Kinabukasan, paggising ko ay wala na si Leo sa aking tabi. Nauna na akong matulog kagabi pero naramdaman ko naman ang pagsunod nito.
Napabuntong hininga ako. Nanghahapdi ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi. Mabuti na lang at nakumbinsi ko ang sarili kong matulog para sa kalusugan ng anak kong nasa sinapupunan ko pa.
Tumayo na ako galing sa kama at nagtungo sa banyo upang maglinis ng aking mukha. Nang makita ko ang sariling repleksyon ko sa salamin, wala sa sariling nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Numumugto ang aking mga mata na tila may insektong kumagat dito.
Ilang minuto ang makalipas ay natapos na ako, kaya lumabas na ako sa silid na iyon at bumaba na sa sala. Umupo ako sa sopa'ng nandoon. Mag-isa lang ako. Hindi man lang niya ako sinabihang aalis na siya.
He fell out of love, Aries! Hindi ka na niya mahal dahil nakakasawa ka. He's not ready to be tied. He realized that he still have to enjoy being bachelor. Ayaw mong tanggapin ang alok niyang pakikipaghiwalay? Then be it, tiisin mo.
And with that, a batch of tears rolled down on my cheeks. Napatukod ka agad ako sa mga tuhod ko at mabilis na pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.
Kinakabahan ako, paano kung totoo ang mga sinasabi niya kagabi? Nakakasawa ba ako? Nakakasawa ba akong magmahal? Bakit ngayon pa? Na may bata nang paniguradong magdudusa.
Mayamaya pa, napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang mga yapak ng paa na papalapit sa akin. Inangat ko ka agad ang aking paningin at nagulat nang makita ang asawa kong nakatayo sa harap ko. Bihis na bihis na ito at handa nang umalis para sa trabaho.
"Hon! I-Ikaw pala, tapos ka na bang kumain? Gusto mong ipaghanda kita?" Tumayo ka agad ako galing sa kinuupuan ko at pilit na ngumiti rito.
Akala ko umalis na ito.
He just stared at me, emotionlessly. Sa tuwing nakikita ko ang mga mata nito. Naiiyak lamang ulit ako. Wala akong makapang kahit na katingting na pagmamahal sa mga ito.
"I'm done. Kumain ka na rin. Aalis na ako." Mabilis nitong sabi at tumalikod na sa akin. Kinuha nito ang coat na nakasabit sa sandalan ng sopa at ang attache case nitong nasa lamesita.
Lumapit ka agad ako rito at tinulungan siya sa pagsuot ng coat, ngunit laking gulat ko nang iniwas nito ang kaniyang sarili sa akin.
"L-Leo, anong oras kang uuwi mamaya?" tanong ko na lamang. Sandali ako nitong tiningnan at nag-iwas agad ng tingin.
"I don't know." he coldly answered. Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil tinalikuran na ako nito at lumabas na ng pintuan.
Naiwan akong mag-isang lumuluha doon. He really meant what he said. Pero hindi. Ayokong bumitaw. Kung ang pagmamahal ko ang tanging bubuhay sa kasal namin, lalaban ako. Mahal ko siya, sobra.
Tahimik lang akong umiiyak doon. Ngunit mayamaya'y biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog ng cellphone na nanggagaling sa kusina.
Nagtungo ka agad ako roon. Pagkarating ko ay nakita ko ang cellphone ni Leo sa ibabaw ng mahabang lamesa kinuha ko ang bagay na iyon. Naiwan niya ito. May tumatawag.
Wala namang pangalan ang nakalagay doon at numero lang. Bago pa man matapos ang sunod-sunod nitong kuliling ay sinagot ko na ang tawag at itinapat iyon sa aking tainga.
"Hello, baby! Where are you? I'm waiting here, nasa office mo na ako!" Isang boses ng babae ang bumungad sa akin na nagpaguho ng mundo ko.
Who is this?! Why is she calling my husband a baby? Ito ba ang babaeng katawagan ni Leo kagabi?!
"Sino ka?" I asked.
"Excuse me? Where's Leo? Pwede bang pakibigay sa kaniya ang cellphone niya?" Ramdam ko ang pagka-irita nito sa boses niya.
"I'm asking you. Sino ka?" ulit ko dito.
"Letse! Obvious ba? I'm his girlfriend! Now give him his damn phone!" pasigaw nitong sagot.
Dahil sa sagot nito. Kusang humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone dahilan upang manginig ang parehong kamay ko. Hindi ko rin namalayang nakakuyom na pala ang aking kamao na ngayo'y nakatukod sa itaas ng mesa.
"Give it to him. Kapatid ka ba niya?" dagdag pa nitong sabi. Kapatid?! I faked a laugh. Tangina!
"I'm your boyfriend's wife, miss. Now, better stop calling him." pumiyok ang boses ko. Hindi ko marinig ang sagot nito dahil tuluyan nang nawalan ng lakas ang kamay ko at bumagsak iyon sa ibabaw ng mesa.
