ang nakasalalay rito, pati na rin ang pinakamamahal kong trabaho.

Mula sa kaniyang drawer, kaagad na mayroong kinuha ang doktor. Napanganga pa ako nang makitang isa itong pregnancy test at talagang hinihinala niyang buntis ako.

No, hindi ako buntis. Ayoko.

"Here." Nakangiti niyang iniabot sa akin ang PT at iminuwestra na ang kanang kamay sa isang pinto na wari ko'y isang banyo. Inabot ko naman ito. "Use this and read the instructions. Wala namang masama kung susubukan mo."

Nanginginig ang mga tuhod akong tumayo at namumutlang sinimulang humakbang patungo sa loob ng banyo. Kad ahakbang ko patungo roon ay ang pag-usbong ng mga negatibong ideyang mayroong kinalaman kay Luke at sa trabaho ko.

"Hindi ako buntis, okay? Hindi," bulong sa sarili habang sinusunod ang nasa panuto.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang test. Nakaupo pa rin ako sa toilet at kinakabahan sa magiging resulta ng PT. Kasalukuyan kasi itong nakataob sa aking mga palad at takot na tingnan ang resulta.

Kaagad akong tumayo at lumabas na ng banyo upang iabot sa doktor ang PT na hinihiling ko ay isang linya lamang. Nginitian naman ako nito at mismong siya na ang tumingin ng resulta.

"Hindi po ako… buntis right?" nag-aalinlangan kong tanong at ipinagdaop ang mga palad na nakalagay sa likuran.

Ngunit, nang mapagpasyahang tingnan ang mukha ng doktor, doon na ako mismong napaupo sa sofa'ng nasa likuran. Nanginginig ang mga kamay kong iniabot ang mga labi at tuluyan nang nagsimulang magkaroon ng bikig sa aking lalamunan.

"Officer Alexia, congratulations! You are pregnant!"

Oh my gosh, paano ko sasabihin kay Luke 'to?! Paano na 'ko ngayon?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS17.5: Presenting, PO2 Marquess

    Nang makarating kami sa pinakang bungad ng kaniyang main office, kagaad na nangunot ang aking noo nang makitang magulo sa loob. Mayroong crack din ang pintuan niyang glass at palagay ko'y mayroong nangyayaring kaguluhan.Doon nahagip ng aking isipan ang plano ni Chairman Alonzo, ang kunin ang kaniyang mahahalagang papeles sa vault ng main office. Kaagad akong sumingit sa paglalakad ng mag-ama at binunot na ang baril sa hita."What's going on?! Bakit mayroong baril?"Nanguna na rin si Nathan at nakalabas na rin ang kaniyang baril. Binuksan niya ang glass door ng entrance at sinenyasan akong sumunod. I creeped towards him and made sure na hindi masasaktan ang mag-ama.Nagkalat ang mga vase at puro dugo na ang painting niyang nangalaglag. Nilingon ko ang pwesto nila Sir Luke at sinenyasan silang manatili muna sa pwesto nila.The whole place is a mess. Even though there are bloodstains at the floor, dead bodies weren't present. Hanggang sa makarinig ako ng kalabog sa loob ng mismong opisi

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS17: Something Happened

    MATAPOS ANG buong board meeting ay hindi muna kami umalis sa loob ng conference room. Pinanonood silang isa-isang nagsipaglabasan, hindi ko pa rin maalis sa isipan ang boses ni Chairman Alonzo.Kaunahan itong umalis kanina ay napapansin ko rin ang pagtitig niya sa akin. Kahit nakapokus sa plano, nakaramdam ako ng kaba kanina nang makita ko kung paano ang tingin niya sa akin. Sa pagtama ng aming mga ibsaw through his eyes how suspectable he is towards me.Hindi naman kasi ganoon kahalayang mayroong gap sa pagitan namin. Sir Luke is just blabbering and blabbering all over habang ang aking trabaho lamang ay ang obserbahan ang bawat chairman na nasa loob ng document.Wala namang ingay ang namutawi sa aming bibig nang kaming apat na lamang ang natira sa loob. Si Sir, ako, si Nathan, at ang kaniyang ama. Hindi ko inaasahang magiging ganito kalayo ang loob namin nang bitawan niya ang mga salitang ito. Hindi ko maisip kung bakit labis siyang naapektuhan sa halik na iyon.Alright, who am I to

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS16.5: Only Way, But I Hate It

