Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 136 — On His Knee

Share

CHAPTER 136 — On His Knee

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-09-28 00:05:49
ZYLA SANDRA SARCOVA

“Hey, relax…” Hinaplos niya ang likod ko at inilayo niya ako nang kaunti mula sa katawan niya.

“Paano ako mag-relax? Akala ko, okay na lahat. Wala nang problema, tapos mayro’n pa pala.”

Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa mga mata ko, na lalo namang nagpalakas ng kaba ko. Ayaw ko kapag ganito siya. Naalala ko 'yong tungkol kay Bianca.

“Zadrick, ano ba kasi ang problema?”

Kinulong niya na naman ang pisngi ko sa palad niya saka pinahid ang luha sa mga mata ko.

“Zy…”

Pigil-
sweetjelly

Isa muna ngayon. Baka tumagos na si ako sa pader... Salamat sa inyo...

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nikki Angela G Escol
Miss A update kana po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 136 — On His Knee

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Hey, relax…” Hinaplos niya ang likod ko at inilayo niya ako nang kaunti mula sa katawan niya.“Paano ako mag-relax? Akala ko, okay na lahat. Wala nang problema, tapos mayro’n pa pala.”Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa mga mata ko, na lalo namang nagpalakas ng kaba ko. Ayaw ko kapag ganito siya. Naalala ko 'yong tungkol kay Bianca.“Zadrick, ano ba kasi ang problema?”Kinulong niya na naman ang pisngi ko sa palad niya saka pinahid ang luha sa mga mata ko.“Zy…”Pigil-hininga ako habang hinihintay ang sasabihin niya.“Zadrick, sabihin mo na. Hindi ba’t sabi mo, problema ko, problema mo rin—”“Ano kasi—”Pero pinutol ng tunog ng cellphone ang pagsasalita niya at kaagad pa siyang bumitiw sa akin para sagutin iyon.Napatanga ako. As in, natanga ako. Kasi hindi naman siya ganito. Mas inuuna niya ako kaysa sa kahit sino mang tumatawag sa kanya.Ngayon, medyo lumayo pa siya at tumalikod habang nakikipag-usap nang pabulong sa tumawag.Humakbang ako palapit. Gusto ko

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 135—Isa Pang Problema

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Hi…” Mahina at halatang nahihiya ang bati niya kay Rover.Pero iyon lang ang salitang bumasag sa mahabang katahimikan matapos silang magtitigan.“Hi…” sagot naman ni Rover, pero wala sa babaeng kaharap niya ang tingin niya.Sa halip, nakatingin na siya sa batang lalaking kasama ng babaeng kararating lang.“Mommy, siya na po ba ang daddy ko?” tanong ng bata, na ikinangiti ko.Napahawak din ako sa dibdib ko. Parang tumalon ang puso ko sa tuwa.Kasi pinili ni Rover na kilalanin ang anak niya.Tumingin ako kay Zadrick at humilig sa balikat niya. Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.Lumuhod si Rover para magpantay sila ng bata. Sandali pa siyang natahimik bago tuluyang humarap dito.“Yes, I’m your dad…”Humawak siya sa balikat ng bata at marahan niya itong hinila palapit sa kanya bago niyakap.Hindi ko na naman napigilang ngumiti. Sa unang pagkakataon, nakita kong niyakap niya ang sariling anak na parang sabik na sabik siya r

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 134—Settled

    ZYLA SANDRA SARCOVANandito na kami sa labas ng restaurant kung saan kami magkikita ni Rover.Pero napatigil ako nang maramdaman ko ang mahinang paghila ni Zadrick sa kamay ko nang papasok na sana kami.“Zy…” Ang baba ng boses niya. Hindi rin siya sa akin tumingin kundi nasa loob ng restaurant na parang may sinisipat sa loob.“Zadrick… nag-usap na tayo…”Bumuntong-hininga siya. Mukhang tama ako. Nagbago ang isip niya.“Hindi mo na naman kailangang makipagkita pa… Tapos na kayo, ’di ba? Nilinaw mo na ’yon sa kaniya.”“Oo… pero um-oo na ako, at pumayag siya sa kondisyon ko na kasama ka.”Yumuko ako. Kasi, sa totoo lang, tatanggihan ko sana siya. Pero hindi pa man ako tapos mag-type ng reply, nag-message ulit siya. Gusto niya lang daw makipagkita para ma-settle ang mga bagay-bagay.Doon ako na-curious, eh. Ano pa ang dapat naming i-settle?“Iyan lang ba talaga ang rason, o gusto mo lang siyang makita…?”Mas bumaba pa ang boses niya. ’Yong sobrang baba na alam mong nagseselos pero ayaw pah

