Home / Romance / Mister ng Utangera ang Mafia King / Chapter 4 Ang Pagbabago ni Judith Dimaculangan

Share

Chapter 4 Ang Pagbabago ni Judith Dimaculangan

last update Last Updated: 2022-09-26 20:50:53

"S-STORM," bulalas ni Judith nang nasa sasakyan na sila ni Dr. Storm. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ng lalaki kaya mas bumangon ang guilt sa kanyang dibdib. Hindi rin kasi niya maintindihan ang kanyang kanyang sarili kung bakit nag-react siya ng ganoon. Basta sobrang takot ang kanynag naramdaman habang humahakbang ito palapit sa kanya. 

Silang dalawa lang kasi sa loob ng library nito kaya naisip niya na wala siyang magiging laban kung sakaling may gawin itong masama sa kanya. Sa  kaisipang iyon ay bigla siyang nakaramdam ng takot kaya ninais niyang matakasan ito agad. 

Sa kaisipang nagtitili siya habang palapit si Dr. Storm sa kanya, parang gusto niyang lumubog sa sobrang kahihiyan. Kung bakit ba naman kasi naisip niya na maaari siya nitong halayin o patayin. 

Propesyunal at guwapo si Dr. Storm Davis kaya tiyak niyang hindi nito kakailanganing manghalay. Saka, bakit naman siya nito hahalayin gayung inaalok nga siya nito ng kasal? Tingin din niya, wala naman kakayahan si Dr. Storm na kumitil ng buhay. Hindi man niya ito gaanong kakilala pero pakiramdam niya ay safe siya kapag nasa paligid ito. 

"Hey," bulalas ni Storm. 

Sa pagkakataong iyon ay hindi n apagkairita ang maaaninag sa boses ni Dr. Storm kundi pag-aalala kaya bahagyang kumalmante nag kanyang pakiramdam. 

"Ano bang nangyayari sa'yo?"  Tanong nito. 

Oh, pakiramdam niya'y may dambuhalang kamay na humaplos sa kanyang puso. 

"I don't know," wika niya. 

"Hindi mo alam?" 

Tumango siya. Tiyak niyang masyadong napapantastikuhan si Dr. Storm sa kanyang sinabi. "Talaga lang may ganitong pagkakataon na nakakaramdam ako ng takot kapag…kapag para akong dagang nasusukol," wika niyang nalilito rin. Talaga kasing para siyang na-trapped sa kung saan at wala siyang malabasan. 

"Lagi mo bang nararamdaman iyan?" 

"Kapag may lalaking lumalapit sa akin tapos kaming dalawa lang," nahagilap niyang sabihin. Pagkaraan ay napapikit siya nang maalala niyang isang lalaking hinarang siya at pilit na nakipagkilala sa kanya. Kinukuha nito ang kanyang cellphone number. 

"Judith…"

Bigla siyang napapitlag sa tawag ni Dr. Storm. Medyo pabigla iyon kaya napahawak siya sa kanyang dibdib. Sa tapat ng kanyang puso. 

"Okay lang naman ako. Huwag mo akong alalahanin," nahagilap niyang sabihin. Sa palagay niya'y hindi na niya kailangang ikuwento rito na kaya na kaya walang lalaki na lumalapit sa kanya ay dahil nabalitaan ang nangyari sa lalaking tinaguriang campus crush. Nabugbog ito dahil sumigaw siya nang sumigaw na para bang hina-harass. 

Dahil nga nasa labas na sila ng eskwelahan at malapit lang naman ang bahay nila, agad siyang nasaloklolohan ng mga tambay na naroroon. Nabugbog ito. Nasira ang kaguwapuhan nito  dahil nabali ang ilong at natanggal ang isang ngipin. Mabuti na lang at hindi nagdemanda ang pamilya nito. May testigo naman kasing hina-harass siya nito.

"Sorry…"

"Saan?"

"Natakot kita kanina."

"Nag-over react lang ako," sabi niya. Ewan niya kung bakit nagiging OA siya kapag may lalaking lumalapit sa kanya gayung gustung-gusto naman niyang makatagpo ng two in one. Prince Charming at knight in shining armour. 

Lahat ng babae ay gustong makatagpo ng guwapong lalaki pero siyempre mas gusto niya iyong mayaman para magawa siyang maiahon sa kahirapan. Bigla siyang natigilan ng rumehistro sa kanyang utak na bukod sa guwapo si Storm, mayaman din ito. 

"Iyon lang?" Tanong nitong ewan kung naniniwala sa kanya o pinagdududahan ang kanyang sinabi. 

"Yes," wika niya kahit hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang isagot. 

