Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 3—Oportunidad

Share

CHAPTER 3—Oportunidad

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-06-22 16:12:45

ZYLA SANDRA SARCOVA

Parang nakalimutan ko kung paano huminga. Nakatitig lang ako kay Zadrick habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.

Hindi ko siya natitigan nang maigi kagabi. Ngayon lang. 

Wala pa ring pinagbago sa mukha niya kahit limang taon na ang lumipas. Medyo nag-mature lang siya. Pero ang panga niya, defined pa rin. Matangos ang ilong, mapula ang labi, at makinis ang mukha na gusto kong pagaspangin sa sampal.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Lumagkit din ang tingin niya, na lalong nagpakulo sa dugo ko. 

Ang sarap niyang hambalusin. Akmang hihilahin ko ang kamay ko, pero mas humigpit ang hawak niya. Bagang ko nagtagis na. Gusto ko na siyang kagatin.

"All right," putol ng lalaking kasama ni Milo. "I think that's enough for the introductions. Why don't we all take our seats and start discussing the terms?"

Napalingon si Zadrick sa lalaki. Doon ko naman mabilis na binawi ang kamay ko na parang napaso.

Pero nakita ko...

Ngumiti siya… Ngiting nakakainis.

Kulang yata sa lakas iyong tadyak ko sa kanya kagabi. Nakatayo pa, eh.

Tumikhim si Milo.

Mukhang siya lang ang nakapansin sa kakaibang tensyon sa pagitan namin.

"Please have a seat, Boss Zad," sabi niya.

Mabilis siyang lumibot sa mesa at hinila pa ang upuan para kay Zadrick.

Tahimik na umupo si Zadrick sa harap ko na parang okay ang lahat sa pagitan namin.

"Allow me to introduce myself properly," sabi ng lalaking kasama nila nang makaupo kami. "I'm Gaston Aviola, Chief Brand and Global Expansion Officer of Vandal Atelier."

Ngiti na lang ang sagot ko sa kanya. Takot na rin kasi akong makipagkamay. Baka iba na naman ang sumalo.

"Ms. Sarcova, we've been following your work for years," dagdag niya. "Your collections have consistently performed well in Europe and the Middle East."

Ang gandang papuri no’n.

Pero nanahimik na lang ako. 

Para kasing nawalan na ako ng gana sa collaboration na ito.

Kung hindi pa masisira ang pangalan ko, umalis na ako kanina pa.

Pero sige, susubukan kong makinig sa offer nila.

"The reason we're interested in working with you is that Vandal Atelier is preparing to launch a premium international capsule collection next year."

Sumulyap siya kay Zadrick bago muling bumaling sa akin.

"We want a designer collaboration. A limited collection carrying both your signature design language and the Vandal Atelier brand."

Malaking proyekto iyon. Mas malaki kaysa sa inaasahan ko. Pero hindi muna ako nagsalita.

Ibinukas ni Gaston ang folder sa harap niya at ipinasa ito sa akin.

"The proposal includes twelve exclusive designs."

Tumingin ako sa dokumento.

"Twelve?"

"Six formal pieces, four evening pieces, and two signature couture designs for the campaign launch."

“And the authorship?”

"The designs will remain under your authorship," sagot ni Gaston. "However, Vandal Atelier will receive exclusive production and distribution rights for three years."

Sa isip ko, mukhang reasonable naman ang terms nila.

"How about the revenue split?"

"Revenue will be split sixty-forty in your favor."

Bahagyang umangat ang kilay ko. Hindi ko in-expect na magiging pabor sa akin ang revenue split.

Karaniwang ang malalaking fashion houses ang kumukuha ng mas malaking porsyento dahil sila ang sasagot sa production, distribution, marketing, at global exposure.

Napatitig ako sa proposal. Nakakaingganyo kasi.

Bilang designer, hindi lang naman pera ang habol ko.

Kaya kong kumita ng malaki kahit walang ganitong offer.

Pero may mga pangarap pa rin ako.

Iyon ay magkaroon ng sariling fashion house.