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 133—Problemang Biglang Sumulpot

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Mahal, meryenda ka muna.”Napangiti akong napatingala kay Zadrick habang maingat niyang inilapag ang apple juice at macarons sa coffee table.“Bakit ikaw pa ang nagdala niyan?” tanong ko, saka muling ibinaba ang tingin sa ginuguhit ko.“Kasi kapag inuutos ko sa kasambahay, hindi mo ginagalaw.”Malumanay ang pagsasalita niya, pero kinuha naman niya ang tablet sa kamay ko at inilagay sa bakanteng upuan.“Zadrick… akin na ’yan. Hindi pa ako tapos, eh…”Ngumiti lang siya habang kumukuha ng isang macaron.“Say ah…”“Zadrick… para naman akong bata.”Kukunin ko sana ang macaron, pero inilayo niya at muli niya akong sinubuan.Napapailing na lang ako, pero napapangiti naman din. Kasi habang tumatagal kaming magkasama sa isang bubong, lalong naging sweet siya.’Yong kahit napaka-busy niya sa preparation ng capsule collection launch, isiningit pa rin niya kami ni Zailyn sa schedule niya.Ngayon nga, dapat ay nasa headquarters siya para kausapin ang production team tungkol sa

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 132—You’re Safe With Me

    ZYLA SANDRA SARCOVASabay napailing sina Ma’am Diana at Sir Mavrick habang nakatingin sa anak nilang umaastang parang tanga. As in, kumikilos siyang parang tanga habang nakatingala sa kisame na parang nagbibilang ng butiki. Kumibot pa ang labi niya habang kakamot-kamot sa ulo, halatang ayaw akong tingnan.Buwisit siya… Sabi niya, “Trust me… you’re safe,” habang kumukuha siya ng ultra-thin na “trust con—”Naikuyom ko ang kamao.Sabi na, eh… may mali.May sumirit na malagkit at mainit-init akong naramdaman sa tuwing sinabi niyang… I’m coming.Ayaw pa rin niya akong tingnan habang kakamot-kamot pa rin sa ulo.“Apo…” Hinawakan ni Ma’am Diana ang kamay ni Zailyn. “Come on. Let Mommy rest for now.”Kaagad namang tumalima si Zailyn at tumayo.“Rest now, okay, Mommy?” Humalik siya sa pisngi ko.Hinaplos ko naman ang buhok niya, pero ang mata ko kay Zadrick pa rin na iniiwasan pa ring mapatingin sa akin.“Let’s go, Apo.” Humawak din si Sir Mavrick sa kamay ni Zailyn. Pero nakatingin naman siya

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 131—Another Success

    ZYLA SANDRA SARCOVANagising akong mag-isa sa kwarto namin ni Zadrick na may nakabit na suero sa kamay.Napahawak ako sa noo ko nang maalala ko ang muntikan kong pagkahulog at talagang nawalan pa ng malay dahil sa takot ko kay Ma’am Diana.“Ano ba ang nangyayari sa akin?”Maaaring upset lang si Ma’am Diana sa akin, pero hindi siya masamang tao na gagawa sa akin ng masama.Maski ako, nagugulat sa sarili ko.Hindi naman ako ganito noon. Nagsimula nga kaming maayos ang relasyon sa isa’t isa.Oo, madalas akong kabado kapag nakakaharap siya noon dahil nga kay Zailyn, pero hindi ako ganito katakot na umabot sa puntong mawalan ako ng malay.Feeling ko may mali sa utak ko. Hindi ko makontrol ang sarili kong matakot sa kanya.Napalingon ako sa p***o nang may narinig akong mga boses.Parang boses nina Ma’am Diana, Sir Mavrick, at Zadrick… pero may iba pa.Babaeng hindi ko kilala ang boses.Ayon, nagtambol na naman ang puso ko.Kasi kahit ilang araw pa lang akong nag-stay dito sa mansyon, kilala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status