Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 119 — Ex-Fiancée Strikes Again

Share

CHAPTER 119 — Ex-Fiancée Strikes Again

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-09-16 00:21:22
ZYLA SANDRA SARCOVA

Tumayo ako. Pero mabilis na hinawakan ni Alex ang kamay ko.

Wala siyang sinabi, pero ang mga mata niya ay tumutol na kausapin ko si Bianca.

Ngumiti ako at tinapik ang kamay niya. “Ayos lang ako,” pahiwatig ko bago ako tuluyang tumayo.

Agad namang tumalikod si Bianca at naglakad papunta sa p***o na para bang siya ang bida sa eksenang ito at ako ay isang extra lang na kailangang sumunod sa kanya.

Uminit ang bumbunan ko. Parang lumabas ang sungay ko.

Hinintay kong mabuksan niya
sweetjelly

Habol pa ako ng isa, para sulit ang puyat.

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Nasubrahan ang pag-ka-bright kahit mapilay ginawa parin para bigyan ng kasalanan si Zyla,sana hindi maniwala si Zadrick hindi siya mag-pakà-bobo baka yon ang dahilan sa hiwalayan nila at huli nang mag-sisi
goodnovel comment avatar
Nikki Angela G Escol
Thanks miss A hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 120 — Malinaw Na Sagot

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Bian—”Magsasalita na sana si Zadrick, pero natahimik nang biglang humagalpak ng tawa si Alex sa tabi ko.Pumalakpak pa siya nang malakas na parang nanonood ng nakakatawang palabas.Lumingon ako sa kanya. Pinanliitan siya ng mata.“Alex…” Pinapatigil ko siya. Pero tawa pa rin siya nang tawa.Tuluyang nabasag ang nakakakabang tensyon sa kwarto. Napalitan ng pagtataka at parang nabuwisit pa sina Ma’am Diana at Sir Mavrick kay Alex.“What’s so funny?” singhal ni Bianca. Biglang nawala ang fragile act niya.“Ikaw… nakakatawa!” Nang-uuyam na ngumiti si Alex.Dinuro niya si Alex. “Shut up!”“Oh…” Kaagad namang nagtakip ng bibig si Alex na parang nagulat sa inasta ni Bianca. “Sorry… sorry, tuluyang nawala ang fragile act mo dahil sa tawa ko!”“Alex…” Pinanliitan ko na naman siya ng mata. Pinapatahimik siya, pero kilala ko si Alex. Walang makakapigil sa kaniya kapag sinumpong siya ng pagiging palaban.Humakbang pa siya palapit sa kama ni Bianca.“Who do you think you are?”

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 119 — Ex-Fiancée Strikes Again

    ZYLA SANDRA SARCOVATumayo ako. Pero mabilis na hinawakan ni Alex ang kamay ko.Wala siyang sinabi, pero ang mga mata niya ay tumutol na kausapin ko si Bianca.Ngumiti ako at tinapik ang kamay niya. “Ayos lang ako,” pahiwatig ko bago ako tuluyang tumayo.Agad namang tumalikod si Bianca at naglakad papunta sa p***o na para bang siya ang bida sa eksenang ito at ako ay isang extra lang na kailangang sumunod sa kanya.Uminit ang bumbunan ko. Parang lumabas ang sungay ko.Hinintay kong mabuksan niya ang p***o at nang mabuksan niya, nauna akong lumabas na parang pinagbuksan ako ng guard.Napatigil siya. Isang segundo ring nawala ang kaniyang signature na poise at composure.Tumaas ang isang kilay niya. Bubuka sana ang bibig…“’Wag na tayong lumayo. Do’n na tayo mag-usap.”Itinuro ko ang maliit na café malapit sa aming showroom.“I don't go to cheap cafés like that,” maarte niyang reklamo.Kung kanina ay sungay lang ang tumubo sa akin, ngayon ay pati pangil na. Hinarap ko siya nang buong tapa

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 118 — Ang Malditang Ex Fiancée

