로그인ZYLA SANDRA SARCOVA
“Congratulations, Miss Sarcova. The media loved your collection.” Ngumiti ako at tinanggap ang champagne glass na iniabot sa akin. “Thank you.” “Your Philippine launch will be a huge success.” Paulit-ulit ko nang naririnig ang mga salitang iyon ngayong gabi. Five years ago, matapos ang mga nangyari, hindi ko naisip na maririnig ko ang mga iyon. Na mararating ko ang mayroon ako ngayon. May sarili na akong pangalan. May sariling brand at may mga taong handang magbayad ng milyon para sa mga design ko. “Miss Sarcova, kailangan na po nating umalis,” sabi ng manager ko. Tumango ako. Hindi ko na rin kayang magtagal. Tatlong sunod-sunod na event sa loob ng isang linggo ang dinaluhan ko. Hindi ko na nga alam kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing. Pagdating ko sa sasakyan, agad kong isinandal ang ulo ko sa upuan at ipinikit ang mga mata ko. Then nag-vibrate ang phone ko. Si Alex. Ang business partner at matalik kong kaibigan. “Zy, na-check mo na ba ang email mo?” bungad niya. Matamlay akong tumingin sa manager ko. Agad naman niyang iniabot sa akin ang tablet. Binuksan ko ang email at napabuntong-hininga. Kailangan ko raw bumalik sa Pilipinas para makipagkita nang personal sa CEO na nag-offer collaboration “Kailangan ba talagang ako ang makipagkita?” tanong ko. “Ni-request ng CEO ang presence mo. Ayaw na ayaw niya raw makipag-deal sa mga ghost.” Napapikit na lang ako. “Fine…” Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Apat na araw matapos kong matanggap ang email, naayos ko na ang lahat ng dapat asikasuhin. “Alex, ingat kayo, ha? Tumawag ka agad kapag may problema. Lilipad agad ako pabalik dito.” “Don't worry. I've got Zailyn.” Yumuko ako at marahang hinalikan ang pisngi ng anak ko. Oo, may anak na ako. Nagbunga ng napaka-cute na anghel ang gabing iyon sa hotel. Matagal akong nabuhay sa galit dahil sa nangyari no’ng gabing ’yon. Pero ang galit na iyon din ang naging dahilan kung bakit ako nagsumikap. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa anak ko. “Sige na, umalis ka na. Kanina pa naghihintay ang sundo mo,” sabi ni Alex. Yumakap ako sa kanya. Pagkatapos ay humalik ako sa noo ni Zailyn. Isang sulyap pa sa kanila bago ako tuluyang lumabas. *** After twenty-two hours, lumapag din sa wakas ang eroplano. Agad akong sinalubong ng mainit na hangin ng Maynila paglabas ko. Pamilyar pa rin ang lugar. Pati ang pakiramdam na matagal ko na sanang kinalimutan. Pero ngayon, bumalik ulit sa isip ko. “Miss Sarcova?” Lumingon ako sa lalaking nakasuot ng itim na suit na may hawak na placard. “I'm Milo. Ang sundo mo po.” Tumango ako. “Nice to meet you.” Inabot niya ang isa sa mga maleta ko. “Diretso na po ba tayo sa hotel, Ms. Sarcova?” “Yes. Kailangan ko ng pahinga.” Tahimik kaming naglakad palabas ng airport. “Kailan available ang boss mo na makipagkita?” agad kong tanong nang nasa sasakyan na kami. “As soon as his schedule clears up.” Napataas ang isang kilay ko. “So, paghihintayin niya ako?” “Hindi naman po sa gano'n. Gusto lang po ng CEO na makapagpahinga muna kayo.” “Well, sabihin mo sa kanya na hindi ako nagpapahinga. Kung maaari, gusto kong matapos agad ang pakay ko rito.” Tumango siya nang hindi na tumingin sa akin. “Ipaparating ko po.” Hindi na siya muling nagsalita. Pero nahuhuli ko siyang tumingin sa rear-view mirror. Medyo bumakas kasi ang inis sa boses ko. Siguro iniisip niyang masama ang ugali ko. Diretso niya akong hinatid sa room ko sa eighteenth floor. Pinasok niya ang maleta ko at saka yumuko nang bahagya. “Mauna na po ako, Ms. Sarcova.” “Thank you… Update mo agad ako sa plano ng boss mo.” “Yes, ma'am.” Agad kong isinara ang pinto at humilata sa kama. Pero napabangon din ako nang mapatingin sa oras. Alas-otso