Isang brand na maiiwan ko sa anak ko pagdating ng araw at pangalang magiging tanyag sa buong mundo.

Ang collaboration na ito ay maaaring maging tulay papunta roon.

"We'll also cover manufacturing, marketing, global campaign expenses, and launch events," pagpapatuloy ni Gaston.

Tahimik akong nag-flip ng mga pahina. Nagdadalawang-isip pa rin ako.

Hindi ko gusto ang taong nasa harap ko.

Pero ang hirap palampasin ang ganitong oportunidad.

"Do you have any concerns so far, Ms. Sarcova?" tanong ni Gaston.

Isinara ko ang folder.

Huminga ako nang malalim saka ako diretsong tumingin kay Gaston.

"None so far."

Bahagyang ngumiti si Gaston. Maging si Milo ay napangiti rin.

Si Zadrick lang ang parang tuod na nakaupo at walang emosyon ang mukha.

"Then we'd be happy to proceed once you're ready."

Saglit akong nag-isip bago tumango.

Ngunit bago ko tuluyang maibigay ang sagot ko, may isa pang tanong na sumagi sa isip ko.

"There aren't any additional conditions?"

"There is one more condition."

Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang meeting, ngayon lang nagsalita si Zadrick.

Natahimik ang buong mesa at napatingin sa kanya ang lahat.

Bahagya siyang sumandal sa upuan at pinag-cross ang mga braso sa dibdib habang matiim akong tinitigan.

"What's the condition?" tanong ko.

"The production will be based in the Philippines."

Napakunot ang noo ko.

"Bakit dito?"

"It'll make communication easier. No delays. No unnecessary back-and-forth between countries. Design approvals, fittings, revisions, and production concerns can all be handled faster."

Hindi ako sumagot, pero may punto siya.

Malaking sakit ng ulo ang international production kapag magkaiba ang time zone.

Minsan, simpleng revision lang, inaabot ng ilang araw.

Tumingin si Zadrick kay Gaston na parang inuutusan itong ituloy ang paliwanag.

"Wala ka na ring ibang alalahanin, Ms. Sarcova. Vandal Atelier will establish a dedicated production team for the project," dagdag ni Gaston. "You'll have direct access to everyone involved."

Napasandal din ako at humalukipkip.

Tahimik akong nag-isip.

Sa business standpoint, wala akong nakikitang problema.

Sa personal standpoint...

Ang dami.

Ang ibig sabihin noon ay mananatili ako rito sa Pilipinas nang mas matagal kaysa sa plano ko.

Nangangahulugan ding mas madalas kong makikita si Zadrick Vandal.

At saka, paano na si Zailyn?

Tiyak na magtatampo iyon.

Nangako ako sa kanya na babalik agad ako, tapos ganitong offer ang matatanggap ko.

"So, Ms. Sarcova, what do you think? Are you willing to move forward with the collaboration?" nag-aalangang tanong ni Gaston. Matagal kasi akong nanahimik.

Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos ay tumango.

Para sa future namin ng anak ko.

"All right..." Mahina ang boses ko. Hindi pa rin ako sigurado sa desisyon ko.

"Good," sabi ni Zadrick.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

Kitang-kita ko iyon.

Pagkatapos ay tumayo siya at tumingin sa akin.

"Come with me."

Napatayo rin ako sa gulat.

"What?"

"You're moving out of the hotel."

"Excuse me?"

"We've already arranged accommodations for you."

Napakunot lalo ang noo ko.

"Wait a minute. Why would I move?"

"Because if we're working together, you'll need to stay somewhere more suitable for the project."

"Suitable?" ulit ko.

"You'll stay at the executive residence."

Diretso ang tingin niya sa akin.

"That's where our international partners, designers, and senior executives stay whenever they're in the country."

"Teka lang… masyado ka namang nagmamadali. Hindi pa nga tayo nakapirma ng kontrata. Hindi pa official ang deal."

Nag-iba ang expression niya. Tumiin ang bagang niya. "Not official?" ulit niya.

