"ANAK…"
Biglang natigilan si Judith sa paraan ng pagtawag sa kanya ng Tatay Samuel niya. Ewan niya pero parang nanayo ang balahibo. Bigla ring nanginig ang kamay niyang may hawak ng kutsara.
Gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa gutom. Hindi muna kasi siya kumain hanggang di siya nakakasigurado na nagawa na ang test sa kanyang Tatay Samuel ngunit ngayon, parang bigla siyang nawalan ng gana. Sa pagkakatitig nga niya sa pagkain ay parang may alaalang pumapasok sa kanyang utak na nagdudulot ng sobrang kaba sa kanya.
"Judith…" tawag ulit ng kanyang Tatay Samuel.
"Po," bigla niyang sabi.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Ayaw sana niyang magsinungaling sa kanyang Tatay Samuel. Kahit naman kasi utangera niya, hindi siya naglilihim dito. Iyon nga lang, hindi nia pwedeng sabihin sa kanyang Tatay Samuel na kinilabutan siya ng tawagin saan itong 'anak'. Tiyak niyang magdaramdam ito sa kanya. Baka isipin pa ng stepfather niya na hindi niya talaga ito tanggap bilang pangalawang ama dahil hindi totoo iyon. Mas gusto nga niyang ito na lang ang tunay niyang ama.
"M-mainit po kasi," nahagilap niyang sabihin.
"Paanong iinit eh naka-aircon itong kuwarto na kinuha mo. Ang lamig-lamig nga," wika nito na nakakunot ang noo.
Dahil sa kasunduan nila ni Storm ay nailipat na sa private room ang kanyang ama. Dapat nga ay sa Sweet room pa ito ilalagay kung hindi lang siya kumontra. Hindi nga niya alam kung anong eksplanasyon ang kanyang gagawin dahil magagawa niya itong ipaopera tapos nasa magandang kuwarto rin sila. Mayroon ding tv at ref.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Marahang tanong nito.
Kung maaari lang sana, 'wala po' ang isasagot niya rito pero tiyak niyang hindi ito maniniwala.
Psychology Graduate ito kaya alam nito kung may inililihim siya base lang sa paggalaw ng kanyang mga mata o sa pakagat-kagat ng kanyang labi.
"Ayoko na magpaopera." Biglang sabi nito. Marahas na pagbuntunghininga pa ang pinawalan nito pagkaraan. Sa tono nga ng pananalita nito, parang sinasabi na seryoso ito sa sinabi.
Hindi niya inaasahan na lalabas ang mga katagang iyon sa bibig nito kaya talagang ikinabigla niya iyon. "Naka-schedule na po ang inyong operasyon."
"Wala akong pakialam," mariing sabi nito habang nakatingin sa kanya.
"Akala ko ba, hindi ninyo ako iiwan?" Nagdaramdam na tanong ng kanyang Tatay Samuel. Kung tatanggi kasi itong magpaopera, talagang hindi na niya ito mapipilit pa. Masama naman kasi rito ang maging emosyonal. Maaapektuhan ang puso nito kaya napilitan na lang siyang magdrama.
Sanay na sanay naman siya sa makabagbag damdaming dialogue dahil kapag uutang siya ay kailangan niyang ilabas ang pagiging best actress niya. Kapag hindi kasi niya gagawin iyon, kakalam ang sikmura nila ng kanyang Tatay Samuel.
"Iiwan kita dahil susunduin ako ni Kamatayan."
Kailanman ay hindi gugustuhin na marinig ang mga salitang iyon, hindi rin kasi niya napigilang i-imagine na nasa loob na ito ng kabaong. "Hindi mangyayari iyon kung magpapaopera kayo."
"Ayoko na kasing mahirapan ka pa."
"Mas mahihirapan ako kung ganyan kayo."
"Ayokong magkautang-utang ka pa."
"Wala akong utang."
"Saan ka kukuha ng pambayad sa ospital kung hindi ka mangungutang?"
Mabilis nag pagsagot niya. "Kay Dr. Storm."
"At anong kapalit?" Nagdududang tanong ng kanyang Tatay Samuel.