ng gabi rito sa Pilipinas. Umaga naman sa New York. Tamang-tama. Gising na si Zailyn ngayon. Agad kong tinawagan ang anak ko. “Baby!” Pero imbes na ngumiti, nakasimangot siyang humarap sa camera. “Mommy, why did you leave?” Napakagat ako sa labi. “Sorry na, baby. Gusto pa sana kitang hintaying magising, pero mahuhuli na ako sa flight ko.” Humalukipkip siya. “Gusto kong pumunta sa’yo, Mommy.” Sa gilid ng screen, napailing si Alex. “Hindi puwede. Magagalit ang mga katrabaho ni Mommy. Bawal ang baby do’n.” “Exactly,” singit ko. “Pero kapag natapos na ang work ko, babalik agad ako. Tapos pupunta tayo sa zoo.” “Promise?” “Promise, baby.” Doon lang siya ngumiti. Nagkatinginan na naman kami ni Alex. “Okay, that's enough. Mommy's tired. She needs to rest. At ikaw naman, maliligo ka na kasi may pasok ka pa.” Nakangiti ako hanggang sa mag-off ang screen. Pero sumikip ang dibdib ko. Ngayon lang ako nalayo sa anak ko nang ganito. Oo, madalas, busy ako, pero sinisiguro kong hindi ako mawawalan ng oras sa kanya. Muli akong humiga. Pagod ako, pero hindi naman ako makatulog. Pagulong-gulong ako sa kama. Nakakabagot ang walang ginagawa. Napatingin pa ako sa kisame at agad na ipinikit ang mga mata ko. Naalala ko na naman ang gabing ’yon. Ang mukha ng lalaki… Kaya ayokong mag-stay sa hotel. Naalala ko ang nakakagalit na gabing iyon. Tumayo ako. Naisipan kong lumabas. Nagpalakad-lakad ako hanggang mapadaan ako sa isang bar na malapit sa hotel. Puno ng tao ang lugar. May malakas na tugtog at makukulay na ilaw. Lahat ay nagsasayawan. Um-order ako ng isang cocktail. Then nasundan pa ng isa. At isa pa... Medyo ramdam ko na ang tama. Nakikiindak na rin ako sa tugtog kasama ang mga taong hindi ko naman kilala. Hanggang sa may humawak sa pulso ko. “Ano ba! Nasasaktan ako!” Pilit kong kinalas ang kamay niya, pero mas humigpit lang. “Sino ka ba?” Saktong nasinagan ng ilaw ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. Nanigas sa kinatatayuan ko. “Rover?” “Nakita rin kita.” Hinila niya ako palayo sa dance floor. “R-Rover!” “Bakit ka nawala? Bakit mo ako iniwan?” Mas humigpit ang hawak niya. “Five years, Zy.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumalik lahat ng galit ko sa kanya no’ng gabing ‘yon. Pero hindi ako sumagot. Anong silbi pa? Ang mahalaga ngayon, makawala ako sa hawak niya at makalayo. Sinusubukan kong alisin ang kamay niya. “Sumagot ka—” “Bitawan mo muna ako.” Nagpalinga-linga ako. Naghahanap ng puwedeng makatulong sa akin nang hindi gumagawa ng eksena. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa bar counter. Sa lalaking kasalukuyang umo-order ng wine. Hindi na ako nag-isip. Mabilis kong hinablot ang kamay ko kay Rover at yumakap sa estranghero. “Honey...” Ramdam kong nanigas siya nang idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya. “Please,” bulong ko. “Help me.” Nagmumura na si Rover sa likod ko. Ayokong lumapit pa siya, kaya mabilis kong hinapit ang batok ng lalaki at hinalikan siya. Nanlaki ang mga mata ko nang lumapat ang labi ko sa kanya. Nanlaki rin ang mga mata niya. At pareho kaming hindi gumalaw. Hanggang sa narinig kong sunod-sunod ang pagmumura ni Rover. Pagkatapos ay nawala ang boses niya. Dahan-dahan akong lumayo at tumingin sa likuran ko. Napabuga ako ng hangin nang hindi ko na siya makita. Pero agad ding bumalik ang tingin ko sa lalaki nang maramdaman kong may gumapang na kamay sa hita ko. “Anong ginagawa mo?” Agad akong tumayo at sinampal siya. Umalingawngaw ang tunog no’n sa pagitan namin. Natahimik ang ilang taong malapit sa amin. Napapatingin ang iba ay nabulungan pa. “Bastos!” Tumalikod ako, balak nang umalis. Pero bigla niya akong binuhat at isinampay sa balikat niya. “Ibaba mo ako! Bastos ka!” Nagpumiglas ako. “Stop moving.” “Kidnapping ‘to!” Hindi siya sumagot. Diretso lang siyang naglakad palabas ng bar. Mas lalo pa akong nagwala. “Ibaba mo ako!” Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko ay napunta na sa ulo ko. Ang sakit na at mas nahihilo na ako. Gusto kong humingi ng tulong, pero wala akong makita kundi ang likod niya at ang sahig. Ilang sandali pa ay huminto siya, saka niya ako ibinaba. Pagkalapat ng mga paa ko sa lupa, agad ko siyang sinampal ulit. Tumabingi ang mukha niya. Balak ko sanang tumakbo. Pero mabilis niyang ibinakod ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko. Tinulak ko siya. “Harassment itong ginagawa mo—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Siniil niya ako ng halik habang hawak ang mga pulso ko. Kinagat ko ang labi niya. Napilitan siyang tumigil. Pero hindi pa rin niya ako pinakawalan. Kuyom ang kamao ko na tumitig sa kanya. Gustong lumaban, kaya lang, wala na akong lakas. Anong klaseng tao ba ‘tong naka-inkwentro ko? “Alam mo ba kung ano ang pinakaayaw ko?” Mababa ang boses niya. Madiin. Parang may tinatanim siyang bomba sa loob ko. Hindi ako nakasagot. “Ayokong gamitin ako ng ibang tao at pagkatapos ay aaktong walang nangyari.” Saktong nasinagan ng ilaw ang mukha niya. At parang tumigil ang paghinga ko. Nanlambot ang mga binti ko. Imposible ‘to…” Napapailing ako. Limang taon na ang lumipas, pero hindi ko pa rin makakalimutan ang mukha. Siya ‘yon… Siya ang lalaking sa hotel.ZYLA SANDRA SARCOVA“Bian—”Magsasalita na sana si Zadrick, pero natahimik nang biglang humagalpak ng tawa si Alex sa tabi ko.Pumalakpak pa siya nang malakas na parang nanonood ng nakakatawang palabas.Lumingon ako sa kanya. Pinanliitan siya ng mata.“Alex…” Pinapatigil ko siya. Pero tawa pa rin siya nang tawa.Tuluyang nabasag ang nakakakabang tensyon sa kwarto. Napalitan ng pagtataka at parang nabuwisit pa sina Ma’am Diana at Sir Mavrick kay Alex.“What’s so funny?” singhal ni Bianca. Biglang nawala ang fragile act niya.“Ikaw… nakakatawa!” Nang-uuyam na ngumiti si Alex.Dinuro niya si Alex. “Shut up!”“Oh…” Kaagad namang nagtakip ng bibig si Alex na parang nagulat sa inasta ni Bianca. “Sorry… sorry, tuluyang nawala ang fragile act mo dahil sa tawa ko!”“Alex…” Pinanliitan ko na naman siya ng mata. Pinapatahimik siya, pero kilala ko si Alex. Walang makakapigil sa kaniya kapag sinumpong siya ng pagiging palaban.Humakbang pa siya palapit sa kama ni Bianca.“Who do you think you are?”
ZYLA SANDRA SARCOVATumayo ako. Pero mabilis na hinawakan ni Alex ang kamay ko.Wala siyang sinabi, pero ang mga mata niya ay tumutol na kausapin ko si Bianca.Ngumiti ako at tinapik ang kamay niya. “Ayos lang ako,” pahiwatig ko bago ako tuluyang tumayo.Agad namang tumalikod si Bianca at naglakad papunta sa p***o na para bang siya ang bida sa eksenang ito at ako ay isang extra lang na kailangang sumunod sa kanya.Uminit ang bumbunan ko. Parang lumabas ang sungay ko.Hinintay kong mabuksan niya ang p***o at nang mabuksan niya, nauna akong lumabas na parang pinagbuksan ako ng guard.Napatigil siya. Isang segundo ring nawala ang kaniyang signature na poise at composure.Tumaas ang isang kilay niya. Bubuka sana ang bibig…“’Wag na tayong lumayo. Do’n na tayo mag-usap.”Itinuro ko ang maliit na café malapit sa aming showroom.“I don't go to cheap cafés like that,” maarte niyang reklamo.Kung kanina ay sungay lang ang tumubo sa akin, ngayon ay pati pangil na. Hinarap ko siya nang buong tapa