"I thought your reputation was real."

Napakunot ang noo ko.

"What is that supposed to mean?"

"Everyone says you're decisive. When you give your word, you mean it." 

Bahagya siyang ngumiti.

Iyong klase ng ngiti na gusto kong burahin gamit ang kamao ko.

"Apparently, they're wrong."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
OHHH EXCITING STORY!!
goodnovel comment avatar
Nan
Nanigurado ka agad si mr.ceo na mapapayag nya si Zyla ,mukhang mahirapan tumanggi maganda kasi ang offer
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 3 — The Pharmacy Guy

    ZAILYNPagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, tumayo ako.Pinulot ko ang cake na nahulog sa sahig at itinapon ko sa basurahan.Inayos ko rin ang kama ko at pinalitan ang sapin. Lahat ng bakas ni Clark sa kwartong ’to, binura ko.Hindi ako malulugmok dahil sa lalaki.Matapos kong itapon ang lahat ng dapat itapon at linisin ang dapat linisin, hinubad ko ang damit ko at pumasok sa banyo.Pinilit kong magpakatatag pero, damn it!Ayaw pa ring tumigil ang mga luha ko.Hinayaan kong pumatak ang malamig na tubig sa mukha ko at humalo sa mga luha ko.Matapos maligo, tinuyo ko ang buhok ko at nagpalit ng damit na hindi ko madalas sinusuot.Tumingin ako sa salamin at ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili ko.Suot ko ang black leather mini skirt at fitted satin camisole na regalo ni Mommy sa akin noon. Ipinaris ko rito ang oversized blazer at heels na regalo ni Daddy.Napabuntong-hininga ako.Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalong bumigat. Kasi, mas na-miss ko ang mga magulang ko.P

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 2 — The Betrayal

    ZAILYN“Thank you…” Nakangiting sabi ko sa salesgirl bago ko bitbitin ang cake na binili ko.Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang pumapara ng taxi papunta sa apartment ko.Alas-otso na ng gabi. Kailangang maihanda na ang lahat bago pa dumating si Clark.Ang boyfriend ko.Kaarawan niya ngayon. Gusto ko siyang sorpresahin at sa tingin ko, handa na siyang malaman kung sino talaga ako.Patakbo kong inakyat ang mahabang hagdan papunta sa apartment ko habang iniingatan ang cake na hawak ko.Pero bubuksan ko na sana ang p***o nang mapansin kong bahagya itong nakabukas.Natigilan ako.At… may naririnig ako.May tao sa loob.May mga ungol at kaluskos.Alas-nuwebe ang usapan namin ni Clark.Umuwi ba siya nang maaga?Dahan-dahan akong pumasok.Habang papalapit ako sa kwarto, mas lalong luminaw ang mga naririnig ko.“Oh, shit… Clark! Faster…”Napigil ko ang hininga ko. Parang nawalan ng lakas ang kamay ko. Nabitiwan ko ang dala kong cake.Nakikita ko sila sa loob ng kwarto ko.Sa kama na kabi

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 1 — The Most Embarrassing Customer

    ZAILYNNatural na talagang may customers na pumapasok sa pharmacy para bumili ng gamot at vitamins.May mga nagdadala ng reseta mula sa iba’t ibang doktor.May mga customer na kailangan pang magpaliwanag nang sampung minuto bago sabihin kung ano talaga ang kailangan nila.Sanay na ako roon.Pero hindi ako sanay sa lalaking halos sampung minuto nang nakatayo sa harap ng counter habang palinga-linga na parang may hinihintay na mawala ang ibang customer.“Can I help you, sir?”Napatingin siya sa akin.“Uh…”Naghintay ako ng sagot niya, pero parang na-stuck iyon sa lalamunan niya.Hindi pa rin siya mapakali. Tumingin siya sa gilid, pagkatapos ay sa likod niya bago bahagyang yumuko sa counter.“Miss, do you have anything that can make it stop?”Napakunot-noo ako.“Stop what?”Bigla siyang tumahimik. Lumunok na parang gusto niyang bawiin ang tanong niya.“Never mind…”Akmang tatalikod na sana siya, pero tumigil siya nang umalis ang customer na katabi niya.Muli siyang humarap at lumunok.“Ge

  • Mommy Hates My Daddy CEO   EPILOGUE

    EPILOGUEZAILYN SARCOVA VANDAL17 YEARS LATER…“Congrats, Zai…” bati sa akin nina Mommy at Daddy, sabay yakap sa akin.“Thanks, Mom, Dad…” Niyakap ko rin sila pabalik.At nang bumitiw ako, sila naman ang nagyakapan.Napapailing na lamang akong kunwari'y tinakpan ang mga mata ko.Kasi kahit nasa forties na sila, hindi pa rin sila nagbago. Ang sweet pa rin nila. ’Yong tipong habang nakatingin ako sa kanila, naaalala ko ang munting mission ko noon, ang “Operation: Make Mommy Love Daddy,” pati na ang sikreto namin ni Daddy.Ang papel na ibinigay ko kay Nanny Gina noong umalis kami sa mansyon at babalik na sana sa ibang bansa.’Yon ang checklist ng plano ko kung paano sila paglalapitin. At ang huling note roon…“Daddy, don’t give up on Mommy… I’ll help you win her heart.”Five years old pa lang ako no’n. Siguro, kung wala ang papel na ’yon at ang mga conversation namin ni Daddy sa smartwatch ko, hindi ko na rin siguro maalala ang lahat ng iyon.“Ang galing-galing ng anak natin, ’no?” Yumak

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 142 — Back to Room 540

    ZYLA SANDRA SARCOVAPagkatapos ng ceremony, hindi na halos nawala ang ngiti ko. Sunod-sunod ang pictures, congratulations, hugs, best wishes, at kung anu-anong pagbati mula sa mga bisita.Pero sandaling nawala ang ngiti ko nang makita ko ang tita ko, kapatid ng tatay ko.Kasama niya ang asawa niya at ang dalawa nilang anak.Nang magtagpo ang mga mata namin, bahagya silang ngumiti, pero hindi sila lumapit.Ngumiti lang din ako.Sa tingin ko, sapat na ’yon bilang patunay na nabura na ang sama ng loob o hinanakit ko sa kanila.Hindi na kailangan ang mahabang paliwanag. Hindi na kailangang ungkatin ang nakaraan.Isang simpleng ngiti at isang mahinang tango lang.At nang maglakad kami ni Zadrick sa aisle, tumayo sila.Tumigil din kami ni Zadrick.“Congratulations, Zyla,” sabi ni Tita.Bahagya akong ngumiti.“Thank you…”“Best wishes…” sabi rin ng asawa niya.“Thank you.”Iyon lang at nagsimula na naman kaming maglakad.Hindi na kailangang burahin ang nakaraan para mapatawad ang isang tao.M

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 141 — THE WEDDING

    ZYLA SANDRA SARCOVAHindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang araw na ito.Ang dami kong pinangarap noon. Ang daming bagay na akala ko ay hindi ko na mararanasan.Pero ngayon, habang nandito ako sa loob ng bridal room at nakatingin sa sarili ko sa salamin, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko.Ikakasal na ako.Kay Zadrick Vandal. Ang lalaking namali lang ng kuwartong pinasok, pero siya pala ang makakasama ko habambuhay.Napangiti ako habang marahan kong hinawakan ang bouquet na hawak ko.Pinkish flowers with soft petals, arranged simply but elegantly. Pinili iyon ni Zailyn, at sa pagitan ng mga bulaklak ay may maliliit na silver details na naging signature ng Midnight Bloom.Hindi ko napigilang mapangiti.Kahit ang wedding bouquet ko ay may kaunting bahagi ng collection na naging malaking bahagi ng buhay ko.“Mommy!”Napalingon ako nang bumukas ang p***o at pumasok si Zailyn.Nakaayos na rin siya sa suot niyang flower-girl dress, isang maliit at eleganteng puting gown na may soft f

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status