"Ang pakasalan ko siya," mabilis niyang sabi. Sa palagay niya, kung babagalan niya ang pagsasalita'y hindi niya iyon masasabi.
"Very good," wika ng kanyang Tatay Samuel sabay palakpak.
Gilalas siyang napatingin sa kanyang Tatay Samuel. Hindi niya kasi talaga inaasahan ang reaction nito na tuwang-tuwa pa. Ang inaasahan niya kasi ay magagalit ito o magtataka man lang.
"Sige, magpapa-opera na ako," excited pang sabi nito.
"WHAT?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Storm. Wala naman kasi talaga sa plano noyang ipaalam pa sa ibang tao 'pagpapanggap' nila ni Judith. Nakasisiguro naman kasi siyang hindi ito magugustuhan ng kanyang Lola Anastacia.
Tulad ng ibang babae.
Kahit sabihing gustung-gusto ng Lola Anastacia niya na magkainteres siya sa babae, ibig pa rin nitong ang makita niya ay ang perpektong babae.
"Kailangan daw ay maikasal tayo sa lalong madaling panahon," mabilis nitong sabi na para bang hindi humihinga habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Why?" Gulat niyang bulalas.
"Para raw makasiguro ang Tatay Samuel na kahit mawala siya sa mundo ay magiging okay ako."
"Napakabait ng tatay mo," aniyang hindi mapigilang bigkasin ng buong diin ang bawat kataga.
"Step father ko lang siya "
"Alam ko?"
"Alam mo?" Nalilitong tanong nito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Judith sa pagkagulat. Ngunit kahit ganoon ang ekspresyon nito ay napakaganda pa rin nito.
"Kailangan kong alamin lahat sa'yo."
"Kunsabagay, pati nga mga utang ko ay nalaman mo."
"Kaya sigurado akong hindi ka magugustuhan ng Lola Anastacia." Nakangiti siya ng saabihin iyon pero alam niyang hindi siya nasisiyahan dahil nakita niya ang di maipaliwanag na disappointment sa mukha ni Judith.
"WALANG kasalang magaganap?" Gulat na tanong ni Judith. Hindi man niya mahal si Storm, sobra pa rin siyang nakaramdam ng disappointment ng mga sandaling iyon. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung nakumbinse na niya ang sarili na isang araw ay magiging mag-asawa sila.
"Bakit, gusto mo na ba talaga akong maging asawa?" Matabang nitong tanong.
"Ayokong mademanda ng Bitch of contract," wika niya sabay tutop sa kanyang bibig. Sigurado kasi siyang may mali sa kanyang sinabi dahil natawa si Storm sa kanya.
"Breach of contract," sabi nito pagkaraan.
"Nakalagay sa kontrata na pinirmahan natin na kailangan kong magpakasal sa'yo kapalit ng pagbayad mo sa lahat ng kailangan ni Tatay Samuel at pagbayad mo sa lahat ng utang ko," aniyang nalilito rin.
"Gustung-gusto mong makasal sa akin, ano?" Sarkastikong tanong nito sa kanya.
Bigla tuloy siyang natigilan. Dama kasi niyang may ibig sabihin ang salita ni Storm. Kung sabagay hindi naman kataka taka kung iniisip nitong pera ang dahilan kaya madali siya nitong napapayag.
"Kasi nga iyon ang kasunduan natin."
"Really?" Buong kaseryosohang bulalas pa nito sa kanya.
"Ipanalangin mo na magustuhan ka ng lola."
"Hindi ako magugustuhan ng lola mo dahil mahirap lang ako," matabang niyang sabi rito.
"Damn!" Bulalas nito.
"Wag mo nga ako ma-damn damn diyan," mataray niyang sabi dito. "Hindi porque langit at lupa ang pagitan natin pwede mo akong murahin."
"Hindi kita minumura," defensive niyang sabi.
"Hindi na ba mura ang damn?" Sarkastiko niyang sabi, sabay halukipkip
NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng
MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila
"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
"THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar
MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.
PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka