Share

Chapter 6 Ang Deal nina Storm at Judith

"KAILANGAN kita," wika ni Dr. Storm. 

Sa ilang saglit tuloy ay napakurap-kurap si Judith. Para kasing may naaaninag siyang paghihirap sa boses nito. Para tuloy gusto niyang isipin na patay na patay ito sa kanya kaya ganoon ang salita nito. 

Huwag kang mangarap, inis niyang sabi sa sarili pagkaraan ng ilang sandali. Alam na alam kasi niyang gagamitin lang siya nito para lokohin ang lola nito. 

Kahit utangera siya, hindi naman niya gustong manloko ng tao kaya nga lang kailangan niya iyong gawin dahil iyon ang kondisyon ni Storm para mabayaran niya ang kanyang mga utang sa ospital na iyon. 

"Lolokohin na natin ang lola mo?" Sarkastikong tanong niya rito. Sa tingin niya ay na-offend ito sa kanyang sinabi kaya tumalim ang tingin nito sa kanya. Ngunit, hindi siya nagpatinag dito. "Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Lolokohin mo naman talaga ang lola mo dahil kailangan nating magpanggap kahit hindi naman tayo magkarelasyon." 

"Kalimutan mong isang kasunduan lang ang lahat," sabi nito sa halip kontrahin ang kanyang sinabi. 

"Wala naman akong amnesia," mataray niyang sabi. 

"Magpanggap kang may amnesia."

Tumawa si Storm. 

Bigla siyang natigilan. Kung wala kasi siyang amnesia ay hindi niya dapat kalilimutan katagang Dr. Kahit naman kasi 'ikakasal' sila, hindi naman sila ganoon ka-close. Saka sabi nga ni Dr. Storm, hindi naman talaga sila ikakasal. 

"Ipapakilala kita sa lola ko this coming Saturday."

Kahit alam naman niyang sasabihin iyon ni Storm sa kanya isang araw, hindi pa rin niya napigilan ang mapalunok. May kaba siyang biglang naramdaman. Pakiwari nga niya, kapag nagtagpo na sila ng lola ni Storm, matatapos na rin ang kanyang pagpapanggap.

Dapat nga ay masiyahan siya kapag nangyari iyon dahil hindi na  siya guguluhin pa ni Storm. Sabi nga sa kasulatang kanyang pinirmahan, magpakasal man sila o hindi ni Storm ay sasagutin nito ang pagpapaopera sa kanyang Tatay Samuel at babayaran ang lahat ng kanyang kautangan. 

Kung pakakaisipin niya talaga at kukuwentahin, masasabi niyang panalung-panalo na siya. Para pa ngang nagkaroon siya ng panibagong buhay. Nang pumasok siya sa ospital na iyon kasama ang kanyang Tatay Samuel, magulo ang kanyang isip at problemado sa salapi pero ngayon, masasabi niyang okay na ang kanyang isipan dahil kung tutuusin ay wala na siyang dapat na alalahanin. 

Mayroon pa pala, wika niya. Dahil kasi sa pagdating ni Storm sa buhay nilang mag-ama, parang nagugulo ang kanyang damdamin. Sobra siyang kinakabahan dahil baka matalas ang pakiramdam ng lola ni Storm at agad mabasa ang pagpapanggap na kanyang ginawa. 

Hindi niya naisip na maaaring hindi matuloy ang kasal nila ni Storm kaya naman ngayong alam na niya ang posibilidad na iyon, ang bigat-bigat ng kanyang dibdib.

"May kondisyon ako," wika niya pagkaraan ng ilang sandali. 

"What?'

"Harapin mo muna ang Tatay Samuel," aniyang halos hindi humihinga. Kinakabahan kasi siya ng sabihin iyon. Hindi naman kasi siya nakasisiguro kung papayag ba ito o hindi. Ngunit, kailangan niya itong mapapayag. "Sabi niya kasi, hindi siya magpapaopera kapag hindi muna kayo nagkausap."

Ngunit, kahit sinasabi niyang kailangan ni Judith na makausap ang kanyang Tatay Samuel, minabuti niyang manatili na lang muna sa tabi nito. 

"Okay," wika nito. 

Namilog ang kanyang mga mata nang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ni Storm. "Kakausapin mo ang Tatay Samuel?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya kaya pigil na pigil niya ang kanyang paghinga. 