Nangmamanhid ang katawan ko at tanging puso ko lamang ang kumikirot. Sobrang sakit! Akala ko ba hindi lang siya handa? Pero ano itong babaeng tumatawag sa kaniya? Boyfriend? Tangna! Andito ako oh! Asawa ako, asawa!
Dahil sa pagdadalamhati ko. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Leo at hinablot nito ang hawak-hawak kong cellphone nito.
"Why the fck did you answer the call?!" Dumagundong malakas nitong sigaw sa buong bahay namin. Nanatili lamang akong nakayuko doon habang patuloy pa ring umiiyak.
Hindi ko kayang magsalita. Nahihirapan ako. Naninikip ang puso ko at tila ba'y wala akong malanghap na hangin. Nakakatawa lang isipin na mas nanguna ang galit nito sa akin. Hindi niya ba naisip ang anak niya sa sinapupunan ko?
"Sa susunod, h'wag ka nang mangealam ng gamit na hindi sa'yo. Now, stop crying at baka madamay pa ang anak ko sa katangahan mo." wika nito.
Pinilit kong ayusin ang pagtayo ko at humugot ng isang malalim na hinga, "M-May girlfriend ka pala?" pabulong kong saad dito. Nakakadiring pakinggan na sa mismong bibig ko pa iyon lumabas na asawa niya. Tila ba'y may tumutusok sa d****b ko sa tuwing naaalala ko ang pinagsasabi ng babaeng katawag ko kanina.
Inaasahan ko ang gulat at takot sa mga mata nito, ngunit wala! Parang wala lang dito ang aking mga pinagsasabi, na para bang hinintay niya ang araw na ito. Gusto kong magalit, gusto kong magwala rito, gusto ko siyang sampalin ngunit pinipigilan ako ng sarili ko. Bakit ba bigla siyang naging ganito? Tila ba'y bigla siyang nag ibang anyo at hindi ko na siya makilala.
"Stop asking me, Aries! " wika lamang nito.
"Leo, asawa mo ako! May karapatan akong magtanong at magalit!" I exclaimed.
Pero ng dahil sa sinabi ko, tumawa ito. "Wow, Aries! Baka nakakalimutan mo. I already warned you! Iyan ang gusto mo 'diba? Ayaw mong mahiwalay sa akin at mas pinili mong magdusa. Sinabi ko na sa'yo, I'm not ready-"
"Iyon nga, Leo! Hindi ka pa handa! Alam kong mali'ng pagsisihan mo ang pagpapakasal natin pero mad pinili kong intindihin ka! Pero bakit ngayon malalaman kong may girlfriend ka?" I faked a laugh.
"Anong gagawin mo pagkatapos? Pakakasalan siya? Bubuntisin katulad ko tapos sasabihin mo ulit na hindi ka pa handa-" Napalitan ka agad ng d***g ang pagsasalita ko nang malakas ako nitong sinampal. I cried hard. He just slapped me for the second time!
Bakit niya ginawa sa akin 'yon? Mahal niya na ba ang babaeng iyon?
We've been married for almost 3 years! At sa loob ng tatlong taong iyon ay hindi nito niminsang ipinaramdam sa akin ang ganitong klaseng sakit.
"Shut up, Aries!" Galit nitong wika at agad na tumalikod sa akin upang umalis.
Katulad ng nakagawian ko. Hindi na ako nanlaban pa. Naiwan akong umiiyak habang nakaupo sa sahig. Maingat kong inilapat ang kamay ko sa aking tiyan at buong ingat iyong hinaplos.
I'm so sorry, baby. I just can't help it. Sobrang sakit kasi, sobra. Sana h'wag kang malungkot dyan katulad ng nararamdaman ni mommy. Kasi sisiguraduhin kong paglabas mo, magiging okay na ang lahat. Complete family ulit tayo.
He's just confused. Siguro ay gulat lang siya dahil ito ang unang pagkakataong magiging ama siya kaya nasabi nito ang mga bagay na iyon. Kailangan ko siyang intindihin. Soon, he will realize.
