登入ZYLA SANDRA SARCOVA
Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa hotel.
Ang natatandaan ko lang, tumakbo ako matapos kong tadyakan ang bayag no'ng lalaking 'yon.
Ang bilis kong nakarating. Nawala rin ang kalasingan ko. Halos hindi ko nararamdaman ang sakit ng paa ko sa heels.
Ang alam ko lang, galit ako. Nag-iinit ang buong katawan ko.
Pagkapasok ko sa hotel room, diretso akong pumasok sa banyo.
Hindi ko na hinubad nang maayos ang mga damit ko. Tumayo ako sa ilalim ng shower at binuksan ang tubig.
Kumalat ang lamig sa buong katawan ko, pero hindi sapat.
Parang may apoy pa ring naglalagablab sa loob ko.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ilalim ng shower. Basta naramdaman ko na lang ang lamig na nanoot sa balat ko. Pero hindi pa rin napawi ang galit ko.
Sa unang araw ng pagbabalik ko sa Pilipinas.
'Yong dalawang lalaking kinamuhian ko ang unang nakaengkuwentro ko.
Napatawa ako nang mapait.
Ang malas-malas ng pagbabalik ko.
Mas nilakasan ko ang agos ng tubig at nanatili roon hanggang sa mangalay ang mga binti ko.
Pero wala… hindi mawala-wala ang inis ko. Lumabas ako ng banyo na latang-lata at agad na humilata sa kama.
Sinubukan kong matulog. Pero wala. Dilat ang mga mata ko buong magdamag.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha niya.
Ang mukha ng lalaking akala kong hindi ko na muling makikita.
***
Kinabukasan, lumabas lang ako para kumain.
Pagkatapos ay bumalik din agad ako sa kuwarto.
Ayaw ko nang lumabas.
Ayaw kong makita si Rover. Lalong ayaw kong makita ang lalaking iyon.
Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa sofa.
Saktong nag-ring ang phone ko.
Si Alexia.
"How are you?"
Nakangiti siya, pero agad napasimangot nang buntong-hininga ang sagot ko.
"What happened, Zy?"
"Alex... my head is killing me."
“Ano ba kasi ang pinaggagagawa mo riyan?”
“Ano kasi…”
Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat.
Mula sa pagkikita namin ni Rover hanggang sa lalaking hinalikan ko sa bar.
Siya naman ang napabuntong-hininga.
"I don't want to be here anymore, Alex..."
"Zy... get a grip. Those men ruined your life before. Don't let them do it again."
Napisil ko na lang ang noo ko.
Pero tama ang kaibigan ko. Hindi dapat ako paapekto sa kanila.
"You really know how to calm me down, huh?"
"Of course. We're practically sisters."
Natawa na lamang ako, pero saglit lang.
"Zy, do what you came there to do. Finish the launch. Close the deal. Then come back home."
Napatingin ako kay Zailyn na natutulog sa tabi ni Alex.
Miss na miss ko siya.
"I want this to be over, too. The problem is, I still haven't heard anything from the CEO."
"Then stop wasting your time and energy being angry and waiting around."
Inilapit niya ang camera sa mukha niya.
"Go design something. Every time you're mad, your collections get better."
"Really? You're such a supportive friend."
"I know."
Pareho kaming natawa.
"Okay, bye. I'm sleepy."
Pagka-end ng tawag, binuksan ko ang sketchbook ko.
Sa guhit ko inilabas ang emosyon ko.
Mabilis ang kamay kong gumuhit.
Kung anong nasa isip ko, 'yon ang mismong galaw ng kamay ko.
Hindi ko namalayang nakagawa na ako ng tatlong bagong design.
Isang tailored black pantsuit na may metallic detailing.
Isang evening gown na parang may silver thorn details.
At isang eleganteng dress na puro dark floral embroidery.
Nakangiting nakatitig ako sa mga sketch, pero napasimangot nang maalala si Rover.
Bakit gano’n ang asta niya? Ang kapal niyang banggitin ang five years ago.
Siya ang dahilan ng lahat. Kung hindi siya sumama sa ibang babae. Hindi nangyari sa akin ang gabing ‘yon.
Muntik kong mabali ang pen ko nang biglang tumunog ang phone ko.
Unknown number.
"Hello?"
