Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 56 — THE PROMISE I FORGOT

Share

CHAPTER 56 — THE PROMISE I FORGOT

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-11-17 00:01:12

ZAILYN

“W-Wala akong ibang intensyon, Zai…”

Nauutal siyang paulit-ulit na umiling.

“Then tell me. Ano ba talaga ang intensyon mo?”

Huminga siya nang malalim bago ako tiningnan.

“Gusto ko lang mapalapit sa'yo. I was hoping na balang araw, maalala mo rin ako. Akala ko, habang magkasama tayo, unti-unti mo akong maaalala.”

Saglit siyang tumigil at napabuntong-hininga, na para bang siya ang mas nasasaktan sa nangyayari ngayon.

“But until now, you still don't remember me—”

“Bakit kasi pinag-iisip mo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Si Zailyn pala talàga ang nangako na si Nicolo talaga ang papakasalan pag-laki nya,at nakalimutan lang nya yon
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Cellphone na naman ang gamit ko... Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito at magbabasa pa... Pahirapan sa promotion ngayon, kasi parang hindi na to visible sa app... hindi makasabay sa mga trending book.♡⁠(⁠Ӧ⁠v⁠Ӧ⁠。⁠)꒰⁠⑅⁠ᵕ⁠༚⁠ᵕ⁠꒱⁠˖⁠♡
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 56 — THE PROMISE I FORGOT

    ZAILYN“W-Wala akong ibang intensyon, Zai…”Nauutal siyang paulit-ulit na umiling.“Then tell me. Ano ba talaga ang intensyon mo?”Huminga siya nang malalim bago ako tiningnan.“Gusto ko lang mapalapit sa'yo. I was hoping na balang araw, maalala mo rin ako. Akala ko, habang magkasama tayo, unti-unti mo akong maaalala.”Saglit siyang tumigil at napabuntong-hininga, na para bang siya ang mas nasasaktan sa nangyayari ngayon.“But until now, you still don't remember me—”“Bakit kasi pinag-iisip mo pa ako?” sabat ko, dahilan para bigla siyang tumahimik.Paulit-ulit na akong nagtanong, eh. Pero ang arte niya. Kailangan pa ako mismo ang makaalala.“Zai… huwag ka na magalit, please—”“So, ano'ng gusto mo? Ngingiti lang ako kahit nagsinungaling ka?”“Hindi…” Lumabi siya at pinalantik ang mga pilikmata.Akala yata madadala ako sa paganyan-ganyan niya.“Karapatan mong magalit…”“Ilang beses kong hiniling na sabihin mo na lang sa akin. Pero gusto mo yatang sumakit ang ulo ko kakaisip!”“Hindi 'yo

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 55—WHEN SECRETS COME TO LIGHT

    ZAILYN“Nicolo?”Hindi ko napigilang mapanganga. Ilang segundo pa akong napatitig lang sa kaniya.Sabi na nga ba… kahit iniba niya ang boses niya, pamilyar pa rin.“Surprise, mahal ko,” nakangiti niyang bati.Napangiti rin ako, pero mahina ko siyang hinampas. “Talagang na-surprise ako…” Niyakap ko siya. “Alam mo bang ikaw ang iniisip ko kanina? Ikaw ang hinihintay ko.”“Really?” Inismiran niya ako. “And yet, you still danced with someone you didn't know…”“Sabi ko nga, ibang klase kang umaya ng sayaw. Hindi pa nga ako nakakatanggi, hinila mo na ako sa dance floor. Ayaw ko namang gumawa ng eksena sa anniversary nina Lolo at Lola…”Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. “Binibiro ka lang naman… ang haba na agad ng paliwanag mo.”“Ayaw kong mag-isip ka ng masama.”Hinapit naman niya ang baywang ko at hinila ako palapit sa kaniya.“Don't worry. I trust you. But still, kailangan mong bumawi mamaya.”Nakiliti ako nang dumampi ang labi niya sa tainga ko.Saka ko lang napansin na halos sa

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 54 — THE MAN BEHIND THE MASK