I didn't know that life would be this hard for me. That life would let me experience this all hardships. Ganoon ba talaga kalaki ng naging kasalanan ko? Pinagsisihan ko naman, e. Lahat ng iyon ay pinagsisihan ko na. Pero mukhang ipinamukha lang ng tadhana sa akin na hindi pa ako lubos na natuto at hinayaan niya pa akong makaranas ng ganito kasakit.Ito na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko. Ang makita sa ganitong kalagayan ang mag-ina ko na nag-aagaw buhay, samantalang ako itong buhay na buhay at nakatayo sa harapan nila.I stayed with them for I don't know how long. Nasa isang sulok lamang ako at nanghihinang nakaupo sa sahig habang nakasandal ang katawan ko sa pader at nakatitig lamang sa kanila. Paulit-ulit na tinutusok ang puso ko na para bang pinapatay ako na hindi naman ako namamatay.Tila ba'y nililipad ang isipan ko na parang mababaliw ako na kahit tunog ng mga taong nasa labas ay hindi ko
"Leo!" I heard her flinched. But I can no longer control my anger. Naghalo na ang parehong inis ko sa pangbibintang ng lalaking iyon at ang problema ko sa palulugi nang kompanya. "Shut up, alright?! I know what I am doing!" I shouted. I'm so sorry, hon. Saad ng isip ko. I promise to apologize to her as soon as we got home. What I wanted now is to go home. I badly want to let go all I've been carrying. Lahat ng bigat ng loob ko gusto kong ilabas. I tightly closed my eyes. "Leo, please.." Pero tila ba'y hinimas ang puso ko nang marinig ko ang umiiyak na pagmamakaawa ni Aries na kailanma'y ayaw ko nang marinig pa ulit. Sa isang iglap ay naglaho lahat ng galit na nararamdaman ko at napalitan ng pagsisisi. Sa oras ding iyon ay alam kong pagsisisihan ko rin ang magiging resulta ng pagkakamaling nagawa ko na naman sa pamilya ko. Tila ba'y nasa isang panagi
"Leo! Leo! Mga anak? Asan kayo?" Paulit-ulit kong sigaw hanggang sa tuluyan nang sumuko ang boses ko. Patuloy pa rin ako sa paglalakad sa kawalan. Wala akong makita niisa! Nasa kadiliman ako at tila ba'y isa akong bulag! "Matthew? Feli? Leo?" I called again for the last time until finally I felt the tears in my eyes started to roll down on my cheeks. I can't see anything! Nasaan ba ako?! "Please! Huwag niyo akong iwan!" I pleaded and then that, I lost all my strength as my body fell down. Oh God! What's happening?! I just cried my heart out. I even can hardly breathe caused by such fear I am feeling right now. "Mommy!" Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng anak kong si Matt na nagpagising ng diwa ko. Mabilis kong naimulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang dalawang mga anak kong nakadungaw sa akin. Pabalikwas akong bumangon at dali-dali sila
"Kumusta naman kayo dyan anak? Ang mga bata kumusta? Maayos ba silang nag-aaral? Iyong kapehan mo?" sunod-sunod na tanong ni nanay.Natawa ako rito. Ito namang si nanay, masyadong halatang namimiss kami e. Palihim naman akong napabuntong-hininga sa konklusyong nabuo sa isip ko. Oo nga, matagal-tagal na rin simula noong huli kaming nakabisita sa probinsya dahil sa pagkabusy naming pareho ni Leo kaya siguro ganoon na lang ang pagkamiss ni nanay nang tumawag ako."Ayos naman po, 'nay. Namiss ka po ng mga bata kaya panay kwento ito at request na tawagan kayo, e kaso si Feli lang ang kasama ko po ngayon, 'nay. Marami na rin pong mga kaibigan itong dalawa, kahit pa noong huling pumasok si Feli sa paaralan." nakangiting sagot ko rito.Mas lalo lamang napangiti si nanay, "Ganoon ba? Magandang balita iyan!" sagot niya at mayamaya'y saglit itong inilagay ang cellphone dahil may bumili sa tindahan.Kaya habang hinihintay si nanay ay sandali kong sinilip si Feli kasa
Time flies fast and we became more close, I became more contented with my family. Ganoon lamang ang naging takbo ng buhay namin at madalas kaming namamasyal tuwing Weekends, I even started to enroll Feli to a homeschool dahil sooner ay babalik na kami sa doktor ni Feli for her operation on her Cochlear implant. I am excited yet nervous. I and Leo were even having a hard time deciding and so we ask for nanay and tatay's help and they immediately agreed as long as the doctor could assure the safety of my princess.Kaya simula noong nakaraang linggo ay si Matt na lamang ang pumapasok sa eskwelahan niya. Sinasama naman namin si Feli dahil hindi siya pwedeng iwan sa bahay lalo na't alas nwebe pa ang dating ng assigned homeschool teacher niya kaya isasama ko muna siya sa akin dito sa shop at uuwi rin kami mamaya."Take care, baby Matt ah? Be good in school." I said to my son and kissed him on his cheeks, I then faced Leo that looked preoccupied, kanina pa siya ganito.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paghalik-halik ni Leo sa aking noo habang magkayakap kami sa ilalim ng kumot. Mas lalo ko lang isiniksik ang sarili ko rito nang lumapat sa hubad kong balat ang malamig na hanging galing sa aircon."Nilalamig ba misis ko?" I heard his husky voice at the top of my head. I nodded my head with my eyes still closed."Oh, let me hug you even more.." And as what he said, he hugged me even tighter that I giggled.Sobra talaga akong napagod kagabi dahil dumalo kami ng selebrasyon sa Thanksgiving nina Sharon at ng asawa niya. Sinama ko na lang din ang mga anak ko pati si Leo kaya opisyal ko na itong napakilala bilang asawa ko.Pag uwi pa ay mas lalo lang yata akong napagod kasi nang-aakit na naman kasi itong damugo kong asawa dahil gusto niya akong sabayan sa pagligo. Sino ba naman ako para tumanggi kong mismong biyaya na ang nasa harap ko? Ugh! So much of that.Thankfully, kinabukasan matapos naging usapan namin no