"Good morning, Ms. Sarcova. This is Milo."
Agad akong napaupo nang maayos.
"Yes?"
"The meeting with my boss has been confirmed. It's scheduled for six o'clock this evening."
"Noted. Just send me the location."
"Of course, Ms. Sarcova."
Pagkatapos ng tawag, napatingin ako sa oras.
Alas-diyes pa lang ng umaga.
Tumayo ako at inilapag ko ang sketchbook sa table.
Mahaba pa ang oras. May time pa para matulog. At saka, hindi nga ako nakatulog kagabi.
Nag-set ako ng alarm. Alas-kuwatro.
Pagkahiga ko pa lang sa kama, agad nang bumigat ang mga mata ko.
Mukhang bumigay na rin sa wakas ang katawan ko.
***
Hindi pa man tumunog ang alarm, nagising na ako.
Mag-alas-kuwatro pa lang ng hapon.
Agad na rin akong naligo at naghanda.
Isinuot ko ang high-waist wide-leg trousers na ipinares ko sa fitted silk blouse.
Pagkatapos ay sinuot ko ang pointed nude heels.
Bitbit ang structured leather tote, humarap ako sa salamin.
Maingat kong itinuck in ang blouse ko bago sinuot ang oversized square black sunglasses.
Nang masigurado kong maayos ang lahat, lumabas na ako ng kuwarto.
Saktong pagbaba ko sa lobby, naroon na ang cab na na-book ko.
Tahimik akong nakatanaw sa bintana habang binabaybay namin ang daan.
Wala pang alas-sais nang makarating ako.
Tulad ng inaasahan ko, wala pa ang ka-meeting ko.
Pinaupo ako ng waiter sa isang mesa malapit sa bintana.
"Would you like to order, ma'am?"
"Not yet. I'm waiting for someone."
Tumango siya at umalis.
Ilang minuto rin akong nakaupo roon.
Hanggang sa bumukas ang pinto.
Pumasok si Milo. Kasama niya ang isang lalaking nasa mid-fifties na, pero well-built pa rin. Matangkad at may ekspresyong alam mong isang malaking tao.
Agad akong tumayo, ngumiti, at inilahad ang kamay ko.
"Hello. I'm Zyla Sandra Sarcova."
Pero hindi ang matanda ang humawak sa kamay ko.
Isang mas malaking kamay ang naunang sumalo rito.
Mabagal akong napatingala sa mas matangkad na lalaki.
Kasabay no'n, narinig ko ang mababa at pamilyar na boses.
"Zadrick Vandal."
Parang tumigil ang paghinga ko habang nakatitig sa kanya.
"CEO of Vandal Atelier."
ZYLA SANDRA SARCOVABumuka ang mga kamay ko at nanigas. Gusto ko siyang kalmutin.Pero ikinuyom ko rin ang mga iyon at pagkatapos ay ngumiti ako.Hindi mabait na ngiti. Iyong ngiting ginagamit ko kapag may gusto akong ilagay sa lugar."Funny."Nagsalubong ang mga kilay niya."I was thinking the same thing."Sabay napatikhim sina Milo at Gaston. Nagpalipat-lipat na ang tingin nila sa amin na parang nanonood ng pickleball match."What do you mean?" tanong niya. Madiin ang boses."Everyone says you're a professional."Tumiim ang panga niya at bahagyang lumapit sa akin."Are you questioning my professionalism?""I'm questioning your habit of making decisions for other people."“Mr. Vandal…” Pumagitna agad sa amin si Gaston. May pilit na ngiti habang inaawat kami."Perhaps we can discuss the accommodations later—""No," putol ko. "Let's discuss it now."Diretso akong tumingin kay Zadrick."If I decide to stay at the residence, that's my choice. Not yours."Ilang segundo siyang hindi nagsal