    ZAILYNAlas-singko pa lang ng hapon, abala na ang lahat sa paghahanda para sa golden wedding anniversary nina Lolo at Lola.Sa malawak na garden ng Vandal Estate gaganapin ang celebration. Pinalamutian iyon ng eleganteng floral arrangements, crystal chandeliers na nakasabit sa malalaking canopy, at maliliit na ilaw na nagbibigay ng soft glow sa buong paligid. May malaking stage sa harap, habang maayos na nakahanay ang mga round tables na may magagandang centerpiece at fine dining arrangements.May iba't ibang pagkain mula sa local at international cuisine, kasama ang dessert stations at bar na may professional bartenders.Bongga talaga. Kasi hindi araw-araw ipinagdiriwang ang limampung taon ng pagsasama.Bago mag-alas-sais, dumating na ang mga inimbitahan kong katrabaho mula sa research lab. Kasama nila si Prof. Tobias, Khieran, at Monette. Pinasundo ko sila gamit ang isang helicopter para hindi na sila mahirapan sa biyahe.Halos hindi sila makapaniwala nang bumaba sila mula sa helicop

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 53 — SOMETHING ABOUT HIM

    ZAILYN Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nicolo. “Whatever happens… whatever you may find out about me…” Ano ba ang ibig niyang sabihin? May problema ba siya? May nangyari ba na hindi ko alam? O may tinatago nga siya sa akin? “Nicolo, anong ibig mong sabihin? Anong problema?” Bahagya niyang inilayo ang mukha niya sa akin. Akala ko sasagot siya, pero hinaplos niya lang ang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko. Ayon na naman ang kakaibang ekspresyon niya. Hindi takot, hindi rin lungkot. Basta ang hirap intindihin. “Walang problema.” Ngumiti siya. Ngiting totoong masaya. Hay naku. Mababaliw na yata ako dahil sa kaniya. Kinunutan ko siya ng noo at tinaasan pa ng kilay para alam niyang hindi ako kumakagat sa paliwanag niyang lalo lang akong naguguluhan. Hinaplos niya ang noo ko at marahang inayos ang pagkakakunot niyon. “You’re overthinking. Ang gusto ko lang naman maging malinaw… lahat ng ginagawa ko, para sa atin. Para makasama kita… tulad ngayon.” “Ang linaw-linaw na n

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 52 — ONLY YOU, NOW AND FOREVER

    ZAILYNNapakagaan ng pakiramdam ko habang nagtatrabaho. 'Yong feeling na kahit pagod ka, happy pa rin.Dahil 'yon kay Nicolo. Ang happy pill ko.Naging maganda rin ang usad ng research. Natapos na rin namin ang mga kailangang ulitin na tests.Matapos ang ilang araw ng pag-aalala at pag-double-check sa bawat record, maayos na naming na-verify ang lahat ng results.Wala nang problema sa sample identification, at kumpleto na rin ang data na kailangan namin para sa evaluation ng candidate compound.“Finally! We can move forward,” masayang sabi ni Khieran habang tinitingnan ang huling report sa tablet niya.Napangiti ako. “Akala ko nga hindi na tayo matatapos dito.”“Don't say that. Baka marinig ka na naman ng universe at bigyan na naman tayo ng bagong problema.”“Huwag naman sana.”Maya-maya, pumasok si Prof. Tobias at agad kaming tinanong tungkol sa final results. Inilahad namin ang naging proseso ng verification at ang mga natuklasan namin sa mga naulit na tests.Maingat niyang sinuri an

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 51 — A WEEK OF SECRETS

    ZAILYN“Good morning, mahal ko…”Malambing na bati at matamis na ngiti ang bungad ni Nicolo nang magising ako.Ayon na nga… Dahil mas lumakas ang ulan at hangin kagabi, dito na nga siya natulog.Pero hindi sa tabi ko. Kundi sa sala.Kahit gusto ko naman talaga ang delikadong sitwasyon sa tabi niya, ayaw pa rin ng utak ko. Hindi ko pa siya napapakilala sa mga magulang ko, kaya off-limits muna siya sa kama ko.“Good morning… Ang aga mo namang gumising.”“Of course. I had to make sure everything was ready before you woke up,” sagot niya habang inaabot ang kamay ko.Bumangon ako at agad niya akong inalalayan, na para bang bata akong kailangan pang gabayan.OA rin talaga siya minsan.“Nicolo, masyado mo naman akong ini-spoil. Baka masanay ako at hindi na ako mabuhay nang wala ka.”Kaagad siyang ngumiti bago ako niyakap.“That's exactly what I want, mahal. I want you to get used to having me around. I want us to be together for the rest of our lives.”At ayan na naman siya. Sinamantala ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status