ZYLA SANDRA SARCOVAKasal? Paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang salitang ’yon.Utak ko, nagkagulo-gulo na naman. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito sa showroom.Pangalawang beses na niya akong niyaya na pakasalan siya.Hindi ako nagtanong kung seryoso siya, at hindi rin ako sumagot. Kasi naman… ang gulo-gulo pa ng sitwasyon.Siguro, tama siya. Iyon ang magandang solusyon para tumigil na si Bianca. Pero ayaw kong maging makasarili. Hindi lang naman kasi ito simpleng love triangle. Involved ang mga magulang ni Zadrick at si Zailyn.Kaya kahit ang totoo, gusto kong mag-yes kanina, pinili kong huwag na lang sumagot.“Hoy!” Napamulagat ako nang may tumapik sa balikat ko.Si Alex.Nakahalukipkip siyang napapailing habang nakatingin sa akin.“Bakit lutang ka na naman?” tanong niya.Umayos ako sa pag-upo. “Hindi ako lutang.”Umupo sa tabi ko si Alex. “Hindi ka nga lutang, tulala lang,” pambubwisit niya bago tumawa.Inismiran ko lang siya at humarap uli sa laptop ko. Pero wal
ZYLA SANDRA SARCOVABinawi ko ang kamay ko nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni Zadrick."Zadrick..." Mabilis kong kinulong ang pisngi niya sa mga palad ko."Iyakin ka pala..."Gulat siyang napatingin sa akin. Natawa kasi ako. Pero agad naman akong tumigil.Dahan-dahan niya kasing inalis ang mga kamay ko sa pisngi niya at pinahid ang mga luha. Pero imbes na kumalma siya, lalong bumakas ang lungkot at tampo sa mukha niya."Sinong hindi maiiyak? Iiwan ako ng mahal ko—"Natawa na naman ako. Para kasi siyang bata. “’Wag ka nang umiyak—” Pinutol ko ang sinasabi niya sa isang mabilis na halik na ikinalaki ng mga mata niya.Ramdam ko ring nanigas siya, pero hindi nagtagal ay gumanti rin siya ng halik. Hinapit niya ang baywang ko para mas mapalalim ang halik.Napangiti ako. Ramdam ko kasi na napapangiti siya.“Zy…” Pareho kaming kapos sa hininga nang matapos ang mahabang halik na ‘yon.Nakalapat na ang noo niya sa noo ko, habang ang mga daliri niya ay patuloy na humahaplos sa gilid n
ZYLA SANDRA SARCOVA“Aalis ka?”Malamig at mariin ang boses ni Zadrick. Pero wala sa akin ang tingin niya; nasa mommy niya.Tumikhim si Ma’am Diana at sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin kay Zadrick.Pero hindi siya nagsalita. Nagtitigan lang silang dalawa.Ayaw ko sa eksenang ’to. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng hidwaan nila. Lalong ayaw kong piliting buuin ang pamilyang pangarap ni Zailyn, pero may nasisira naman akong iba.Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Zadrick.Bumitiw siya, ngunit bago pa ako makahakbang palayo, inilingkis niya ang bisig niya sa baywang ko.Sobrang higpit na parang ayaw niyang makawala ako.“Zadrick…”Kakalasin ko na naman sana ang kamay niya, pero pinanliitan niya ako ng mata bago muling ibinalik ang matalim na titig sa mommy niya.“Ano’ng sinabi mo sa kaniya?”Buo ang boses ni Zadrick. Madiin, na parang nagbabanta.“Wala,” agad na depensa ni Ma’am Diana, pero bahagyang nauutal. “I only told her about Bianca’s condition—”
ZYLA SANDRA SARCOVAKaagad na sinabi ni Zadrick kay Jet kung saang ospital kami pupunta nang matanggap niya ang mensahe ni Ma’am Diana.Buong biyahe kaming magkahawak-kamay. Walang nagsasalita sa amin, pero ramdam na ramdam ko na pareho kaming nakaramdam ng matinding kaba.Hindi siya mapakali. Paulit-ulit siyang napabuntong-hininga.Nang makarating kami sa emergency room, natanaw agad namin sina Ma’am Diana at Sir Mavrick na may kausap na doktor.Sabay kaming napahawak ni Zadrick sa aming mga dibdib at nakahinga nang maluwag.“Okay sila. Hindi sila ang na-ospital,” nasabi ni Zadrick, napapangiti pa.Subalit pansin kong mahigpit ang hawak nila sa kamay ng isa’t isa habang nakatutok ang buong atensyon sa doktor.Paminsan-minsan din silang sumusulyap sa ibang direksyon na hindi namin nakikita.“Pasok na tayo…”Papasok na sana kami, pero agad kaming hinarang ng guard.“Sir, Ma’am… Maraming tao na po sa loob.”“May pasyente kami sa loob,” sabi ni Zadrcik.“May kasama na po ba ang pasyente?”