ZYLA SANDRA SARCOVAParang nakalimutan ko kung paano huminga. Nakatitig lang ako kay Zadrick habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.Hindi ko siya natitigan nang maigi kagabi. Ngayon lang. Wala pa ring pinagbago sa mukha niya kahit limang taon na ang lumipas. Medyo nag-mature lang siya. Pero ang panga niya, defined pa rin. Matangos ang ilong, mapula ang labi, at makinis ang mukha na gusto kong pagaspangin sa sampal.Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Lumagkit din ang tingin niya, na lalong nagpakulo sa dugo ko. Ang sarap niyang hambalusin. Akmang hihilahin ko ang kamay ko, pero mas humigpit ang hawak niya. Bagang ko nagtagis na. Gusto ko na siyang kagatin."All right," putol ng lalaking kasama ni Milo. "I think that's enough for the introductions. Why don't we all take our seats and start discussing the terms?"Napalingon si Zadrick sa lalaki. Doon ko naman mabilis na binawi ang kamay ko na parang napaso.Pero nakita ko...Ngumiti siya… Ngiting nakakainis.Kulang yata sa lakas i
ZYLA SANDRA SARCOVAHindi ko alam kung paano ako nakabalik sa hotel.Ang natatandaan ko lang, tumakbo ako matapos kong tadyakan ang bayag no'ng lalaking 'yon.Ang bilis kong nakarating. Nawala rin ang kalasingan ko. Halos hindi ko nararamdaman ang sakit ng paa ko sa heels.Ang alam ko lang, galit ako. Nag-iinit ang buong katawan ko.Pagkapasok ko sa hotel room, diretso akong pumasok sa banyo.Hindi ko na hinubad nang maayos ang mga damit ko. Tumayo ako sa ilalim ng shower at binuksan ang tubig.Kumalat ang lamig sa buong katawan ko, pero hindi sapat.Parang may apoy pa ring naglalagablab sa loob ko.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ilalim ng shower. Basta naramdaman ko na lang ang lamig na nanoot sa balat ko. Pero hindi pa rin napawi ang galit ko.Sa unang araw ng pagbabalik ko sa Pilipinas.'Yong dalawang lalaking kinamuhian ko ang unang nakaengkuwentro ko.Napatawa ako nang mapait.Ang malas-malas ng pagbabalik ko.Mas nilakasan ko ang agos ng tubig at nanatili roon hangga
ZYLA SANDRA SARCOVA“Congratulations, Miss Sarcova. The media loved your collection.”Ngumiti ako at tinanggap ang champagne glass na iniabot sa akin.“Thank you.”“Your Philippine launch will be a huge success.”Paulit-ulit ko nang naririnig ang mga salitang iyon ngayong gabi.Five years ago, matapos ang mga nangyari, hindi ko naisip na maririnig ko ang mga iyon. Na mararating ko ang mayroon ako ngayon.May sarili na akong pangalan. May sariling brand at may mga taong handang magbayad ng milyon para sa mga design ko.“Miss Sarcova, kailangan na po nating umalis,” sabi ng manager ko.Tumango ako. Hindi ko na rin kayang magtagal.Tatlong sunod-sunod na event sa loob ng isang linggo ang dinaluhan ko.Hindi ko na nga alam kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing.Pagdating ko sa sasakyan, agad kong isinandal ang ulo ko sa upuan at ipinikit ang mga mata ko.Then nag-vibrate ang phone ko.Si Alex.Ang business partner at matalik kong kaibigan.“Zy, na-check mo na ba ang email mo?” b
ZYLA SANDRA SARCOVARoom 540.Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko ang numerong ’yon.Numero ng hotel room na ako mismo ang nag-book para sa amin ng boyfriend ko na si Rover.Second anniversary namin ngayon. Ito ang araw na ibibigay ko sa kanya ang regalong pinaka-aasam niya.Ang sarili ko…Hinanda ko ang lahat. Ang dalawang baso at wine. Saka ako pumasok sa banyo at naligo.Isinuot ko ang itim na silky nightgown na regalo niya. Gusto niya ang scent ng vanilla perfume ko, kaya nag-spray ako sa pulsuhan at sa likod ng tainga ko, pati sa damit at maging sa kama.Alas-nuwebe ng gabi ang usapan namin. Limang minuto na lang at darating na siya.Sinindihan ko ang isang scented candle at in-off ko ang lahat ng ilaw.Ito ang gusto niya. Madilim, romantic setting. Sa tuwing magde-date kami, lagi niyang sinasabi na ganito ang gusto niya sakaling sigurado na ako sa kanya.Hindi man ako umimik noon, pero naka-ukit ’yon sa utak ko.Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto. Uupo sa k