"Ang kulit."

Sagutin mo na lang ang tanong ko, pwede?" May katarayan niyang sabi. Bahagya pang tumaas ang kanyang boses dahil talaga namang naiinip siyang hintayin ang pagsagot ni Storm. 

"Kakausapin ko nga ang tatay mo para walang dahilan para hindi siya magpaopera," mariing sabi nito. 

Para sa kanya ang mga salita ng Tatay Samuel niya ang pinakamagandang mga salitang kanyang narinig. Hindi niya tuloy napigilang takbuhin si Storm at yakapin. Talaga kasing ikinatuwa niya ang pagpayag nito na makipag-usap sa kanyang ama. 

AYAW na sana ni Storm na maulit pa ang nangyari sa library ng kanyang mansyon kaya kahit maaari namang umupo na lang silang magkaharap ni Judith ay tumayo siya at lumayo ng bahagya kay Judith. Ngunit, tinakbo pa rin siya ni Judith at niyakap. 

Kahit nag-aalangan siya na mayroon na naman itong maalala sa nakaraan nito, hindi naman niya ito maitulak. Hindi nga niya napigilan na yumakap din dito at bahagyang singhutin ang bango nito. 

Hindi niya napigilan ang mapamura pagkaraan ang ilang sandali. Sobra rin kasi siyang naapektuhan sa kanyang ginawa. Kaya, nang ito na ang kusang kumalas sa kanya ay para siyang nakahinga nang maluwag.

"Mag-usap na muna tayo kung ano ang dapat nating gawin," wika niya. Napamura siya dahil kahit na malamig ang buga ng aircon ay bigla siyang pinagpawisan. Ang sarap kasi sa pakiramdam na yakap-yakap siya ni Judith. pakiramdam niya ay kailangang-kailangan siya nito. 

"Sorry" wika nito. 

Sa tingin niya ay gusto nitong umiyak kaya parang gusto niya itong muling yakapin at aluin. "Bakit ka nagso-sorry?" Nagtatakang tanong nito. 

"Hindi kasi ako nagsisinungaling sa Tatay Samuel ko kaya sinabi ko ang kasunduan natin. Kahit naman kasi itago ko ngayon, malalaman din niya bukas o sa susunod na magpapakasal tayo. Iyon nga lang, maaari naman palang hindi matuloy."

Ayaw niyang maniwala na ang disappointment na nakikita niya sa magandang mukha ni Judith ay dahil sa pag-ibig dahil hindi naman sila talaga magkarelasyon. Isang bahagi ng isipan niya ang nagsasabi na kaya disappointed si Judith na maaaring walang kasalan sa pagitan nila ay dahil tiyak na magbabago ang buhay nito kapag talagang pinakasalan niya ito. 

Maaari ngang hindi pa niya ito lubos na kilala pero alam na alam na niya ang tungkol sa pagiging utangera nito kaya tiyak niyang kapag naging mag asawa talaga sila ay mababawasan lang ng husto ang kanyang pera. 

May pakialam ba siya? Tanong niya sa sarili. 

Kahit naman gumasta ito nang gumasta ay hindi naman makakaapekto sa kanya. Sandamakmak ang pera niya. Ngunit siyempre, hindi na niya bibigyan ng pagkakataon ang sinuman na lokohin siya. 

"Kakausapin ko ang Tatay Samuel mo pagkatapos ng operasyon," mariin niyang sabi. Sa palagay niya kasi ay iyon ang pinakamagandang pagkakataon para magkaharap sila. Well, nagagawa naman niyang makaharap sa ilang pagkakataon ang Tatay Samuel ni Judith pero hindi bilang magiging manugang kundi maging pasyente. 

"Gusto niya bago siya operahan."

"This Friday, kakausapin ko ang Tatay mo," aniya.

"Gusto sana niya mamaya," wika ni Judith. 

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Dapat talaga makaramdam siya ng pagkairita dahil gusto niyang siya palagi ang masusunod pero hindi iyon ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. Ewan niya pero pakiramdam niya'y mas na-excite pa siya.  Sa isipan din niya ay parang nakikita na niyang nakasuot ng puting-puting trahe de boda si Judith habang naglalakad palapit sa kanya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status