    ZYLA SANDRA SARCOVAKasal? Paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang salitang ’yon.Utak ko, nagkagulo-gulo na naman. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito sa showroom.Pangalawang beses na niya akong niyaya na pakasalan siya.Hindi ako nagtanong kung seryoso siya, at hindi rin ako sumagot. Kasi naman… ang gulo-gulo pa ng sitwasyon.Siguro, tama siya. Iyon ang magandang solusyon para tumigil na si Bianca. Pero ayaw kong maging makasarili. Hindi lang naman kasi ito simpleng love triangle. Involved ang mga magulang ni Zadrick at si Zailyn.Kaya kahit ang totoo, gusto kong mag-yes kanina, pinili kong huwag na lang sumagot.“Hoy!” Napamulagat ako nang may tumapik sa balikat ko.Si Alex.Nakahalukipkip siyang napapailing habang nakatingin sa akin.“Bakit lutang ka na naman?” tanong niya.Umayos ako sa pag-upo. “Hindi ako lutang.”Umupo sa tabi ko si Alex. “Hindi ka nga lutang, tulala lang,” pambubwisit niya bago tumawa.Inismiran ko lang siya at humarap uli sa laptop ko. Pero wal

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 117 — Pakasal Na Tayo

    ZYLA SANDRA SARCOVABinawi ko ang kamay ko nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni Zadrick."Zadrick..." Mabilis kong kinulong ang pisngi niya sa mga palad ko."Iyakin ka pala..."Gulat siyang napatingin sa akin. Natawa kasi ako. Pero agad naman akong tumigil.Dahan-dahan niya kasing inalis ang mga kamay ko sa pisngi niya at pinahid ang mga luha. Pero imbes na kumalma siya, lalong bumakas ang lungkot at tampo sa mukha niya."Sinong hindi maiiyak? Iiwan ako ng mahal ko—"Natawa na naman ako. Para kasi siyang bata. “’Wag ka nang umiyak—” Pinutol ko ang sinasabi niya sa isang mabilis na halik na ikinalaki ng mga mata niya.Ramdam ko ring nanigas siya, pero hindi nagtagal ay gumanti rin siya ng halik. Hinapit niya ang baywang ko para mas mapalalim ang halik.Napangiti ako. Ramdam ko kasi na napapangiti siya.“Zy…” Pareho kaming kapos sa hininga nang matapos ang mahabang halik na ‘yon.Nakalapat na ang noo niya sa noo ko, habang ang mga daliri niya ay patuloy na humahaplos sa gilid n

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 116—Huwag Kang Umalis

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Aalis ka?”Malamig at mariin ang boses ni Zadrick. Pero wala sa akin ang tingin niya; nasa mommy niya.Tumikhim si Ma’am Diana at sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin kay Zadrick.Pero hindi siya nagsalita. Nagtitigan lang silang dalawa.Ayaw ko sa eksenang ’to. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng hidwaan nila. Lalong ayaw kong piliting buuin ang pamilyang pangarap ni Zailyn, pero may nasisira naman akong iba.Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Zadrick.Bumitiw siya, ngunit bago pa ako makahakbang palayo, inilingkis niya ang bisig niya sa baywang ko.Sobrang higpit na parang ayaw niyang makawala ako.“Zadrick…”Kakalasin ko na naman sana ang kamay niya, pero pinanliitan niya ako ng mata bago muling ibinalik ang matalim na titig sa mommy niya.“Ano’ng sinabi mo sa kaniya?”Buo ang boses ni Zadrick. Madiin, na parang nagbabanta.“Wala,” agad na depensa ni Ma’am Diana, pero bahagyang nauutal. “I only told her about Bianca’s condition—”

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 115 — Patikim Na Saya

    ZYLA SANDRA SARCOVAKaagad na sinabi ni Zadrick kay Jet kung saang ospital kami pupunta nang matanggap niya ang mensahe ni Ma’am Diana.Buong biyahe kaming magkahawak-kamay. Walang nagsasalita sa amin, pero ramdam na ramdam ko na pareho kaming nakaramdam ng matinding kaba.Hindi siya mapakali. Paulit-ulit siyang napabuntong-hininga.Nang makarating kami sa emergency room, natanaw agad namin sina Ma’am Diana at Sir Mavrick na may kausap na doktor.Sabay kaming napahawak ni Zadrick sa aming mga dibdib at nakahinga nang maluwag.“Okay sila. Hindi sila ang na-ospital,” nasabi ni Zadrick, napapangiti pa.Subalit pansin kong mahigpit ang hawak nila sa kamay ng isa’t isa habang nakatutok ang buong atensyon sa doktor.Paminsan-minsan din silang sumusulyap sa ibang direksyon na hindi namin nakikita.“Pasok na tayo…”Papasok na sana kami, pero agad kaming hinarang ng guard.“Sir, Ma’am… Maraming tao na po sa loob.”“May pasyente kami sa loob,” sabi ni Zadrcik.“May kasama na po ba ang pasyente?”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status