    "I told you not to investigate on the people who are rated to me. Then why do you want the background profile of the Chairmans?" taka niyang tanong at ipinatong na ang daliri sa ilalim ng labi. Tinitigan niya ako ilang beses pa bago bumuntong-hininga."Mayroon pong plano ang isa sa mga chairman na kunin ang nasa loob ng vault mo habang nasa board meeting ka. Narinig mismo ng dalawa kong tainga ang pagtawag ng kaniyang utusan niya ng 'chairman'. Sapat na ba iyon para makuha ko po ang mga profile ng mga shareholders mo, Sir?" Umiling siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at suminghap ng marahan. Napahawak ako sa tungki ng aking ilong at naiinis siyang sinulyapan."Ano po bang kailangan ko para pagbigyan n'yo ako?" hindi ko na napigilan pa ang magtaas ng boses dahil sa frustration. "L-Last time you've agreed, Sir, you'll follow my orders too."Bigla niya na lang ginulo ang kaniyang nakaayos na buhok at niluwagan ang necktie. Masama niya rin akong tiningnan pero hindi iyon sapat upang

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS16: Concealing Feelings

    Nang marinig ang kanilang usapan ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Sa sobrang lamig noon, hindi ko na maramdaman pa ang sariling paghinga. Nang maramdaman ang kanilang papalapit na yabang ay kaagad akong nagtago sa kabilang shelf, mismong pinaglagyan ko ng librong hiniram ni Nathan. Napapikit pa ako sa kaba, ipinagdarasal na sana ay hindi nila ako makita.Hindi pa sa ngayon, hindi niya ako pwedeng makita.He's one of the chairmans of Dyson Financial Corporation. Marami man pero paniguradong mabobosesan ko ito, once na marinig muli ang boses."Wala na ba?" bulong sa sarili at pinakiramdaman ang paligid.Parang mayroong pinagtataguan akong lumabas ng lungga at marahang naglakad. Iyong tipo bang wala kang maririnig at magugulat ka na lang. Nang makumpirmang wala na sila, parang walang nangyari akong lumabas at muling binati ang librarian."Mukhang natagalan ka pa sa paghahanap. Malaki kasi ang silid-aklatan na ito, hija."Nginitian ko siya at kumaway pa. "Hindi naman po ako

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS15.5: Noted, Chairman

    LUMIPAS ANG dalawang araw at ganoon din ang pagbalik ng mga nangyari sa dati. Hindi na 'ko masyadong sumasabit palagi kay Sir Luke at pormal nang muli ang pakikitungo ko sa kaniya. Alam ko namang matalino siya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang pagbabago ko.Bumalik na siya sa pagtatrabaho sa kompanya. Ganoon din naman ako bilang security niya.Ngunit ngayon, hindi ako pumasok bilang isang security guard. Pumasok ako bilang bagong intern na nakasuot pa ng ID'ng pinagawa ko pa para lang tuluyan silang mapaniwala.Suot ko ang ibinigay niyang coordinates na pink. Nakasalamin din ako at nagpalagay ng kaunting make-up upang hindi nila ako mamukhaan once bumalik ako para mag-inspeksyon.Normal na empleyado akong nagpa-scan sa entrance at naglakad patungo sa cubicle ko sa loob ng finance. Nang maihanda na lahat ng aking kagamitan, umalis akong muli upang magtungo sa opisina ng CEO para kunin ang pinapakuha niyang papeles sa akin.Sa bungad pa lamang ng mismo niyang floor a

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS15: Chief Found Out

    MARIIN KONG pinagdikit ang mga palad na ngayo'y nakatago na sa aking likod nang ilang sandali pa ang nakalipas ay pinasunod ako ni Chairman sa garden.Hindi ko naman talaga inaasahan ang kanilang pagdating at nakakagulat lang, nakagugulat isiping baka ang nasa isip nila'y mayroong koneksyon sa pagitan namin ni Sir Luke nang hindi nila alam.Sa kaba, kinagat ko ang parehong labi at hinintay na magsalita ang nakatalikod sa aking si Chief na pinagmamasdan ang garden ng CEO."I thought you'd became strict when it comes to Luke's safety. Sabi sa akin ng isang pulis na under mo, pinagalitan mo pa nga raw ang ibang guwardiya nang malamang lumabas ng bahay itong si Luke," panimula ni chief at naglakad pa bandang dulo.Hindi ko na siya nagawa pang sundan dahil sa pagkabog ng dibdib ko. Parang sasabog ito anumang minuto lamang dahil sa kaba ko. Huminga ako ng malalim at napapikit. "H-Hindi ko po... itatanggi iyon, chief."Humarap siya sa akin ngunit ngayo'y nakataas na ang kilay. Nakapalikod n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status