HINDI man alam ni Storm kung anong eksaktong nangyari kay Judith, tiyak niyang mayroon itong trauma kung ang pagbabasehan ay ang reaction nito. 

Nabiktima ba ito ng…? Hindi na niya nagawa pang ituloy ang iniisip dahil kung mapapatotohanan niya nag kanyang hinala ay baka makapatay siya. 

Marahas na paghinga ang kanyang pinawalan. Hanggang sa maaari ay ayaw niyang kumawala sa kanyang sistema ang masamang bahagi ng kanyang pagkatao dahil tiyak na makakagawa siya ng hindi nararapat. 

Teka, bakit ba masyado siyang concern? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Mabilis gumana ang kanyang utak kaya agad niyang nasagot ang sariling katanungan. Dahil siya ang rason kaya bumabalik ang trauma nito?

Iyon lang? Kunwa'y tanong ng isa pang bahagi ng kanyang isipan. 

Dahil si Judith Dimaculangan ay magiging asawa ko, mariin niyang sabi sa kanyang sarili pero bigla siyang natigilan. Magpapanggap lang naman sila ni Judith sa harapan ng kanyang Lola Anastacia. Hindi sila totoong ikakasal. 

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Ewan niya kung bakit bumigat ang kanyang dibdib.  

"Good Noon, brother."

Masyadong okupado ni Judith ang kanyang isipan kaya hindi niya napansin na mayroon palang ibang tao sa kanyang opisina. Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang ma-realize niyang ang kanyang 'buwisita' ay si Jiwan, ang kapatid niya sa ina. 

Noong bata siya ay gusto niyang magkaroon ng kapatid pero kahit nangyari iyon, hindi siya naging masaya. Half brother lang naman niya si Jiwan at isang Indian ang ama nito. 

Dahil sa kataksilan ng kanyang ina ay maaga siyang nawalan ng ama. Kaya kahit sabihin ng lola niya na walang kasalanan si Jiwan, hindi pa rin dahilan iyon para matanggal niya ang nakababayang kapatid. 

"Evening na actually."

Bahagyang tawa ang pinawalan nito. "Good PM."

Pinigilan niya ang sarili mapikon. "Bakit nandito ka?"

"Gusto ko kasing saksihan ang pagpapakasal mo," wika nitong parang nang-iinis. 

"Damn," buwisit niyang sabi. Kung ang Lola Anastacia niya ay madali niyang mapapaikot, tiyak niyang hindi si Jiwan. 

"Wala ka talagang girlfriend, ano?" Nang-iinis na sabi nito sa kanya. 

"She's my fiancee."

Lumapad ang ngiti nito sa kanya. "Alam mo ba ang dahilan kaya ako nandito?" Tanong nito. 

Kahit na sa India ito nanirahan ng pagkatagal-tagal na panahon, diretso pa rin ito managalok. Ibig sabihin nu'n, matiyaga itong naturuan ng kanyang ina. Sa kaisipang iyon ay hindi niya napigilan ang mainis. Kapag kailangan niya ito ay palagi itong absent. 

Hindi siya nagtanong pero sinagot siya nito. "Para masiguro kong hindi mo kami maloloko."

Hindi siya nakakibo. Ni hindi niya makuhang magalit. Paano kasi niya gagawin iyon kung iyon talaga ang plano niya – ang lokohin nag kanyang Lola Anastacia. 

"So, kailan namin makikilala ang iyong fiancee?" Untag ni Jiwan. 

Kahit ngiting-ngiti sa kanya si Jiwan ng mga sandaling iyon, hindi pa rin niya magawang masiyahan sa pagmumukha nito. Carbon copy ito ng ama nitong Indiyano. Kaya, kapag nakikita niya ito'y naiisip niyang ito ang dahilan kaya namatay ang kanyang ama. 

"Sa Sabado," mabilis niyang sabi. Ang gusto kaai niya'y may maisagot siya sa kanyang half brother. 

"Tamang-tama, birthday ko," wika nito. 

"Damn," wika niya. Lalo siyang na-badtrip nnag makita niyang ngiting-ngiti si Jiwan na parang sinasabing tagumpay ang plano nito.  Ibig kasing sabihin nu'n, mapupuwersa siyang sumalo rito. Kaya, mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan.  Hindi naman kasi ang tipo niya ang nagbabawi ng salita. anumang sabihin niya'y kanyang pinaninindigan. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 42 Matapos ang Pag-amin ni Judith

    NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 41 Ang Pagsasama nina Storm at Judith

    MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 40 Ang Pag-Iisa nina Judith at Storm

    "ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 39 Ang Tunay na Paglalapit nina Storm at Judith

    "THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 38 Sina Judith at Storm

    MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 37 Ang mga Plano ni Storm

    PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status